Thursday, April 30, 2015

Kamino na dili maagihan kun tag-uran susolbaron san programang pangkatuninongan san gobierno

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 30 (PIA) – Dili man isla an istaran ni Barangay Captain Candelaria Hinlo pero kun tag-uran, literal na nabubulag an inda barangay sa iba na parte san Cawayan, isad na munisipyo na lampas 90 kilometros an distansya sa ciudad san Masbate.

Baga daw kumunoy an 16-kilometros na kamino na nagasumpay sa Barangay Malbug kag sa poblacion san Cawayan na sentro san negosyo kaya dili maagihan san nanuman na sarakyan.

Haros wara na nagalaom an mga residente na mababag-o pa an inda kamutangan hasta na umabot sa inda lugar an caravan san gobierno san Biernes.

Sa tiripon na guin hiwat sa plaza san Malbug, guin pahayag san representante san Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa lampas tres mil na pumuluyo na nagtambong na nagtigana segun saiya an Department of the Interior and Local Governments san P50 milyones para sementuhon an bagan lugaw na parte san kamino.

Segun kan Andres Ativo san DILG an proyekto naghali sa programang PAMANA an sabat san gobierno sa kagustohan san publiko san maghiwat san konsultasyon sa inda lugar.

Bilang reaksyon, segun kan Kapitan Hinlo an nasambit na proyekto an magapatawhay sa lampas kinse mil na pumuluyo na nabubulag sa iba na parte san Masbate sa tiempo sa  tag-uran.

An PAMANA, na sa halip-ot na surmaton Payapa at Masaganang Pamayanan, an programa san administrasyong Aquino para sa magkapira na komunidad na napabayaan san gobierno sa mga nakaligad na dekada. (RAL/EAD PIA5-Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/831430376768/kamino-na-dili-maagihan-kun-tag-uran-susolbaron-paagi-sa-programang-pangkatuninongan-san-gobierno#sthash.NctZPzqe.dpuf

Wednesday, April 22, 2015

30 Kabataan na Intern ng DA-Bicol ang magtratrabaho sa isang buwan

LUNGSOD NG NAGA, Abril 22 (PIA) --- Nagsimula ng magtrabaho ang mga Kabataan na pumasa sa eksaminasyon na ibinigay ng Kagawaran ng Agrikultura o DA sa rehiyon Bicol para sa taunang Summer Youth Internship Program (SYIP).

Kamakailan lamang, sa ginawang flag raising ceremony sa compound ng DA-RFU5 sa bayan ng Pili, Camarines Sur malugod na tinanggap ni Regional Executive Director Abelardo R. Bragas pati na rin ng mga Regional Technical Directors, Division Chiefs at mga empleyado ng ahensiya ang halos 30 kabataan na maswerteng nakapasok bilang intern.

Ayon kay EBragas makakatanggap ng P9,000 na minimum wage ang bawat isa bilang pinansiyal na tulong at pang-matrikula sa darating na pasukan sa eskwela.

Mas marami ngayon ang nakapasok sa internship program ng ahensiya kumpara sa nakaraang taon 2014 na umabot lamang sa 20-25 intern ang nakinabang ng programa sabi pa ni Bragas.

Inihayag din ni Bragas, na dapat umunlad ang agrikultura kaysa sa paglago ng populasyon". Kaya, hinihikayat niya ang interns upang maging isa sa mga manguna na itulak ang pagpapabuti ng rural na komunidad para sa maunlad na bansa.

Ang mga aplikante ay dumaan sa proseso na nagtataglay ng mga sumunsunod: mula sa mga pamilya na walang kaugnayan, alinman sa pamamagitan ng pagkakamag-anak, o relasyon sa pinuno ng ahensiya at sa anumang mga opisyal / empleyado ng DA.

Bukas ito sa mga high school at college students o kaya'y nakapag-enroll ng vocational courses pati na rin sa mga out-of-school Youths (OSY) na may edad na 15-25 taong gulang. Hindi na rin pwedeng payagan ang mga dati ng nakinabang sa programng ito .

