Saturday, June 29, 2013

Programa at isyung pangkalikasan tampok sa 'Talakayan sa PIA' sa Cam Norte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Hunyo 28 (PIA) -- Tampok ang mga programa at isyung pangkalikasan sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency sa Camarines Norte kamakailan kung saan naging panauhin ang Provincial Environment and Natural Resources Office (Penro) kaugnay sa “Environment Month Celebration” ngayong buwan.

Ayon kay Penro Elpidio Orata, isa sa kanilang programa ay ang pangangalaga ng mga punong kahoy sa kagubatan kasama ang pagbabalik gubat sa mga nasirang kalikasan katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA).

Aniya, target naman nila sa National Greening Program ng Pangulong Benigno Aquino ang makapagtanim sa may 2,200 ektaryang timberland sa lalawigan upang makatulong na maabot ang pambansang target na 1.5 milyong ektaryang tataniman.

Sinabi rin niya na mayroon ring forestry nursery program sa mga barangay kung saan nagkaroon rin ng Memorandum of Agreement (MOA) sa mga bayan ng Basud, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Jose Panganiban, at Paracale.

Samantala sinabi naman ni Daniel Sombanon, isang inhinyero ng Department of Environment and Natural Resources - Mines and Geo-Sciences Bureau ng (DENR-MGB) na nakikipag-ugnayan sila mga ahensiya ng pamahalaan para sa “geo-hazard mapping” upang matukoy ang mga binabaha ganoon din ang mga gumuguhong lugar na makakatulong sa kanilang pag-aaral lalong lalo na sa panahon ng bagyo.

Katulong din sila ng DENR sa pagtatanim ng puno malapit sa mga minahan hindi lang sa Camarines Norte kundi maging sa ibang lalawigan.

Aniya kaugnay ng Republic Act 79 sa regulasyon sa pagmimina sinabi niya na maraming aplikante sa large scale ang hindi pinayagan ng pamahalaan dahil hindi kompleto sa mga kinakailangang papeles nito at sa lokal naman ay kailangang magkaroon ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) upang maging ligal ang small scale mining base sa Republic Act 76 o “People Small Scale Mining Act."

Ayon sa kanya, mas maayos kung magkaroon ng pagkakapareho sa implementasyon ng batas sa pagmimina sa nasyunal at lokal na pamahalaan upang hindi magkaroon ng kalituhan sa pagpapairal ng mga ito.

Sa isyu ng iligal na pagmimina sa Palanas, Paracale sinabi niya na matagal na itong ipinasara at marami na rin silang isinagawang imbestigasyon kung kaya’t ipinagbabawal ito sa lugar dahil lubhang delikado sa mga minero at sa kalikasan.

Ipinaliwanag naman ni DENR- Environment Management Officer Engr. Henry Lopez ang mga batas na kanilang pinapatupad kabilang ang Presidential Decree 1586 ang “Environmental Compliance Certificate (ECC)” sa mga proyektong nasyunal at maging sa lokal, Republic Act 8749 o “Clean Air Act”, RA 9475 o “Clean Water Act”, RA 6969 o “toxic substances and hazardous nuclear waste control act of 1990” at RA 9003 “for systematic, comprehensive and ecological solid waste management program.”

Ayon naman kay Provincial Director Edwin Garcia ng Department of Interior and Local Government na katuwang rin sila sa National Greening Program at pagbabantay sa mga lokal na pamahalaan para sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad para sa kaayusan at kalinisan lalo na sa tamang pamamahala ng mga basura sa mga bayan.

Kasama rin sa talakayan sina Cenro Ponciano Mabeza na katuwang ng Penro para sa programang pangkalikasan ganon din sina Lt. Col. Michael Buhat ng 49th IB ng Philippine Army at PCInsp. Honesto Garon ng Camarines Norte Police Provincial Office para sa kanilang pagtulong sa pagpapatupad ng mga batas sa pangangalaga sa yamang kalikasan.

Ang talakayan ay dinaluhan ng mga kinatawan sa pamamahayag sa Hello Bicol at Dateline Camarines Norte ng STV6, Bicol Insights, Bicol Post, at Pipol Event News ng dyaryo at mula sa istasyon ng radyo ng DWCN-FM, DZAU-AM, DZMD-AM, DWSL-FM, DWSR-FM, DWYD-FM. (MAL/RBM/PIA5, Camarines Norte).

Friday, June 28, 2013

Bicol benepisyo ng P789-M proyekto ng DAR

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 27 (PIA) -- Aprubado na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kabuuang 142 sub-projects sa ilalim ng Agrarian Reform Communities Projects Phase II (ARCP II) para sa mga probinsiya ng Camarines Norte, Camarines Sur, at Sorsogon na nagkakahalaga ng mahigit sa P789 milyon.

Ayon sa DAR Bicol, malaki ang posibilidad na maaaring umabot pa ang halaga sa isang bilyong piso kung ang kasalukuyang kilos at bilis ay magpapatuloy. Ang kabuuang halaga na P789,416,357 ay pinaghatian ng probinsiya ng Camarines Sur na nakakuha ng pinakamalaking bahagi na P369,130,480, sinundan ng Camarines Norte na nakakuha ng P280,557,967 at nakuha ng Sorsogon ang halagang P139,727,910 na proyekto.

Ayon kay ARCP II Deputy National Project Director Herman Ongkiko, ang DAR Bicol ang pinaka "episyente sa oras"sa lahat ng mga rehiyon sa pagpapalabas ng pondo upang mapabilis ang konstruksiyon ng mga aprobadong subprojects. Ang pondo ng ARCP II ay galing sa tulong na pautang ng Asian Development Bank (ADB) na suportado ng pambansang pamahalaan. Inaasahang makukompleto ang proyekto sa susunod na taon.

Pinuri ni Ongkiko ang DAR Bicol sa natatangi nitong gawain at sinabing naniniwala siya na ang kilos at bilis nito ay karapatdapat lamang na gayahin ng ibang rehiyon upang maihatid ang benepisyo ng mga proyekto sa mga kinauukulan sa lalong madaling panahon.

Ayon kay DAR Bicol Regional Director at ARCP II Regional Project Manager Maria Celestina M. Manlagñit-Tam, ang mga proyekto sa imprastuktura ay naglalayon na magkaroon ng pang-ekonomikong gawain sa mga ARC lalo na sa pamamagitan ng mga kalsadang mula sakahan hanggang merkado o farm-to-market roads at mga post harvest facilities.

Ang aprubadong 142 subprojects ay binubuo ng mga farm-to-market-roads, multi-purpose building at post harvest facilities kasama din ang tinaguriang panlipunang imprastuktura gaya ng mga paaralan, health centers, day care centers, at patubig.

Walo na subprojects sa Camarines Norte ay kumpleto na at may karagdagang lima sa Camarines Sur at dalawa sa Sorsogon. Ang lima nito ay naibigay na sa pamamahala ng mga agrarian reform communities (ARCs).

Nakaabang na ang karagdagang 55 na subprojects na naghihintay na maaprubahan ng regional at national approval committees, 15 nito ay nasa Camarines Norte, 29 sa Camarines Sur, at 11 sa Sorsogon.

Ang pagkahati-hati ng 142 subprojects sa bawat probinsiya ay ang sumusunod: Camarines Norte, 47; Camarines Sur, 80; at Sorsogon, 15. Ang mga magbebenepisyong mga bayan ay ang Labo, Paracale, San Lorenzo Ruiz, Basud, Jose Panganiban at Capalonga sa Camarines Norte; Sipocot, Del Gallego, Libmanan, Milaor, Ocampo, Garchitorena, Tigaon, Buhi, Baao, Bula and Pili sa Camarines Sur; at Castilla, Matnog, Irosin, Juban, Casiguran at Bulan sa Sorsogon.

Ayon sa DAR Bicol, ang magandang takbo ng implementasyon ng ARCP II sa Rehiyon Bikol ay dahilan ng dalawang mahalagang dahilan. Una ay ang pagbigay ng suportang pondo sa pamamagitan ng National Government Assistance for LGUs (NGALGU), na kasabay ang 25 porsyento na bahagi ng LGU sa bawat subproject. Tinutugunan ng NGALGU ang kakulangan ng LGU sa pondo. Ang isa pang dahilan ay ang matibay na koordinasyon ng mga sangkot sa proyekto lalo na sa pagitan ng DAR at mga kinauukulang LGUs.

Kinokonsidera ang DAR Bicol bilang pinakamahusay sa buong bansa sa pagkumbinsi sa mga local government units na makiisa sa implementasyon ng mga imprastruktura para sa rural na mga lugar. (MAL/JJJP/DAR5/PIA5, Albay)

Masbate news: Transition teams sa Masbate, naga andar na para sa matawhay na pagbalhin san obligasyon san LGUs

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 28 (PIA) -- Padayon na nagahiwag an transition teams agod macierto an matawhay na pagbalhin san administrasyon san gobierno probinsyal kag munisipal sa kamot san mga nailiher san Mayo 13.

Segun kan Ben Paul Naz san opisina san Department of the Interior and Local Governments sa Masbate, guina alalayan san DILG field officers an transition teams agod i-preparar an tanan antes an June 30 turnover.

Ang pagbilog san transition teams mandu san DILG sa mga local chief executives na magapaso an termino yana na Hunyo 30.

Guin padiwaraan ni Naz an mga alegasyon sa may mga LGUs na wara san transition team. Wara man daw sinda san nababaton na report an inda opisina na may mga punong ehekutibo na habo magsunod sa direktiba san DILG.

Susog sa direktiba san DILG, an transition teams an magamanihar sa paghusay san mga listahan san pinansiyal kag mga propyadad sa dapat ibalhin sa bago na elihido na gobernador kag meyor sa pagtapos san Hunyo.

An outgoing local chief executives an magapamuno sa transition teams. Sa kaso san Kapitolyo, an mga bagay maylabot sa obligasyones isasaysay sa lungsod san nailiher guihapon na si Gobernador Rizalina Seachon. Lanete. (MAL/RAL-PIA5/Masbate) 

Masbateño news: Crackdown sa ‘illegal’ street gangs, guina proponer sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 28 (PIA) -- Mababatyagan san street gangs sa ciudad san Masbate an init kay guina proponer an pag-crack down san mga otoridad sa mga kaduda-duda na grupo na guina komponer san mga out-of-school youths.

An mga miyembro san street gangs ibubutang sa holding center san pulisya kun sinda madakop na nagatiripon sa kamino sa oras na an curfew ordinance sa ciudad guina patuman na.

Magkapira sa street gangs na nahunambitan ni Masbate City Social Welfare and Development Officer Evely Somera an, Sagasa, Lakas Tama, Asa Ka Pa, Tres Amigos, Black Cross, Puyos kag Gama.

Sa tiripon san Masbate City Peace and Order Council, nagpahayag si Somera san pagkahandal na ang mga nahunambitan na street gangs an maging giya san mga naga maw-ot na umentra sa criminal gangs san mga nasa husto na na-edad.

Pruweba didi segun saiya, an magkapira sa mga gangs embwelto sa mga kasong panlulugos kag pagpatay.

Dahilan san nahunambitan na criminal cases, segun kan Somera posible na ipagbawal an street gangs. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Thursday, June 27, 2013

Ilang kagawad ng Masbate police, isasalang sa character enhancement training

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 27 (PIA) -- Bilang bahagi nang pagbabagong-anyo ng Philippine National Police, 50 kagawad nito sa probinsya ng Masbate ang sumasailalim sa pagsasanay na inaasahang lalong mapaganda ang pakikitungo nila sa kliyente.

Noong Lunes, Hunyo 24, pormal na nagsimula ang character aptitude development enhancement training (CADET)at ito’y tatagal ng 45 na araw.

Ayon kay PNP Deputy Provincial Director Jeffrey Fernandez, ang CADET ay parte ng Integrated Transformation Program (ITP) ng PNP.

Ipinaunawa ni Fernandez na ang ITP ay isang pang-matagalang programa na naglalayong baguhin ang imahe ng PNP.

Inamin ng mga beteranong pulis na sa tingin ng marami nung nakaraang dekada, ang PNP ay isang desorganisado, korap, at hindi epektibong organisasyon sa pagpapatupad ng batas.

Ayon kay Fernandez, patuloy na binabago ng ITP ang imahe ng PNP sa pamamagitan ng repormang institusyonal, pagpapaganda sa kanilang kakayahan, pagpapaunlad ng imprastraktura, at pagpapatibay ng kanilang relasyon sa komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

Sa ganitong paraan aniya maibabalik ang buong tiwala at respeto ng mga mamamayan sa pulisya. (MAL/EAD-PIA5, Masbate) 

Magkapira na tawohan san Masbate police, ipapaidalom sa character enhancement training

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 27 (PIA) -- Bilang parte san pagbabag-on bayhon san Philippine National Police, 50 sani na destinado sa probinsya san Masbate an ipapaidalom sa katukduan na guina laom na magapatahom sa inda pagkatawo kag ugali.

Paagi san opening ceremonies na guin pangunahan san director san PNP Provincial Integrated Affairs Service sa Masbate na si Senior Insp. Ruben Serrano san Lunes, Hunyo 24, pormal na guin tunaan an character aptitude development enhancement training kag ini aabuton san 45 dias.

Segun kan PNP Deputy Provincial Director Jeffrey Fernandez, an character aptitude development enhancement training an sahog o panakot san Integrated Transformation Program san PNP.

Guin pa-intiende ni Fernandez na an Integrated Transformation Program isad na pangmadugayon na programa na nagamaw-ot na bag-ohon an pamayhon san PNP.

Inako san mga beterano na pulis na an pagkita san kadamuan san nakaligad na dekada, an PNP isad na disorganisado, corrupt kag dili turuodan kag epektibo na organisasyon sa pagpatuman san mga balaod.

Segun kan Fernandez, padayon na babag-ohon san Integrated Transformation Program an imahe san PNP pinaagi san reporma pan-institusyonal, pagpakaayo san inda kapasidad, pagpa-uswag san imprastraktura, pagpasarig san inda relasyon sa komunidad na inda guina serbihan.

Irog sani na paagi segun saiya an makapabalik sa kumpiyansa kag respeto san mga pumuluyo sa pulisya. (MAL/RAL/PIA5-Masbate)

E-cigarette, shisha hindi ligtas na alternatibo sa paninigarilyo – DOH Bicol

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 26 (PIA) -- Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa Bicol sa publiko na hindi ligtas bilang alternatibo ang electronic – cigarette o e-cigarrette at shisha upang pabulaanan ang pag-aakalang mabuti sa kalusugan ang dalawang ito bilang pamalit sa ordinaryong sigarilyo.

“Ang e-cigarette pati ang shisha ay hindi dapat ituring na alternatibo dahil paninigarilyo pa rin ang mga ito at may sangkap na delikado sa kalusugan,” sabi ni Regional Program Coordinator for Non-Communicable Diseases Dr. Evy Sarmiento sa panayam sa loob ng programa sa radyo na “Aramon Ta Daw,” ng Philippine Information Agency Regional Office V (PIA V).

