Tuesday, April 30, 2013


Gagamiting official ballot sa eleksyon dumating na sa Sorsogon

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 30 (PIA) – Dumating na noong Biyernes ng umaga, Abril 26, sa probinsya ng Sorsogon ang kabuuang bilang ng mga opisyal na balota na gagamitin sa Mayo 13 lulan ng tatlong trak ng Air 21.

Bantay-sarado naman ang mga tauhan ng Philippine Army at Sorsogon Police Provincial Office na nagbigay ng security convoy sa cargo truck upang masigurong mapapangalagaan ito.

Ilalagak pansamantala sa Comelec Provincial Office ang mga balota at ibinigay naman ng Provincial Election Supervisor sa mga Municipal at City Election Officer na siya namang mamahala sa pamamahagi ng mga balota sa mga guro at kasamahan nito sa kani-kanilang mga area of responsibility para gamitin sa araw ng halalan.

Samantala nagbigay na ng abiso sa mga guro si Acting Sorsogon City Election Officer Atty. Neil B. Canicula, noon pang Lunes, Abril 22, 2013, na inaasahang naroroon ang mga guro sa kani-kanilang itinalagang polling precinct sa Mayo 6, 2013 para sa pagsasagawa ng Final Testing at Sealing ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine.

Sinabi pa ni Canicula na sa araw rin ng final testing ihahatid sa kanila ng Air 21 service provider ang PCOS machine habang ang lalagyan ng balota ay kukunin nila sa tanggapan ng ingat-yaman o treasurer ng lungsod sa Mayo 6, 2013 bago mag-alas nuebe ng umaga.

Makukuha naman sa tanggapan ng City Election Officer ang mga sobreng paglalagyan ng ginamit na test ballots, election return bago ang testing at pagseselyo, manual counting at PCOS print-out, at iba pang mga report. (FB Tumalad-PIA Sorsogon)


Gusali para sa mga kooperatiba ng Daet itatayo

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Abril 30 (PIA) - Itatayo ang isang gusali para sa mga kooperatiba ng bayang ito upang makatulong na suportahan at mapaunlad ang ibat-ibang pangkabuhayang proyekto ng mga miyembro nito.

Ito ang ipinahayag ni Mayor Tito Sarion sa isinagawang First Daet Cooperative Congress noong Biyernes (Abril 26) sa Heritage Center dito na dinaluhan ng opisyales at miyembro ng mga kooperatiba ng naturang bayan.

Ayon sa kanya kinakailangang suportahan at panatilihin ang cooperativism sa bayan kung saan ang mga magagandang nagawa ay kailangang panatilihin at higit na paunlarin.

Sinabi niya na ang lokal na pamahalaan ay maglalaan ng P1 milyon at ang P4 na milyon naman ay manggagaling sa National Confederation of Cooperatives para sa naturang proyekto.

Sinabi ni Sarion na malaking oportunidad din sa mga kooperatiba ang paglago ng kalakalan sa Daet kung saan tatlong (3) malalaking negosyo ang bubuksan dito sa mga susunod na taon at ganon ang apat (4) na Business Processing Outsourcing (BPO) sa darating na Oktubre.

Aniya hamon ito sa mga kooperatiba upang palakasin ang purchasing power ng mga tao sa pamamagitan ng paghihikayat ng ibat-ibang kabuhayan ng kanilang mga kasamahan.

Sinabi rin niya sa mga kooperatiba na kinakailangan ilatag rin nila sa kanilang mga plano at ang kanilang mga pangangailangan upang ito ay matugunan ng pamahalaang bayan kaalinsabay rin ng pagsusulong ng One-Town-One-Product (OTOP) ng Daet.

Tinalakay naman ni regional director Atty. Maria Lourdes Pacao ng Cooperative Development Authority (CDA) ang ibat-ibang direktiba na kailangang sundin ng mga kooperatiba upang sila ay manatiling rehistrado sa naturang tanggapan.

Aniya kinakailangan ang mga buwanang pag-uulat ay isumite sa tamang petsa sa tanggapan ng CDA upang hindi mag multa o di kaya ay magkaroon ng mga paglabag na itinakda ng kanilang tanggapan.

Sa lalawigan ay mayroong 119 ang nakarehistrong kooperatiba na may miyembrong 35,581 samantalang 39 dito ay sa bayan ng Daet na may 16,571 na kasapi ayon naman kay Provincial Cooperative Officer Erlinda Valera.

Hinikayat naman ni Romeo LI. Clavillas, Provincial Cooperative Development Council (PCDC) Chairman/Manager ng Camarines Norte Cooperative Bank ang mga maliliit na kooperatiba na magsasama-sama upang maging malaki at ng mapalakas ang mga proyekto at higit na lumago ang magiging assets at ang kapital ng mga ito.

Tema ng pagtitipon ang “Converging for a strong collaboration and cooperative communication”. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

Monday, April 29, 2013


Comelec, mahigpit na tutukan, papanagutin ang sangkot sa vote-buying

By Edna A. Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, Abril 29 (PIA) -- Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan ang publiko na ang pamimili ng boto o "vote-buying" ay matinding ipinagbabawal lalo na sa nalalapit na halalan sa Mayo 2013.

Ayon kay Comelec provincial election supervisor Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao, ang vote-buying at vote-selling ay mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Dagdag pa niya, ang sinumang mapapatunayang sangkot dito at maging sa iba pang election offense ay maaaring maparusahan ng pagkabilanggo nang hindi bababa sa isang taon at hindi rin lalampas ng anim na taon.

Maaari rin umanong madiskuwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan ang sinumang mapatunayang nagkasala dito.

Ayon sa Comelec, ang pamimigay ng mga souvenir items tulad ng mugs, t-shirts, payong at iba pa bilang bahagi lamang ng kampanya at hindi upang mamili ng boto ay hindi ipinagbabawal ngunit kung gagawin ito kung malapit na ang eleksyon ay maaari nila itong ikonsidera bilang vote-buying.

Hinihikayat naman ng Comelec ang publiko na makipagtulungan sa kanila upang matiyak ang malinis at mapayapang halalan.

Katulong rin ng Comelec sa kampanya laban sa vote-buying ang iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP, DILG, Philippine Army at ang media. (MAL/EAB-PIA5 Catanduanes)


8 bilanggo ng Camarines Norte Provincial Jail nakapasa sa Alternative Learning System

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Abril 29 (PIA) -- Walong bilanggo ng Camarines Norte Provincial Jail (CNPJ) ang nakapasa sa Alternative Learning System (ALS) kaugnay ng isinagawang pagsusulit sa elementarya at sekondarya noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.

Ayon kay acting provincial warden Reynaldo Pajarillo ng Provincial Custodial and Security Services Division (PCSSD) ng pamahalaang panlalawigan, sila ay tatanggap ng diploma sa ika-9 ng Mayo ngayong taon sa agro-sports center ng kapitolyo probinsiya kung saan sila ay magiging kwalipikado sa Serbisyo Sibil.

Aniya, ito ay batay sa Civil Service Commission Resolution No. 00499, “Recognizing the Non-Formal Education (NFE) A & E elementary and secondary certificate as valid documents for permanent appointment to government position provided the requirement are met.”

Ang diploma ay may lagda ni Secretary Bro. Armin A. Luisito ng Department of Education (DepEd) upang magamit nila sa paghahanap ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan batay sa kanilang kaalaman at natutunan.

Ayon naman sa tanggapan ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) dito, sinabi ni Senior TESD Specialist Flora Raña, maaari rin silang pumunta sa kanilang tanggapan upang kumuha ng iba't ibang pagsasanay para sa kanilang dagdag na kaalaman na magagamit nila sa paghahanapbuhay.

Kabilang sa mga nakapasang bilanggo sa elementarya ay sina Ana H. Baldonaza; Teresita C. San Rafael at Denmark B. Longa samantalang sa sekondarya naman ay sina Jalilah M. Mira-ato; Rolly Q. Rala; Marcelo P. del Pilar Jr. at Guitsy A. Beltrano.

Ito ay sa ilalim ng Literacy Class Program ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Custodial and Security Services Division at sa pakikipagtulungan ng Department of Education (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)



‘Library in a box,’ ipinamahagi ng DOST sa Masbate

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 29 (PIA) -- Namahagi kumakalawa sa Masbate ang Department of Science and Technology ng digital science library, ang kasangkapan na makakatulong sa mga estudyante na matanggap sa science schools.

May official name na STARBOOKS na ang katumbas ay Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Station, ang computer server na "nakahimuntada sa lectern" ay binansagan din ng mga opisyal ng DOST ng “library in a box” dahil kamukha nito ang isang kiosk.

Ang mga nakatanggap ng research kiosk ay ang Masbate National Comprehensive High School, ang Dr. Emilio B. Espinosa Sr. Memorial State College of Agriculture, at pamahalaang bayan ng Aroroy.

Pinangunahan ni DOST Regional Director Tomas Briñas ang turn-over ceremonies na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga naturang institusyon at mga kinatawan ng non-government organizations.

Makikita ng mga mananaliksik ang kiosk sa pampublikong silid-aklatan ng dalawang paaralan at lokal na pamahalaan.

Malamang na dumami pa ang library in a box sa Masbate kung tatanggapin ng NGOs ang alok ng DOST na software ng STARBOOKS upang magkaroon din sila ng library in a box.

Ayon kay DOST Regional Director Tomas Brinas, ang research kiosk na binuo ng Science and Technology Information Institute ay naglalaman ng libu-libong digitized resources sa agham at teknolohiya na mapapakinabangan hindi lamang ng mga mag-aaral na nais makakuha ng scholarship para sa science schools.

Naglalaman din ito ng mga kaalaman na kailangan ng entrepreneurs, manggagawa, at iba pang kliyente ng agham at teknolohiya.

Aniya, sa klik lang ng daliri sa kiosk ay makukuha na nila ang libu-libong impormasyon sa agham at teknolohiya.

Binigyang diin ng opisyal ng DOST na ang proyektong ito ang paraan ng administrasyong Aquino upang madaling makuha ng bawat Pinoy ang impormasyon sa agham at teknolohiya.

Ang kuwalipikadong magkaroon ng STARBOOKS ay local government units, non-government organizations at educational institutions. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

Friday, April 26, 2013


Kahit abala sa eleksyon, Masbate police pokus pa rin sa anti-drug drive; P880-libong halaga ng shabu, nasamsam

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 26 (PIA) -- Naaresto kahapon ang isang dating barangay captain sa isang raid na isinagawa sa lungsod na ito kung saan nasamsam ng mga pulis ang shabu na nagkakahalaga ng halos isang milyong piso.

Sa ulat ng hepe ng Masbate City Police na si Supt. Rodolfo Abella, kinilala ang suspek na residente ng barangay Centro.

Ang dating kapitan ng barangay ay kabilang sa prominenteng angkan sa Masbate at nagsilbing sa kanyang barangay noong dekada 90s.

Nasamsam ng mga pulis na naghalughog sa dalawang palapag na bahay niya ang 109.6 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na umano’y P880,000 ang halaga kapag maibenta sa drug users.

Bukod sa 108.6 grams ng shabu, nakumpiska rin sa bahay ang isang .22-caliber air gun at isang .357 magnum revolver na umano’y kabilang sa libo-libong loose firearms na sinisikap masamsam ng pulisya.

Nasamsam din sa bahay ang sari-saring drug paraphernalia at anim na bala para sa 357 magnum revolver.

Ang police operation laban kay sa dating barangay captain ay umani ng papuri kay Masbate City Mayor Socrates Tuason na nagsabing kahit aniya abala ang mga pulis sa mga iniaatas sa kanila ng Commission on Elections ngayong panahon ng eleksyon, hindi kinaligtaan ng mga tagapagpatupad ng batas ang kampanya laban sa ilegal na bentahan ng droga. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)



DSWD, Albay lumagda ng MOA sa proyektong tugon sa kahirapan

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 26 (PIA) -- Nilagdaan kahapon, Abril 24, dito ang memorandum of agreement (MOA) sa pagsubok ng estratehiyang Community-Driven Development (CDD) upang mapalawak pa ang pagpapatupad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS).

Nanguna sa paglagda sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman at Albay Governor Jose “Joey” Salceda kasama si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Francisco Fernandez.

“Gusto naming maging bahagi ang Albay sa pangunang hakbang na ito at naniniwala kami na importante na subukan ito sa Albay,” ayon kay Secretary Dinky Soliman. Kinokonsidera ang Albay bilang modelo sa pagpapatakbo sa sariling lakas sa pag-unlad sa pamamagitan ng pagbabago sa pamamaraan ng pamamahala sa pamamagitan ng pagbibigay tugon sa pangangailangan ng mamamayan, ayon kay Soliman.

Ang estratehiyang CDD sa implementasyon ng Kalahi-CIDDS ay nagbibigay kontrol sa komunidad sa pagpapasya at yaman o resources sa pamamagitan ng pakikialam sa pagplano, pagdisenyo, pagmatyag at ebalwasyon kasama na ang pakikilahok ng komunidad sa implementasyon, ayon kay Soliman. “Lilikha ang CDD ng isang environment na may ‘inclusive growth’ na magbibigay benepisyo sa mahihirap,” sabi ni Soliman.