Kaugnay nito ang iba pang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan ay nag-alok din ng kaparehong programa ngayong summer.

Ang Government Internship Program ay hango sa Kabataan Program na sinimulan ng dating Presidente Fidel V. Ramos sa ilalim ng Pilipinas 2000 Program. Hinihikayat dito ang mga mag-aaral sa high school at kolehiyo at maging Out-of-School Youth (OSY) upang makisali sa mga aktibidad para makatulong at maging produktibo sa buong taon. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429673811/30-kabataan-na-intern-ng-da-bicol-ang-magtratrabaho-sa-isang-buwan#sthash.kTwI4z9E.dpuf

200 kabataan lumahok sa Summer Workshops ng Camarines Norte

DAET, Camarines Norte Abril 22 (PIA) - Lumahok ang may 200 kabataan sa Summer Workshops na pinangunahan ng Museum Archives and Shrine Curator Division ng pamahalaang panlalawigan na nagsimula noong Lunes, Abril 20 sa kapitolyo dito.

Ito ay ika-17 taon ng isinasagawa  kung saan layunin nitong pagyamanin ang angking abilidad at mailabas ang natatagong talento ng mga kabataan ng lalawigan sa pamamagitan ng iba't ibang sining.

Ang mga lumahok dito ay may gulang pito pataas mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

Sa kasalukuyan isinasagawa ang Charcoal Painting at Dance Sports Workshops hanggang sa hanggang sa Biyernes, Abril 24.

Sa Abril 27 hanggang ika-1 ng Mayo naman isasagawa ang Acrylic & Oil Painting Workshop gayundin ang Flute Workshop kung saan maaring sumali ang mga interesadong guro at iba pang propesyunal.

Samantala isasagawa naman sa Mayo 4-8 ang Folkdance at Theater Arts Workshops na susundan ng pag-aaral sa pag tugtog ng gitara sa Mayo 11-15.

Upang maipakita naman ng mga kabataan ang kanilang natutunan at pagtatapos na rin ng mga gawain magkakaroon ng Showcase of Talents at Visual Arts Exhibit sa Ika-17 ng Mayo.

Ayon kay Abel Icatlo, museum curator nais ng pamahalaang panlalawigan na pagyamanin ang mga talento at pakikisalamuha ng mga kabataan gayundin mabigyan at maturuan sila ng magandang pag-uugali.

Anya patuloy na tinatangkilik ng mga kabataan at magulang ang nasabing programa upang mabaling sa mas makabuluhang bagay ang oras at bakasyon kaysa na matuon lamang sa mga gadgets at teknolohiya. (MAL/RBM/MAC/PIA5/CamNorte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/871429682007/200-kabataan-lumahok-sa-summer-workshops-ng-camarines-norte#sthash.3LAmkyBZ.dpuf

Tuesday, April 21, 2015

Bagong assistant division commander ng 9th ID sa Bicol binigyan karangalan

LUNGSOD NG NAGA, Abril 21 (PIA) --- Pinangunahan ni Major General Yerson E. Depayso na siyang pinuno ng 9th Infantry (Spear) Division ng Philippine Army sa rehiyon Bicol ang pagbigay ng karangalan kay Brigadier General Ignacio A. Obligacion sa kanyang pagdating sa Camp Elias Angeles ng bayan ng Pili, Camarines Sur.

Kahapon Abril 20, 2015 isang Arrival Honor ang ginanap sa naturang kampo ng militar upang salubungin si BGEN Obligacion na siyang uupong Assistant Division Commader ng 9th ID, Philippine Army.

Si Obligacion na siyang hahawak ng pwesto ni BGEN Felix J. Castro Jr. na nagretiro mula sa serbisyo ng militar noong Abril 9, 2015.

Ang second-in-command ng 9th ID ngayon ay isang tunay na may dugong Bicolano na nagtapos ng sekondarya sa Bicol Univevrsity, Lungsod ng Legazpi. Naging miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 82 at nagtagumpay sa kanyang tungkulin bilang opisyal ng militar.