Ang e-cigarette na tanyag din sa tawag na personal vaporiser o PV ay isang electronic inhaler na pinapausok ang isang liquid solution upang maging aerosol mist, na ginagamit kahalintulad ng paninigarilyo.

Ang shisha naman, na pinagtatalunan pa kung saan nanggaling (ayon sa iba ay India, may nagsasabing Persia o Turkey) ay isang pipa na nakakabit sa botelya na may lamang tubig na kung kung saan mayroong tabako na lasa at amoy prutas na nababalot sa foil at iniinit sa pamamagitan ng baga. Dumadaan sa lalagyan ng tubig ang usok galing sa tabako na lasa at amoy prutas, saka ito nilalanghap gaya ng paninigarilyo.

Noong nakaraang taon, ang American Lung Association ay nagpalabas ng babala nito sa e-cigarette. Ayon sa kanila, posibleng mas delikado pa ang produkto sa ordinaryong sigarilyo dahil sa ang nikotina sa e-cigarette ay puwedeng masmarami pa kesa sa ordinaryong sigarilyo.

Ang Food and Drug Administration (FDA) ay nagsagawa rin ng pagsusuri sa laman ng e-cigarettes ng mga nakalipas na taon at natuklasan ang ilang nakakalasong kemikal kasama ang diethylene glycol – ang sangkap na ginagamit sa antifreeze. Ang mga natuklasang ito ang naging dahilan upang magpalabas angFDA ng babalang pangkalusugan sa buong bansa.

Samantala, ang Niche Tobacco Advisory Group (NTAG) for North England ay nagsagawa kamakailan ng kampanya sa pagbibigay kaalaman sa paggamit ng shisha. Si Dr. Khalid Anis, chairman ng NTAG sa Manchester, ay nagsabi: "May maling akala na hindi masama ang shisha kumpara sa ordinaryong sigarilyo, dahil sa may prutas na lasa at amoy at dumadaan muna ito sa tubig. Subalit ang katotohanan ay nandoon pa rin ang carcinogens at nicotine.”

Ang regular na humihithit ng shisha ay humaharap sa panganib at problema sa kalusugan katulad ng naninigarilyo, ito man ay sa karamdaman sa baga, puso o kanser. Tulad ng iba pang produktong tabako, ang humihithit ng shisha ay posibleng malulong dito na hahanap-hanapin nila araw-araw, dagdag pa ni Anis.

Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang dami ng usok sa isang oras na paghithit ng shisha ay tinatayang katumbas ng paghithit ng 100 hanggang 200 sigarilyo. Batay sa resulta ng pag-aaral, tinatayang umaabot sa kalahating litro ng usok ang nalalanghap ng maninigarilyo sa bawat sigarilyo habang ang humihithit ng shisha ay maaring lumampas sa kalahati o umabot pa sa isang litro ng usok ang nalalanghap sa bawat hithit nito.

Muling nagpaalala ang DOH-Bicol na ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng apat na nakamamatay na sakit at ito ay ang obstructive pulmonary diseases, lung cancer, kidney diseases at diabetes. “Hindi lang pinapatay ng naninigarilyo ang kanyang sarili kundi pati ang mga nakapaligid sa kanya gaya ng kapamilya, kaopisina, kaibigan,” sabi ni Sarmiento.

Samantala, ibinalita ng Smoke-Free Albay Network (SFAN) ng nakaraang linggo na nalampasan na nito ang itinakdang 13,000 kalahok para sa pagtatangka sa Guinness World Records (GWR).

“Noong Miyerkules, Hunyo 19, lumampas na sa 15,000 katao ang nagpatala sa aktibidad,” ito ang ipinahayag ni SFAN Chairman at Provincial Board Member Herbert Borja. Ang orihinal na plano na tatanggap pa ng hahabol at magpapatala sa mismong araw ay hindi na gagawin sa mga kadahilanang administratibo at teknikal, ayon kay Borja.

Ang pagtatangka ay gagawin sa Biyernes, Hunyo 28, alas siete ng umaga sa loob ng Bicol University (BU) football field na inaasahang makakakuha ng atensyon at suporta ng buong mundo.

Ang aktibidad ay tampok sa mga serye ng mga kaganapan na inihahanda ng Provincial Government of Albay (PGA) at SFAN sa pagdiriwang ng "International No-Smoking Month" ngayong Hunyo, ayon kay Albay Governor Jose “Joey” Salceda.

“Magbibigay ito ng kaugnayan at kahulugan sa pagpapatupad ng ordinansa ng Albay sa pagbabawal sa paninigarilyo at para magbigay kaalaman sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan at kapaligiran,” sabi ni Salceda. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

Wednesday, June 26, 2013

May bagong pasilidad ang Bicol Medical Center

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Hunyo 26 (PIA) -- Pinangunahan ni Undersectary David J. Lozada, Jr.ng Department of Health (DOH) ang groundbreaking ceremony ng Medical Arts Building sa compound ng Bicol Medical Center dito sa Lungsod ng Naga kasabay ng pagdiriwang ng ika-115th Anniversary ng Kagawaran ng Kalusugan sa buong bansa kahapon.

Sa unang bahagi ng programa, nagkaroon ng Funwalk at Hataw Exercise bandang alas singko ng umaga na nilahukan ng mga empleyado ng Bicol Medical Center (BMC) at Hataw Exercise. Ito ay ginanap sa mismong BMC Compound.

Ayon kay BMC Director Dr. Efren Sj. Nierva, magiging bahagi si Lozada ng mga proyekto ng BMC na bahagi ng modernization program ng hospital. Layunin ng pagtatayo ng naturang pasilidad na mas mapahusay pa ang mga serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan sa publiko at makapag bigay ng access sa mas modernong medikal na pasilidad at operasyon ng ospital.

Sinabi ni Nierva na halagang P200 milyong ang inisyal na pondo para sa pagpapatayo ng gusali na magiging quarters ng mga doctor, paglalagyan ng botika at iba pa.

Ang gaganapin na groundbreaking ngayong araw ay bahagi ng proposed Bicol Medical Center modernization kasali ang pagtatayo ng eight-floor Wards Building, Cancer Center, ER at Medical Arts Building.

Samantala, kaugnay pa rin ng ika-115th Anniversary ay ang pagbigay ng libreng konsultasyon at serbisyong pangkalusugan gaya ng Urinalysis, Blood Sugar Determination, Cholesterol Determination, at Blood Pressure.

Dagdag pang aktibidad ngayong araw sa BMC ay ang pagdaraos ng National Kidney Month na may temang, “Malusog na Bato, Yan ang Gusto ko,” No Smoking Month Celebration, at ang Patient Month Celebration. (LSM/DCA/PIA5, Camarines Sur)

Tuesday, June 25, 2013

Masbate news: Drug education center, hihimuon sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 25 (PIA) -- Magapahimo an gobierno ciudad san Masbate san kwarto na pagaklasihan san mga kabataan na bulnerable sa guina bawal na droga.

Sa tiripon san Masbate City Peace and Order Couincil, sinabi san social welfare and development officer san ciudad na si Evelyn Somera na ini na pasilidad magatukdo sa mga kabataan na madadakop na nagbayolar sa curfew na naga edad disiete anyos pababa.

Segun kan Somera, an brainchild ni Mayor Socrates Tuason tatawagon na “Drug Education Center” ititindog sa sulod san istasyon san Barangay Unified Force (BUF).

An istasyon san BUF an magasirbe na holding center san mga kabataan na nagbalgar sa curfew ordinance san ciudad. Segun pa kan Somera, an mga kabataan na may nightlife o nasa luwas sa inda panimalay sa oras san curfew an bulnerable sa mga naga tulak san guina bawal na droga.

Base sa profile na guin hayag san hepe san anti-narcotics section san Masbate City Police Station na si PO4 Arnel Buncaras, magkapira sa mga nagagamit san bawal na droga maga batan-on.

Segun kan Somera, nagahanap kag nagatipon na an iya opisina san reference materials manungod sa drug education.

Sa tiempo na supiciente na an instruction materials, aabrehan na an nasambit na pasiliddad agod tanan na kabataan na madadakop sa pagbalgar sa curfew magkaigwa san kaaraman manungod sa remalaso dara san paggamit san bawal na droga. (MAL/RAL-PIA5/Masbate) 

Sakit sa bato isa pa rin sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 25 (PIA) -- Nananatiling kabilang ang sakit sa bato sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.

Ito ang dahilan kaya patuloy din ang adbokasiya ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at ng Philippine Information Agency (PIA) upang maipalam sa publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa bato o kidney hindi lamang ngayong Hunyo kundi sa mga buwan sa buong taon.

Sa impormasyong halaw sa NKTI-Renal Disease Control Program (REDCOP) mahalagang mabigyan ng pansin ang tamang pangangalaga sa bato lalo na’t karamihan sa mga Pilipino na nakararanas ng malalang sakit sa bato ay hindi nalalamang may sakit na pala sila sapagkat kadalasang hindi natutukoy ng maaaga ang sintomas nito.

Dati nang naglabas si dating Pangulong Fidel V. Ramos ng isang atas noong Mayo 13, 1993 na nagdedeklara sa buwan ng Hunyo bilang National Kidney Month upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng publiko ukol sa sa pangangalaga sa ating mga bato at maiwasan ang magastos na pagpapagamot kapag ang mga ito ay napinsala na.

Ang bato o kidney ay isang mahalagang bahagi ng katawan ng tao sapagkat sinasala nito ang dugo upang maihiwalay at mailabas ang lason sa katawan na nanggagaling sa mga kinakain at iniinom. Ito rin ang nagsasaayos ng lebel ng tubig at electrolytes ng katawan at ang pinagmumulan ng erythropoietin, ang hormone sa katawan na tumutulong sa bone marrow upang makagawa ng red blood cells.

Ang diabetes, pamamaga ng bato at mataas na presyon ng dugo ang mga pangunahing dahilan ng kidney failure sa Pilipinas.

Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, sa bawat isang milyong Pinoy ay 120 ang sinasabing nasa end stage renal disease o ESRD. Kapag ang pasyente ay idineklara nang end stage, nangangahulugan na hindi na gumagana ang dalawa niyang bato. Hindi na nito kayang linisin ang dumi sa dugo kaya nalalason na ang katawan niya, dahilan upang kailanganin na ng pasyente na sumailalim sa dialysis o kidney transplant.

Makatutulong ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para mapangalagaan at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato gaya ng balance diet, regular na pag-eehersisyo, pananatili ng tamang timbang at pag-iwas sa paninigarilyo. Ang pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw at ang pag-iwas sa maaalat na pagkain ay makatutulong din. Ipinapayo ding regular ding magpatingin sa doktor lalo na kung hypertensive, may diabetes at kaso ng renal failure sa pamilya. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Drug education center, itatayo sa Masbate

By Ernie A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 25 (PIA) -- Magtatayo ang pamahalaang panglungsod ng Masbate ng silid-klasihan para sa mga kabataan na vulnerable sa bawal na droga.

Sa pulong ng Masbate City Peace and Order Council, sinabi ng social welfare and development officer ng syudad na si Evelyn Somera na ang pasilidad ay magtuturo sa mga nahuhuling lumalabag sa curfew sa mga kabataang may edad 17 o mas bata pa.

Ayon kay Somera, ang tatawaging “Drug Education Center,” na brainchild ni Mayor Socrates Tuason, ay itatayo sa loob ng himpilan ng Barangay Unified Force (BUF).

Ang himpilan ng BUF ang nagsisilbing "holding center" sa mga kabataan na lumabag sa curfew ordinance sa lungsod. Ayon kay Somera, ang mga kabataang may nightlife o lumalabas sa oras ng curfew ay vulnerable sa mga nagtutulak ng bawal na droga.

Batay sa profile na ibinahagi ng hepe ng anti-narcotics section ng Masbate City Police Station na si SPO4 Arnel Buncaras, ilan sa mga gumagamit ng bawal na droga ay mga kabataan.

Ayon kay Somera, nangangalap na ang kanyang tanggapan ng refence materials sa drug education.

Sa oras aniya na sapat na ang instruction materials, bubuksan na ang silid-klasihan upang lahat ng kabataang mahuhuling lumabag sa curfew ay malinang tungkol sa pinsala na dulot ng paggamit ng bawal na gamot. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

Camarines Sur: 9th Bicol Business Week 2013 at South Luzon Area Business Conference gaganapin sa lungsod ng Naga

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Hunyo 25 (PIA) -- Pangungunahan ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) ang pagdaraos ng taunang Bicol Business Week simula sa Hulyo 14 hanggang 19. Ito ay gaganapin sa SM City Event Center sa lungsod ng Naga. 

Ang isang linggong pagdiriwang ng 9th Bicol Business week ay tatampukan ng iba’t ibang produkto mula sa mga negosyanteng lalahok dito. Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga nasa larangan ng negosyo na ipakilala ang mga bago nitong innovation sa kani kanilang paninda at ibinibigay na serbisyo. 

Mga native products ang magiging sentro ng eksibisyon na may layuning palakasin pa ang produktong gawa sa Bicol at upang maipakita sa ibang bansa ang husay at talino ng mga Bikolano sa paggawa ng mga high quality native products. 

Ayon kay MNCCI President Clarine Tobias, magiging simbolo ng pagririwang ngayong taon ang Solohiya bilang kumakatawan sa iba't ibang sektor ng negosyo mula sa iba't ibang lalawigan ng rehiyon Bicol. 

Inaayayahan din ng MNCCI ang iba pang negosyante na dumalo sa okasyon o kaya’y tumawag sa kanilang opisina sa 473-6318 para makasali sa pagtitipon ng mga business sector sa Lungsod ng Naga. 

Samantala, kasabay din sa malaking aktibidad ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry sa isang linggong selebrasyon ng Bicol Business Week ay ang pagbubukas ng South Luzon Area Business Conference (SOLABC) na gaganapin sa Hulyo 18-19, 2013 sa Avenue Plaza Hotel, dito sa lungsod. 

Ito’y dadaluhan ng mga negosyante mula sa Calabarzon area, MIMAROPA, Bicol at iba pang lugar sa Southern Luzaon. 

Magiging bahagi din ng programa ang Halyao Awards na gaganapin sa sa Hulyo 18 sa nasabing lugar kung saan paparangalan ang mga Bikolanong negosyente bilang “Bikolano Businessperson of the Year" at ang “Young Entrepreneur of the Year." (LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

Casiguran Elementary School at Bulan National High School panalo sa Provincial Eagle Quiz ng DENR

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 24 (PIA) -- Inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sorsogon Provincial Office ang mga nanalo sa isinagawang Provincial Eagle Quiz noong nakaraang Huwebes, Hunyo 20, kaugnay ng pagdiriwang ng Environment Month ngayong Hunyo.

Ayon kay DENR Sorsogon Public Information Officer Forester Annabel Barquilla, sa elementary level, nakuha ni Denzel Gabriel D. Manuel at ng tagasanay nito na si Ginoong Romulo De Jesus ng Casiguran Central School ang unang pwesto; pumangalawa si Maral U. Shams Govara ng Sorsogon Pilot Elementary School kung saan si Ginang Rhea J. Olayres ang naging tagasanay nito; habang pumangatlo naman si Joanne D. Embile ng Gubat South Central School, si Ginang Rosalyn E. Hermoso naman ang naging tagasanay ni Joanne.