“Kailangan nating magtagumpay hindi para sa Albay kundi para sa buong bansa,” sabi ni Albay Governor Joey Salceda. Ang bagong estratehiya ay ang binabalak na ipalit sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na mas kilala bilang 4Ps sa pamamagitan ng sistematikong pag-aalis nito... Nagpapasalamat kami na unang napili ang Albay, tinatanggap ko ang hamon ni (Secretary) Dinky,” sabi ni Salceda.

Kasama ang Albay sa tatlong probinsiya na susubukan ng DWSD kasabay ang Compostela Valley na gagawin ang paglagda sa MOA sa Mayo 2 at sa Leyte na wala pang naitakdang petsa.

“Ang kawalan ng paghihirap sa Albay ay hindi lamang pangarap kundi isa nang plano,” sabi ni Usec. Francisco Fernandez. Pinuri ni Salceda ang Asian Development Bank (ADB) sa maagap na pagtugon at ginamit ang slogan nitong “poverty-free Asia” habang sinasabi na nangangarap din ang Albay na maging "poverty-free province." “Ipagpatuloy natin ang lakas ng loob sa pagpaplano habang ang pakiki-ugnayan sa pambansang pamahalaan ay patuloy na umuunlad,” sabi ni Salceda.

“Ipapatupad natin ang gawaing "bottom-up" sa paglalaan ng pondo upang ang mga pangangailangan ng komunidad ay maikonekta o maisabay sa pambansang prayoridad,” sabi ni Soliman.

Napili ang Albay dahil sa positibong "track record" nito sa pagsuporta sa implementasyon ng Kalahi-CIDSS mula 2004 sa kabuuang total n bahaging kontribusyon ng Provincial Local Government Unit (PLGU) sa mga Kalahi-CIDSS na mga munisipalidad para sa kanilang proyekto na umabot sa mahigit PhP36 million, na isa sa pinakamataas na ibinigay ng isang PLGU sa nasabing proyekto. Nakatanggap din ang Albay ng ‘Seal of Good Housekeeping’ galing sa DILG. “Magkakaroon din tayo ng pagkakataon na subukan ang CDD sa pagtugon sa espesyal na konteksto tulad ng ‘disaster risk management’ na kung saan pinangungunahan ng Alba ang aspetong ito,” sabi ni Soliman.

Ang DSWD ang responsable sa pagpaptupad ng pilot testing, kasama ang Albay Provincial LGU. Magbibigay din ito ng tulong teknikal sa probinsiya tungkol sa implementasyon ng CDD. Ang DILG ay magbibigay ng tulong teknikal sa pamamahala at pagpaplanong lokal, habang ang Albay Provincial LGU ang mangunguna sa implementasyon ng proyekto at makikipagtulungan sa DSWD sa pagpatupad ng prinsipyo at gawaing CDD sa pagplano, pagpondo, pagpatupad ng inisyatibang pagbabawas sa kahirapan. Tutulong ang ADB sa pagpapalakas ng kakayahan ng lokal na pamahalaan ng probinsiya at munisipyo.

Magbibigay ang DSWD ng pondong P100 milyon, habang ang Albay Provincial LGU ay magbibigay ng P70 milyon para sa pilot testing. Ang pilot testing ay tatakbo ng 16 buwan, mula Abril 2013 hanggang Hulyo 2014. (MAL/JJJPerez/PIA5-Albay)



2 kutsarang kanin na nasasayang araw-araw, kayang pakainin ang 2M Pinoy sa iang taon -- DA

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 26 (PIA) -- Kung nakasanayan nating magtapon ang sobrang kanin, panahon na para pag-isipan at baguhin ang nakaugaliang ito.

Inilahad ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) ang natuklasan kamakailan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa isang pag-aaral na ang bawat Pilipino ay nagsasayang ng dalawang kutsara ng kanin o siyam na gramong bigas bawat araw na sapat upang makakain ang dalawang milyong Pilipino sa loob ng isang taon.

Ayon kay DA Information Officer Jayson Gonzales sa panayam sa programang sa radyo na “Aramon Daw (Ating Alamin)” ng Philippine Information Agency (PIA) Bicol, ipinapaalala at hinihikayat ang taumbayan na maspahalagahan ng bigas alinsunod sa kampanya na “Sapat na Bigas, Kaya sa Pinas!” susog sa kautusan ni Pagulong Aquino na ang 2013 ay tinaguriang Pambansang Taon ng Bigas ayon na rin sa Proclamation No. 494 noong Oktubre 18, 2012 at itinalaga ang DA bilang pangunang ahensiya sa kampanya kasama PhilRice.

“Nais ng DA na maisakatuparan ang mithiing sapat na bigas bago matapos ang taong kasalukuyan sa pagpapatupad ng medium term agricultural and fishery sector mechanization and modernization na nagsimula noong 2011 na itataguyod hanggang 2016,” sabi ni Gonzales.

Nagsasaliksik din ang PhilRice upang magkaroon ng mataas na aning palay o high-yielding rice at mga teknolohiyang magpapabawas ng gastos para sa mga magsasaka bilang tugon sa kaparehong mithiing sapat na bigas sa pagtatapos ng 2013 at pinagtibay ito ng pagdami ng naaaning palay at unmilled rice sa nakalipas na 12 taon, ayon kay Gonzales.

“Nagbabago ngayon ang pamahalaan mula sa tradisyunal na pamamaraan ng pagsasaka patungo sa mechanized farming upang itaas ang produksyon sa agrikultura at makipagsabayan sa kakayahan sa kagamitan sa pagsasaka ng mga karatig bansa sa Asya na may produktong bigas,” sabi ni Gonzales. Tumaas din ang ani sa bigas at iba pang produkto sanhi ng mga proyekto sa irigasyon at pagsusulong ng masmaiging sertipikadong binhi, ayon kay Gonzalez.

“Nagsasagawa kami ng aktibidad na tinatawag naming "Usapang Palay" kasama ang mga lokal na pamahalaan upang ipamahagi ang mga teknolohiya at bigyan ang mga magsasaka ng impormasyon sa mga programa at proyekto ng DA,” sabi ni Gonzales.

Ito ay isang aktibidad na mayrooong interkasyon kasama ang mga magsasaka upang ipaliwanag ang mga isyu at makuha ang kanilang saloobin sa iba't ibang usaping agrikultural alinsunod sa Food Staples Self-Sufficiency Program (FSSP), ayon pa kay Gonzales. (MAL/JJPerez-PIA5/Albay)



Pamahalaang lokal binigyang parangal ang mga bayaning Albayano

LUNGSOD NG LEGAZPI, Apr 26 (PIA) -- Pinangunahan kamakalawa ng pamahalaang lalawigan ng Albay ang pag-alala at pagbigay parangal sa kanilang mga bayani sa idinaos na Memorial Day for Albayano Heroes of National Liberation sa lalawigang ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng Magayon Festival 2013.

Ayon kay Albay governor Joey Salceda ang nasabing paggunita na kasalukuyan ay nasa ikalawang taon na ay taunan nang isasagawa upang bigyang pugay ang pamana ng mga matatapang na kalalakihan at kababaihan na nakibaka upang matamo ng probinsiya ang kalayaan laban sa mga mananakop nito.

Dagdag pa ni Salceda inaasahang sa kaganapan na ito ay mapalalawak ang kaalaman ng mga taga-Albay sa mga naiambag ng mga lokal na bayani at dahil dito ay mabibigyang halaga ang kanilang nagawang kabayanihan, magkaisa bilang isang lahi at pagyamanin ang dangal ng ating bansa.

Ang mga binigyang parangal ay sina Heneral Jose Ignacio Paua, Heneral Simeon Arboleda Ola at Camilio Jacob.

Si Paua ay isang intsik na rebolusyonaryo na pinadala ni Emilio Aguinaldo sa rehiyon ng Bicol noong 1899 upang maglikom ng pondo para sa katatayo pa lamang na Republika ng Pilipinas samantalang si Ola ay ang huling rebolusyonaryo na taga Guinobatan, Albay na sumuko sa mga Amerikano noong 1903.

Si Jacob, retratistang mamamahayag na taga Polangui Albay, ay isa sa mga 15 martir ng Bicol na binaril sa parehong lugar kung saan pinatay si Jose Rizal.

Tampok din sa nasabing kaganapan ang Sesquicentennial o 150 taong anibersaryo ng kaarawan ni Andres Bonifacio na tinaguriang Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Salceda na si Bonifacio ay napunta sa probinsiyang ito mula 1895 at 1896 upang magtrabaho at maghanap ng kasapi para sa Katipunan.

“Ang Albay noon ay napakayamang probinsiya at si Bonifacio ay napunta dito upang magtrabaho. Sa katunayan maituturing siyang middle class na Pilipino taliwas sa pagkakaalam ng nakararami na siya ay galing sa mahirap na pamilya,” ani Salceda.

“Ang kwentong ito ay naisulat din sa mga aklat ng kasaysayan ni Teodoro Agoncillo, Gregorio Zaide at Ambeth Ocampo,” dagdag pa ni Salceda.

Itinampok ang estatwa ng mga lokal na bayaning ito sa civil-military parade at wreath laying ceremonies na isinagawa sa Bicol University oval sa harap ng Camp Simeon Ola sa Albay.

Ang nasabing Memorial Day ay bahagi ng isang linggong kaganapan na pangungunahan ng lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan ng mga uniformed service departments sa probinsiya upang maitaguyod ang kapayapaan, kaunlaran at turismo sa probinsiya.

Kasama dito ang Office of the Civil Defense Region V (OCD V), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Bahagi rin sa mga nabanggit na kaganapan ang 2nd Youth Leaders Training on National Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation sa Cagraray Eco Park, Misibis, Cagraray Island sa Abril 22 -26.

Nakahanay naman para sa pagtatapos ng nasabing isang linggong kaganapan ang “Ang Sir kong Pogi 2013,” paligsahan ng mga uniformed officers, sa Abril 23 sa Albay Astrodome at “Adopt a Barangay (Barrio Fest)” sa Abril 28 sa Barangay Taysan, lungsod ng Legazpi. (MAL/SAA/PIA5 Albay)

Thursday, April 25, 2013

Bicol, pangunahing producer ng organikong palay sa bansa noong 2012

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 25 (PIA) -- Ang rehiyong Bicol ang pagunahing producer ng organikong palay sa bansa sa kabuuang kontribusyon nito na 74 porsyento simula Enero hanggang Setyembre sa taong 2012, ayon sa Kagawaran ng Agrikultura (DA).

Inihayag din ni DA Information Officer Jayson Gonzales sa isang panayam sa programa sa radyo na “Aramon Ta Daw” ng Philippine Information Agency (PIA) Bicol na galing pa rin sa rehiyon Bicol ang 44 na porsyento sa kabuuang organic crop production ng bansa ng nakaraang taon.

“Layunin ng ating bansa na hindi lamang magkaroon ng sapat na bigas kundi maging exporter ng bigas ngayong taon,” sabi ni Gonzales

Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino ang taon 2013 bilang Pambansang Taon ng Bigas o National Year of Rice sa pamamagitan ng Proclamation No. 494 na kanyang nilagdaan noong Oktubre 18, 2012 na nagtatalaga sa DA bilang pangunahing ahensiya sa kampanya kasama ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice). “Tema ng kampanya ay – Sapat na Bigas, Kaya sa Pinas!” sabi ni Gonzales.

Samantala, napili ang Pecuaria Development Cooperative, Incorporated (PDCI) na nakabase sa Bula, Camarines Sur kasama ng apat na iba pa bilang certified organic partners ng DA sa proyekto nito sa pagpapaunlad ng sistema sa pambansang produksiyon ng organikong binhi ng bigas sa informal sector. Ang PDCI ang nangungunang producer ng organikong bigas sa rehiyong Bikol.

Ayon sa DA, ang iba pang apat na sertipikadong organikong sakahan ay ang Central Luzon State University sa Nueva Ecija, Kahariam Realty and Farms, Incorporated sa Batangas, Negros Island Sustainable Agriculture and Rural Development Foundation, Incorporated at ang Bios Dynamis sa South Cotabato.

Itinataguyod ng PDCI ang higit sa 800 ektaryang Pecuaria Rice Central sa Bula, Camarines Sur na mayroong 100 ektarya ng demo farm. Nagtatanim ito ng organic aromatic rice varieties gaya ng JM 2, Basmati at MS 16 kasabay ng tradisyunal na uri ng bigas gaya ng RC 18 and RC 160, ayon sa DA.

Ang mga binhi galing sa Pecuaria techno-demo farm ay ipamamahagi ng DA bilang starter seeds sa mga magsasakang nagtataguyod ng aromatic rice production, ayon pa sa DA. (MAL/JJPerez-PIA5 Albay)


Tagalog news: Dating mambabatas ng Sorsogon, pumanaw na

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 25 (PIA) -- Pumanaw kumakalawa ang dating kongresista ng ikalawang distrito ng Sorsogon Jose “Joey” Guyala Solis na kumakandidato sana sa kaparehong posisyon para sa darating na halalan sa Mayo.