Marami siyang natanggap na mga parangal at medals mula sa military at sa sektor ng sibilyan. Gaya ng 3 Distinguished Service Stars, 7 Bronze Cross Medals, 16 na Military Merit Medals, Long Service Medals, Gawad sa Kaunlaran, Sagisag ng Ulirang Kawal, AFP Parachutists Badge, US parachutists Badge, US SR Parachutists Badge, Distinguished Graduate Certificate at marami pang iba.

Ang dating destino ni Obligacion ay sa 16 Special Forces Coy, SFRA, SOCOM,PA. Siya rin ang humawak ng 102nd Brigade ng 1st Infantry Division sa Mindanao. Karamihan ng kanyang serbisyo sa militar ay sa bahagi ng Southern dito sa Pilipinas.

Ayon kay BGen Obligacion, kanyang susuportahan ang programa ng 9th ID para sa pagpapabuti ng mga hakbangin sa kapayapaan at pag-unlad ng rehiyon. Nagpahayag din siya ng kasiyahan dahil sa kanyang pagkakatalaga dito sa Pinakamahusay na Army Units sa bansa.

Samantala, binati naman ni Chief of Staff Colonel Wilfredo M. Melegrito ng 9th ID ang limang bagong na-promote na mga opisyal na sina LTC Benedicto J. De Vera; LTC Romeo C. Jimenea; Major Larry C. Pancho at Major Art R. Villanueva,Santander bilang mga senior official. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)





- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429580805/bagong-assistant-division-commander-ng-9th-id-sa-bicol-binigyan-karangalan#sthash.osrLtoDZ.dpuf

Sunday, April 19, 2015

Barangay na sakop ng forest program sa Albay patuloy na nadaragdagan

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abr 14 (PIA) – Umabot na sa 216 na mga barangay sa Albay ang sakop ng Barangay Forest Program (BFP) na siyang itinuturing na pinakamalaking reforestration program na inilunsad sa probinsiya noong Marso 7, 2015.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol director Gilbert Gonzales kanya nang pinamamadali ang pagbibigay ng mobilization fund sa lahat ng mga barangay na masasakop ng programa upang kanila ng masimulan ang mga proyekto sa ilalim ng programa tulad ng seedling production.

Ang mobilization fund ay 15% ng kabuuang halaga ng proyekto.

Sa ngayon ay aabot na sa 949,719 seedlings ang naipon ng mga sakop na baranggay para sa outplanting sa pagdating ng tag-ulan.

Ani Gonzales, patuloy rin ang technical team ng DENR na binubuo ng mga forest extension officers sa pag-aaral ng mga lugar o baranggay na nararapat para sa BFP upang maabot ang kabuuang target na 1,614 ektarya sa Albay.

Layunin ng DENR na maisama sa BFP ang mga lugar na pagmamay-ari ng LGUs, may katabing sapa, communal forest o watershed, open and denuded forestland at iba pang nararapat na lupain. Ilan sa mga itatanim dito ay mga namumungang kahoy, mangroves, kawayan at iba pa.

Sa ilalim ng BFP, ang DENR ang magbibigay ng pondo sa unang taon ng pagpapatupad ng programa at ang barangay naman ang magsasagawa ng mga proyekto. Sa pangalawa at pangatlong taon naman ay bibigyan na ito ng alokasyon mula sa IRA ng barangay.

Dagdag pa ni Gonzales, ang BFP ay isang paraan ng DENR katuwang ang DILG sa pagsuporta sa National Greening Program na isang priority program ng pamahalaan na may layuning makapagtanim ng 1.5 billion na kahoy sa 1.5 ektarya ng lupain.

Ito ay kasunod rin ng napirmahang kasunduan sa pagitan ng DENR at panlalawigang pamahalaan ng Albay nitong nakalipas na taon upang maparami ang kakahoyan sa lalawigan na isang paraan din sa pagbaka laban sa pagbabago ng panahon at pagbigay proteksyon sa lalawigan sa panahon ng kalamidad.