Sa secondary level, kampeon naman si Mikhail Paolo D. Rosil ng Bulan National High School. Kasama ni Mikahil ang tagasanay nito na si Madam Maria Charlene D. Dipad. Nakuha naman ni Joshua O. Aguilar at ng tagasanay nito na si Ginoong Noli F. Alegria ng Jaime Espena High School ang ikalawang puwesto; habang pumangatlo si Christian Dipon ng St. Louise de Marillac School of Bulan. Kasama din niya ang kanyang naging tagasanay na si Ginoong Rex Matthew De Lumen.

Pawang nakatanggap ng P3,000 cash, sertipiko at tropeo ang mga kampeon, habang P2,000 cash at sertipiko naman para sa pangalawang pwesto at P1,000 cash at sertipiko para sa pangatlong pwesto.

Ayon kay Forester Barquilla, 20 mga mag-aaral mula sa iba’t ibang mga paaralan sa elementarya ng Sorsogon ang lumahok habang 29 naman ang lumahok sa sekondarya.

Lahat ng mga nakakuha ng unang pwesto ang siyang kakatawan sa lalawigan ng Sorsogon at makikipagtagisan para sa Regional Battle of the Eagles na nakatakdang idaos sa Hunyo 27, 2013 sa lungsod ng Legazpi.

Sa mismong araw din ng Hunyo 27 pararangalan ang mananalo sa Regional Battle of the Eagles kasabay sa pagdaraos ng Culminating Activity ng Buwan ng Kalikasan ngayong taon. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Monday, June 24, 2013

Masbateño news: Poverty reduction program san DSWD, magahatag trabaho sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 21 (PIA) -- Kinahanglan san Department of Social Welfare and Development san lampas singkwenta katawo para sa community-driven poverty reduction program na KALAHI-CIDSS na ipapatuman sa Masbate tuna sa masunod na bulan.

Segun sa regional project coordinator na si Erwin Razo, an KALAHI-CIDSS o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Integrated Delivery of Services ipapatuman sa munisipyo san Mobo kag Cawayan sa Hulyo kaya kinahanglan ninda san dugang na manpower.

Sinabi ni Razo na nagabaton na an inda opisina san mga aplikante para sa mga posisyon na: area coordinator, team leader, project manager, financial analysts, community organizers kag community facilatators.

Guin hangyo ni Razo sa mga interesado na magdara san resume, letter of application, transcript of record, certificates kag iba pa na credentials kag ipasa sa DSWD regional office sa Legazpi City.

An igwa san relevant experience sa community organizing kag development work guina inkaher ni Razo na mag-aplay.

Segun saiya, mas matahom kun mismo mga pumuluyo sa Masbate an maging tawohan kay guina maw-ot ninda na maitaas an partisipasyon san mga tawo sa probinsya.

An KALAHI-CIDSS yana na tuig itataas kag popormahon na programa nasyonal na tatawagon na National Community Driven Development Program. Ini na programa magahatag san kaginhawaan sa mga munisipyo na an poverty incidence lampas sa national average na 26.5 percent. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)

Masbateño news: Pagahanap sa 7 na pasahero sa nalunod na barko sa Masbate, ipapadayon san mga lokal na opisyal

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 21 (PIA) -- Aakuon na san mga lokal na opisyal an pagahanap sa pito pa na pasahero sa nalunod na MV Lady of Carmel, sunod sa kanselasyon san search and rescue operations sa dagat san Burias Island.

Segun sa Masbate Provincial Disaster and Risk Reduction Office, ipapasa na san Civil Defense Office an obligasyon san search and rescue teams sunod san pag-pull out san mga barko kag helikopter san Philippine Navy kag Philippine Coast Guard dahilan san peligro na dara san maraot na panahon.

Segun sa Civil Defense Office, an tulo kaadlaw na search and rescue operations na inda guin himo sa mahiwas na kadagatan san Masbate lampas na sa 48 oras na standard timeline.

Sa isplikasyon ni Masbate Provincial Disaster and Risk Reduction Officer Hernando Dorongon an mga opisyal na san barangay kaupod an partisipasyon san inda mga pumuluyo sa may baybayon na barangay san Burias kag sa atubang na isla sani an magamanehar sa pagahanap.

Sesinta y uno an nasalbar mientras duha na babaye an nalumos matapos na malunod an MV Lady of Carmel san nakaligad na aga san Biyernes.

Guina estudyaran pa daw san Office of Civil Defense kun magapadara san expert divers na magahanap sa barko sa kahidaluman san Burias Pass dahilan kay masyado kantilado ini. (MAL/RAL-PIA5 Masbate) 

Tamang pamamaraan sa pagtatanim ng mga puno isasagawa sa pamamagitan ng paligsahan

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 21 (PIA) -- Isasagawa sa pamamagitan ng paligsahan ang tamang pamamaraan sa pagtatanim ng iba't ibang puno mula sa pribado at pampublikong organisasyon at indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang mga benepisyaryo na tumanggap ng mga pantanim na punong-kahoy sa taong 2003 na nabigyan ng Ecosystem and Environmental Resource Management Division (EERMD) sa ngayon ay Provincial Government-Provincial Environment and Natural Resources Office (PG-PENRO) ng pamahalaang panlalawigan.

Sa loob ng 10 taon (2003-2012), unang isasagawa ng PG-PENRO ang field verification ngayong buwan ng Hunyo hanggang Oktubre ngayong taon para sa dokumentasyon upang matukoy ang mga bibigyan ng parangal.

Ito ay upang malaman ang bilang ng mga nabuhay na puno tamang pangangalaga nito mula sa kanilang forest plantation.

Batay sa talaan ng PG-PENRO, pipiliin sa mga indibidwal at organisasyon ang nabigyan ng 1,000 pantanim upang matukoy na sila ay kuwalipikadong kalahok bago isagawa ang ebalwasyon.

Kabilang sa mga puno ang Mahogany, Gemelina, Dau, Kamagong at iba pang mga forestry seedlings mula sa nursery ng pamahalaang panlalawigan.

Pipiliin dito ang 10 tatanggap para sa pinakamahusay na best plantation kung saan tatanggap sila ng plake ng pagkilala kasama rin nito ang 200 iba't ibang pantanim na punong-kahoy.

Sa isasagawang ebalwasyon, kailangan na ipakita ng mga benepisyaryo ang lugar na kanilang pinagtaniman at dapat rin na nasa maayos din itong lugar ganundin ang kanilang tamang pangangalaga at pamamaraan ng pagtatanim nito sa nakalipas na 10 taon.

Ayon kay PG-PENRO Engr. Leopoldo Badiola, layunin ng paligsahan na masiguro ang mga punong itinanim na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga benepisyaryo ay napangalagaan ng mabuti at pakikinabangan ng lalawigan.

Ayon pa rin kay Badiola, ang mga puno ay malaking tulong sa paglaban sa pabago-bagong panahon o climate change at global warming ganundin kapag mayroong kalamidad katulad ng bagyo at pumipigil din ito sa pagtaas ng tubig sanhi ng pagbaha o labis na pag-ulan.

Ang naturang paligsahan ay nasa ilalim ng Forestry Seedlings Production and Tree Planting Program na ipinatutupad ng PG-PENRO ng pamahalaang panlalawigan.

Ang paglisahan ay bahagi rin sa selebrasyon ng Environment Month ngayong buwan ng Hunyo sa temang “Think. Eat. Save. Reduce your foodprint.” (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)

Masbateño news: DSWD naghiwat san assessment sa KALAHI antipoverty projects sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 21 (PIA) -- Guin hiwat yana na adlaw san Department of Social Welfare and Development an assessment sa antipoverty projects na guin patuman sa probinya san Masbate sa idalom san KALAHI-CIDSS.

Nanguna si KALAHI-CIDSS regional coordinator Ariel Razo sa inspection san health center, school buildings kag water systems na guin tindog sa magkapira na lugar na nagatios sa munisipyo san Palanas.

Ang kadakuan san pondo sa KALAHI-CIDSS naghali sa World Bank.

Nag-ambag man an lokal na gobierno kag mga pumuluyo sa beneficiary communities.

Susog sa ebalwasyon na guin himo san World Bank sa mga nauna na proyekto, naging matagumpay an KALAHI-CIDSS na hatagan san katukduan an 13,000 na community volunteers kag mapadako an partisipasyon san mga pumuluyo sa preparasyon san local development plans.

Apwera sani, napadako man san KALAHI-CIDSS an pondo na natipon para mahimo an priority projects sa mga magatios na lugar dahilan kay mismo an mga pumuluyo an naghiwat san implementasyon sani.

Kaupod ni Razo sa inspection san mga proyekto sa Palanas an mga representates hali sa mga kaabaga na ahensiya para sa KALAHI-CIDSS.

Kaupod san mga ahensya an Department of Education, Department of the Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Department of Agrarian Reform kag Philippine Information Agency. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)

Huling araw sa pagtala itinakda sa lalahok sa pagtatangka ng Albay sa pinakamalaking human no-smoking sign

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 21 (PIA) -- Sa paglampas sa inaasahang 13,000 kataong lalahok sa pagtatangka ng Albay sa Guinness World Record (GWR) para sa pinakamalaking "human no smoking sign," nagpasya ang mga organizers na itigil na ang pagpapatala pagsapit ng tanghali Biyernes, Hunyo 21.

“Noong Miyerkules, Hunyo 19, lumampas na sa 15,000 katao ang nagpatala sa aktibidad,” ito ang ipinahayag ni Smoke-Free Albay Network (SFAN) Chairman and Provincial Board Member Herbert Borja sa isang pagpupulong na ipinatawag ng kanilang grupo ngayong linggo. Ang orihinal na plano na tatanggap ng hahabol pa at magpapatala sa mismong araw ay hindi na gagawin sa mga kadahilanang administratibo at teknikal, ayon kay Borja.

Ang mga pangangailangan sa pagtatala, seguridad, kaligtasan, paggawa ng opisyal na damit at paghahanda sa lugar ay kailangang tapusin ilang araw bago ang aktibidad ang kinonsidera at naging batayan ng pagpasya na magtakda ng huling araw sa pagtatala, sabi ng SFAN sa Philippine Information Agency (PIA).

“Nasa 90 porsyento na ang aming kahandaan sa ngayon batay sa naisagawa nang paghahanda at nakakasiguro kaming magaganap ang aktibidad na mahusay batay sa plano,” sabi ni Borja. Papayagan ding pumunta sa lugar ang mga nais manood subalit hindi na sila puwedeng sumali sa loob ng hugis, ayon sa SFAN.

Ayon kay Borja, ang 15,000 kalahok ay makabubuo ng mas malinaw imahe at masmatingkad na kulay para sa pagkuha ng mga larawan at video sa ere batay sa panuntunan ng GWR. “Inaasahan naming makagawa ng madaling makita na no-smoking sign sa malapitan o malayuan,” sabi ni Borja.

Ibinunyag din ng SFAN na may mga nasyonal at internasyonal na organisasyon na ang interesado na sa naiibang estratehiya ng Albay sa pagsulong ng adbokasiya laban sa paninigarilyo sa pandaigdigang larangan.

“Nakatatanggap na kami ng mga mensahe ng pagsuporta galing sa nasyonal at internasyonal na grupo at mga tao na pinupuri ang aming ginagawa,” sabi SFAN Secretariat head Rose Orbita. Sina Metro Manila Development Authority Chairman Francisco Tolentino, Health Justice, Campaign for Tobacco-Free Kids ay kabilang sa mga grupong naunang nagpahayag ng suporta sa aktibidad, ayon kay Orbita.

Samantala, ang Philippine Air Force Tactical Operations Group (PAF TOG 5) na namumuno sa documentation committee ay nagpatawag ng isang pagpupulong sa promosyon and publicity committee na pinangungunahan ng Philippine Information Agency Regional Office V (PIA V) kasama ng SFAN at mga pinuno ng media groups para isa-pinal ang proseso sa media accreditation, requirements at guidelines para sa coverage ng aktibidad.

Ang komunidad ng media ay sasali sa aktibidad sa dalawang pamamaraan: una, magsagawa ng coverage, o pangalawa, sumama sa human no-smoking sign. Habang sinusulat ang balitang ito, nasa 50 lokal na media na ang nagpatala na magsasagawa ng coverage at 143 ay piniling maging parte ng human sign, ayon sa PIA.

“Inaasahan namin na magpapadala ang pambansang media outlets ng mga correspondents sa aktibidad at tatanggapin namin sila ayon sa itinakdang panuntunan,” sabi ni Marlon Loterte ng PIA.

Magkakaroon din ng lugar ang media para sa coverage dahil bawal pumasok ang mga hindi kasali sa pagtantangka sa world record sa perimeter fence na kung saan nasa loob ang mga kasali base sa patakaran ng GWR, dagdag ng PIA.

Sinabi rin ng SFAN na posibleng kunan ng larawan ang aktibidad galing sa outer space ng National Aeronautics and Scientific Administration (NASA).

“Ngayon pa lang ay pinupuri ko at nagpapasalamat ako sa mga tao at organisasyon na kasali ditto na nagseseguro na magiging matagumpay ang aktibidad sa mismong araw,” sabi ni Borja.

Ang aktibidad ay tampok sa mga serye ng mga kaganapan na inihahanda ng Provincial Government of Albay (PGA) at SFAN sa pagdiriwang ng International No-Smoking Month ngayong Hunyo, ayon kay Albay Governor Jose “Joey” Salceda.

“Magbibigay ito ng kaugnayan at kahulugan sa pagpapatupad ng ordinansa ng Albay sa pagbabawal sa paninigarilyo at para magbigay kaalaman sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan at kapaligiran,” sabi ni Albay Governor Jose “Joey” Salceda.
(MAL/JJJP-PIA5 Albay)

DepEd Bikol pinaalalahanan ang publiko sa pagbabawal sa paninigarilyo sa paaralan

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 21 (PIA) -- Nagpaalala ang Department of Education Regional Office V (DepEd Bicol) sa publiko ng isinasaad ng Republic Act 9211 na maskilala bilang Tobacco Regulation Act of 2003 na ganap na nagbabawal sa paninigarilyo sa lahat ng antas ng paaralan.

Ito ay sa pakikiisa sa buong mundo sa pagdiwang ring International No-Smoking Month ngayong Hunyo at sa pagsuporta sa pagtatangka ng Albay sa kategoryang largest human no-smoking sign ng Guinness World Records (GWR).

Sa isang panayam sa “Aramon Ta Daw,” isang programa sa radyo ng Philippine Information Agency Region V (PIA V), sinabi ni DepEd Bicol Administrative Office Chief Jose Bonto na sakop ng pagbabawal sa paninigarilyo sa mga paaralan ang lahat pati na mga bisita. “Nagpalabas ng kautusan ang DepEd bilang suporta sa R.A. 9211 sa pagbabawal ng paninigarilyo sa lahat nitong tanggapan at paaralan,” sabi ni Bonto.

