By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 5 (PIA) -- Sa ika-apat na pagkakataon, muling nabigyang parangal at pagkilala ang mga Local Project Monitoring Committee (PRMCs) ng lalawigan ng Sorsogon sa nakaraang Regional Development Council (RDC) full council meeting kamakailan.
Isinagawa ang parangal sa mismong tanggapan ng National Economic Development Authority (NEDA).
Ayon kay Sorsogon public information officer Von Labalan, ang ginawang ebalwasyon ay nakabase sa 2012 Quarterly Project Monitoring Report n isinumite ng mga LPMC. Layunin nitong hikayatin, palakasin pa at masustine ang mga LPMC sa monitoring development project nito sa kategoryang probinsyal, municipal at lungsod.
Aniya, kabilang sa mga nagsagawa ng ebalwasyon sa mga naparangalan ay ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), Presidential Management Staff-Office of the President at NEDA sa tulong ng Regional Project Monitoring Committee Secretariat.
Matatandaang nakuha na ng Provincial Project Monitoring Committee (PPMC) ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon sa ilalim ng pamumuno ni Governor Raul R. Lee ang 2011’s Most Outstanding Local Project Monitoring Committee (LPMC) sa annual search na pinangunahan ng Regional Project Monitoring and Evaluation System (RPMES). Pumangalawa lamang sa Sorsogon ang Naga, habang pumangatlo ang Legaspi City.
Nakuha din ng PPMC Sorsogon ang pangatlong pwesto sa nakalipas na dalawang magkasunod na taon, 2009 at 2010, maliban pa sa pagkilala dito bilang regular na gumagawa ng mga monitoring activity bilang suporta sa RPMES.
Ang Project Monitoring Committee ng lalawigan ng Sorsogon ay nabuo sa bisa ng mga sumusunod na atas Executive Order No 4, petsa Abril 4, 2008.; Executive Order No 93 Series of 1993; at ang Department of Interior and Local Government’s (DILG) Memorandum Circular No 2004-78. Kabilang sa mga mandatory members nito alinsunod sa Section 4.1 ng RPMES Operational Manual ay ang DILG director, budget officer, treasurer, accountant, engineer ng probinsiya at dalawang kinatawan mula sa non-government organization o people’s organization.
Sa ilalim ng Provincial Development Council (PDC), ang PPMC ay binuo sa pamamagitan ng isang Secretariat na kinabibilangan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Engineer’s Office (PEO), at Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC).
Ipinaliwanag naman kay PPDO Chief Dominador O. Jardin ang kahalagahan ng pagkilalang ito sa Annual Accomplishment Report ng PPMC para sa probinsya ng Sorsogon kung saan nakapaloob ditto ang PPMC Organizational Chart, Work Programme; Highlights of Accomplishments; minutes ng quarterly meetings; field monitoring validations; financial/ physical accomplishment ng capital investment; at ang social at economic programs/ projects ng Sorsogon. (MAL/BAR/PIA5, Sorsogon)

No comments:
Post a Comment