Ayon sa ulat na nakarating sa PIA Sorsogon, cardiac arrest ang naging dahilan ng pagpanaw nito habang ginagamot ito sa Estevez Hospital sa lungsod ng Legazpi sanhi ng sakit sa bato. Makailang ulit na ring naoospital ang dating kongresista at sumasailalim sa dialysis dahil sa iniindang sakit nito at sanhi na rin ng iba pang mga komplikasyon.

Si Solis ay nagtapos ng kursong Civil Engineer sa Feati university noong 1961 at kumuha ng kursong Applied Geodesy and Photogrammetry sa Unibersidad ng Pilipinas at nagtapos noong 1971.

Mula 1961 hanggang 1966 ay nagsilbi si Solis bilang Security to the President at Presidential Staff Assistant on Finance at ng Presidential Security Battalion.

Matagal din itong nagsilbi sa iba’t ibang mga departamento ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula 1968 hanggang 1987.

Pinamunuan din niya ang Committee on Bicol Recovery and Economic Development partikular noong mga panahong dumanas ng matitinding kalamidad ang rehiyon ng Bicol.

Naging administrador din ito ng National Mapping and Resource Information (NAMRIA) at naglunsad ng kauna-unahang mga gawang Pilipino na topo map; kauna-unahang gumamit ng Geographic Information Systems (GIS) technology; Sea Surface Temperature (SST) Mapping Project; gumamit ng Digital Databasing ng Nautical Chart Project; Remote Sensing Project at nagbigay linaw sa kahulugan at tamang paggamit ng Philippine Reference System.

Nanalo siya bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Sorsogon noong 2001, 2004 at 2007 at kinilala din sya bilang “Most Outstanding Congressman” mula 2001 hanggang 2004.

Si Solis na taga-Bulan, Sorsogon ay pumanaw sa edad na 73 at ang kanyang mga labi ay nasa pangangalaga ngayon ng kanyang asawang si Flocerfida de Guzman. Wala pang napag-uusapan ang pamilya hinggil sa sistema ng gagawing burol sa dating kongresista at kung kailan ang libing nito.

Kung walang papalit na kandidato kay Solis tatlo na lamang ang maglalaban sa pwesto ng pagkakongresista sa ikalawang distrito: si Gullermo De Castro ng partidong United Nationalist Alliance (UNA); Sappho P. Gillego ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP); at kasalukuyang Congressman Deogracias B. Ramos Jr. ng Liberal Party (LP). (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)


Panlilinlang ng ilang pulitiko sa benepisyaryo ng 4Ps tinalakay sa Masbate media forum

By Marlon A. Loterte

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 25 (PIA) -- Kaugnay ng pagsisikap ng Department of Social Welfare and Development na maprotektahan ang integridad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, isang media forum na tumatalakay sa umano’y panlilinlang ng ilang pulitiko ang idinaos kahapon sa Masbate kasabay ng paglunsad ng kampanyang “Bawal ang Epal.”

Ang anti-epal campaign ay dahil sa mga ulat na may incumbent mayor at iba pang mga pulitiko at mga grupo na nagbabantang tanggalin ang mga taong nakikinabang sa programa kung hindi nila susuportahan ang mga ito sa botohan sa darating na Mayo 13.

Nilinaw ni Hesse Lavisto ng DSWD na walang sinuman ang may karapatan na magtanggal sa benepisyaryo maliban sa DSWD, kapag ang benepisyaryo ay hindi sumusunod sa mga kundisyon ng programa.

Ang isang benepisyaryo ng 4Ps ay binibigyan ng P500 kada buwan, para sa kalusugan at P300 kada buwan sa bawat bata para sa maximum na tatlong anak. Sila ay dapat sumunod sa mga kondisyon, na kinabibilangan ng preventive health check-ups, pagdalo sa mga sesyon ng pamilya para sa mga magulang at 85 porsiyento ang dapat na maging pagdalo sa paaralan ng kanilang mga anak.

Lumagda rin ang lokal na media, parent leaders at partner agencies ng DSWD katulad ng Department of Public Works and Highways sa isang kasunduan na magbibigkis sa kanila sa pagsulong sa kampanyang Bawal ang Epal.

Puntirya ng kampanyang ito na puksain ang mga maling kuro-kuro ng mga nakikinabang tungkol sa kontrol ng mga pulitiko sa Pantawid Pamilya program. Ang anumang gawaing epal ay marapat na iulat sa DSWD, sa pamamagitan ng hotline na 09189122813. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Masbate news: Panlalansi san magkapira na pulitiko sa mga benepisaryo san 4Ps sentro sa Masbate media forum kahapon

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 25 (PIA) -- Maylabot sa pagtalinguha san Department of Social Welfare and Development na protektaran an integridad san iya programa na Pantawid Pamilyang Pilipino Program, isad na media forum na maga diskuter sa panlalansi kuno san magkapira na pulitiko an hihiwaton kahapon sa Masbate agod ilansar an Kampanya na “Bawal ang Epal.”

An anti-epal campaign ilalansar dahilan sa mga barita na may incumbent mayor kag iba pa na politiko kag mga grupo na nagapamahog na hahalion an mga tawo na nakikinabang sa programa kun dili ninda suportaran an mga ini sa botohan sa maabot na Mayo 13.

Guin klaro ni Hesse Lavisto san DSWD na wara san sin-o man na may diretso na magtangkas san benepisaryo apwera sa DSWD, kun an benepisaryo dili magsunod sa mga kondisyones san programa.

An benepisaryo san 4Ps guina hatagan san quinientos pesos kada bulan, para sa ikaayon lawas (health) kag tresientos pesos naman kada bulan para sa maximum na tulo na anak, sa kondisyon na maga tuman sinda sa mga minasunod na kondisyon: preventive health check-ups, pagtambong san mga ginikanan sa sesyon pampamilya kag 85% san inda mga anak naga sulod sa eskwelahan.

Mapirma an local media, parent leaders kag partner agencies san DSWD pareho san Department of Public Works and Highways sa isad na covenant na magaburogkos sa inda sa pagtulak sa kampanya na Bawal ang Epal.

Target san nahunambitan na kampanya na pugsaon an dili tama na huring-huring na kontrolado daw san magkapira na pulitiko an Pantawid Pamilya program.

An nano man na ilegal na hiwag bagay lang na ireport sa DSWD o pinaagi sa hotline na 09189122813. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)


DOLE, kinunsulta ang Masbate hinggil sa Batas Kasambahay

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 25 (PIA) -- Tinipon nitong Abril 24 ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga katugunan ng Masbate sa paghahanda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act 10361 o ang Batas Kasambahay.

Ayon kay DOLE Provincial Officer Carlos Onding, layunin ng konsultasyon na maitaas ang kamalayan sa mga probisyon ng batas na hinabi upang maprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga katulong sa bahay.

Kabilang sa mga nakinig at nagbigay ng "inputs" sa pagtitipon na isinagawa sa lungsod ng Masbate ay ang lokal na media at mga kasapi ng multi-sectoral group na Provincial Child Labor Committee.

Kasama sa mga napuna ay ang hindi pagkakatugma ng edad na maaring mapabilang sa Social Security System. Sa Batas Kasambahay, dapat miyembro ng SSS ang 15 anyos na kasambahay, samantalang sa batas ng SSS, 16 anyos ang pinakabatang kasapi ng seguro. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)


Masbate news: Konsultasyon manungod sa Batas Kasambahay guin hiwat san DOLE sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 25 (PIA) -- Tinipon kan saro kasemana san Department of Labor and Employment an feedback kag sabat/suhistyon san Masbate maylabot sa preparasyon san Implementing Rules and Regulations san Republic Act 10361 o an Batas Kasambahay.

Segun kan DOLE provincial officer Carlos Onding, katuyuan san konsultasyon an mahitaas an kaaraman sa mga probisyon san balaod na guin proponer agod protektaran an kaayuhan kag seguridad san mga kabulig sa sulod san panimalay.

Kaupod sa mga namati kag naghatag san suhistyon sa tiripon na guin hiwat sa ciudad san Masbate an lokal na medya kag an miyembro san multi-sectoral group na Provincial Child Labor Committee.

Magkapira sa mga nakapukaw atensyon an dili magkaparehas na edad na pwede ipaidalom sa Social Security System. Sa Batas Kasambahay kinahanglan miyembro san SSS an 15 anyos na kabulig, mientras sa balaod san SSS 16 anyos an pinakabata na miyembro san nahunambitan na ahensiya.

Inisplikar ni Onding na an pagkuha san mga komento kaparte lang sa konsultasyon nasyonal na padayon na guina hiwat para sa mga stakeholders.

Sa bag-o na balaod guina laoman na pakikinabangan san lampas sa 2,900,000 na Pilipino na nagatrabaho bilang kabulig sa balay, kadamuan sainda naghali sa pobre na probinsya pareho san Masbate.

Ini na balaod an magahatag san komprehensibo ng benepisyo para sa obrero na Pilipino sa mga panimalay, kaupod didi an 13th month pay, service incentives kag iba pa na mga social welfare benefits pareho san SSS, Pag-ibig kag PhilHealth. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)


COMELEC handang-handa na para sa eleksyon

By Edna A. Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, Abril 25 (PIA) -- Handang-handa na ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan kaugnay ng isasagawang halalan sa Mayo, 2013.

Ito ang ipinahayag ni Comelec provincial election supervisor Atty. Ma. Aurea C. Bo-Bunao sa isinagawang pagpupulong ng tanggapan at iba pang ahensya ng pamahalaan noong Abril 19, 2013.

Ayon kay Bo-Bunao, lahat umanong ahensya at tanggapan na may gagampanang tungkulin ay handa nang gampanan ang kani-kanilang tungkulin.

Dagdag pa niya, maging ang mga municipal election offices sa 11 bayan ng lalawigan ay nakahanda na sa pag-alalay sa darating na halalan.

Samantala, inilahad naman ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga planong pangseguridad kaugnay ng pagbabyahe sa mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na gagamitin sa iba’t ibang voting centers sa mga paaralan sa probinsya.

Ayon kay PNP Provincial Director Eduardo Chavez, gagawin nila ang lahat upang matiyak na maayos na makakarating sa mga voting precincts ang mga PCOS at iba pang voting paraphernalia.

Ayon pa kay Chavez, magtatalaga umano sila ng mga pulis sa mga lugar na pagdarausan ng halalan sa tulong na rin ng Philippine Army 83rd Infantry Batallion.

Bukod dito, paiigtingin din ang seguridad sa mga "power and communication facilities" sa lalawigan kasali na ang mahigit 19 na "cellsites."

Ayon naman sa pamunuan ng Air21, dumating na sa lalawigan ang mga PCOS machines na kasalukuyang nakatago sa isang protektadong lugar. Sa Abril 26 naman inaasahang dumating ang mga balota na gagamitin sa eleksyon.

Tiwala naman ang Comelec na sa tulong ng iba’t ibang sektor ay makatitiyak ang lahat sa isang mapayapa at matagumpay na halalan. (MAL/EAB-PIA5 Catanduanes)



Pagbisita sa mga piitan sa Camarines Norte, isinagawa

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Abril 25 (PIA) -- Isinagawa ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ang pagbisita sa mga piitan o bilangguan kung saan unang binisita dito ang provincial jail.

Ayon kay PSupt. Reynaldo Periabras, Human Rights officer ng Philippine National Police Region V, ang pagbisita sa mga piitan ay upang malaman ang kalagayan ng mga nakabilanggo dito at magkaroon ng magandang balita na ipararating sa mataas na pamunuan ng PNP.

Aniya, malalaman din sa mga bilangguan kung mayroong paglabag sa karapatang pantao o human rights violation na nasasangkot ang mga tauhan na namamahala sa piitan.

Dagdag pa niya na bahagi rin ito ng nalalapit na halalan upang masiguro na ang lahat ng bilanggo na nasa loob ng kulungan at hindi ginagamit ng kung sinumang pulitiko at malaman ng publiko na walang mangyayaring dayaan sa araw ng eleksiyon.

Ayon pa rin kay PSupt. Periabras, sa kanyang pagbisita sa provincial jail ay wala naman siyang nakitang paglabag sa mga bilangguan at panawagan niya rin na ipagpatuloy ang mga proyektong pangkabuhayan na pinagkakakitaan ng mga nakabilanggo dito. (MAL/ROV/PIA5-Camarines Norte)


31 bilanggo nakapagtapos ng 'Therapeutic Modality Program' sa Camarines Norte

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Abril 25 (PIA) -- May kabuuang 31 bilanggo ang nakapagtapos ng Therapeutic Modality Program noong ika-15 ng Abril ngayong taon sa Camarines Norte Provincial Jail sa Kapitolyo ng probinsiya.