Sinabi rin ni Bonto na mabigat ang ipinapataw na parusa sa mga lalabag sa kautusan. “Hinihikayat namin ang publiko na isumbong sa amin ang mga estudyante lalo na ang mga guro, mga pinuno ng DepEd at kawani na lumalabag sa kautusan upang masampahan namin ng kaukulang parusa,” sabi ni Bonto. Isiniwalat din niya na may naparusahan nang punong-guro sa Albay na naglabag sa kautusan at batas.

Ayon sa RA 9211, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga lugar na isinasagawa ang mga gawain ng kabataan gaya ng playschools, preparatory schools, mababang paaralan, hayskul, kolehiyo at unibersidad, youth hostels at recreational facilities para sa edad na mababa sa 18 taong gulang.

“Ang mga paaralan at mga tanggapan ng DepED ay walang smoking areas, ang paninigarilyo ay dapat gawin sa labas ng gusali,” sabi ni Bonto.

Ipinagbabawal ng batas ang pagpapabili o pamamahagi ng produktong tabako sa loob ng 100 metro sa alinmang sulok ng perimetro ng paaralan, pampublikong playground o iba pang lugar na pinupuntahan ng kabataan. “Humihingi kami ng tulong sa pulisya, LGU (local government unit) at iba pang maykapangyarihan na magpatupad ng batas dahilan labas ito sa aming sakop,” sabi ni Bonto sa PIA.

Ang batas ay nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang magtakda ng alituntunin sa pagbalot, paggamit, pamamahagi, at patalastas ng produktong tabako. Nagtatadhana ito ng penalidad para sa paglabag ayon sa sumusunod: sa unang paglabag, penalidad na hindi bababa sa P500 subalit hindi lalampas sa P1,000; sa ikalawang paglabag, penalidad na hindi bababa sa P1,000 subalit hindi lalampas sa P5,000; at sa pangatlong paglabag, dagdag sa penalidad na hindi bababa sa P5,000 at hindi lalampas sa P10,000, ay pagkansela ng business permits at lisensiya na magnegosyo.

Bilang bahagi ng adbokasiya ng DepEd Bicol laban sa paninigarilyo, ibinigay nito ang maigting na suporta sa pagtatangka ng Albay’s para sa pinakamalaking human no smoking sign na naglalayong tipunin ang 13,000 katao sa loob ng Bicol University football field sa Biyernes, Hunyo 28, alas siete ng umaga.

Samantala, nagpalabas ng memorandum si Albay Assistant Schools Division Superintendent Bebiano Sentillas para sa lahat division superintendents, supervisors, coordinators, school heads at mga guro na magpadala ng 3,250 kawani ng DepEd na makiisa sa nasabing aktibidad.

Ayon sa Smoke-Free Albay Network (SFAN), maliban sa DepEd Albay Division, mayroon ding 6,876 karagdagang kalahok sa talaan na pinangungunan ng Bicol University na mayroong 3,000 habang magpapadala ang DepEd Tabaco City ng 225, Computer Arts and Technological College ng 209, Pag-asa National High School ng 75 at Ponso National High School sa Polangui na magpapadala ng 17. Ang kumpirmasyon ng iba pang paaralan ay hinihintay pa, sabi ng SFAN sa PIA.

Ang aktibidad ay tampok sa mga serye ng mga kaganapan na inihahanda ng Provincial Government of Albay (PGA) at SFAN sa pagdiriwang ng International No-Smoking Month ngayong Hunyo, ayon kay Albay Governor Jose “Joey” Salceda.

“Magbibigay ito ng kaugnayan at kahulugan sa pagpapatupad ng ordinansa ng Albay sa pagbabawal sa paninigarilyo at para magbigay kaalaman sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan at kapaligiran,” sabi ni Albay Governor Jose “Joey” Salceda.
(mal/JJJP-PIA5/Albay)

Mass Deworming sa mga piling paaralan sa lungsod, isinagawa kamakailan ng BFP

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 21 (PIA) -- Matapos ang matagumpay na inspeksyon ng Sorsogon City BFP sa mga pampublikong silid aralan sa lungsod ng Sorsogon, ay muling nagsagawa ang mga ito ng malawakang deworming sa mga piling paaralan sa lungsod.

Nabiyayaan ng kanilang programa ang mahigit kumulang sa 150 mag-aaral ng Our Village Village sa Bibincahan Sorsogon City noong Hunyo 13, 2013.

Ang nasabing programa na pinamagatang "Deworming Day" ay pinangunahan ng masigasig na opisyal at hepe ng City BFP na si SINP Walter Badong Marcial.

Ayon sa pahayag ni Marcial, bago aniya tuluyang isinagawa ang deworming sa nasabing paaralan ay nauna nang ipinaliwanag ng grupo ni Chief Emergency Medical Service Team FO1 Maricur Destajo sa mga magulang ang kahalagahan ng kalinisan sa katawan o ang kaugaliang paghuhugas palagi ng kanilang mga kamay bago at matapos kumain.

Tinalakay ang kalinisan upang hingin ang suporta at giya ng mga magulangang sa gayon ay matuto ang mga bata ng kalinisan. Sa oras na naging ritwal na sa mga bata ang kalinisan ay mababawasan ang posibilidad na magkaroon sila ng Parasite Helminths sa katawan.

Ayon naman kay Destajo malaki ang negatibong epekto dala nang nasabing parasito sa pisikal at mental na aspeto ng mga bata.

"Base sa ating research na nabasa sa website ng Livestrong .com ang kadalasang epekto ng parasito sa bata ay kawalan ng ganang kumain na nagreresulta ng mabilis na pagbaba ng timbang ng mga ito at diarrhea o pagtatae na maaring mauwi sa dehydration," dagdag pa nito.

Isang paraan ang deworming program ng BFP upang makatulong sa mamamayan upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.

Sa Miyerkules, Hunyo 24, 2013 ay naka iskedyul silang magsasagawa ng deworming sa Sorsogon Pilot Elementary School. ( MAL/FBT-PIA5 Sorsogon)

2 Bicolanong senador nais ayusin ang sistema sa estadistika sa pagpasa ng panukalang batas

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 21 (PIA) -- Magkakaroon na ang publiko ng mas mainam na pagkukuhanan ng mas eksakto at makatotohanang datos sa pag-apruba ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill No. 6269 na kilala sa tawag na Philippine Statistical Act 0f 2012.

Sa kalatas na ipinalabas ng mataas na kapulungan ngayong buwan, ang nasabing panukalang batas ay isinulong ni Senador Manny Villar sa pag-isa ng Senate Bill No. 103 na ginawa ni Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero at Senate Bill No. 347 ni Senador Antonio Trillanes IV. Si Escudero ay galing Sorsogon habang si Trillanes ay nagmumula sa probinsiya ng Albay.

"Sa panahon ngayon ng pagkakaugnay-ugnay ng merkado, estado at interes nito, lubos na kailangan ang mapapakinabangang impormasyon at estadistika upang maging angat tayo sa merkado ng buong mundo,” sabi ni Escudero.

Kailangan ding paunlarin ang epektibong sistema sa estadistika sa pagbigay ng karampatang impormasyon na gagabay sa mga pinuno ng ating bansa sa pagpapasya kung anong programa ang isusulonbg at susuportahan na tunay na kapakipakinabang sa ating ekonomiya at sa mga Pilipino, sabi ni Escudero.

Kapag naisa-batas, ilulunsad ang Philippine Statistics Authority (PSA) upang pagsamasamahin at ipasailalim dito ang National Statistics Office (NSO), National Statistics Coordination Board (NSCB), Bureau of Agricultural Statistics (BAS) at Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES).

Ang PSA ang magiging pinakamataas na taga-gawa ng panukala ng pamahalaan sa usaping estadistika na may mandato na magsagawa ng pambansang senso at pag-sasaliksik o survey, sektoral na estadistika, pagkonsolida ng piling sistemang administratibo sa pagtatala at pag-iingat ng dokumento ng pamahalaan, ayon pa sa kalatas.

Ang panukala ay naglalayong magpatupad ng parusa sa mga magbibigay ng mali at kulang na kasagutan sa survey na pang-estadistika at sinumang lalabag sa pagiging sikreto nito dala ng kapabayaan, hindi karapat-dapat na kilos, gawaing may malisyang intensyo, at paggamit ng impormasyon para kumita, dagdag pa sa nakasulat rito.

Ang panukala ay naglalayon ding ibasura ang Executive Order No. 121 ng Enero 1987, na nag-reorganisa ng Philippine Statistical System (PSS), subalit nagpalya na banggitin ang pagkakaiba ng pagplano at implementasyon sa pagmanman ng estadistika at pag-aaral na ginagawa ng National Economic Development Authority (NEDA).

"Ang opisyal na datos ng estadistika galing sa PSS ay karagdagan sa paggawa ng polisiya at programa na tumutugon sa panlipunan at pang-ekonomikong pag-unlad na mga isyu ng bansa,” sabi ni Trillanes. Nagkaroon ng maraming isyu ng mga nakaraang taon na direktang nakaapekto sa uri, kredibilidad at napapanahong impormasyong estadistika, dagdag ni Trillanes.

Ayon kay Trillanes, ang pag-rereorganisa ay pag-iisahin ang pangunang pagkuha ng datos, pagtama sa hindi kinakailangang pagkakaparehas ng mga gawain ng iba ibang opisina na may kinalaman sa estadistika at ang problema sa magkaibang estadistika at kakulangan sa datos ay matutugunan.

"Ang silbi ng nare-organisadong sistema ay dapat mapagkakatiwalaan at maipagpapatuloy kaya’t kailangan palagi itong binabago sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa impormasyon, pamamaraan at tekniko upang patuloy na mapaunlad nito ang kontribusyon para sa pagsusulong ng estadistika,” sabi ni Escudero.

"Sa pagtupad ng mithiing ito, ang pamahalaan ay makakagawa ng pagpapasyang nagabayan ng karampatang impormasyon para sa kasalukuyan at kaparehas na mahalagang pananaw ng hinaharap ng ating bansa, dagdag ni Escudero.

Si Escudero at Trillanes ay parehas naging matagumpay sa kanilang pagtakbong muli sa halalan ngayong taon sa ilalim ng Team Pnoy. Si Escudero ay nasa ikaapat na pwesto samantalang si Trillanes ay pang-siyam. (JJJPerez/PIA5/Albay)

Friday, June 21, 2013

Masbateño news: DSWD naghiwat san assessment sa KALAHI antipoverty projects sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 21 (PIA) -- Guin hiwat yana na adlaw san Department of Social Welfare and Development an assessment sa antipoverty projects na guin patuman sa probinya san Masbate sa idalom san KALAHI-CIDSS.

Nanguna si KALAHI-CIDSS regional coordinator Ariel Razo sa inspection san health center, school buildings kag water systems na guin tindog sa magkapira na lugar na nagatios sa munisipyo san Palanas.

Ang kadakuan san pondo sa KALAHI-CIDSS naghali sa World Bank.

Nag-ambag man an lokal na gobierno kag mga pumuluyo sa beneficiary communities.

Susog sa ebalwasyon na guin himo san World Bank sa mga nauna na proyekto, naging matagumpay an KALAHI-CIDSS na hatagan san katukduan an 13,000 na community volunteers kag mapadako an partisipasyon san mga pumuluyo sa preparasyon san local development plans.

Apwera sani, napadako man san KALAHI-CIDSS an pondo na natipon para mahimo an priority projects sa mga magatios na lugar dahilan kay mismo an mga pumuluyo an naghiwat san implementasyon sani.

Kaupod ni Razo sa inspection san mga proyekto sa Palanas an mga representates hali sa mga kaabaga na ahensiya para sa KALAHI-CIDSS.

Kaupod san mga ahensya an Department of Education, Department of the Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Department of Agrarian Reform kag Philippine Information Agency. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)

Masbateño news: Poverty reduction program san DSWD, magahatag trabaho sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 21 (PIA) -- Kinahanglan san Department of Social Welfare and Development san lampas singkwenta katawo para sa community-driven poverty reduction program na KALAHI-CIDSS na ipapatuman sa Masbate tuna sa masunod na bulan.

Segun sa regional project coordinator na si Erwin Razo, an KALAHI-CIDSS o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Integrated Delivery of Services ipapatuman sa munisipyo san Mobo kag Cawayan sa Hulyo kaya kinahanglan ninda san dugang na manpower.

Sinabi ni Razo na nagabaton na an inda opisina san mga aplikante para sa mga posisyon na: area coordinator, team leader, project manager, financial analysts, community organizers kag community facilatators.

Guin hangyo ni Razo sa mga interesado na magdara san resume, letter of application, transcript of record, certificates kag iba pa na credentials kag ipasa sa DSWD regional office sa Legazpi City.

An igwa san relevant experience sa community organizing kag development work guina inkaher ni Razo na mag-aplay.

Segun saiya, mas matahom kun mismo mga pumuluyo sa Masbate an maging tawohan kay guina maw-ot ninda na maitaas an partisipasyon san mga tawo sa probinsya.

An KALAHI-CIDSS yana na tuig itataas kag popormahon na programa nasyonal na tatawagon na National Community Driven Development Program. Ini na programa magahatag san kaginhawaan sa mga munisipyo na an poverty incidence lampas sa national average na 26.5 percent. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)

Masbateño news: Pagahanap sa 7 na pasahero sa nalunod na barko sa Masbate, ipapadayon san mga lokal na opisyal

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 21 (PIA) -- Aakuon na san mga lokal na opisyal an pagahanap sa pito pa na pasahero sa nalunod na MV Lady of Carmel, sunod sa kanselasyon san search and rescue operations sa dagat san Burias Island.

Segun sa Masbate Provincial Disaster and Risk Reduction Office, ipapasa na san Civil Defense Office an obligasyon san search and rescue teams sunod san pag-pull out san mga barko kag helikopter san Philippine Navy kag Philippine Coast Guard dahilan san peligro na dara san maraot na panahon.

Segun sa Civil Defense Office, an tulo kaadlaw na search and rescue operations na inda guin himo sa mahiwas na kadagatan san Masbate lampas na sa 48 oras na standard timeline.

Sa isplikasyon ni Masbate Provincial Disaster and Risk Reduction Officer Hernando Dorongon an mga opisyal na san barangay kaupod an partisipasyon san inda mga pumuluyo sa may baybayon na barangay san Burias kag sa atubang na isla sani an magamanehar sa pagahanap.

Sesinta y uno an nasalbar mientras duha na babaye an nalumos matapos na malunod an MV Lady of Carmel san nakaligad na aga san Biyernes.

Guina estudyaran pa daw san Office of Civil Defense kun magapadara san expert divers na magahanap sa barko sa kahidaluman san Burias Pass dahilan kay masyado kantilado ini. (MAL/RAL-PIA5 Masbate) 

Tamang pamamaraan sa pagtatanim ng mga puno isasagawa sa pamamagitan ng paligsahan

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 21 (PIA) -- Isasagawa sa pamamagitan ng paligsahan ang tamang pamamaraan sa pagtatanim ng iba't ibang puno mula sa pribado at pampublikong organisasyon at indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang mga benepisyaryo na tumanggap ng mga pantanim na punong-kahoy sa taong 2003 na nabigyan ng Ecosystem and Environmental Resource Management Division (EERMD) sa ngayon ay Provincial Government-Provincial Environment and Natural Resources Office (PG-PENRO) ng pamahalaang panlalawigan.