Ang BFP ay ipinatutupad din sa Ilocos at Davao del Sur bilang mga pilot sites. (MAL/SAA/DENR5/PIA5/Albay)

   

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2571428995290/barangay-na-sakop-ng-forest-program-sa-albay-patuloy-na-nadaragdagan-#sthash.OA36FPiJ.dpuf

Thursday, April 16, 2015

Libreng X-Ray service, bukas na sa bayan ng San Jose

LUNGSOD NG NAGA, Abril 15 (PIA) --- Bukas na ang serbisyong X-Ray sa San Jose Diagnostic Center at itoy libre sa gustong makinabang ng tulong para sa lahat na lehitimong residente ng bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Ang X-Ray machine ay isang high-voltage device na may pinakamataas na antas ng kapasidad mula sa tube-current adjustment na 10 milli amperes hanggang sa 500 milli amperes ngunit may mas mababang radiation exposure sa bahagi ng pasyente.

Sa gayon, mayroon itong mataas na posibilidad sa pagtuklas ng pinakamaliit na butil ng alien object o depekto sa loob ng katawan ng isang indibidwal mula sa ulo hanggang sa paa.

Noong Abril 7, 2015 pormal na itong binuksan bilang prayority laboratory service ni Alkalde Antonio B. Chavez sa mga mamamayan ng San Jose.

Ayon kay Alkalde Chavez, ito'y isang karagdagan sa iba pang mga libreng serbisyo na ibinibigay ng diagnostic center. Ang iskedyul para sa naturang libreng serbisyo sa X-Ray ay tuwing Martes at Biyernes ng linggo.

Sinabi ni Chavez na ang diagnostic center ay ang pinakabago at modernong X-ray machine kung ito ay ihahambing mula sa mga X-ray machine na pag-aari ng pampubliko at pribadong ospital o medikal na estabilisimento na umiiral sa Partido area.

Ayon naman kay San Jose Municipal Physician Dr. Arnel Armea Doktor, ang mga sumusunod radiologic na pamamaraan ay maaaring gawin sa sumusunod na mga bahagi o parte ng katawan.

Gaya ng Ulo, leeg, dibdib, gulugod, tiyan, urinary tract, obstetrical procedure, skeletal procedures at skull procedures.

Sa unang araw ng pagbukas ng X-Ray Service ay may tatlong pasyente agad ang nakinabang na sina: Erwin Amaro ng barangay Del Carmen na pinag X-Ray sa dibdib; ang mag-asawang Anthony at Elsie Rodriguez ng barangay Soledad na pinaniniwalaan na nagdanas ng bone fractures sa kanilang binti dahil sa aksidente sa sasakyan.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag tungkol sa mga hindi lehitimong residente kung pwede silang makinabang ng libre sa naturang kagamitan. Hinihintay pa ang resolusyon o ordinansa na ipapasa ng Sangguninang Bayan sa paggamit ng serbisyo sa diagnostic center. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)







- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429066803/libreng-x-ray-service-bukas-na-sa-bayan-ng-san-jose#sthash.HStvsW06.dpuf

Wednesday, April 15, 2015

Rabies eradication campaign, magdudulot ng trabaho sa Masbatenyos

SYUDAD NG MASBATE, Abril 15 (PIA) – Trabaho para sa higit labin-limang katao ang inaalok ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Masbate kaugnay ng paglunsad nito ng kampanya na puksain ang rabies sa lalawigan.

Nabatid kay Acting Vice Governor Jo Kristine Revil na nangangailangan ang kapitolyo ng mga magsisilbing tagabakuna ng hayop ngayong tag-araw.

Ayon kay Revil, ang mga estudyante o nagtapos sa animal husbandry at katulad na kurso ang uunahing bigyan ng trabaho.

Sinabi ni Revil na ang mga aplikanteng mapipili ay bibigyan ng pagsasanay bago sila magtrabaho sa direksyon ng Masbate Provincial Veterinary Office.