Ayon kay Therapeutic Community Coordinator Randy A. Sayno ng Provincial Custodial and Security Services Division ng pamahalaang panlalawigan, sa anim na buwang pagtuturo at pagsasanay ng naturang programa, 19 ang nakapagtapos sa unang bahagi sa pamamagitan ng “Oryentasyon” upang makilala nila ang kanilang mga sarili at ang kahulugan ng mga natutunan.

Samantalang 12 naman sa ikalawang bahagi ang "Core Treatment" para sa paghubog ng bawat isa sa pag-uugali at sariling kaisipan.

Ito ay ipagpapatuloy pa rin sa mga susunod na araw para sa ikatlo at ikaapat na bahagi ng programa sa pamamagitan ng “Integration” sa kanilang pakikipag-kapwa tao at mga gagawin o “After Care” bilang paghahanda sa paglabas nila ng piitan.

Layunin ng naturang programa na ihanda sa mga bilanggo sa kanilang pagbabago upang matutunan ang tamang pag-uugali, moral at ispiritwal upang paglaya nila ay maging handa sila sa pakikipagkapwa-tao at pakikisalamuha sa komunidad.

Naging panauhing pandangal sa pagtatapos si Regional Director Susan Borja-Bornas, mula sa Parole and Probation Administration.

Ito ay programa ng Parole and Probation na ipinatutupad ng tanggapan ng Provincial Custodial and Security Services Division ng pamahalaang panlalawigan. (MAL/ROV/PIA5-Camarines Norte)


Bicolano news: Two-thirds na kinahanglan na PCOS machines, naduhol na sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 25 (PIA) -- Biente sais kaadlaw antes an pirilian, naduhol na sa Masbate an 500 sa 750 na precinct count optical scan (PCOS) machines na kinahanglan para sa botohan sa probinsya sa Mayo 13.

Apisar sani, nagpahayag san kumpiyansa si Acting Regional Election Director Noriel Badiola na mahihimo san Commission on Elections na iduhol sa Masbate an kulang sa Abril 30, isad kasema antes an naka-iskedyul na ultimo na pagporbar kag sealing san PCOS machine sa Mayo 6 agod maciero na an mga ini maga-andar.

An nasambit na machines pareho san ginamit san eleksyon san Mayo 10, 2012 kag binakal paagi san Comelec hali sa Smartmatic.

Segun kan Badiola, an 500 PCOS machines presente na naka-istak sa isad na warehouse.

Nagbalibad si Badiola na sabihon kun diin naka-istak an machines pero, sinabi san Comelec official na mahigpit na guina bantayan ini san mga pulis kag mga guwardiya na kinuha san Comelec hali sa private security agencies.

Matawhay daw an sadire ni Badiola na waran remalaso na mangyari sa kada isad san PCOS machine kag sa mga accesories sani, dahilan kay an kada isad na-testing antes guin impake kag ipadara sa Masbate. (RAL/PIA5)


Kandidato ng Camarines Norte hindi suportado ang RH Law, divorce at same sex marriage

By Rosalita B. Manlangit

Camarines Norte, April 25 (PIA) -- Hindi suportado ng lahat ng siyam na kandidato sa pagkakongresista, gubernador at bise gubernador ang Reproductive Health Law at hangad nila itong maamyendahan at hindi rin bibigyan ng suporta ang pagpapatupad nito.

Bukod dito tutol rin sila sa diborsiyo at same sex marriage samantalang sa anti-political dynasty bill ay pabor dito at ang iba naman ay kinakailangan na tukuyin kung anong degree at masusi pang pag-aralan.

Ito ang mga isyung napag-usapan sa isinagawang 2013 Candidates Forum para sa mga kandidato sa probinsiya o provincial level na pinangunahan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) noong Biyernes, Abril 19, sa Cariñon Hall ng Cathedral na dinaluhan ng mga volunteers ng PPCRV mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan at ng mga media.

Ayon sa limang kandidato sa pagkakongresista sa dalawang distrito ay tutulong sila upang maamyendahan ang mga probisyon na nakapaloob sa RH Law.

Matatandaan na ang dalawang kongresista ngayon ng lalawigan ay una nang hindi sumuporta sa RH Bill.

Samantala sa ilegal na pagmimina sa lalawigan ayon sa mga kandidato ay kinakailangan na magkaroon ng "minahang bayan," pag-organisa ng Provincial Mining Regulatory Board at ang "pag-reregulate ng small scale mining" sa lalawigan.

Ganon din sinagot ng mga kandidato ang kanilang "stand" sa isyu ng Standard Operating Procedure (SOP) sa mga proyekto ng pamahalaan at ang kanilang magiging programa sa pagsasanay at pangkabuhayan sa lalawigan.

Lumagda rin ang mga kandidato sa isang "covenant" o kasunduan para sa malinis at maayos na halalan sa ika-13 ng Mayo ngayong taon.

Kabilang sa mga kandidato sa pagkakongresista sa unang distrito ay sina Dra. Catherine Barcelona-Reyes, National Unity Party (NUP) at Former Labo Mayor Winefredo Oco, Liberal Party (LP) samantalang sa pangalawang distrito ay sina Cong. Elmer Panotes, Lakas-CMD, dating kinatawan Liwayway Vinzons-Chato, LP at Board Member Ruth Herrera, isang independent.

Sa pagkagubernador ay sina Governor Edgardo Tallado ng LP at Cong. Renato Unico ng NUP at sa bise gubernador ay sina Vice-Governor Jonah Pimentel ng LP at dating kinatawan, Gobernador at Bise-Gobernador Roy Padilla Jr ng NUP. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)


Firearms registration ng PNP-Bato, matagumpay

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Abril 25 (PIA) -- Halos 90 porsyento ng mga may-ari ng baril sa bayan ng Bato, Camarines Sur ang nagparehistro ng baril sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) simula pa ng ipatupad ang proyektong Stricker Gun Control Measures para sa paparating na 2013 midterm elections.

Ayon kay Police Chief Inspector Amado Montaña, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, na naging masigasig ang kanilang ginawang kampanya para sa pagpaparehistro ng armas na naglalayong mabawasan ang anumang krimen kaugnay ng di mga rehistradong baril.

Dagdag pa ni Montaña, umabot na sa 160 na may-ari ng iba't ibang kalibre ng baril ang naitala sa Bato Municipal Police Station. Labing tatlong baril pa ang nakabilang sa unaccounted habang tatlong uri pa ng firearms ang nasa pangangalaga ng pulisya dahil sa ginamit ang mga ito sa krimen.

Inaasahan ng mga otoridad na madadagdagan pa ang bilang ng mga nagpapaheristro ng armas dahil sa kampanya kontra sa loose firearms sa buong bansa.

Kasama sa mga armas na dapat i-rehistro ay ang pag-aari ng pribadong indibidwal, opisyal ng korte, mga guwardia ng pampublikong opisina, local government units at private security agencies.

Pormal na ring inabisuhan ang mga delinkuwenteng nagmamay-ari ng mga baril o armas ng PNP–Firearms and Explosive Office na mag-renew ng kanilang lisensiya sa lalong madaling panahon upang hindi sila maharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition. Ang sinomang lalabag ay maaring di na mabigyan ng permisong magbitbit ng baril at maaari ding kumpiskahin ang naturang armas.

Nag utos na rin ang pamunuan ng PNP na buwagin ang tinatawag na private armies sa iba’t ibang panig ng bansa alinsunod na rin sa pinapasunod na kautusan ng Malacañang at DILG . (MAL/LSM/DCA-PIA5 Camarines Sur)


Sorsogon Bay nananatiling ligtas sa lason ng red tide

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 25 (PIA) -- Patuloy pa ring mapapakinabangan ng mga taga Sorsogon at maging ng mga dadayo rito ang biyaya ng mga lamang dagat partikular ang seashell na mula sa look ng Sorsogon.

Ito ay matapos na ipalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pinakahuling resulta ng kanilang laboratory test na nagsasabing negatibo pa rin sa paralytic shellfish poisoning o sa kontaminasyon ng red tide ang Sorsogon Bay.

Maliban sa Sorsogon Bay, negatibo din sa nakalalasong red tide ang mga lamang-dagat mula sa Juag Lagoon sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Sa Shellfish Bulletin ng BFAR na may petsang Abril 17, 2013 tanging ang mga shellfish na nakolekta mula sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at sa Balite Bay sa Mati, Davao Oriental ang siyang positibo sa nakalalasong red tide.

At upang patuloy na mapangalagaan pa rin ang seguridad at kapakanan ng publikong mahihilig sa mga lamang-dagat, patuloy pa ring pinag-iingat ng BFAR ang mga ito sa pamamagitan ng paglilinis ng mabuti ng alinmang kinakaing lamang-dagat bago ito lutuin at kainin. Dapat din umanong tiyaking hindi ito bilasa at iiwas lalo na ang mga shellfish at alimango sa pagkakabilad sa araw.

Samantala, tiniyak din ng BFAR at maging ng Office of the Provincial Agriculture – Fisheries Division ng Sorsogon na nananatiling mahigpit ang ginagawang pagsubaybay ng kanilang mga siyentista sa Sorsogon Bay at Juag Lagoon kahit pa negatibo ito sa red tide nang sa gayon ay agaran silang makapagbigay ng abiso sa publiko sakaling may makita silang mga bagong kaganapan.

Mahigit dalawang taon na ring nananatiling ligtas sa lason ng red tide ang Sorsogon Bay. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)


Mega job fair sa Labor Day gaganapin sa Naga City

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Abril 25 (PIA) -- Pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa rehiyong Bicol ang taunang Mega Job Fair na gaganapin sa SM-City Naga sa darating na Mayo 1.

Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa sa buong bansa.

Ayon kay Raymond P. Escalante, opisyal na tagapagsalita ng DOLE Bicol, dalawang malalaking aktibidad ang magaganap dito sa lungsod at sa lungsod ng Legazpi sa Mayo 1 at 2 - ang Mega Job Fair at Fun Run na may temang “Obrerong Bicolano, Oragon Ka! Dalagan Para sa salud asin Kaligtasan.”

Kaugnay nito, makakatuwang naman ng nasabing ahensiya sa naturang aktibidad ang lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Naga, Naga City Public Employment Office o MetroPESO, Philippine Information Agency (PIA) at SM-City Naga.

Ang Labor Mega Job Fair ay sabay-sabay na gaganapin sa mga SM-City branches at mga tanggapang pangrehiyon ng DOLE sa buong bansa.

Libu-libong mga bakanteng trabaho sa loob ng bansa at maging sa ibang bansa ang inaalok para mabigyan ng pagkakataon ang mga nagsipagtapos pa lamang sa kolehiyo, mga naghahanap ng trabaho, nagbalik na OFWs, out-of-school youths at mga naghahanap ng mapapasukan.

Maliban sa DOLE Job Fair sa Mayo 1, ang Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Naga ay nagkaroon din ng Job Fair noong Abril 1, 2013. Halos 300 na aplikante para maging call center agent ang sumailalim sa pagsasanay matapos na makapasa sa ginawang IBM Call Center Hiring.

Samantala, ginawa din ang Pre-Labor Day Job Fair sa lungsod ng Legazpi noong Abril 9-10, 2013. Ayon sa pahayag ni DOLE-Bicol Regional Director Nathaniel V. Lacambra halos 539 na aplikante ang magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng lokal na trabaho at maging sa ibayong dagat pagkatapos ng naturang aktibidad. (MAL/LSM/DCA-PIA5 Camarines Sur)


Masbate news: ‘Library in a box’, guin distribwer san DOST sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 25 (PIA) – Nagdistribwer sa Masbate an Department of Science and Technology san digital science library, an gamit na makabulig sa mga estudyante na mababaton sa science schools.

Opisyal na tatawagon ini na STARBOOKS na gusto sabihon Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Stations, an computer server na nakamuntada sa lectern na guin bansagan man san mga opisyal san DOST na “library in a box” kay nakamayo ini sa kiosk.

An mga nakabaton san research kiosk an Masbate National Comprehensive High School, Dr. Emilio Espinosa Sr. Memorial State College of Agriculture kag gobierno lokal san Aroroy.

Guin pangunahan ni DOST Regional Director Tomas Brinas an turn-over ceremonies na guin tambungan san mga representates hali sa nahunambitan na eskwelahan kag hali sa non-government organizations.

Makikit-an san mga para-adal ang kiosk sa pampubliko na library sa duha na nasambit na eskwelahan kag lokal na gobierno.

Cierto na dumamo pa an ‘library in a box’ sa Masbate kun batunon san NGOs an guina alok san DOST na software san STARBOOKS agod makamanehar man sinda san library in box.

Segun sa DOST Regional Director Tomas Brinas, an research kiosk na pinorma san Science and Technology Information Institute may karga na libo-libo na digitized resources sa siyensya kag teknolohiya na mapupuslan dili lang san mga estudyante na naga maw-ot na magkuha san scholarship sa science schools.

May sulod man ini san kaaraman na kinahanglan san entrepreneurs, trabahador, kag iba pa na kliyente san siyensya kag teknolohiya.