Sa loob ng 10 taon (2003-2012), unang isasagawa ng PG-PENRO ang field verification ngayong buwan ng Hunyo hanggang Oktubre ngayong taon para sa dokumentasyon upang matukoy ang mga bibigyan ng parangal.

Ito ay upang malaman ang bilang ng mga nabuhay na puno tamang pangangalaga nito mula sa kanilang forest plantation.

Batay sa talaan ng PG-PENRO, pipiliin sa mga indibidwal at organisasyon ang nabigyan ng 1,000 pantanim upang matukoy na sila ay kuwalipikadong kalahok bago isagawa ang ebalwasyon.

Kabilang sa mga puno ang Mahogany, Gemelina, Dau, Kamagong at iba pang mga forestry seedlings mula sa nursery ng pamahalaang panlalawigan.

Pipiliin dito ang 10 tatanggap para sa pinakamahusay na best plantation kung saan tatanggap sila ng plake ng pagkilala kasama rin nito ang 200 iba't ibang pantanim na punong-kahoy.

Sa isasagawang ebalwasyon, kailangan na ipakita ng mga benepisyaryo ang lugar na kanilang pinagtaniman at dapat rin na nasa maayos din itong lugar ganundin ang kanilang tamang pangangalaga at pamamaraan ng pagtatanim nito sa nakalipas na 10 taon.

Ayon kay PG-PENRO Engr. Leopoldo Badiola, layunin ng paligsahan na masiguro ang mga punong itinanim na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga benepisyaryo ay napangalagaan ng mabuti at pakikinabangan ng lalawigan.

Ayon pa rin kay Badiola, ang mga puno ay malaking tulong sa paglaban sa pabago-bagong panahon o climate change at global warming ganundin kapag mayroong kalamidad katulad ng bagyo at pumipigil din ito sa pagtaas ng tubig sanhi ng pagbaha o labis na pag-ulan.

Ang naturang paligsahan ay nasa ilalim ng Forestry Seedlings Production and Tree Planting Program na ipinatutupad ng PG-PENRO ng pamahalaang panlalawigan.

Ang paglisahan ay bahagi rin sa selebrasyon ng Environment Month ngayong buwan ng Hunyo sa temang “Think. Eat. Save. Reduce your foodprint.” (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)

Presyo ng mga bilihin sa Sorsogon nananatiling matatag, ayon sa LPCC

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 21 (PIA) -- Walang nakitang pagbabago ang Local Price Coordinating Council (LPCC) sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin na matatagpuan sa mga pamilihan at palengke ng Sorsogon.

Ito ang halos naging laman ng mga ulat na ibinahagi ng Department of Trade and Industry (DTI), Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), National Food Authority (NFA) at Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa ginawang pagpupulong ng mga kasapi ng LPCC noong Biyernes, Hunyo 14, 2013.

Sa ulat ng CENRO, sinabi nitong pinakamababa sa buong rehiyon ng Bicol ang presyo ng mga nipa shingles na ibinebenta sa Sorsogon. Pangunahing supplier nito ay ang mga bayan ng Pilar, Matnog at Donsol. Pinakamababang presyo ng nagmumula sa Matnog.

Iniulat din nito na sa buong lalawigan, dalawa lamang ang rehistradong lumber dealer, ang I. Diaz sa Brgy. Ariman, Gubat at ang Ruffer Construction Supply sa Guinlajon, lungsod ng Sorsogon.

Sa panig naman ng OPA, presyo ng pili ang huling sinubaybayan nila kung saan wala silang naitalang pagbabago sa halaga ng “lagting,” “tinildan,” at bunga nito.

Ayon naman sa NFA, ginagawa nila ang pagbili at pagbenta ng palay at lahat umano ng grains retailer ay sinusubaybayan nila. Nananatili ding matatag ang presyo ng palay at bigas sa lalawigan.

Ibinalita din nito na pumangalawa ang Sorsogon sa Daet, Camarines Norte sa may pinakamalaking procurement accomplishment sa taong 2012. Nananatiling sapat din umano ang suplay ng bigas at palay sa Sorsogon at wala silang nakikitang magiging kakulangan sa suplay nito. Dagdag pa niya na may 5,000 sakong imported na bigas ang darating sa kanila bilang paghahanda sakaling magkaroon ng mga sakuna o kalamidad.

Ayon naman kay DTI Sorsogon information officer Senen Malaya, may mga naitala din silang mangilan-ilang pangunahing pangangailangan na tumaas ang presyo ngunit napakaminimal lamang ng mga ito at mayroon ding mga produktong bumaba naman ang presyo. Sa kanilang pagtatasa sa kabuuan, ay wala silang naitalang mahalagang galaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Gumagawa din ng price watch ang Sorsogon Consumers Association (Sorcass) katuwang ang DTI. Wala din itong naitalang mahalagang galaw sa halaga ng bilihin, subalit binigyang-diin nito ang kanilang mga obserbasyong nakita sa ilang tindahan sa lungsod ng Sorsogon lalo na ang mga paglabag ng ilan sa Price Tag Law at mga produktong walang Import Commodity Clearance (ICC).

Sinabi ni DTI Sorsogon provincial Director Leah Pagao na may mga kaugnay na reklamo na ring inaksyunan ang DTI sa pamamagitan ng pagbibigay ng notice sa mga ito na naitama na rin, habang ang iba naman ay binigyan na rin ng kaukulang penalidad.

Nilinaw din ni Pagao na hindi dapat na gawing pamalit sa price tag ang price scanner.

Aniya, nakasaad sa batas na dapat na may mga price tag ang bawat produktong nakadisplay lalo na sa mga malalaking tindahan.

Dagdag din nya na sinimulan na nila ngayong taon lamang ang pagsubaybay sa mga halaga ng bottled water at noodles bilang basic commodities na dati ay kabilang sa prime commodities.

Ang price monitoring ay isang epektibong paraan upang matulungang maayos na mabadyet ng mga mamimili ang kanilang pambili, sapagkat nabibigyan sila ng malinaw na senaryo pagdating sa halaga ng mga bilihin sa iba't ibang mga pamilihan.

Maaari namang makipag-ugnayan ang publiko kung sila ay may iuulat na reklamo o katanungan sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI o di kaya’y itext ang kanilang hotline sa numerong 09272907771 o tumawag sa numerong 421-5553. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)






Mga unggoy, agila pinalaya sa kagubatan ng Sorsogon

By Sally A. Atento

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 21 (PIA) -- Pinalaya ang isang agila (Serpent Eagle) at 11 unggoy (Philippine Cynomolgus Macaque) mula sa Albay Park and Wildlife (APW) sa kagubatan sa paligid ng Bacon-Manito geothermal plant sa lalawigan ng Sorsogon kaugnay sa paggunita ng Environment Month ngayong Hunyo.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Albay Governor Joey Salceda at ayon sa kanya ang APW ang nagsisilbing Wildlife and Rescue Center kung saan inaalagaan ang mga hayop upang maibalik sa kanilang natural na tirahan pagdating ng araw.

Ang kaganapan ay dinaluhan ng ilang opisyal ng pamahalaan at mga grupong sibiko kasama rin ang Energy Development Corporation na nagbigay paalala sa tamang pangangalaga ng kalikasan.

Kasabay nito, binigyang diin ni Department of Environment and Natural Resources director Gilbert Gonzales na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa mga grupo na kabilang sa Protected Area and Wildlife Sector upang mapangalagaan at mailigtas ang mga wildlife species sa rehiyong ito. (SAA/DENR-PIA5 Albay)

Thursday, June 20, 2013

PDRRMO nagpalabas ng weather advisory

By Edna A. Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, June 20 (PIA) -- Nagpalabas ng weather advisory ang tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kaugnay ng patuloy pag-uulan magmula pa noong Lunes.

Ayon sa tanggapan na pinamumunaan ni Engr. Nieva Santelices, ang pag-uulan ay dulot ng namumuong sama ng panahon sa Silangang bahagi ng bansa.

Pinayuhan din ng tanggapan ang mga mamamayan na maging alerto sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa o landslide.

Kaugnay nito, hindi pa naman umano kailangan magkansela ng klase at patuloy umano silang makikipag-ugnayan sa tanggapan ng Department of Education sakaling kailanganin isuspende ang klase.

Muli namang pinaalalahanan ang publiko na huwag basta magtampisaw sa tubig baha dahil sa posibleng mga sakit na makukuha rito. (MAL/EAB-PIA5 Catanduanes)

Mag-aaral sa Danlog Elementary School nabiyayaan ng Balik-Eskwela Program ng NGCP

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 19 (PIA) -- Sa kabila ng mga pag-ulan, naging maaliwalas pa rin ang panahon para sa mga mag-aaral at mga guro ng Danlog Elementary School kahapon, Hunyo 18, dahil sa biyayang natanggap ng mga ito mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kasama ng NGCP sa pagbisita ang mga kasapi ng lokal na media ng Sorsogon at lungsod ng Legazpi.

Ayon sa prinsipal ng paaralan na si Ma. Grace Pega, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon simula ng siya ang maging punong guro ng paaralan na may bumisita sa kanila na grupo ng mga media at mga tagapagdala ng tulong katulad ng NGCP. Si Ginang Pega ay tatlong taon nang principal sa nasabing paaralan.

Kabuuang 147 mga mag-aaral mula sa Kinder hanggang Grade 6 ang nabiyayaan ng iba’t ibang mga kagamitan sa pag-aaral na nakalagay sa isang bag.

Kakaiba sa mga ordinaryong kwadernong nabibili sa tindahan, ang kwadernong ipinamahagi ng NGCP ay may mga ‘Safety Tips’ na nakalagay upang imulat ang kamalayan ng mga mag-aaral at maging ng mga guro sa nararapat na pag-iingat lalo sa mga lugar na malalapit sa tore ng kuryenteng may malalaking boltahe. Ang mga guro ay nakatanggap din ng ilang kagamitan tulad ng lesson plan.

Sa naging mensahe ni NGCP Corporate Affairs Department Head Nelson F. Bautista, sinabi nitong ang ginawa nilang pamimigay ng mga kagamitang pang-eskwela ay bahagi ng kanilang “Balik-Eskwela Program” sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng kanilang kompanya na ginagawa nila sa mga host communities nila.

Abot-abot din ang pasasalamat ni Pilar District II Supervisor Rodolfo Norito, public school district supervisor at ni Danlog Punong Barangay Rosalinda Asia sa tulong na ipinaabot ng NGCP sa Danlog Elementary School.

Ayon kay Asia, sa nakukuhang tulong ngayon at sa mga darating pang tulong na matatanggap ng Danlog Elementay School, wala nang dahilan ang mga magulang upang hindi papasukin nito ang kanilang mga anak sa paaralan.

Ang barangay Danlog ay mayroong 250 mga kabahayan na may mahigit 1,000 populasyon. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Camarines Sur Irrigators Association bibigyan ng postharvest equipment ng Kagawaran ng Sakahan

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Hunyo 19 (PIA) -- Naaprubahan ng Department of Agriculture (DA) sa rehiyon Bicol ang kahilingan ng Irrigators’ Association sa lalawigan ng Camarines Sur na magkaroon at mabigyan ng post-harvest equipment ang mga magsasaka na kanilang magagamit.

Ayon kay DA regional Executive Director Abelardo R. Bragas sa isang pagpupulong noong Hunyo 10 sa tanggapan ng DA regional office na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba't ibang grupo ng Irrigator’s Association sa lalawigan, mahalaga ang papel ng irrigators associations dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa rice production sa bansa.

Ang lalawigan ng Camarines Sur dito sa rehiyon ang isa sa mga lalawigan sa bansa na itinuturing pa rin bilang rice granary.

Matapos na maisumite ng mga organisasyon ang mga kinakailangang dokumento para sa kanilang mga kahilingang makinarya sa patubig at postharvest equipment ay madali ng mapo proseso ang pagbibigay ng DA ng naturang kagamitan sa mga magsasaka.

Kabilang sa mga irrigators association ay ang Quepotol IA, Inc. ng Milaor; Malangatong Farmers Assoc., Inc. ng Iriga City; Antipolo Minalabac Farmers Assoc.; Kilusang Patubigan ng Lateral B Development Coop ng Lagonoy, Cam. Sur; Calabanga Federation of IAs; Irrigators Associations ng San Fernando at Veneracion Farmers and Urban Poor Association Inc. ng Pamplona, Cam. Sur.

Agad namang inihanda ni Regional Rice Program Coordinator Tirso Perlas ang mga hinihiling na kagamitan gaya ng 500 pirasong laminated sacks, 3 yunit na makina sa patubig, hand tractor, palay thresher at shallow tube well.

Ang nasabing mga kagamitan ay mula sa Mechanization Program ng Department of Agriculture. Nagbigay naman ng 15 porsiyentong counterpart ang mga irrigators associations na ibabawas naman sa kanilang mga insentibo sa oras na ibebenta na ng mga ito ang kanilang aning palay sa National Food Authority (NFA). (MAL/LSM/DCA-PIA5 Camarines Sur)

Wednesday, June 19, 2013

Mahigit 400 mag-aaral sa Camarines Norte tumanggap ng kagamitan sa eskwela

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 19 (PIA) -- Mahigit sa 400 mag-aaral sa lalawigan ng Camarines Norte ang tumanggap kamakailan ng mga kagamitan sa eskuwela mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bilang bahagi ng kanilang Balik Eskuwela Program ngayong taon.

Sa mahigit 400 mag-aaral sa elementarya, 111 kabataan dito ang tumanggap mula sa paaralan ng barangay Mahawan-hawan sa bayan ng Labo samantalang 300 naman sa barangay Cahabaan sa bayan ng Talisay.

Ang mga paaralan ay pinili ng Department of Education (DepEd) na mabigyan at mabiyayaan upang makatulong sa mga mag-aaral na kapus-palad at walang pambili ng kagamitan na kailangan nila sa paaralan.

Ayon sa pahayag ni Nelson Bautista, regional Corporate Communications and Public Affairs officer ng NGCP Southern Luzon, ang NGCP ay namamahagi ng ilang kagamitan sa eskwela na maaaring gamitin ng mga kabataan upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Ang mga kagamitan sa eskwela ay kinabibilangan ng mga bag at nakapaloob dito ang lapis at notebooks kung saan nakasulat naman sa likod nito ang mga public safety tips kung paano makakaiwas ang mga kabataan sa matataas na boltahe ng kuryente ganundin ang pag-iingat sa mga panganib dito.

Hinihikayat naman ni Bautista ang mga magulang na basahin ang mga nakasulat sa likod ng notebook at ituro ito sa kanilang mga anak upang makaiwas sila sa aksidente ng kuryente.

Ang Balik Eskwela Program ay programang pang-edukasyon bilang bahagi ng proyekto ng Corporate Social Responsibility ng NGCP kung saan ito ay isinasagawa bawat taon sa mga paaralan sa pakikipagtulungan ng DepEd.

