LUNGSOD NG NAGA, Okt. 21 (PIA) --- Pinangunahan ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa rehiyon Bicol ang ika-6 na Bicol Organic Agriculture Congress na ginanap sa Lungsod ng Naga noong nakaraang linggo. Katuwang ng naturang ahensya sa naturang aktibidad ang katulong ang Pecuaria Development ooperative, Camarines Sur Organic Agriculture Industry Development Council at Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).
Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng halos 600 na mga organic agriculture practitioners, enthusiasts, advocates, stakeholders, at program implementers mula sa iba’t ibang panig ng Rehiyon Bicol upang malaman ang kaganapan, maibahagi ng karanasan at ang pag-aaral tungkol sa organic agriculture.
"Organikong Agrikultura:. Kalusugan at Kayamanan para Bicolanos" ang naging tema ng pagtitipon kung saan naging tampok ang isang trade fair exhibit na nagpakitang mga produktong natural at organic.
Ayon kay Director Leo CastaƱeda ng Bureau of Agriculture and Fisheries Product Standards na siyang keynote speaker sa ginawang organic agriculture congress, umaasa siya na mas lalo pang dadami ang bilang ng mga organic practitioners sa susunod na pagtitipon. Inaasahan din ng mga organizers na mas marami pang mga LGUs ang mag bibigay ng suporta sa organic agriculture.
Idinagdag pa ni CastaƱeda na nabigyan ng parangal ang lokal na pamahalaan ng Goa bilang Outstanding LGU dahil sa matagumpay na pagpapatupad nito ng Organic Agriculture Program sa pamagitan ni Arlene Dayo na siyang focal person on organic agriculture. Isang milyong piso ang nakuha nitong premyo sa ginawang national awarding sa Metro Manila kamakailan lamang.
Samantala, pinarangalan din ang iba pang magsasaka at LGUs sa ginawang Gawad Saka ceremonies ng Department of Agriculture sa Bicol.
Ang mga Gawad Saka individual awardees na mula sa Lalawigan ng Camarines Sur ay sina Angelito Cerillo ng Barangay Libod, Tigaon, Camarines Sur – bilang Outstanding corn farmer; Barangay Food Terminal naman ang Barangay Del Rosario, Iriga City sa pamagitan ng Banao Farmer Association bilang Outstanding Barangay Food Terminal.
Regional outstanding rural woman naman si Adelia Q. Magsino ng Goa, Camarines Sur na tumanggap ng cash prize na P20,000 at plaque of commendation. Si Myrna C. Asor ng bayan ng Goa na naging National Outstanding Rural Woman noong 2011 ay binigyan din ng special award and recognition sa pagiging Asia Pacific Model Farmers.(MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

No comments:
Post a Comment