Segun sainda, sa klik lang sa kiosk makukuha na ninda an libo-libo na impormasyon sa siyensya kag teknolohiya.

Guin duonan san opisyal san DOST na ini na proyekto an paagi san administrasyong Aquino agod madali na makuha san kada Pinoy an impormasyon sa siyensya kag teknolohiya.

An kwalipikado na magmanehar sa STARBOOKS an local government units, non-government organizations kag educational institutions. (RAL)

LTO, PNP nagsagawa ng 'deputation training'

By Marlon A. Loterte

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 23 (PIA) -- Ang Police Regional Office 5 (PRO5) at Land Transportation Office (LTO) regional office dito ay nagsasagawa ng pagsasanay sa Land Transportation at Traffic Enforcement Deputation na isinagawa sa Camp Gen. Simeon A. Ola.

Ayon kay PO2 John Barbonio, regional deputy information officer, hindi bababa sa 50 ang dumalo sa dalawang araw na training kasama ang mga sibilyang empleyado mula sa mga ahensya ng pamahalaan at mga pulisya mula sa iba’t ibang sangay ng PRO 5.

Ang mga dumalo ay sumailalim sa unang araw ng diskusyon na ibibigay ng ilang mga kawani sa LTO 5 samantalang nang sumunod na araw ay ang aktuwal na mga pagsasanay upang madagdagan ang kanilang kaalaman at mapabuti ang kanilang kasanayan sa traffic law enforcement.

Sinabi rin ni Barbonio na ang Regional Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) ng rehiyon ng Bikol na si Engr. Roel V. Asisto ay inanyayahan din sa nasabing training at tumalakay ang mga kaukulang isyu na may kinalaman sa pagpaprangkisa.

Pagkatapos ng naturang training, magtatalaga mula sa mga dumalo ang LTO ng mga bagong traffic law enforcer sa Lungsod ng Legazpi o sa alin mang bahagi ng rehiyon na may pangangailan sa mga ito.

Ipinaliwanag din ni Barbonio na ang mga law enforcers ay tunay na sumasailalim sa pagsusuri ng LTO. Dagdag pa niya ang mga hindi itinalaga ng LTO ay hindi maaaring basta na lang magpatupad ng mga alituntutunin o batas trapiko.

Ang pinagsamang LTO at PNP deputation training ay naglalayong madagdagan pa o mapunan ng sapat na bilang ang mga traffic law enforcers para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas trapiko. (MAL/MZEser-OJT-BU/PIA5)


Serbisyo ng Post Office sa Sorsogon magpapatuloy pa rin

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, April 23 (PIA) -- Sa kabila ng pagbawas ng bilang ng mga koreo sa Sorsogon at kakaunting bilang ng tauhan nito, sinisikap pa rin umano ng Philippine Postal Corporation Sorsogon Service Office na makakaabot pa rin sa mga kinauukulan ang mga padala o sulat mula sa mga nagpapadala nito.

Ito ang inihayag ng isang opisyal ng koreo kung saan inamin nitong anim na koreo sa buong Sorsogon ang isinara na nila dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nagpapadala at tumatangkilik dito.

Wala na ring regional post office sa Bicol bagkus ay isinama na ito sa Region IV ng PhilPost kung saan ang central office ay nasa San Pablo, Laguna.

Aniya, maliban sa matagal nang plano ng local post office na bawasan ang kanilang area of coverage, aminado rin siyang ang pagdami ng bilang ng mga gumagamit ng cellphone at internet ang malaking dahilan kung bakit mataas rin ang ibinawas ng mga tumatangkilik ngayon ng serbisyo ng koreo.

Dagdag din dito ang pagkuha na rin ng contractual services ng mga cellphone company na dati ay nagpapadala rin sa kanila.

Kabilang sa tuluyan na nilang ipinasara ay ang postal services office sa mga bayan ng Barcelona, Castilla, Donsol, Juban, Prieto Diaz at Sta. Magdalena.

Tanging ang mga bayan na lamang ng Bulan, Casiguran, Gubat, Irosin, Matnog, Pilar, Bulusan, Magallanes at lungsod ng Sorsogon ang mananatiling aktibo sa pagbibigay ng postal services sa mga Sorsoganon.

Klinaster na lamang nila umano ang pagdedeliber ng mga padala o sulat na idinaan sa koreo nang sa gayon ay matatanggap pa rin ito ng mga pinadalhan ayon sa itinakdang panahon.

Aminado naman si Ramon Dino, isang lokal na manunulat na mahalaga pa rin ang papel na ginagampanan ng koreo na hindi rin matutumbasan ng cellphone, internet at iba pang makabagong teknolohiya lalo’t hindi naman lahat ng lugar sa Sorsogon ay nabiyayaan ng magandang signal ng mga service provider nito.

Samantala, upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng PhilPost, isinailalim ito ni Pangulong Benigno Aquino noong nakaraang taon sa Office of the President sa bisa ng Executive Order 47 at nagbigay din ng kaukulang pondo upang masuportahan ang pinansyal na pangangailangan nito. (MAL/BAR/PIA5-Sorsogon)


Tagalog news: Lungsod ng Sorsogon negatibo sa rabis

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 23 (PIA) -- Walang naitatalang nagpositibo sa rabis na mga hayop na nakakagat ng tao partikular ang mga pusa at aso dahil sa pinaigting na kampanya ng Sorsogon ukol sa rabis.

Ayon kay Health Surveillance Team Head Registered Nurse Socorro Dimaano ng Sorsogon City Health Office, 265 na ang naitala nilang insidente ng pangangagat ng pusa at aso dito sa lungsod ng Sorsogon, subalit ni isa ay wala umanong nagpositibo sa rabis.

Aniya, hindi na nila ikagugulat kung tumaas pa ang bilang nito lalo pa’t panahon ngayon ng tag-init at bakasyon kung saan kadalasang makikita sa labas ng bahay ang mga tao dahil sa init ng panahon lalong lalo na ang mga batang naglalaro at naghahabulan na siyang palagiang nabibiktima ng mga kagat ng hayop.

Subalit hindi umano nila itinitigil ang kanilang panawagan sa publiko na mag-ingat at sa mga may-ari ng hayop na maging responsable.

Sakali umanong makagat ng hayop, dapat na mahugasan ito ng malinis na tubig sa loob ng 10 minuto, sabunin ng maigi at hugasang mabuti at agad na sumangguni sa doktor upang maiwasan ang anumang epektong maaaring dalhin ng kagat ng hayop. (MAL/BAR/PIA5-Sorsogon)


Tagalog news: Paghahanda sa eleksiyon at voters education tampok sa 'Talakayan sa PIA' Cam Norte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Abril 23 (PIA) -- Naging tampok ang paghahanda sa halalan sa Mayo at voters education sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency (PIA) ng Camarines Norte noong Huwebes (Abril 18) dito.

Ayon kay provincial election supervisor Atty. Romeo Serrano ng Commission on Elections nakapagsagawa na sila ng mga pagsasanay para sa mga guro bilang mga Board Election Inspectors (BEI) at sa mga Technicians at Supervisors para sa PCOS machine.

Aniya ang mga guro o BEI ang kanilang deputized agency sa panahon ng halalan sapagkat sila ang nasa presinto samantalang ang pulisya naman ay may nakalatag na ring plano upang mabantayan ang mga PCOS machine.

Sinabi naman ni diocesan coordinator Fr. Edwin Visda ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na patuloy ang kanilang isinasagawang pagsasanay ng mga volunteers na kanilang itatalaga sa mga presinto at ganon din ang pagsasagawa ng candidates forum at voters education sa mga bayan.

Pinaalalahanan rin niya ang mga botante na kung maari ay huwag tatanggap ng pera upang hindi makompromiso ang boto sapagkat maari pa ring makonsensiya kapag tumanggap dahil naman sa ugali ng Pilipino na "utang na loob."

Ayon naman kay provincial director Edwin Garcia ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tumutulong ang kanilang tanggapan sa pagpapaalala sa mga botante na tamang kandidato lamang ang kanilang iboboto lalong lalo na sa mga barangay.

Aniya, sila rin ang nagmamatyag sa katahimikan at kaayusan ng lalawigan kung saan may komiteng kaugnay nito na Provincial Management Committee na kinabibilangan ng DILG, Bureau of Jail Management and Penology, Phil. Army, Phil. National Police, National Police Commission at Bureau of Fire Protection.

Nagalak naman si PENRO Elpidio Orata ng Department of Environment and Natural Resources sapagkat epektibo ang kanilang kampanyang pagbabawal ng paglalagay ng mga campaign posters sa mga punong kahoy dahil wala na silang nakikitang nakasabit sa mga punong malapit sa national highway at mangilan-ngilan na lamang sa mga barangay.

Ang “Talakayan sa PIA” ay pinangungunahan ni ICM Rose Manlangit ng PIA at dinaluhan ng mga mamamahayag at brodkaster ng Hello Bicol at Dateline Camarines Norte ng STV6, Pipol Event News, Nation News, DWYD-FM Bay Radio, DWLB-FM Labo, DWSL-FM, DWCN-FM-Radyo ng Bayan at DWSR-FM-Power Radio. (MAL/RBM/PIA5 Camarines Norte)


Tagalog news: Kasanayan sa sining, pag-arte, pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Cam Norte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Abril 23 (PIA) -- Pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ang isang "Summer Workshop" upang mahubog ang kakayahan at kasanayan ng mga kabataan sa iba't ibang talento sa sining at pag-arte.

Ayon kay Abel Icatlo, tagapangasiwa ng programa, ang Summer Workshop ay taon taon ng ginagawa para sa mga kabataan upang magamit naman nila nang makabuluhan ang kanilang panahon ngayong bakasyon.

Kabilang sa mga naituro na simula pa sa unang araw ng Abril ang aerodance, folkdance, flute, banduria at charcoal painting samantalang patuloy ang acrylic painting hangang sa Biyernes (Abril 26) at sisimulan naman sa ika-29 ng Abril ang pagsasanay sa pagtugtog ng gitara at ang theater arts o pag-arte.

Sa ika-7 ng Mayo ang ang showcase of talents o pagpapakita ng kanilang natutunan sa pagsasanay sa iba't ibang larangan ng sining sa pamamagitan ng isang programa.

Taon-taon na itong isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan tuwing panahon ng bakasyon. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte).


Tagalog news: CHED scholarship program, bukas na para sa SY 2013- 2014

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 23 (PIA) -- Ang Commission on Higher Education o CHED sa Bicol ay muling nanghikayat ng mga mag-aaral na magkokolehiyo na kumuha ng tatlong klaseng tulong pinansiyal sa ilalim ng Student Financial Assistance Program (StuFAP) ngayong 2013-2014.

Ayon kay Education Program Specialist Cyril Badiola, ang scholarship na buong merit (Full Merit) ay para sa mahihirap pero karapat-dapat na estudyanteng may General Weighted Average (GWA) na 90% pataas. Ang benepisyaryo ay maaring makakapag-enrol sa pampubliko o pribadong Universidad. Nagkakahalaga ng P15,000 ang kada semester.

Samantala ang kalahating merit (Half Merit) ay iniaalok sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral na ang GWA ay 85-89%. Ang benepisyaryo nito ay maaring ring mag-enrol sa pampubliko o pribadong Higher Education Institutions (HEIs). P7,500 naman ang matatanggap rito kada semestre.

Pangalawa ang Grant-in-Aid Program na "Tulong Dunong" na ang hinihinging grado (GWA) ay 80-84%, ito ay para sa mga miyembro ng cultural minority groups of the hill tribe, solo parents at senior citizens. Ang estdyanteng mabibiyayaan nito ay tatanggap ng P6,000 sa kalahating taon ng pag-aaral.

Pangatlo sa iniaalok ay ang Student Loans. Makakakuha ng loan ang karapat-dapat na estudyante sa ilalim ng tinatawag na "Study-Now-Pay-Later" na programa.

Ayon pa kay Badiola na ang CHED ay nag-aalok din ng tulong pinansyal sa ilalim na Office of Presidential Advicer on Peace Process- CHED Student Grant Program for Rebel (OPAPP CHED SGPRR) at (DND-CHED-PASUC ) Study Grant Program for Congressional District/ Senate.

Dagdag pa niya na ang mga benepisyaryo ng mga programang ito ay inaasahang kumuha ng mga kursong Information Technology, Teacher Education, Engineering, Agriculture, Science and Math at Atmospheric Science. (MAL/RBEbuenga-OJT-BU/PIA5)


Tagalog news: CSC: May mga bakanteng trabaho sa Masbate

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 22 (PIA) -- Inihayag ng tanggapan dito ng Civil Service Commission na may 39 na bakante sa hanay ng mga nagtuturo sa Department of Education Masbate.

Ayon sa patalastas na ipinakita nung nakaraang Biyernes sa Facebook page ng CSC’s field office, ang mga bakante ay para sa mga guro, school principal, guidance counselor at librarian.

Ang teacher I ay may 24 na bakante; guidance counselor, 11; head teacher, tatlo; teacher III, isa; school principal I, dalawa; school principal II, isa; at librarian, dalawa.