Samantala, ang NGCP ay mamamahagi ng mga kagamitan sa mga eskwela sa mga piling paaralan na inirekomenda ng DepEd na kailangang tulungan.

Ang Balik Eskwela Program ng NGCP ay nagsimula sa taong 2010 at iba't ibang paaralan sa bansa ang nabibigyan. Dagdag pa rito, ang Camarines Norte ay pangalawang beses nang nabigyan ng ganitong programa.

Samantala, walong paaralan sa buong rehiyong Bikol ang pupuntahan ng NGCP kung saan mahigit 3,000 kabataan ang makatatanggap ng mga kagamitan sa eskwela na magagamit nila sa kanilang pag-aaral. (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)

Tuesday, June 18, 2013

DepEd Bikol: malaking hamon ang kakulangan sa guro, upuan, silid-aralan
Ilang pribadong paaralan, nagtaas ng matrikula

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 18 (PIA) -- Isang malaking hamon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa rehiyong Bicol ang kakulangan ng guro, upuan at silid-aralan subalit siniguro ng pamunuan nito na tutugunan ang pagsubok na ito at itataguyod ang mataas na antas ng edukasyon para sa mga mag-aaral.

Sa ipinadalang talaan ng DepEd Bicol, kailangan ang karagdagang 8,079 na mga guro sa buong rehiyon upang tugunan ang pangangailangan ng halos 100,000 karagdagang mga estudyante kumpara sa 1,517,454 estudyante noong nakaraang taon na lumobo ngayon sa 1,613,373 estudyante sa buong Bikol.

Tulad ng inaasahan, pangunahing kinakailangan ang mga guro sa kindergarten na umaabot sa 5,221 dahil sa pagpapatupad programang K to 12 ng pamahalaan. Sinundan ito ng mga guro sa elementarya na nagkukulang ng 1,765 at panghuli ang nasa sekondarya na nangangailangan ng 1,092.

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang nangunguna sa nangangailangan ng guro na 2,112 na sinusundan ng Masbate na mayroong 1,404 at Albay na may 1,276 bilang nangungunang tatlong probinsiya na nangangailangan ng mga guro.

Ayon sa DepEd Bikol, aabot sa sa 9,996 karagdagang silid-aralan ang kinakailangan ngayong school year 2013-2014 kung saan pinakamarami ang pangangailangan sa kindergarten na aabot sa 6,403 silid-aralan, dulot pa rin ng programang K to 12.

Nangangailangan din ng 1,692 silid-aralan ang mga nasa elementarya habang 1,900 silid-aralan naman ang kailangan ng hayskul.

Ang pagtaas naman ng bilang ng nagpatala ngayong pasukan ay nagresulta ng kakulangan sa mga upuan na umaabot sa 554,919 sa buong rehiyon. Muli, nanguna ang kindergarten sa pangangailangan nito ng 157,654 upuan, kasunod ng elementarya na kailangan ang 318,332 upuan at hayskul na kulang ng 78,933 upuan. Ang Camarines Sur muli ang nanguna sa mga lalawigan na nangangailangan ng 180,867 upuan na sinusundan ng Albay na kulang ng 90,382 upuan at Masbate na kulang ng 72,762 upuan, ayon sa DepEd Bicol.

Samantala, ang Commission on Higher Education (CHED) at DepEd ay binigyan ng pahintulot ang 58 paaralan sa rehiyon Bikol na magpatupad ng pagtataas ng matrikula para sa taong 2013-2014. Pinayagan ng CHED ang 22 na mga kolehiyo at unibersidad habang ang DepEd ay pinayagan ang 36 mataas na paaralan para sa kanilang hinihinging pagtaas sa matrikula sa pagitan ng lima hanggang 100 porsyentong dagdag para sa kolehiyo at unibersidad at apat hanggang 28 porsyento para sa mataas na paaralan.

Sa Albay, ang siyam na unibersidad at kolehiyo na pinayagang magtaas ng matrikula ay Ago Medical Educational Center, Aquinas University, Bicol College, Bicol Christian College of Medicine, Daraga Community College, Divine Word College, Programming Language Technique College, Rapu-Rapu Community College at Republic Colleges sa Guinobatan.

Sa Camarines Sur, 6 na kolehiyo at unibersidad ang nagtaas ng singil: Aeronautical Academy of the Philippines, Ateneo de Naga University, La Consolacion College, STI Computer College, Universidad de Santa Isabel at University of St. Anthony.

Ang iba pang lalawigan na may mga unibersidad at kolehiyo na pinayagang magtaas ng matrikula ay AMA Computer Learning Center, Capalonga College at Mabini College sa Camarines Norte, Catanduanes College sa Virac, Catanduanes, Masbate Colleges sa Masbate City at AMA Computer Learning Center at Veritas College sa Irosin, probinsiya ng Sorsogon.

Sa kabilang dako, 14 na mataas na paaralan sa Albay ang pinayagan ng DepEd na magtaas ng singil: St. Michael Academy sa Oas, Divine Word College of Legazpi , Tabaco Pei Ching School, Zamora Memorial College sa Bacacay, Daniel B. Pena Memorial College sa Tabaco City, St. Agnes Academy sa Legazpi City, St. Peter’s Academy sa Polangui, St. Mary’s Academy sa Ligao City, Computer Arts and Technological College Computer-Oriented High School sa Legazpi City, Genecom Institute of Science and Technology sa Legazpi City, Dominican School of Camalig, Aquinas University of Legazpi, Republic Colleges sa Guinobatan, Mayon Institute of Science and Technology sa Ligao City at St. Raphael Academy sa Legazpi City.

Sa Camarines Sur, walong pribadong mataas na paaralan ang pinayagang magtaas ng matrikula: St. Joseph Academy sa Buhi, La Consolacion College sa Iriga City, Ateneo de Naga University, University of St. Anthony sa Iriga City, Dominican School of Calabanga , Naga Hope Christian School , Capalonga Parochial School at Siena College of Tigaon.

Sa Sorsogon, limang pribadong mataas na paaralan ang nagtaas ng singil: Holy Spirit Academy sa Irosin, A.G. Villaroya Technological Foundation Institute sa Bulan, Jose Reyes Memorial Foundation sa Bulusan, Solis Institute Foundation sa Bulan at Dominican School of Pilar.
Sa Camarines Norte, 4 ang pinayagang magdagdag singil sa matrikula : Camarines Norte Colleges sa Labo, Our Lady of Lourdes College Foundation at La Consolacion College parehas sa Daet at St. Francis Parochial School sa Talisay.

Sa Masbate, apat na mga pribadong eskwelahan ang nagtaas ng matrikula: Southern Masbate Roosevelt College sa Placer, Holy Name Academy sa Palanas, Masbate Southern Institute at St. Anthony High School Seminary sa lungsod ng Masbate. (MAL/JJJP/DepEd5/CHED5/DPWH5-PIA5 Albay)

Nais sumali sa pagtatangka ng Albay sa largest human no-smoking sign sa Guinness, patuloy na dumarami

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 18 (PIA) -- Mahigit 10,000 na ang nagpatala at patuloy pang dumarami para sumali sa pagtatangka ng Albay para gawin ang largest human no-smoking sign para makapasok sa Guinness World Records (GWR) sa darating na Hunyo 28 ngayong taon.

Sinabi ni Smoke-Free Albay Network (SFAN) Chairperson at provincial Board Member Herbert Borja noong Huwebes, Hunyo 13, umabot na sa 11,760 katao ang nagpatala para sa aktibidad.

“Hindi lang mga indibidwal kundi mayroon na ring 47 ahensiya ang sasali,” ayon kay Borja.

Ayon naman sa SFAN, ang inaasahang 13,000 kalahok ay hahatiin sa tatlong grupo base sa tatlong kulay ng no-smoking sign na kinikilala ng buong mundo na nagpapakita ng nakasinding sigarilyo sa loob ng pulang bilog na may puting likuran at pulang backslash.

Paliwanag nito na 7,263 kalahok ang magsusuot ng puti, 3,605 ay nakapula at 892 ang magsusuot ng itim.

“Ang komite ay nakadilaw samantalang ang pangkat medikal ay naka-berde at mga unipormado na gamit ang kanilang opisyal na uniporme,” sabi ni Borja sa PIA.

Samanatala, inihahanda na ng AMA Computer College ang sistema sa pagtala at pagsiguro sa bilang ng mga kalahok alinsunod sa patakaran ng GWR.

“Pinili namin ang barcoded ticketing system sa mga puwedeng pagpiliang pamamaraan ng pagbibilang na tinatangggap ng GWR susog sa kanilang patakaran,” sabi ni Jonathan Sadueste-Ng na tagapangasiwa ng Registration Tracking committee.

Ayon sa GWR, ang barcoded ticketing system ay paggamit ng tiket na ibinigay bago isagawa ang pagtatangka at ini-scan sa pagpasok ng mga kalahok sa pagdadausang lugar upang marehistro ng scanner ang dami ng tiket. Kung ang mga kalahok ay nagrehistro on-line at nakakuha ng personal na barcode, puede ring itala ng makina ang kanilang numero at iba pang impormasyon, dagdag pa ng GWR.

Hinihingi ng GWR na bilangin bawat isa ang mga kalahok ng pamamaraang matitiwalaan at sigurado sa pagpasok nila sa dadausang lugar.

“Ang lugar ay nabakuran na at mayroong itinalagang pasukan at labasan upang maseguro na nabilang ng tama ang mga kalahok,” sabi ni Borja.

Sa pamamagitan ng 13,000 kalahok, tatangkain ng Albay na buuin ang imahe ng no-smoking sign na solidong pigura at kumpletong napuno ito hindi lamang isang outline ng hugis base sa hinihingi ng GWR.

Ang aktibidad ay tampok sa mga serye ng mga kaganapan na inihahanda ng Provincial Government of Albay (PGA) at SFAN sa pagdiriwang ng International No-Smoking Month ngayong Hunyo, ayon kay Albay Governor Jose “Joey” Salceda.

“Magbibigay ito ng kaugnayan at kahulugan sa pagpapatupad ng ordinansa ng Albay sa pagbabawal sa paninigarilyo at para magbigay kaalaman sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan at kapaligiran,” sabi ni Albay Governor Jose “Joey” Salceda.

Ayon kay Borja, patuloy silang nag-aanyaya sa mga nais lumahok sa aktibidad. Puwede silang makipag-ugnayan sa kanya sa telepono numero (052)822-3175, o 0922-8398437 o sa kanyang email address hsborja8@yahoo.com. Puwede rin silang makipag-ugnayan sa opisina ni Gobernador Salceda sa telefax number (052) 481-2555 o 0908-8660824 o sa email address albaygovoffice@yahoo.com. Isa pang paraan ay sa pamamagitan ng Add+vantage Community Team Services, Incorporated na may telepono numero (052)435-3003 o 0929-377-2442 o sa pamamagitan ng email smokefree.magayon@gmail.com o sa www.facebook.com/SmokeFreeAlbay. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)


Friday, June 14, 2013

322 kabataan sa Masbate, nakinabang sa DSWD-TESDA scholarship

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 14 (PIA) -- Ngayong linggo na magtatapos ang pag-aaral ng 322 kabataang Masbatenyo na binigyan ng scholarship batay sa tinatawag na "Cash-for-Training Program" o C4TP ng gobyerno.

Ang C4TP ay magkatuwang na itinataguyod ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at Technical Education Skills and Development Authority o Tesda.

Ayon kay Tesda Assistant Provincial Director Angelo Llacer, ang mga iskolar ay nasa pagitan ng 18 at 30 taong gulang na nagmula sa mahihirap na mga pamilya na hindi kayang bayaran ang mataas na gastos sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Ang mga pamilya ay nakatala sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, ang isa sa pangunahing poverty reduction strategies ng pamahalaan na nagbibigay ng "conditional cash grant" upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga maralita.

Ang paglutas sa matinding kahirapan at gutom ay pangunahing layunin ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Llacer na ang 322 iskolar ay sumasailalim sa mga pagsasanay sa Tesda training centers at kilalang teknikal at bokasyonal na paaralan sa Masbate.

Ipinaliwanag ni Llacer na ang C4TP ay isang joint nationwide project ng DSWD at Tesda. Sa proyektong ito anya, ang DSWD ang nagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga iskolar na napili sa pamamagitan ng isang proseso ng pagpili at ang TESDA ang nagbibigay ng pagsasanay para magkaroon sila ng mahusay na hinaharap.

Ito ay nagsimula noong nakaraang Pebrero at magtatapos sa linggong ito.

Ang pagsasanay ay binubuo ng dalawang kategorya—ang pagsasanay para sa wage employment at pagsasanay para sa self-employment kung saan ang bawat iskolar ay nilaanan ng P20,000 para panggastos sa kanilang pagsasanay, allowance at assessment fee.

Ang mga sumasailalim sa mga pagsasanay para sa self-employment ay binigyan ng tool kits.

Sinabi ni Llacer na ang C4TP ay isa sa mga pangunahing kontribusyon ng Tesda sa layunin ng pamahalaan na makapagbigay ng libreng edukasyon at mga kasanayan sa mga maralitang kabataan at matulungan silang makakuha ng matatag na pinagkukunan ng kita at palayain ang kanilang sarili mula sa pagkaalipin ng kahirapan. (MAL/EAD/PIA5-Masbate)


Proyektong 'Farm-to-market road' sa bayan ng Labo, pinasinayaan

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 14 (PIA) -- Pinasinayaan noong Miyerkules (Hunyo 12) ang "farm-to-market road" sa bahagi ng Barangay Malibago papuntang Barangay Malaya sa bayan ng Labo kaugnay sa isinagawang turn-over ceremony dito.

Ang naturang kalsada ay mayroong 1.15 kilometro na half lane at 4.49 kilometro na full lane na natapos o kabuuang 5.64 kilometro na pinondohan ng 40 milyon ng Payapa at Masaganang Pamayanan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP-PAMANA) na sinimulan noong buwan ng Enero 2011 at natapos sa buwan ng Nobyembre ng naturang taon.

Sa bahagi ng programa, panauhing pandangal sina Director Maria Eileen Jose, PAMANA coordinating Unit for Luzon and Visayas at si Regional Director Blandino Maceda ng Department of the Interior and Local Government (DILG RO 5) ng rehiyong bikol.

Ayon sa pahayag ni Director Jose, hinihingi ng PAMANA sa mga ahensiya katulad ng DA at DILG na maliban sa kanilang mandato ay mapaunlad ang agrikultura at tingnan rin ang layunin na magbigay ng daan para sa kapayapaan na ang mga proyektong ito ay maging prayoridad ang mga mamamayan na nangangailangan upang sa pagpapatupad ng proyekto ay maging bahagi sila na mapalapit at makita ang ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Aniya, hindi magagampanan ang mga gawaing ito kung hindi magtutulungan ang ibat-ibang sangay ng gobyerno partikular na ang lokal na pamahalaan at umaasa rin na ang mga barangay ay maging bahagi sa pagpapatupad ng kalsada.

Dagdag pa niya na hinihikayat rin ng PAMANA ang mga mamamayan habang binabaybay ang kalsada ay maalala na hindi lang ito daan ng mga produkto ay alalahanin ang pagtutulungan at pagsasamahan na nagawa ng lahat ng sangay kasama ang barangay para maitayo ang kalsada at mapanatili ito at makatulong sa kanilang kabuhayan.