Sa ngayon isa pa lang aniya ang nag-aplay.

Ang rabies ay viral disease na karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng isang hayop na nahawaan nito.

Maaaring ikamatay ng tao ang kagat ng hayop na may rabies.

Ayon sa mga otoridad sa kalusugan, maaaring mahadlangan ang pagkalat ng rabies kaya magkatuwang ang pamahalaan at ang World Health Organization for Animal Health sa pagsugpo nito.  (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/771429498030/rabies-eradication-campaign-magdudulot-ng-trabaho-sa-masbatenyos#sthash.WnRS98eR.dpuf

Mga kabataan nanumpa bilang mga bagong city youth officials

LUNGSOD NG NAGA, Abril 15 (PIA) -- Pormal ng umupo ang mga bagong Naga City Youth Officials para sa taon 2015-2016 na binubuo ng 45 na kabataan bilang city youth mayor, vice-mayor, councilors at mga department heads.

Pingangunahan ni Alkalde John G. Bongat ang ginawang oath-taking ceremony kasabay ng pagbibigay pugay sa mga kabataan ng lungsod noong Abril 13 na ginanap sa city hall grounds pagkatapos ng flag raising ceremony.

Dumaan sa written examination ng programa para sa Naga City Youth Officials ang mga Kabataan para matukoy ang kanilang mga ranggo at posisyon sa lokal na pamahalaan. Isa-isa rin pinag-interview ang Top 45 ng mga miyembro ng City Youth Month Committee sa pamumuno ni City Councilor Ray-an Cydrick Rentoy.

Ang mga 2015 City Youth Officials ay sina: City Youth Mayor Ruby Jane L. Badiola; City Youth Vice-Mayor Kimberly Shayne C. Ocbina. Labing-isang City Youth Councilors na sina: Jeheil Angelica Mari C. Cea; May Anne A. Dionisio; Renan Joseph P. Ortua Jr.; Jessica E. Genotiva; Yna Bernilda V. Barrosa; Jonathan R. San Juan; Loen F. Gonzales; Ella Venecia C. Guaves; Glysa C. Nasayao; Jeffrey P. PeƱano at Schemie M. Baylon.

Halos 32 pang mga City Youth Departments naman ang maglilingkod bilang counterpart din ng City Department Heads ng lokal na yunit ng pamahalaan.

Ang bagong mga City Youth Officials na maghahatid at magpapapatuloy ng kalidad na serbisyo sa mga konstitwentes ng siyudad, kasama ang kanilang counterpart na City Officials.

Sa panahong ito, ang mga kabataang opisyal ay mabibigyan ng pagkakataon upang pangasiwaan ang pagpapatakbo ng pamahalaan ng lungsod maliban sa mga lugar, na ang mga patakaran na tumutukoy o nangangailangan ng mga monetary disbursement.

Batay sa ordinansa ng siyudad bilang 2007-008 at nabago ito sa pamagitan ng ordinance no.2009-017 na may petsang Marso 19,2007 at Marso 17, 2009 na ang programa ng Naga City Youth Officials ay naideklara na sa panahon ng Abril 15-May 31 bawat taon ay City Youth Month.

Magsisilbi silang isang buwan at kalahati. Papasok din sila sa regular na oras ng opisina at makakatanggap ng kaukulang sweldo mula sa lokal na pamahalaan. (MAL/DCA-PIA5/CamSur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/851429070713/mga-kabataan-nanumpa-bilang-mga-bagong-city-youth-officials#sthash.Cyt4WvMD.dpuf

Monday, April 13, 2015

Rodeo National Finals kag National Beach Football Festival, dungan na hihiwaton sa Masbate

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 13 (PIA) – Preparado na an probinsya san Masbate sa paghiwat san duha na daragko na sports festival na segurado na makahatag san grabe na kasadyaan san mga turista kag bakasyonista.

Buwas, adlaw san Martes, pormal na paga-abrehan an Rodeo Nationals Finals kag an dako-dako na parada san mga nakakabayo na cowboys kag cowgirls kag mga baka sa mga karsada sa Syudad san Masbate.