Ang mga aplikante ay kailangang may current RA 1080 license. Hindi binanggit ng CSC ang tiyak na pook kung saan iaa-assign ang mga makakakuha ng trabaho.

Ang hiring ay bahagi ng hangarin ng pamahalaan na matugunan ang kailangang tauhan sa mga paaralang pampubliko sa probinsya na kung saan tumaas ngayong taon ang populasyon ng mga mag-aaral.

Ang mga nagnanais manilbihan sa mga pampublikong paaralan sa probinsya ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa CSC field office sa lungsod ng Masbate. (MAL/EADelgado-PIA5 Masbate)


Tagalog news: Paligsahan ng sanayang pangkaligtasan isinasagawa sa Cam Norte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Abril 23 (PIA) -- Sinimulan ngayon araw na ito ang apat na araw na paligsahan ng sanayang pangkaligtasan upang maihanda ang mga volunteers sa iba't ibang kasanayan sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Ito ay sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction/Climate Change Adaptation Skills Olympics.

Ayon kay Carlos Galvez, tagapangasiwa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) dito, ang mga kalahok sa paligsahan ay mga piling kabataan at adults na emergency responders kabilang ang SK Emergency Response Teams (SK-ERT), Barangay Emergency Action Teams (BEAT) at ang Municipal Emergency Action Teams (MEAT).

Aniya ito ay bahagi pa rin ng programang BEAT “D” Risk o “ Building an Environment of Awareness and Trust through Disaster Risk Reduction Initiatives, Safety and Knowledge Management” na inilunsad noong 2011, isang multi-leveled capability building.

Ito ay isinasagawa sa gusali ng Sanayang Pangkaligtasan sa Sitio-Mat-I, Brgy. Sto. Domingo, Vinzons ng lalawigan.

Kabilang sa mga paligsahan ang disaster quiz relay; DANA problem solving; First Aid at Basic Life Support gaya ng rescue breathing at cardio-pulmonary resuscitation; bandaging relay; victims carry at transport relay; scenario fire rescue at evacuation; fire control techniques gaya ng bucket relay at fire truck operation; typhoon tracking and plotting; problem solving sa emergency response-Multi-Hazard Scenario at ganon din ang Obstacles Traverse.

Makakatanggap ng P20,000 ang pangkalahatang mananalo sa bawat kategoriya; P15,000 sa 1st runner-up (bawat kategoriya); P10,000 sa 2nd runner-up (bawat kategoriya); P5,000 sa 3rd runner-up (bawat kategoriya) at P1,000 ang event winners at iba pang pa premyo.

Ito ay sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinagunahan ng PDRRMO sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense Region V, Department of Interior and Local Government, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police at Philippine Red Cross. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte).

Wednesday, April 24, 2013


Masbateño news: Bakante na mga trabaho sa Masbate abierto, segun sa CSC

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 24 (PIA) -- Guin hayag san nakaligad na Viernes san Civil Service Commission na igwa san 39 na bakante para sa teaching force sa Masbate an Department of Education.

Base sa patalastas na guin paskel sa Facebook page san CSC field office sa Masbate, an mga bakante para sa para tukdo, school principal, guidance counselor kag librarian.

Igwa san 24 na bakante para sa teacher I; onse na guidance counselor; tulo na head teacher; isad na teacher III, duha na school principal I; isad na school principal II kag duha na librarian.

Kinahanglan may current RA 1080 license an mga aplikante, wara naman nahayag san CSC an eksakto na lugar kun-diin madedestino an mababaton sa mga nahunambitan na trabaho.

An hiring kaparte sa obhito san gobierno na masabat an kinahanglan na tawohan sa mga pampubliko na eskwelahan sa probinsya na kun-diin tumaas an numero san populasyon san eskwela yana na tuig.

Sa mga naga maw-ot na magsirbe sa public schools sa probinsya bumisita lang sa CSC field office sa Masbate City. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Monday, April 22, 2013


'Operation Baklas' pinangunahan ng DENR katuwang ang MFPC

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 22 (PIA) -- Nagsasagawa ngayong araw ng "Operation Baklas" ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) katuwang ang Multi-Sectoral Forest Protection Council (MFPC) sa mga bayan sa unang distrito ng Sorsogon.

Ito ay dahil sa kabila ng panawagang ginagawa ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang mga environment concerned group, makikita pa rin sa mga punong nakatanim sa kahabaan ng pambansang lansangan at maging sa mga puno sa road right-of-way ang ginagawang paglabag

Marami pa ring makikitang mga nakapaskil o ipinako sa puno na mga business advertisement, partikular na ang mga campaign poster.

Ayon kay MFPC Chairman Andy Espinar, ang operasyon ay bilang pagpapaigting pa ng kampanya ng DENR na mapangalagaan ang mga puno at maiiwas ito sa pagkakasugat at pagkamatay dahilan sa nakapakong mga business advertisement at campaign poster lalo ngayong magkakaroon ng halalan sa Mayo 13, 2013.

Bahagi din umano ang aktibidad sa pagdiriwang ng Earth Day ngayong araw kung saan muli nitong ipinapaalala sa publiko ang pagmamahal at pag-iwas sa anumang uri ng aktibidad na makasisira sa mundo.

Una nang nanawagan si Regional Executive Director Gilbert Gonzales ng DENR sa mga pulitiko at taga-suporta nito na gawing malinis ang gagawing pangangampanya, iwasan ang pagkakalat ng mga basura at ikabit lamang ang mga campaign poster sa itinakdang common poster area ng Commission on Election.

Isinusulong din ng DENR Bicol ang Clean and Trash Free Election.

Alinsunod sa Presidential Decree 953, bawal ang pagpapako o pagpaskil ng anumang mga poster o iba pang mga paraphernalia sa puno ng kahoy. Ang mapapatunayang lumabag ay papatawan ng mula sa anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong at penalidad na P500 hanggang P5,000.

Maging sa Section 23 ng Comelec Resolution 7767 karugtong ng Republic Act 9006 o Fair Election Act, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdidikit, pagpapako ng mga campaign poster sa mga puno ng kahoy. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)


Usapin sa Batas Kasambahay, inilahad sa talakayan sa Sorsogon

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 22 (PIA) -- Aktibo ang naging diskusyon sa isinagawang consultation workshop ukol sa Implementing Rules and Regulations ng “Batas Kasambahay” o ang RA 10361 noong Martes, Abril 16, sa Mango Grill, lungsod ng Sorsogon.

Dinaluhan ng mga kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Social Security System, Philippine Information Agency, Department of Education, Philippine National Police; mga opisyal ng Public Employment Service System at Liga ng Barangay sa Pilipinas-Sorsogon Chapter; kinatawan ng tri-media; at iba pang mga stakeholder, ilang mga isyu din ang natalakay at ilan naman ang naghayag ng mga saloobin ukol sa kanilang hindi pagpabor sa nasabing batas.

Partikular na hindi pumapabor ang ilang kinatawan ng media at mga naroroong employer na karamihan ay nasa middle class lamang. Anila ay masmagiging magastos sa kanila sakaling tuluyan nang maipatupad ang Batas Kasambahay, maliban pa sa hindi rin umano masyadong napag-uusapan sa batas ang magiging proteksyon din ng mga employer o amo.

Ipinahayag pa nila na hindi nila tinututulan ang paggawa ng mga batas subalit inaasahan nila na hindi ito mangangahulugan ng malaking gastos sa bahagi ng mga ordinaryong mamamayang magpapasweldo ng mga kasambahay bago pa man ito pumasok ng panunungkulan sa kanila.

Ilan din sa mga napag-usapang isyu ay ang hindi magkatugmang patakarang nakasaad sa Rule IV section 16 ng Batas Kasambahay at sa RA 8282 ng SSS ukol sa araw kung kailan dapat na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga kasambahay. Nakasaad sa RA 8282 na ipinatutupad ng SSS na dapat na mai-enrol ang kasapi sa kanila sa unang araw na nagtrabaho ang kasambahay habang sa RA 10361 naman ay dapat na di bababa sa isang buwan.

Dagdag pa nila, na kung kasangkot na ang punong barangay sa paggawa pa lamang ng kontrata sa pagitan ng kasambahay at paglilingkuran nito, dapat ding isali ang punong barangay sakaling magkaroon ng suliranin ang kasambahay at amo nito. Nagmungkahi rn ang grupo ng mga media na sana’y maglagay din ng Barangay Help at Monitoring Desk.

At upang maproteksyunan din umano ang mga employer sa mga nang-aabusong kasambahay partikular sa pinansyal na aspeto, dapat na maglagay din ng ‘ceiling’ para sa mga cash advance na kalimitang nangyayari sa pagitan ng amo at kasambahay.

Wala din umanong nakasaad na probationary period sa kontrata o di kaya’y malinaw na patakaran sakaling hindi magustuhan ang serbisyo o may magawang mabigat na kasalanan ang kasambahay sa mga unang araw pa lamang ng paninilbihan nito.

Ang Batas Kasambahay ay nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong January 18, 2013. Alinsunod sa isinasaad sa Rule XIII ng iminumungkahing IRR, magiging “Araw ng mga Kasambahay” ang ika-18 ng Enero taon-taon.

Inaasahang sa Araw ng Paggawa o “Labor Day” sa Mayo 1, 2013 ay tuluyan nang maipatutupad ang nasabing batas na magsisilbing proteksyon ng mga kasambahay laban sa mga pang-aabuso ng mga pinaglilingkuran nito. (MAL/BAR/PIA5 Sorsogon)

Friday, April 19, 2013

DOH Bicol may libreng bakuna para sa mga nakatatanda

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 19 (PIA) -- Nagbigay ang Center for Health Development ng Department of Health (DOH-CHD) sa rehiyong Bicol ng libreng bakuna panlaban sa pulmonya at trangkaso sa mahihirap na matatanda dito sa lungsod.

Ayon kay Dr. Gloria J. Balboa, DOH Bicol regional director, ang programang pagbabakuna ng kagawaran sa buong rehiyon ay upang palakasin ang resistensiya ng mga nakatatanda laban sa pulmonya.

Inihayag ni Balboa na ang DOH Bicol ay nagtalaga ng 95,000 na mahihirap na matatanda na mabakunahan laban sa pulmonya at 114,987 naman sa trangkaso.

Noong nakaraang taon, nakapagbigay ng libreng bakuna ang nasabing tanggapan sa mahigit 113,780 na matatanda, na kung saan 103,365 doon ay para sa trangkaso at 10,415 naman para sa pulmonya.

Naitala noong taong 2011 na ang pulmonya ay pumapangalawa sa sakit sa puso na dahilan ng kamatayan sa rehiyon.

Paliwanag ni Balboa na madalas na ang mga matatanda na may chronic medical conditions ang siyang tinatamaan ng naturang sakit at ang bakuna ang pinaka-epektibong lunas dito. (MAL/SABallon-OJT-BU PIA5)



DOLE, kinunsulta ang Masbate hinggil sa Batas Kasambahay

By Marlon A. Loterte

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 19 (PIA) -- Tinipon kahapon ng Department of Labor and Employment ang feedback o mga katugunan ng Masbate sa paghahanda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act 10363 o ang Batas Kasambahay.

Ayon kay DOLE Provincial Officer Carlos Onding, layunin ng konsultasyon na maitaas ang kamalayan sa mga probisyon ng batas na hinabi upang maprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga katulong sa bahay.

Kabilang sa mga nakinig at nagbigay ng inputs o paliwanag sa pagtitipon na isinagawa sa lungsod ng Masbate ay ang mga lokal na media at mga kasapi ng multi-sectoral group na Provincial Child Labor Committee.

Kasama sa mga napuna ay ang hindi pagkakatugma ng edad ng mga maaaring mapabilang sa Social Security System. Sa Batas Kasambahay, dapat miyembro ng SSS ang 15 anyos na kasambahay, samantalang sa batas ng SSS, 16 anyos ang pinakabatang kasapi ng seguro.

Ipinaliwanag ni Onding na ang pangangalap ng mga komento ay bahagi lamang ng pambansang konsultasyon na patuloy na isinasagawa sa mga stakeholders.

Ang bagong batas ay inaasahang pakikinabangan ng mahigit sa 2,900,000 Pilipinong nagtatrabaho bilang katulong sa bahay, marami sa kanila ay nagmula sa mahirap na lalawigan tulad ng Masbate.

Ang batas na ito ang magkakaloob ng komprehensibong pakete ng mga benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino sa sambahayan, kabilang ang 13th month pay, serbisyong insentibo at iba pang mga social welfare benefits tulad ng SSS, Pag-ibig at PhilHealth. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)



Masbateño news: Konsultasyon manungog sa Batas Kasambahay guin hiwat san DOLE sa Masbate


CIUDAD SAN MASBATE, Abril 19 (PIA) -- Tinipon kagahapon san Department of Labor and Employment an feedback kag sabat/suhistyon san Masbate maylabot sa preparasyon san Implementing Rules and Regulations san Republic Act 10361 o an Batas Kasambahay.