Ayon naman sa pahayag ni DILG Regional Director Maceda, ang mga proyekto na dinadala ng pamahalaang panlalawigan at lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay ay pakikinabangan at ang lahat ng mga kasaganaan na ito ay hindi makakamtan kung walang pakikipagtulungan ang lokal na pamahalaan at barangay lalo na ang lalawigan ng Camarines Norte.

Ang panunungkulan ng pamahalaang panlalawigan ay tinutugunan ang pangangailangan ng mga barangay sa buong probinsiya at mayroong prayoridad, kung aling barangay ang mas malaki ang pangangailangan ay siya ring bibigyan ng pagkakataon na mapaglaan ng pondo.

Aniya, ang PAMANA ay mayroong ding ibinigay sa mga bayan dito sa Camarines Norte sa pamamagitan ng opisyal ng barangay ay pangalagaan ang lahat ng mga proyektong nakakamit upang ang pangangailangan ay bigyang pansin ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng mabuting palakad at ipagpatuloy ang magandang nagagawa sa kanilang barangay.

Ang farm-to-market road ay isa sa mga proyekto ng PAMANA na programa na ipinatutupad ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang mga ahensiya ng pamahalaan.

Layunin ng PAMANA na maibsan ang kahirapan sa mga lugar na tinatawag na conflict affected areas sa pamamagitan ng pangunahing inprastraktura at serbisyong panlipunan.

Mas lalong pagalingin ang pamahalaan at may kaakibat na pananagutan at maitatag ang kakayanan ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan sa pamamagitan ng mga gawain, pagtutulungan at pagkakabuklod.

Samantala, nagpahayag naman ng mensahe sa programa si Gobernador Edgardo A. Tallado sa pagpapasinaya ng Malibago-Malaya farm-to-market road sa isinagawang Inauguration and Turn-Over Ceremony dito.

Dumalo sa naturang programa sina Provincial Director PSSupt. Moises Pagaduan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO); Col. Richard Q. Lagrana, Infantry Brigade Commander ng 902nd Brigade at Lt. Col. Michael M. Buhat, Commanding Officer ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA), Provincial Director Edwin Garcia ng DILG, Provincial Environment and Natural Resources Officer Elpidio Orata at si Parish Priest Rev. Fr. Angelito de Torres ng Quasi Parish of the Holy Family.

Kaaalinsabay din nito ang selebrasyon ng ika-115 Araw ng Kalayaan na ipinagdiwang kahapon sa lalawigan ng Camarines Norte. (MAL/ROV/PIA5-Camarines Norte)


LTO Bicol, kampeon sa pagpapatupad ng 'Helmet Law'

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 14 (PIA) -- Matapos ang pinaigting na kampanya ng "Helmet Law" ng Land Transportation Office-Bicol, nagbunga rin ang pagpapakahirap ng mga opisyal, matapos na mabigyan ito ng pagkilala at mapiling kampeon sa mahigpit na pagpapatupad ng batas sa paggamit ng helmet.

Sinabi ni LTO Sorsogon Chief Felicidad Mendoza, basehan aniya ng LTO Manila sa pagpili ng kampeon ay ang performance, istatistika o laki ng bilang ng mga nahuling walang suot na proteksyon sa ulo at iba pang paglabag.

Matapos maaprubahan ang Motorcycle Helmet Act of 2009 at tuluyang isakatuparan ng ahensya ang panghuhuli sa mga motoristang nagbibiyahe ng walang sapat na proteksyon sa kanilang mga ulo ay bumilang na ng maraming nahuhuling pasaway na nagmomotor at hindi sumusunod sa itinatakda ng Helmet Law.

Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay insentibo tulad ng parangal bilang pagkilala sa ipinakitang sipag, tiyaga at kagalingan sa pagganap sa tungkulin ng mga deputized agent sa kanilang hanay ay nagbunga ito ng karangalan, karangalang hindi kailanman maaring pantayan ng anumang halaga upang higit pang pagbutihin ng mga ito ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Sinabi pa ni Mendoza na sa kabila ng mababang bilang ng mga tauhan ng kanilang tanggapan sa kasalukuyan, kung saan umaabot lamang sa 15 katao ang umiikot sa loob ng 24 na oras sa loob ng 7 araw sa iba't ibang panig ng probinsya sa Bicol ay buong husay pa ring kinakitaan ng magandang pagganap sa kanilang mga tungkulin ang mga tauhan ng LTO.

Ayon pa sa hepe, nakipag-unayan na rin sa kanya si Sorsogon City Police Chief PSSupt. Edgardo Ardales Jr. upang humingi ng karagdagang ahente upang makatulong sa pagmimintina ng maayos at ligtas na trapiko sa mga kalsada.

Aminado si Mendoza na malaki ang kakulangan nila sa tauhan at ipinarating na nya sa kanilang direktor ang kahilingang dagdag na tauhan para maagang maisailalim ang mga ito sa seminar bilang mga bagong deputized agent at maikalat sa lungsod at probinsya ng Sorsogon.

Tiniyak naman ng kanilang direktor na aaksyunan ang nasabing kahilingan. (MAL/FBT/PIA5-Sorsogon)


Kampanya kontra sa ilegal na pangingisda pinaiigting sa Camarines Norte

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 14 (PIA) -- Patuloy na pinaiigting ang kampanya kontra sa ilegal na pangingisda sa pamamagitan ng "Unified Fisheries Ordinance" na daan para sa tuloy-tuloy na pamamahala ng mga yamang dagat sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa naturang ordinansa, ang bawat lalabag na indibidwal dito ay magbabayad ng multang P5,000 katulad ng itinakda ng Republic Act 8550 o The Philippine Fisheries Code of 1998 sa halip na pagpataw ng multa sa bawat paglabag ng isang grupo lulan ng illegal commercial fishing vessels.

Pinapahintulutan din nito na ang mga manghuhuling opisyal ay tatanggap ng 60 porsyento ng kabuuang halaga ng multa na ipinataw ng husgado bilang insentibo nila.

Ang ordinansa ay binuo sa pamamagitan ng Fisheries Development Division ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg-FDD) na nanguna sa pagbuo ng Provincial Technical Working Group (PTWG) mula sa mga kinauukulang tanggapan.

Ito ay tumulong sa pagbalangkas ng lokal na batas upang pantay na maipatupad ang mga patakaran at tiyakin na tuloy-tuloy na ipatutupad ng lokal na pamahalaan sa "coastal fisheries management" sa kanilang nasasakupan.

Ang 9 na coastal municipalidad sa ilalim ng Unified Fisheries Law Enforcement ay kinabibilangan ng bayan ng Basud, Capalonga, Daet, Jose Panganiban, Mercedes, Paracale, Sta. Elena, Talisay at Vinzons na mayroong sistema ng pamamahala sa kanilang karagatan/katubigan.

Ang Unified Fisheries Law Enforcement ay isinulong ni Gobernador Edgardo A. Tallado sa layuning magkaroon ng iisang batas kontra sa ilegal na pangingisda na mayroong mabigat na parusa at magsisilbing babala sa iba upang hindi na magtangkang lumabag sa naturang batas. (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)

Thursday, June 13, 2013

Pribadong kumpanya, nagsagawa ng inspeksyon sa mga tangke ng LPG sa Sorsogon

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 13 (PIA) -- Nagsagawa kamakailan ang 30 tauhan ng Lugus Double Trading Services (LDTS) ng inspeksyon sa bawat tangke ng Liquefied Petroleum GAS (LPG) sa mga kabahayan sa iba't ibang bahagi ng lungsod ng Sorsogon.

Ito ay upang magbigay kaalaman, babala at mahahalagang tip sa publiko hinggil sa pagtukoy ng depektibong tangke ng LPG partikular ang Solane LPG na nabibili sa mga tindahan.

Base sa ipinakitang resibo ni Reynaldo Gattoc tumatayong Safety Consultant ng LDTS, na nakabase sa Commonwealth Avenue Fairview Park Quezon City, ang kumpanya ay pinamumunuan ni James Colleta.

Sinabi pa ni Gattoc na mananatili sila sa loob ng isang buwan sa bawat probinsya sa kabikulan para lamang magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga depektibong tangke at sinabi nito kung paano malalaman ang standard at sub-standard o mapanganib na tangke.

Ayon pa kay Gattoc ang mga tangke na pumasa sa pagsusuri ng ahensya ng Department of Trade and Industry (DTI) ay markado ng nakaukit na PNS 1992-2000, habang ang sub–standard naman na tangke o hindi pumasa sa tamang pagsusuri ng DTI-Standards ay may nakaukit na 1980-1991.

Pangalawa sa mapanganib na tangke na dapat malaman ng publiko kung may bakas at palatandaang hinati sa gitna o pinutol at muling idinugtong gamit ang acetylene.

Ang pangatlong palatandaan ay ang pagkalabog sa tangke. Sa oras umano na kinalabog ng matigas na bagay ang tangke at tunog lata ito ay nangangahulugang manipis ang materyal na ginamit at mapanganib ito oras na mabutas sapagkat maari itong sumabog.

Sakaling makita umano ang mga palatandaan sa biniling tangke, pinapayuhan nila ang mga mamimili na huwag itong tatanggapin at agad papalitan upang makaiwas sa sunog. Ang kaunting leakage ay maari ding pagmulan ng pagsambulat nito.

Abiso din ni Gattoc na palitan ang clamp ng hose pagkalipas ng tatlong buwan dahil nagkakaroon ito ng kalawang na maaring daanan ng singaw at maaring pagmulan ng sunog at masamang epekto sa kalusugan ng tao. Habang ang hose naman ng LPG ay dapat pinapalitan sa tuwing ika-anim hanggang walong buwan dahilan sa synthetic ito at natutunaw ng hindi namamalayan ng mga kasambahay na kadalasang pinagmumulan ng malaking pagsabog.

Subalit ayon sa DTI Sorsogon, maaring nagsasagawa ng adbokasiya ang nasabing kumpanya at nilinaw nito na walang naganap na koordinasyon sa kanilang tanggapan ang naturang kumpanya.

Nagbabala ang DTI Sorsogon sa publiko na doblhin ang pag-iingat lalo sa pagpapapasok ng mga taong katulad nito sapagkat kadalasan aniya ay ganito ang modus operandi ng mga masasamang loob na umiikot sa kalakhang Maynila at umaabot na rin ito sa kabikulan. (MAL/FBT-PIA5 Sorsogon)


Masbateño news: Help desk, magasabat sa mga hunga manungod sa Batas Kasambahay

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 13 (PIA) – Nag-abre san help desk an opisina didi san Department of Labor and Employment agod alalayan an publiko na gusto maintiendihan an Batas Kasambahay na guin patuman san nakaligad na mga adlaw.

Segun kan DOLE Masbate provincial officer Carlos Onding, an help desk an magahawid sa mga hunga kag mga irisipon san publiko maylabot sa mga patakaran kag regulasyon san Republic Act 10361.

Si Onding kag san iya sinakupan, si Anne Nadal an guin butang ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz na magmanehar sa help desk.

Segun kan Onding, bagay lang na kabisado san mga amuhan kag kabulig an nahunambitan na laye, lalo na gayud an mga nakasurat sa kontrata sa tunga san amo kag kabulig.

Susog sa Batas Kasambahay, an kabulig may diretso sa sweldo na dili mahamubo sa P2,500 kung sinda magatrabaho sa Metro Manila, P2,ooo naman sa iba pa na mga cuidad kag primera klase na munisipyo kag P1,500 naman sa iban pa na lugar sa nasyon.

May diretso man sinda sa Social Security System (SSS), PhilHealth kag Pag-Ibig coverage.

Sa idalom san laye, obligasyon san mga opisyal sa barangay na ilista an kontrata sa tunga san mga kabulig kag inda mga amuhan antes ini isumiter sa Department of the Interior and Local Government para sa monitoring.

Iningganyo ni Onding an mga amo, kabulig kag mga opisyal sa barangay na magbisita sa inda help desk agod makabulig sa pagtalinguha san gobierno na magin tadong an implementasyon san Batas Kasambahay.

Pwede sinda makipag-koordinasyon sa help desk sa Masbate pinaagi sa telepono numero 056-3333-822. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)


Konsultasyon para sa regional development plan isinagawa sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 13 (PIA) -- Isinagawa dito ang konsultasyon kamakailan upang makakuha ng bagong suhestiyon sa lalawigan na maipapaloob sa Regional Development Plan (RDP) na pinangunahan ng National Economic Development Authority (NEDA).

Ayon kay Regional Director Romeo Escandor ng NEDA at Vice-Chairperson ng Regional Development Council na kailangan pa ring suriin kung bakit sa kabila ng pagtatag ng ekonomiya ng bansa na may pagtaas o growth rate na 6.6 porsiyento ay patuloy pa rin ang kahirapan ng mga mamamayan.

Aniya base sa ipinalabas na datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) tatlo sa bawat 10 Filipino ay mga mahihirap base sa unang kwarter ng 2012 at 2009. Ang pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) ay hindi lamang na dahilan para mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Ipinaliwanag niya na ang pagtaas ng ekonomiya ay nasasabayan rin ng pagtaas ng populasyon at ang nagkakaroon lamang ng trabaho ay kalahati kumpara sa pagtaas ng pangkalahatang populasyon.

Ayon pa kay RD Escandor upang mabawasan ang kahirapan kinakailangan ang pagtaas ng real per capita ng GDP at pagtaas rin ng kalidad ng trabaho. Ang karaniwang pamilyang mahirap ay kumikita lamang ng P12,500 bawat buwan mas mababa sa poverty threshold ng P16,841.

Sinabi niya na ang pagkakaroon ng magandang trabaho at malaking kita ang susi na makaalis sa kahirapan at nangangailangan ito ng magandang edukasyon at suporta dito.

Ayon sa kanya upang matugunan ito kinakailangan ang mamuhunan ang pamahalaan sa edukasyon at ganon din sa kalusugan, matuwid na pamamalakad, inprastraktura sa kanayunan, seguridad at promosyon sa produksiyon.

Ilan sa mga planong natukoy sa lalawigan ng mga stakeholders sa konsultasyon para sa pagpapasiguro ng pagtaas ng ekonomiya ay ang pagsusulong ng industriya ng pinya, gulay at niyog; “climate field school at climate information system” para sa magsasaka; paggamit sa mga lupang nakatiwangwang sa mga bagong nakatapos sa agrikultura at iba pa.

Sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan lalong lalo na sa kalusugan ay ang pagkakaroon ng “public tertiary hospital” sa first class municipality; tahanan sa mga matatanda; resettlement sa mga indigenous people; pagsusuri sa mga benepisyaryo ng PhilHeatlh; amyendahan ang Higher Modernization Act upang maituro ang mga vocational na kurso at iba pa.

Ang rehabilitasyon ng paliparan sa Daet ang isa sa pangunahing suhestiyon sa pagpapaunlad ng imprastraktura, ganon din ang mga daungan sa mga bayan, ang pagpapaunlad ng Pres. Cory Boulevard, farm-to-market roads, iba't ibang mahahalagang kalsada; cellsite sa Labo, Capalonga at Sta. Elena at level III water system sa ilang bayan.