Sa Rodeo Arena sa binansagan na rodeo capital san Pilipinas maderitso an parada para tunaan an lima kaadlaw na maaksyon na kompetisyon san mga lokal na cowboys kag cowgirls kontra sa mga dayuhan hali sa upat na kanto san Pilipinas.

Kikilalahon na 2015 Rodeo National Champions an pinakamatibay na team san cowboys kag cowgirls.

Sa Huwebes naman matuna an aksyon sa First National Beach Football Festival sa bagan paraiso na baybayon sa munisipyo san Balud. Maabot isad ka-oras an biyahe sa duta pakadto sa Balud hali sa syudad san Masbate.

An First National Beach Football Festival paga selebraron sa sulod san duha kaadlaw na cierto na magahatag san kasadyaan kag matahom na karanam para sa tanan na maentra kag mga meron.

Napag-araman sa organizers na lampas 700 na atleta kag coaches an nagkumpirma na maentra.

Kaupod sa mga maentra magahali sa football clubs san Boracay, Iloilo, Mindoro, La Salle, University of Santo Tomas kag Far Eastern University.

May unom na events na kun diin makanam an mga atleta an under 10, under 13, under 17 kag men’s kag women’s open.

Segun sa organizers, dili lang an tibay san mga atleta an maipapakita sa mundo kundi an matatahom na beach resorts sa Balud.

Sugad pa lang haros punuan na san mga turista kag bakasyonista an mga hotel sa Balud kag Syudad san Masbate, segun sa mga hotel operators.

An mga atleta sa football libre o pwede magcamping sa baybayon. (RAL/PIA-Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/831428897797/rodeo-national-finals-kag-national-beach-football-festival-dungan-na-hihiwaton-sa-masbate#sthash.R6knOnlq.dpuf

Friday, April 10, 2015

Ika-95 pagkakatatag ng Camarines Norte at ika-11 Bantayog Festival, sabay na ginugunita

Ni: Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Abril 10 (PIA) –-- Kasalukuyang ipinagdiriwang ang ika-95 taon na pagkakatatag ng Camarines Norte bilang isang lalawigan at ika-11 Bantayog Festival na sinimulan noong Abril 5.  Nakatakdang magtapos ang mga inihanay na aktibidad kaugnay nito sa Abril 17.

Una ng isinagawa noong Linggo, Abril 5ang Kaogmahan sa Bagasbas at Womens Beach Volleyball ganundin ang pagsisimula ng Bantayog Festival Caravan at futsal clinic naman noong Lunes, Abril 6) sa Agro Sports Center ng kapitolyo probinsiyal.

Ang Search for Binibining Camarines Norte ay gaganapin ngayong araw samantalang ang Regional Dart Championship, Beach Party, Visual Art Exhibit at variety show at fireworks display naman ay mapapanuod bukas, Abril 11.

Magkakaroon din ng Duathlon sa Bantayog Festival at Bantayog Fun Run sa Abril 12. Ang pagbubukas ng Volleyball Clinic at pagsisimula ng Bantayog Provincial Tourism and Trade Exhibit, 1st Provincial 4-H Youth Camp at Talakayan sa Kasaysayan ay gaganapin naman sa ika-13 ng Abril.

Kaalinsabay rin sa naturang araw ang Bantayog Fellowship Parade at libreng gupitan para sa mga matatanda o senior citizens at mga may kapansanan  o Persons with Disabilities

Sa Abril 14 ay gagawin naman ang ground breaking at paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Provincial Emergency at Rescue Center Cum Info at Rest Area para sa mga turista at motorista na dadaanan o papasok ng lalawigan ng Camarines Norte. Ito ay nakatalaga sa Bitukang Manok sa barangay Tuaca ng bayan ng Basud.

Samantala, sa ika-15 ng Abril na syang pinakatampok na araw o araw ng pagkakatatag ng lalawigan ay sisimulan sa kapitolyo probinsiya ang pagtataas ng bandila na susundan ng banal na misa.