Segun kan DOLE provincial officer Carlos Onding, katuyuan san konsultasyon an mahitaas an kaaraman sa mga probisyon san balaod na guin proponer agod protektaran an kaayuhan kag seguridad san mga kabulig sa sulod san panimalay.

Kaupod sa mga namati kag naghatag san suhistyon sa tiripon na guin hiwat sa ciudad san Masbate an lokal na medya kag an miyembro san multi-sectoral group na Provincial Child Labor Committee.

Magkapira sa mga nakapukaw atensyon an dili magkaparehas na edad na pwede ipaidalom sa Social Security System. Sa Batas Kasambahay kinahanglan miyembro san SSS an 15 anyos na kabulig, mientras sa balaod san SSS 16 anyos an pinakabata na miyembro san nahunambitan na ahensiya.

Inisplikar ni Onding na an pagkuha san mga komento kaparte lang sa konsultasyon nasyonal na padayon na guina hiwat para sa mga stakeholders.

Sa bag-o na balaod guina laoman na pakikinabangan san lampas sa 2,900,000 na Pilipino na nagatrabaho bilang kabulig sa balay, kadamuan sainda naghali sa pobre na probinsya pareho san Masbate.

Ini na balaod an magahatag san komprehensibo ng benepisyo para sa obrero na Pilipino sa mga panimalay, kaupod didi an 13th month pay, service incentives kag iba pa na mga social welfare benefits pareho san SSS, Pag-ibig kag PhilHealth. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)




Thursday, April 18, 2013

PhilHealth nagsasagawa ng 'validation' at 'mapping' ng mga kasapi nito

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 18 (PIA) -- Kaugnay ng ipinatutupad na universal coverage ng Philhealth at ng pamahalaang nasyunal, umiikot at bumibisita ngayon sa mga tanggapan at mga "business establishment" ang mga kinatawan ng Philhealth Sorsogon upang magsagawa ng "validation" at "mapping" ng mga kasapi ng PhilHealth.

Ayon kay PhilHealth Sorsogon SIO1 Vic Ardales, nais umanong makamit ng PhilHealth ang target nilang mai-enrol ang lahat ng mga kuwalipikadong Pilipino sa tinatawag na "Universal Coverage" alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7875 na binago naman ng Republic Act 9241.

Dagdag pa niya na ang ginagawa nilang ito ay bilang pagtupad din sa Rule III at sa Section 14 at 18 ng nabanggit na batas.

Ayon sa nakatalaga sa Section 14, lahat ng mga empleyado kabilang na ang mga kasambahay at mga sea-based Overseas Filipino Worker (OFW) ay obligadong maging kasapi ng PhilHealth, habang nakasaad naman sa Section 18 na lahat ng mga government at private employer ay obligadong irehistro ang kanilang mga empleyado sa PhilHealth at dapat na bigyan ng permanente at sariling PhilHealth Identification Number.

Aniya, nais din umano ng PhilHealth na matukoy ang aktwal na bilang ng mga employer at empleyado na rehistrado at saklaw nito at ang kabuuang populasyon, kabilang na ang mga dependent na saklaw ng nasa business, government at private sector. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)


Alcantara, kaunaunahang Bikolanang manlalaro ng Pilipinas sa Universiade


By Marlon A. Loterte

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 18 (PIA) – Itinanghal si Arianne Armi Alcantara, mula sa Bicol University (BU), na kaunaunahang Bikolanang mapapasama sa Philippine team para sa 27th Summer Universiade, na tinagurian ring World University Games, na gaganapin sa Kazan, Russia sa darating na Hulyo 6-17, ngayong taon.

Napili si Alcantara ng Federation of School Sports Associations of the Philippines (FESSAP) upang maging isa sa mga kalahok ng Pilipinas sa swimming competition.

Siya ay makikipagtunggali sa ibang manlalangoy na mula sa iba’t ibang unibersidad ng iba't ibang bansa kasama ang iba pang kasapi ng Philippine Swimming League na ipapadala sa Russia.

Ipinakita naman ng mga taga BU ang kanilang suporta para kay Alcantara na isa ring mag-aaral ng unibersidad ng Bicol at nangungunang myembro rin ng BU swimming team sa isang agaw pansing tarpaulin na ipinaskil sa harap ng BU main campus dahil sa kanyang pagiging kaunaunahang manlalangoy na magdadala ng pangalan ng BU, lungsod ng Legazpi, probinsya ng Albay at rehiyon ng Bikol sa nasabing prestihyosong pang-internasyonal na kompetisyon.

Ang Summer Universiade na ginaganap dalawang beses kada taon ay magtatampok ng pinakakilala at pinakamahuhusay na mga atleta ng mga Unibersidad mula sa iba't ibang panig ng mundo kung kaya nama’y ito ay tinaguriang pangalawa sa Olympic games bilang pinakaprestihiyosong pang-internasyonal na patimpalak.

Mahigit 180 mga bansa ang lalahok sa naturang kompetisyon. Kabilang na rito ang Russia, Estados Unidos, People’s Republic of China, Japan, at South Korea.

Ang Universiade na pinamumunuan ng International University Sports Federation (FISU) ay naglalayong magkaroon ng pandaigdigang kapayapaan at pagkakaisa sa mga kabataan anumang bansa ang kanilang pinagmulan sa pamamagitan ng palakasan. (MAL/MEEser-OJT-BU/PIA5)


Kampanyang 'Ako Responsable Huwaran!' ilulunsad

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 18 (PIA) -- Inilunsad kahapon ng dalawang magkatuwang na non-government organization (NGO) dito sa Sorsogon ang kampanyang “Ako Responsable Huwaran!”

Ito ay sa ilalim ng programang Adolescent Reproductive Health (ARH) ng Federation of Associations for Communities and Children’s Empowerment Incorporated (FACE) at ng Child Fund Philippines.

Ayon kay Chit F. Novela, community mobilizer ng FACE sa Bicol, ang paglulunsad ng kampanyang “Ako Responsable Huwaran!” ay may layuning maitaas ang antas ng kamalayan ng publiko ukol sa ARH program at sa patuloy na pagpupunyagi ng FACE at Child Fund Philippines na masuportahan ang mga programa ng pamahalaan ukol sa mga Pilipinong kabataan.

Inaasahang magbibigay ng mensahe si assistant provincial health Officer Dr. Liduvina Dorion, Bicol Area Manager ng Child Fund Philippines Pedro L. Tamayo at National Director ng Child Fund Philippines Katherine K. Manik.

Tatalakayin din ni FACE federation President Gloria Lorena R. Senosin ang ARH Campaign: “Ako Responsable Huwaran!” habang ang mga kinatawan naman ng Board of Trustees at iba pang stakeholders ang maghahayag ng kanilang statement of support sa kampanyang “Ako Responsable Huwaran!”.

Ipapakita din ang mga resulta ng ginawang sining ng mga benepisyaryong kabataan sa pamamagitan ng isang eksibit.

Sinabi din ni Novela na tinututukan ng kampanya ang lebel ng kamalayan upang ganap na maging responsable ang mga kabataan sa kanilang sarili at sa kanilang kapwa kabataan lalo pa’t sila ang kadalasang nalalantad sa eksploytasyon at mga pang-aabusong sekswal. Katuwang umano nila ang Department of Social Welfare and Development sa pagpapatupad ng programang ito.

Ang programang ARH na tinatawag din nilang 15-24 program ay nakatuon sa mga kabataang may edad 15 hanggang 24 kung saan bahagi ng ginagawa ng FACE ay ang pag-oorganisa sa mga ito at pagtulong sa mga kabataan upang mabigyan ng maaayos na kinabukasan tulad ng pagbibigay ng socialized educational assistance sa anumang napili nilang dalawang taong kursong bokasyunal at pag-enrol sa mga ito sa Alternative Learning System (ALS) ng DepEd sa pakikipagkawing sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA) nang sa gayon ay mabigyan ng kaukulang kasanayan at pag-unalad ang mga kabataang ito.

Sinasanay din nila ang mga kabataan na magkaroon ng kumpyansa sa kanilang sarili sa pamamagitan ng paglinang ng mga angking galing nito. Isa na rito ang pagho-host sa “Balitang Bata”- isang programa sa radio ng mga batang naka-enrol sa Child Fund na sumasahimpapawid sa DZGN-FM tuwing huling Linggo bawat buwan.

Dagdag pa ni Novela na mayroon ding "formation session" kung saan ang mga kabataan na rin ang nagsasagawa nito.

Ang ARH ay nasa pangatlong taon na ng implementasyon sa pangunguna ng FACE na pinopondohan naman ng Child Fund Philippines. Benepisyaryo nito ang bayan ng Pili sa Camarines Sur at ang lungsod ng Sorsogon at mga bayan ng Irosin, Bulan at Matnog sa lalawigan naman ng Sorsogon kung saan umaabot sa mahigit 3,000 mga indibiduwal ang benepisyaryo nito. Pagtitiyak ni Novela na hangga't may Child Fund ay mananatili ang mga programa ng FACE sa rehiyon ng Bicol. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Wednesday, April 17, 2013

Tagalog news: Mga turista sa Rodeo Festival, hinimok na magsilbing ambasador ng Masbate

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 17 (PIA) -- Dahil naranasan ng mga panauhin sa katatapos na Rodeo Festival ang masayang buhay sa Masbate, hinimok ng isang alkalde ang cowboys at cowgirls na magsilbing ambassador ng Masbate sa kanilang mga lalawigan.

Sa piging na idinaos bago magtapos ang rodeo national finals, sinabi ni Masbate City Mayor Socrates Tuason na pinakamagaling na tagahatid ng magandang balita sa Masbate ang mga cowboy at cowgirl dahil personal na nalasap nila ang kagandahang loob ng mga Masbatenyo at namalas nila ang touristic spots sa Masbate.

Higit sa lahat aniya ang nasaksihan ng mga panauhin ang matiwasay na karakter ng lalawigan na kabaligtaran sa imaheng naipinta sa mga pahayagan.

Dinagsa ng libu-libong panauhin ang Rodeo Festival sa Masbate sa kabila ng pagtuturing dito ng Commission on Elections bilang area of concern dahil sa pagkapaslang ng ilang tumatakbo sa halalan sa Mayo 13.

Pinakamalaking taunang pagdiriwang sa Masbate ang Rodeo Festival, kung saan itinatampok ang pambansang kampeonato sa rodeo, ang sports ng cowboys at cowgirls sa Pilipinas.

Mahigit isang libong cowboy at estudyante sa mga unibersidad ang lumahok sa katatapos na rodeo national finals. (MAL/EAD-PIA5 Albay)



Bicol news: Mga bisita sa Rodeo Festival, guin engkaher na maging ambassador san Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 17 (PIA) -- Dahilan sa sinapay na malipay na buhay san mga bisita sa katatapos na Rodeo Festival sa Masbate, iningkaher san isad na meyor an cowboys kag cowgirls na maging ambassador san Masbate sa kada inda mga probinsya.

Sa handaan na guin hiwat antes na matapos an rodeo finals, sinabi ni Masbate City Mayor na pinakamatahom na tagaduhol san matahom na barita sa Masbate an cowboys kag cowgirls dahilan kay personal ninda na natilawan an maayo na kaburot-on san mga Masbatenyos kag nakita man ninda an touristic spots sa Masbate

Labi sa tanan segun saiya, naging testigo an mga bisita sa matuninong na karakter san probinsya, baliskad sa imahe na naporma san mga diyaryo.

Dinumog san linibo na bisita an Rodeo Festival sa Masbate, apisar na tratarado ini san Commission on Elections bilang area of concern dahilan sa insidente san pamatay sa magkapira na kandidato sa Mayo 13.

Pinakadako an tuig-tuig na selebrasyon san Rodeo Festival sa Masbate, kun-diin bida an mga kampeonato sa rodeo, an nahunambitan na selebrasyon karaman san mga cowboys kag cowgirls sa Pilipinas. (MAL/RAL/PIA5-Masbate)



Tagalog news: Paglago ng mga taniman punongkahoy sa Bicol siniguro ng DENR

LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 17 (PIA) -- Naglaan ng 10 toneladang abono ang Department of Environment and National Resources (DENR) para sa rehiyong Bicol upang masiguro ang mataas na porsyento ng paglago ng mga punong-kahoy na itatanim para sa kanilang National Greening Program.

Ito ang binigyang-diin ni DENR Bicol Regional Executive Director Gilbert Gonzales matapos ang pagsiguro ng Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) na makalilikom sila sa ngayong semestrr ng 155 toneladang abono o masmataas ng 55 porsyento kumpara sa nakaraang taon.

Ayon pa kay Gonzales ang abonong "Mycorrhiza" na siyang inilaan para sa rehiyon ay mabuting uri ng biofertilizer na nakakapagpabilis sa paglaki ng mga ugat at nakakapagpabuti sa pagpapanatili ng tubig at nutrisyon sa pananim kung kaya nasisiguro ang 80 porsyentong paglaki ng mga binhi.