Ganon din sa pagpapanatili ng pag-unlad ay ang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa “full disclosure policy,” parehas na koleksiyon ng lokal na buwis, pag aralan ang local tax code at plantilla positions ng disaster risk reduction management officer (DRRMO).

Samantala dagdag pa ni RD Escandor na maaaring isama sa plano ang pagdaan ng tren sa lalawigan, ang pagpapatupad ng state universities ng pamamaraan na maging iskolar ng Phil. Military Academy (PMA) at ang pagkakaroon ng koneksiyon ng Mercedes papuntang Siruma, Cam.Sur. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)


World Environment Day sa Bicol matagumpay na isinagawa ng DENR

By Sally A. Atento

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 13 (PIA) -- Matagumpay na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ang 3rd Regional Biodiversity Challenge sa Masbate kaugnay ng pagdiriwang ng World Environment Day nitong Hunyo 5.

Layunin nito na ipaalala sa publiko lalo na sa mga kalahok na kumakatawan sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang kahalagahan at tamang pangangalaga sa ating kapaligiran.

Ayon kay forester at race director Aldrin Barruga kabilang sa mga isinagawa sa nasabing kaganapan ay mga mahahalagang gawain at trabaho ng DENR tulad ng potting, pagtatanim ng mga binhi at pangingisda gayundin ang magbigay impormasyon sa publiko.

Sa ganitong paraan, dagdag ni Barruga, ay kanilang maiintindihan ang kahalagahan ng ginagampanan ng DENR sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ilan sa mga hamon na sinuuong ng mga kalahok upang makamit ang gantimpala ay ang pagtakbo, paglangoy, pagsisid at pagkuha ng crown of thorns starfish, pagtanim ng mga kahoy at binhi, paglagay ng buhangin sa sisidlan at pagpahayag ng impormasyon ukol sa National Greening Program (NGP) ng DENR.

Matapos ang pagalingan sa iba’t ibang larangan, naging kampeon ang Dr. Emilio B. Espinosa Sr. Memorial State College of Agriculture and Technology na tumanggap ng P10,000 at pumangalawa ang DENR Forest Management Office na may P7,000.

Iniuwi naman ng Team Torrecampo, Almonte Balladolid ang halagang P5,000 na nasa ikatlong puwesto.

Dagdag pa ni DENR Bicol director Gilbert Gonzales ang nasabing walang katulad na pagalingan ay isang patunay na bagama’t mahirap ang mga hamon ay marami pa rin ang nais na sumali upang maranasan din nila ang mga ginagawa ng tauhan ng ahensiya. (MAL/SAA-PIA5 Albay)


Albay inihahanda ang lugar na gaganapan ng 'largest human no-smoking sign'

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 13 (PIA) -- Sa opisyal na pagkumpirma ng Guinness World Records (GWR) sa pagtatangka ng Albay na gawin ang pinakamalaking “human no-smoking sign,” kasalukuyang inihahanda ngayon ang lugar sa loob ng Bicol University kung saan isasagawa ang makasaysayang hamon.

Sa pagpupulong ng general technical working committee noong nakaraang linggo, ipinahayag ng Smoke-Free Albay Network (SFAN) ang isinasagawang paghahanda sa Bicol University (BU) football ground na magiging lokasyon ng pagbuo ng human no-smoking sign bilang tampok na aktibidad na gagawin ng lokal na pamahalaan (LGU) ng Albay sa pagdiriwang ng International No-Smoking Month ngayong Hunyo.

“May kabuuang 5,123 square meters na lugar ang gagamitin sa pagtatangka,” sabi ni Architect Adrian Graceda ng BU Physical Development Management Office (PDMO). Isang grupo ng mga arkitekto, surveyors at enhinyero ang nagtutulong-tulong ngayon upang planuhin ang layout ng lugar sa pagtupad sa hinihingi ng GWR, ayon kay SFAN chairman and provincial board member Herbert Borja.

“Ang paggawa mismo ng outline sa lupa ay napakahirap na hamon sa pagtupad ng hinihingi ng GWR dahil sa napakalawak na lugar,” sabi ni Dr. Joseph Espiritu, hepe ng Emergency and Medical Services ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Hinihingi ng GWR na maaaring gamitin lamang ang puting tisa bilang outline ng simbolo ng no-smoking sa lupa bago isagawa ang pagtatangka at ipinagbabawal ang paggamit ng mga pangkulay upang markahan ang lugar, ayon kay Borja.

Dagdag pa rito, mga letra o numero lamang ang puwedeng gamitin upang magsilbing palatandaan kung saan tatayo ang mga kalahok, ayon sa GWR. “Puede kami gumamit ng mga patpat o banderitas para dito,” sabi ni Espiritu.

Ngayong linggo, isinagawa ng mga piling tauhan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Air Force (PAF) at BFP ang ground inspection upang ilatag ang mga estratehiya sa pamamahala at pagkontrol ng tao, seguridad at kaligtasan, pasukan at labasan at pagsubok ng mga lokasyon, formations at ground layout, ayon kay Espiritu.

Habang isinusulat ang balitang ito, halos umaabot na sa 10,000 katao ang nagkumpirma na sasali sa aktibidad na naglalayong magkaroon ng 13,000 kalahok galing sa mga kawani ng pamahalaan, paaralan at pribadong sektor, sabi ng SFAN sa PIA. “Tatanggap din kami ng sasali pa sa mismong araw,” sabi ni Borja.

Ang aktibidad ay magsisimula sa oras na alas 6 ng umaga sa Hunyo 28 na magkakaroon ng fun-walk na tatawaging “Walk for a Smoke-Free Albay” bilang panimula ng kaganapan sa oras na alas 5 ng umaga galing sa Peñaranda Park, ayon kay Borja.

“Magbibigay ito ng kaugnayan at kahulugan sa pagpapatupad ng ordinansa ng Albay sa pagbabawal sa paninigarilyo at para magbigay kaalaman sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan at kapaligiran,” sabi ni Albay Governor Jose “Joey” Salceda.

Ayon kay Borja, patuloy silang nag-aanyaya sa mga nais lumahok sa aktibidad. Puwede silang makipag-ugnayan sa kanya sa telepono numero (052) 822-3175, o 0922-8398437 o sa kanyang email address hsborja8@yahoo.com. Puwede rin silang makipag-ugnayan sa opisina ni Gobernador Salceda sa telefax number (052) 481-2555 o 0908-8660824 o sa email address albaygovoffice@yahoo.com. Isa pang paraan ay sa pamamagitan ng Add+vantage Community Team Services, Incorporated na may telepono numero (052) 435-3003 o 0929-377-2442 o sa pamamagitan ng email smokefree.magayon@gmail.com o sa www.facebook.com/SmokeFreeAlbay. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)



Tagalog news: Aktibidad pangkalikasan itinampok sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan
By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 13 (PIA) -- Itinampok ang "Bulusan Volcano International Skyrun Conquest" at ang Eco-Trail adventure "sa pagdiriwang kahapon ng ika-115 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa lalawigang ito, partikular sa bayan ng Bulusan.

Ang mga kalahok ng Bulusan Volcano International Skyrun Conquest ay tumakbo paakyat sa bulkan. Nakilahok dito hindi lamang ang mga lokal na mananakbo kundi maging mga dayuhan din. Kauna-unahan itong ginawa sa bansa.

Ginawa din ang Eco-Trail adventure na may 21, 10, 5 at 3 kilometrong kategorya. Nasa ikatlong taon na itong ginagawa sa bayan ng Bulusan sa pangunguna ni Mayor Mike Guysayko.

Ang dalawang malaking aktibidad na tinagurian nilang "Thrills in the Trails to the Max," ang napili nilang itampok sa pagdiriwang kahapon ng Araw ng Kalayaan na nakapaloob din sa pagdiriwang ng Environment Month.

Ayon kay Mayor Guysayko, bago matapos ang kanyang termino bilang alkalde ng Bulusan, nais umano niyang mag-iwan ng pamana at nais niyang nakatuon ang pamanang ito sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang maganda, maayos at ligtas na kapaligiran ay nangangahulugan din umano ng tunay na kalayaan laban sa mga panganib at hagupit ng kalikasan.

Dagdag atraksyon din ang kasalukuyang Miss Philippines Earth at ang 2012 Miss Earth Air at Miss Philippines Fire na nakiisa sa ginawang aktibidad sa Bulusan. Naroroon din si ABS-CBN managing director at tagapagsulong ng mga adbokasiyang pangkalikasan Gina Lopez.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Cris Racelis, malaking tulong ang presensya ng mga ito sa pagsusulong ng bayan ng Bulusan bilang isang pangunahing eco-tourism destination ng Sorsogon at sa patuloy na proteksyon at pangangalaga sa Bulusan Volcano National Park (BVNP) at sa palibot nito kasama na rin ang isinusulong na National Greening Program (NGP) ng pamahalaan. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)


Help desk, tutugon sa mga katanungan sa Masbate hinggil sa batas kasambahay

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 13 (PIA) -- Nagbukas ng help desk ang tanggapan dito ng Department of Labor and Employment (DOLE) para patnubayan ang publiko na ibig maliwanagan sa Batas Kasambahay na nagkabisa kamakailan lamang.

Ayon kay DOLE Masbate provincial officer Carlos Onding, ang help desk ang hahawak sa mga katanungan at mga alalahanin ng publiko hinggil sa mga patakaran at regulasyon ng Republic Act 10361 na nagkabisa nung Hunyo 3.

Kasama ni Onding ang isa niyang tauhan na itinalaga ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz para mangasiwa sa help desk.

Ayon kay Onding, nararapat na masanay ang mga amo ng mga katulong sa Batas Kasambahay, lalo na sa nakasulat na kontrata sa pagitan ng amo at ng kasambahay.

Batay sa Batas Kasambahay, ang kasambahay ay may karapatan sa sahod na hindi bababa sa P2,500 kung sila ay nagtatrabaho sa Metro Manila, P2,000 sa iba pang mga lungsod at mga primera klaseng munisipalidad at P1,500 sa ibang lugar sa bansa.

May karapatan din sila sa Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-Ibig coverage.

Sa ilalim ng batas, tungkulin ng mga opisyal ng barangay na itala ang kontrata sa pagitan ng mga kasambahay at ang kanilang mga amo bago ang mga ito isumite sa Department of the Interior and Local Government para sa monitoring.

Hinimok ni Onding ang mga amo, kasambahay at mga opisyal sa barangay na dumulog sa kanilang help desk upang makatulong sa pagsisikap ng pamahalaan na maging maayos ang implementasyon sa Batas Kasambahay.

Maaring makipag-ugnayan sa help desk sa Masbate sa telephone No. 056-3333-822. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)


Salceda: Mabuting pamamahala nagdadala ng kaunlaran sa ekonomiya

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 13 (PIA) -- Malinaw na nakuha ng Administrasyong Aquino ang tiwala ng mga namumuhunan o negosyante sa nararamdamang patuloy na pagbuti ng ekonomiya na natatamasa ngayon na kinikilala ng mga banyagang ekonomista at analysts.

Ito ang ginawang pahayag ni Albay Governor at Bicol Regional Development Council (RDC) Chair Jose “Joey” Salceda sa buwanang pagpupulong ng RDC na ginanap sa National Economic and Development Authority (NEDA) Bicol Regional Office. “Kapag may tiwala ang private sector sa presidente, sila mismo ang gagalaw (para sa pag-unlad ng ekonomiya),” sabi niya.

“Hindi natin matatawaran ang patuloy na pagganda ng ekonomiya,” sabi ni Salceda. Sa isang pag-aaral na ginawa ni Emmanuel de Dios sa mga bansa sa Asya, sinabi ni Salceda na nagtatala ang ating mga karatig-bansa ng 6 hanggang 8 porsyentong pagtaas sa gross domestic product (GDP) at ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa sa 7.8 porsyentong pagtaas ng GDP nito na posibleng umabot sa 8 porsyento.

“Ang nagpapatakbo ng ating ekonomiya ngayon ay ang pamumuhunan partikular sa aspeto ng imprastruktura,” sabi ni Salceda. Binanggit niya ang isang artikulo sa pahayagan na nagbabalita na ang pamumuhunan sa imprastruktura ay inaasahang aabot sa$110B sa susunod na pitong taon.

Sa magandang imahe na natatanggap ng kasalukuyang administrasyon galing sa lokal at banyagang negosyante o namumuhunan, ang mga bago at mas malalaking negosyo o puhunan ay patuloy na dumarami. “May tiwala ang mga negosyante sa presidente na may imaheng laban sa korapsyon na makikita sa mas malalaking puhunan na kanilang nilalaan,” Sabi ni Salceda.

Ayon kay Salceda, ang umuunlad na industriya sa ngayon ay food manufacturing at turismo. “Ang industriya ng BPO (business process outsourcing) ay nandyan pa rin pero mabagal,” sabi ni Salceda. Humihina din ang industriya ng pagmimina at agrikultura, dagdag pa niya. Naobserbahan ni Salceda ang pagtaas ng pamumuhunan sa 31 porsyento ngayong taon.

“Lumakas ang food manufacturing dahil sa import substitution, ibig sabihin, ang mga produktong dati nating inaangkat ay ginagawa na natin dito,” sabi ni Salceda. Direktang kinokompetensiya ng lokal na produkto ang inaangkat, dagdag niya.

“Lumalakas ang turismo dahil sa infrastructure investments,” sabi ni Salceda. Ang turismo ay hindi lang nangunguna sa mga kumikitang industriya sa Bikol kundi sa buong bansa. Kamakailan ay pinangunahan ni Salceda ang estratehikong pagbuo ng ALMASORCA, ang acronym para sa probinsiya ng Albay-Masbate-Sorsogon at ang huling naidagdag na Catanduanes para sa komprehensibong pagtutulungan ng mga nabanggit na probinsiya sa pagsusulong ng turismo.

“Ngunit ang mabigat na hamon ay kung paano maramdaman ng masa ang paglago ng ekonomiya upang mabawasan ang kahirapan,” sabi ni Salceda. Karamihan ng pamumuhunan sa imprastruktura ay nakatutok sa kalunsuran partikular sa kalakhang Maynila, ayon kay Salceda.

Kailangang sumali ang mga rehiyon sa mga gawaing pang-ekonomiya ayon kay Salceda. “Nangangailangan ang Bikol ng infra investments na nagkakahalaga ng P320 bilyon,” dagdag niya.

Ang napaka-epektibong slogan sa kampanya ni Presidente Benigno Aquino III na “kung walang corrupt, walang mahirap” ay kalahating solusyon lamang sa kahirapan, ayon pa kay Salceda.

“Tumpak, ang mabuting pamamahala ay nagpapalago ng ekonomiya subalit hindi lang ito ang magbabawas sa kahirapan dahil ang hindi pagkakapantay-pantay ng kita ay patuloy na tumataas,” sabi ni Salceda. “Kailangan natin ng mga bagong ‘kagamitan’ upang lutasin ang kahirapan,” sabi niya. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)