BY: REYJUN VILLAMONTE
DAET, Camarines Norte, Nobyembre 12 (PIA) -- Naapektuhan ang 38 ektaryang taniman ng palay sa Camarines Norte kung saan 37 magsasaka ang apektado nito sa mga bayan ng Mercedes, San Vicente at Sta. Elena.
Ito ay batay sa inisyal na ulat ng mga Municipal Agriculturist Office na ipinaabot sa tanggapan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon sa pahayag ni Provincial Rice Report Officer Maria V. de Jesus ng OPAG, 21 ektaryang taniman ang may pag-asa pang mabuhay o mahigit 83 toneladang palay na umaabot sa halagang mahigit isang P1 milyon samantalang 17 ektarya naman ang wala ng pag-asa.
Wala namang naapektuhang palayan sa mga bayan ng Basud, Capalonga, Labo, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Vinzons.
Apektado rin ang mga pangisdaan sa bayan ng Vinzons kung saan mas malaki ang naapektuhan sa sea weeds na umaabot sa 50 tonelada ang napinsala katumbas ng halagang mahigit sa P1 milyon.
Hinihintay naman sa ngayon ang mga bayan ng Daet, Jose Panganiban at Talisay para sa mga karagdagan na ulat sa mga napinsalang pang-agrikultura.
Samantala, kaugnay pa rin ng bagyong Yolanda, isa ang naitalang patay sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa ipinalabas na ulat ng tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng pamahalaang panlalawigan.
Ang biktima ay pauwi sa kanilang tahanan kung saan ito ay tumatawid ng ilog, dahil sa lakas ng hangin at pag-ulan ay nawalan ito ng balanse at inanod ito dahil sa lakas ng agos ng tubig na nagsanhi ng kanyang pagkalunod.
Ang biktima ay mula sa barangay Lanot ng bayan ng Mercedes kung saan ang bayang ito ang may pinakamataas na apektadong pamilya na inilikas.
Samantala, umaabot sa 4,425 na pamilya o 19,573 indibidwal ang inilikas sa pre-emptive evacuation noong kasagsagan ng bagyo.
Ayon sa ulat ng PDRRMO, nagtala ang bayan ng Daet ng kabuuang P924,270 pinsala ng mga pananim at nasirang mga palayan.
Walang naitalang insidente ng pagguho ng lupa at pagtaas ng tubig sa mga ibat-ibang barangay ayon sa ulat ng mga MDDRMO ng bawat bayan dito.
Nakaranas din ang lalawigan ng pagkawala ng suplay ng kuryente at hindi naman nawala o naapektuhan ang daloy ng tubig dito sa kasagsagan ng bagyong Yolanda noong Biyernes. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=881384234486#sthash.C32kkHKT.dpuf

No comments:
Post a Comment