Kaalinsabay rin sa naturang araw ang pagbasbas sa bagong tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kapitolyo at ang pamamahagi ng mga emergency motorcycle para sa mga barangay.

Masasaksihan din sa naturang araw ang Grand Festival Parade at Street Dancing Competition ganundin ang night dance competition.

Kabilang pa sa mga aktibidad at programa sa Abril 16 ang Jobs Fair, Padyak Race at Ms. Environmental Princess.

Pangungunahan naman ng Philippine National Red Cross ang Mass Blood Letting sa Abril 17 sa Agro Sports Center ng kapitolyo at ang Governor’s Thanksgiving  and Fellowship Night sa Bagasbas Beach sa bayan ng Daet.

Ang lalawigan ng Camarines Norte ay itinatag noong Abril 15, 1920 samantalang ang unang Bantayog ni Rizal ay sinimulang itayo sa bayan ng Daet noong ika-30 ng Disyembre 1898 at natapos sa buwan ng Pebrero 1899.

Tema ng selebrasyon ang “Bawat CamNorteno: Kapanalig at Katuwang sa Kaunlaran”. (LSM, RBM,ROV-PIA5/CamNorte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/881428645165/ika-95-pagkakatatag-ng-camarines-norte-at-ika-11-bantayog-festival-sabay-na-ginugunita#sthash.uy43WtH4.dpuf

Thursday, April 9, 2015

Forestry Management Program ng DENR patuloy ang pagtulong sa mga magsasaka sa Bicol

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 8 (PIA) – Patuloy na nagbibigay tulong ang Community-based Forestry Management (CBFM) Program ng Department of Environment and Environment (DENR) sa mga magsasaka sa upland areas o matataas na lugar sa rehiyon ng Bicol sa pamamagitan ng mga pangkabuhayan at agroforestry programs sa ilalim nito.

Ayon kay DENR Bicol director Gilbert Gonzales isinagawa nitong Marso 27 2015 sa DENR multipurpose hall ang MOA signing sa pagitan ng DENR at implementing people’s organizations para sa mga bagong proyekto na isasagawa sa rehiyon ngayong taon.

Kasama dito ang kabuuang 305 ektarya at karagdagang 240 benepisyaryo mula sa lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Catanduanes.

Dagdag pa ni Gonzales, ayon sa datus ng CBFM sa rehiyon mula taong 2007-2015 ay umabot  sa 117 sites o kabuuang 49, 142.34 ektarya ng kalupaan ang nasasakop ng program kung saan umaabot na sa 8,824 na indibidwal ang nakikinabang sa buong rehiyon.

Ang mga kalahok sa CBFM program ay ang mga naninirahan sa loob o malapit sa mga kagubatang natukoy ng DENR na nagmamay-ari ng lupang sakahan o nakadepende ang pamumuhay sa mga yamang gubat.

Sila rin ay itinatag na lehitimong people’s organization upang kumatawan sa interes ng bawat kasapi at masigurong ang mga lupaing gubat na ipinagkatiwala sa kanila ay napapangalagaan ng wasto.

Kasama sa mga nagawa na sa  rehiyon sa ilalim ng CBFM ay pagsasagawa ng mga bunkhouses at nurseries, pagtatayo ng agroforestry plantation para sa mga kahoy sa kagubatan gayundin ng mga gulay o cash crop production, composting at pagbili at pamamahagi ng kalabaw sa pagsasaka sa mga kasapi sa people’s organizations.

Ang CBFM program ay unang isinagawa sa rehiyong Bicol noong Okotbre 10, 1996 bilang pambansang estratehiya upang maisulong ang sustainable o pangmatagalang paggamit ng yamang gubat ng bansa.(MAL/SAA-PIA5/DENR5)


- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2571428476590/forestry-management-program-ng-denr-patuloy-ang-pagtulong-sa-mga-magsasaka-sa-bicol-#sthash.1B0iFmTR.dpuf