Ayon sa pag-aaral ng ERDB malaki ang naitutulong ng Mycorrhiza para mapatatag ang mga pananim laban sa epekto ng mahabang panahon na tagtuyot maging sa epekto ng heavy metals sa mga lugar na may mine tailings o tapunan ng mga tira-tirang metal sa mga minahan.

Ang ERDB ay nangunguna sa produksyon ng Biofertelizer sa bansa sa pakikipagtulungan sa National Institute of Molecular Biology and Bio-Technology ng University of the Philippines Los Baños (UPLB – Biotech). (MAL/SAA-PIA5 Albay)

Tuesday, April 16, 2013


Tagalog news: Ika-93 pagkakatatag ng Camarines Norte, Bantayog Festival binuksan kahapon

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Abril 16 (PIA) -- Pormal nang binuksan kahapon (Abril 15) ang mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng ika-93 pagkakatatag ng lalawigan ng Camarines Norte at ganon din ang ika-9 na Bantayog Festival ng pamahalaang panlalawigan.

Ang pagdiriwang ay sinimulan sa umaga sa pamamagitan ng isang misa ng pasasalamat at sinundan ng isang pagtataas ng bandila sa pangunguna ni Gobernador Edgardo Tallado kasama ang mga bokal at mga alkalde ng mga bayan ng lalawigan na ginanap sa harapan ng kapitolyo.

Sinundan ito ng isang "commemorative program" sa harapan ng kapitolyo na dinaluhan ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang nasyunal.

Isang civic military parade kasunod ng isang programa ang isinagawa sa hapon na dinaluhan ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang nasyunal ganon din ng mga piling mag-aaral sa lalawigan at mga kinatawan mula sa grupong sibiko.

Ngayong araw (Abril 16) ang paligsahan na boksing; tourism and trade fair exhibit opening sa Abril 16-23; drum line competition sa Abril 17; Job Fair sa Abril 17-18; libreng gupitan simula Abril 18; visual art display sa Abril 18-26; Bb. Cam Norte Pageant Night sa Abril 19; 5th Bantayog Climb 2013 Mount Labo Conquest sa Abril 18 hanggang 21 at Bikini Open sa Abril 20.

Magsasagawa rin ng Kayak Surfing Clinic at Bagasbas Surfing Clinic sa ika-20-21; Bantayog Fun Run 2013 at 2nd Bagasbas Strong Man Competition – Abril 21; DLC Competition at Parada ng Kabataan Para sa Kagitingan – Abril 22; dance showdown – Abril 23; 2nd Bantayog football clinic – Abril 23-27; 2013 Provincial Disaster Risk Reduction/Climate Change Adaptation Skill Olympics – Abril 23-26; Grand Festival Parade at street dancing competition – Abril 25; Variety Show at Fireworks Display- Abril 26; Bantayog Cycling Competition – Abril 26-27 at Governor’s Night sa Abril 27.

Noong ika-14 ng Abril nagkaroon ng pagbibigay pugay sa mga bayani ng lalawigan sa pamamagitan ng “Tribute to Local Heroes” at ang pagbubukas ng “Bantayog Photo Marathon” at patuloy ito hanggang sa ika-26 ng Abril.

Ipinagdiriwang sa Camarines Norte ang "Bantayog" sapagkat sa bayan ng Daet matatagpuan ang unang bantayog o "First Monument" ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ang tema ngayong taon ng pagdiriwang ay “Bawat CAMNORTEÑO Katuwang sa Maaliwalas na Kinabukasan.” (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)



Tagalog news: Otoridad at citizen groups, nagharap sa dialogue ng 'Caritas Dialogue'

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 16 (PIA) -- Nagharap ang mga otoridad sa eleksyon at mga lider ng citizen groups sa ginanap na Caritas Dialogue sa lungsod ng Masbate kahapon (Abril 15).

Para sa panig ng pamahalaan, lumahok sa dialogue sina Acting Assistant Regional Director Noriel Badiola ng Commission on Elections, Police Regional Director Chief Supt. Clarence Guinto, Armed Forces Southern Luzon commander Major General Caesar Ronnie Ordoyo, 9th Infantry Division commander Major General Romeo Calizo, Regional Special Operations Task Group commander Police Senior Supt. Arnold Albis at Masbate Police Provincial Director Senior Supt. Heriberto Olitoquit.

Sa panig naman ng citizen groups ay ang mga lider ng people’s associations mula sa iba’t ibang bayan sa Masbate ang dumating.

Dumalo din si Bishop Leopoldo Tumulak ng AFP/PNP Diocese.

Sa puna ni Tumulak, ikinasiya ng lider ng Simbahang Katoliko ang ayon sa kanya ay pakikinig ng isang panig habang matapat na nagpapahayag ng kanilang saloobin ang kabilang panig.

Ayon sa kanya, namalas niya sa dialogue na posible ang interdependence o tulungan ng mga otoridad at mga lider paysano para makamit ng Masbate ang hinahangad nitong ligtas, malinis, maayos at makabuluhang eleksyon sa Mayo 13.

Ang Masbate ay tinututukan ng Comelec, AFP at PNP dahil sa mga insidente ng pamamaslang na nagaganap sa panahon ng kampanya at botohan sa mga lokal na posisyon.

Sa isyu ng katapatan, sumumpa ang Camarines Sur native na si Badiola na sa kanyang pamamahala sa eleksyon sa Masbate, gagawin niya ang tama upang wala siyang ikahiya sa oras nang paglisan niya sa lalawigan pagkatapos ng halalan.

Sa public perception na may lifeline sa liderato ng PNP at AFP ang mga makapangyarihang pulitiko sa Masbate, tiniyak ni Guinto na wala silang interes sa mananalo sa halalan kundi ang mairaos ito ng wala nang dadanak na dugo upang mapagpag na aniya ng Masbate ang notoriety nito sa panahon ng eleksyon.

Umani naman ng pagsang-ayon ang panukala ng mga heneral ng militar na magbayanihan ang Comelec, AFP, PNP at publiko upang maging matiwasay ang Masbate sa panahon ng eleksyon.

Nagkasundo din ang pinuno ng Caritas Masbate Foundation na si Msgr. Claro Caluya at ang dalawang panig na ulitin nang ilang beses ang dialogue hanggang mairaos ang eleksyon sa Masbate. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)



Bicolano news: Election authorities’ kag citizen groups, nag-aratubang sa dayalogo san Caritas; bayanihan gagamiton sa pirilian

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 16 (PIA) -- Nag-aratubang an mga otoridad sa eleksyon kag mga lider san citizen groups sa guin hiwat na Caritas Dialogue sa ciudad san Masbate kahapon.

Sa lado san gobierno, presente sinda Acting Assistant Regional Director Noriel Badiola san Commission on Elections, Police Regional Director Chief Supt. Clarence Guinto, Armed Forces Southern Luzon commander Major General Caesar Ronnie Ordoyo, 9th Infantry Division commander Major General Romeo Calizo, Regional Special Operations Task Group commander Police Senior Supt. Arnold Albis kag Masbate Police Provincial Director Senior Supt. Heriberto Olitoquit.

Sa lado naman san citizen groups presente man an mga lider san people’s associations hali sa man-iba-iba na munisipyo sa Masbate.

Nagtambong man si Bishop Leopoldo Tumulak san AFP/PNP Diocese.

Sa pagmasid ni Tumulak, nalipay an lider san Simbahan Katoliko na segun saiya nagapamati an isad na lado mientras sensiro na nagapahayag an kapihak na lado san inda nasa huna-huna.

Segun saiya, nakita niya sa dayalogo na posible an interdependence o pagburulig san mga otoridad kag mga lider paysano agod maangkon san Masbate an guina maw-ot sani na ligtas, malipyo, tadong kag mapuslanon na eleksyon sa Mayo 13.

An Masbate guina tutukan san Comelec, AFP, PNP dahilan san mga insidente san paratyanan na nangyayari sa tiempo san kampanya kag botohan sa mga lokal na posisyon.

Sa isyu san sensiridad, sumumpa an netibo san Camarines Sur na si Badiola na sa idalom san iya pamahala sa eleksyon sa Masbate, hihimuon niya an tama agod wara siya san ikaalo sa oras san iya paghali sa probinsya pakahuman san pirilian.

Sa persepsyon san publiko na igwa san lifeline sa liderato san PNP kag AFP an mga gamhanan na pulitiko sa Masbate, guin cierto ni Guinto na wara sinda san interes sa sin-o man na manggarana sa eleksyon kundi an mahiwat ini na waran na san mag-ilig na dugo kag mahaw-as na segun saiya an Masbate an notoriety sa tiempo san eleksyon.

Umangkon man san pagkomporme an mga guin proponer san mga heneral san militar na magbayanihan an Comelec, APF, PNP kag publiko agod maging matuninong an Masbate sa tiempo sa eleksyon.

Nagkomporme man an lider san Caritas Masbate Foundation na si Msgr. Claro Caluya kag san duha na lado na utrohon san magkapira na beses an dayalogo hasta na mahiwat an eleksyon sa Masbate. (MAL/RAL/PIA5-Masbate)


Tagalog news: COMELEC mahigpit na ipapatupad ang 'Fair Election Act' sa Sorsogon

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 16 (PIA) -- Seryoso ang Comelec na ipatupad ang mga patakarang nakasaad sa Republic Act 9006 o Fair Election Act kaugnay ng gagawing halalan sa Mayo 13, 2013.

Ito ang naging pahayag ni Provincial Election Supervisor Calixto Aquino sa ginawang paglulunsad ng “Bawal ang Epal Dito” campaign ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes sa Sorsogon.

Aniya, hinintay lamang nilang matapos ang ginagawa nilang pagsasanay ng mga Board of Election Inspector at Canvasser at tututukan na nila ang iba’t ibang mga unlawful election offense na ginagawa ng mga kandidato at taga-suporta nito.

Subalit aminado si Atty. Aquino na kakaunti lamang ang mga tauhan ng Comelec kung saan pinakamataas na dito ang dalawa, kung kaya't nanawagan ito sa mga mamamayan ng Sorsogon, government organizations, civil society groups at iba pang mga concerned sector na kung maaari ay matulungan sila sa pagsubaybay at sa pagpapatupad ng mga alituntuning dapat sundin kaugnay ng kampanya at halalan para sa mga lokal na kandidato.

Hinikayat niya ang mga ito na idokumento ang mga paglabag tulad ng pagkuha ng mga litrato at video, gumawa ng affidavit at isumbong ito sa tanggapan ng Comelec.

Nakipag-ugnayan na rin sila umano sa local Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa mapayapa at malinis na halalan 2013.

Dagdag pa niya na nasa proseso na rin ang pagbuo ng isang Task Force na tututok sa mga unlawful election material at muli ding bubuhayin ang “Operation Baklas” kung saan alinsunod sa Comelec Resolution ay pangungunahan ito ng election officer at vice chairman ang hepe ng pulisya.

Balak din umano nilang hingin ang tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP) sapagkat mayroon itong mga kaukulang gamit at behikulo na makakatulong sa pagpapatupad nila ng kanilang operasyon at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na talagang determinadong ipatupad ang batas laban sa mga gawaing makakasira sa mga puno at sa kapaligiran tulad ng pagpapako ng mga campaign paraphernalia sa kahoy.

Samantala, kaugnay ng mga election propaganda tulad ng mga ipinapadalang poison letter ng mga kandidato o taga-suporta nito lalo na sa mga istasyon ng radyo, nilinaw ni Atty Aquino na hindi ito dapat patulan sapagkat unang-una nang suliranin dito ay ang pagtukoy kung talagang saan o kung sino ang pinagmulan nito na takot ding lumantad. Kahit pa umano gumamit ng pangalan ng grupo o organisasyon ay dapat na matukoy kung sino ang mga juridical person sa likod nito.

Kaugnay naman sa paggamit ng powerpoint at video presentation sa mga campaign sorties, hindi umano ito ipinagbabawal. Lalabag lamang ito sa batas kung kasinungalingan at makasisira sa reputasyon ng kandidato o isang tao ang ipapalabas. Election propaganda man umano ito ay dapat na pawang katotohanan lamang ang ipapakita o ilalabas sa mga presentasyon dahil kung hindi ay maari silang kasuhan ng libel o iba pang batas na sasaklaw dito. Maging ang mga video scandal ay saklaw din ng hiwalay na batas tulad ng Anti-vouyerism Law. Maaari umanong ang aksyon o paglabag ay hindi saklaw ng batas sa eleksyon subalit may iba pang mga batas na maaring sumaklaw dito.

Kung kaya’t pinag-iingat din niya ang mga kandidato at taga-suporta nito sapagkat maliban sa batas na sumasaklaw sa paglabag ng mga probisyon sa eleksyon ay mayroong iba pang batas na maaaring malabag ng mga ito sakaling maging pabaya at hindi mag-iingat ang mga ito.

Tiniyak din ng Comelec na hindi sila mag-aatubiling sampahan ng kaso ang sinumang irereklamong mga kandidato at suportador nito dahilan sa paglabag sa batas ng eleksyon. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)