Thursday, October 31, 2013

BFP may mga paalala sa mga pupunta sa sementeryo

DAET, Camarines Norte, Okt. 31 (PIA) -- Pinaalalahanan ngayon ng tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Camarines Norte ang mga pupunta sa sementeryo bukas upang dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao kaugnay sa paggunita ng Undas.

Ito ay upang maiwasan ang insidente ng sunog sa mga tahanan at mapangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya.

Ayon sa pahayag ni acting provincial Fire Marshal Insp. Gilberto F. Madrigal ng BFP provincial office dito, bago pumunta ng sementeryo ay masiguro na walang naiwan na niluluto o apoy sa kalan at isara ang lahat ng mga kagamitang di-kuryente.

Ayon pa rin kay Madrigal, mag-iwan pa rin ng taong magbabantay sa loob ng tahanan at ang kanilang mga anak ay huwag hayaang maglaro ng mga kandila na maaaring simulan ng sunog.

Patuloy din ngayon ang BFP sa isinasagawang pagbisita sa mga sementeryo at pakikipag-ugnayan sa mga barangay na nakakasakop dito para sa kapakanan na rin ng lugar sakaling magkaroon ng insidente ng sunog.

Nagtalaga naman ng Emergency Medical Services sa lahat ng Fire Station sa bawat bayan dito.

May itinalaga din na team work at fire truck na malapit sa lugar  sa bawat bayan kung saan katuwang dito ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Kabalikat Charity, SCAN radio group ng Iglesia ni Cristo (INC), Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Barangay Public Safety Office (BPSO).

Ang mga naturang tanggapan ay makakatulong upang mapanatili ang katamikan at kaayusan sa paggunita ng Undas sa lalawigan ng Camarines Norte. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte).
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=881383181864#sthash.T6uXf0xH.dpuf

Magdamagang ulan nagdulot ng landslide sa San Andres

VIRAC, Catanduanes, Okt. 31, (PIA)- Isang landslide o pagguho ng lupa ang naitala sa Barangay Cabungahan, San Andres kaninang umaga.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang landlside sa naurang bayan ay nakapagpaantala sa mga biyahe patungo sa mga bayan ng Caramoran at Pandan dahil hindi ito madaanan.

Sanhi umano ng landslide ang magdamagang paguulan na naranasan ng lalawigan mula kagabi hated ng bagyong ‘Vinta’ na kasalukuyang tinutumbok ang Hilagang Luzon.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PDRRMO ang publiko na maging alerto sa mga posibleng pagbaha at landslide na dulot ng ulan.

Inalerto na rin ng ahensya ang mga Muncipal at Barangay Disaster Risk Reduction Council sa 11 bayan ng lalawigan na patuloy na magmonitor sa kanilang nasasakupan.

Samantala, nagpadala na ng pay loader at maintenance team ang Department of Public Works and Highways (DPWH)sa lugar upang mapadali ang clearing operations at muling mabuksan ang daan lalo na at maraming nagsisiuwian para sa Undas. (MAL/EAB-PIA5/Catanduanes)

Militar, kapulisan nakaalerto sa Undas

VIRAC, Catanduanes, Oktubre 30, (PIA)- Nakaalerto ang buong militar at kapulisan sa lalawigan ng Catanduanes para sa pagdiriwang ng Undas sa Nobyembre 1-2, 2013.

Ayon kay 9th Infantry Division 83rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Bernardo Fortez, nananatili silang naka heightened alert simula noong Barangay elections hanggang sa pagtatapos ng Undas.

Sinabi ng opisyal na patuloy silang magsasagawa ng checkpoints sa ilang lugar sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Undas.

Samantala, magsasagawa rin umano ng checkpoint at magdadagdag ng police visibility ang kapulisan sa lalawigan sa pamumuno ni Philippine National Police (PNP) provincial director Police Senior Superintendent Eduardo Chavez.

Ayon kay Chavez, magtatalaga rin sila ng mga tauhan sa mga pantalan at AIRPORT sa lalawigan bilang paghahanda na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga balikbayan ngayong linggo.

Pinaalalahanan din niya ang mga pupunta sa sementeryo na huwag magdala ng anumang alak, patalim at iba pang bagay na ipinagbabawal upang maiwasan ang aberya sa pagdalaw sa mga minamahal.

Patuloy ding tinitiyak at minomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng mga kandila at bulaklak sa mga pampublikong pamilihan.

Ayon kay DTI provincial director Hegino Baldano, magsasagawa umano sila ng random inspection sa mga pamilihan sa lalawigan upang matiyak ang pagsunod ng mga negosyante sa kanilang regulasyon. (MAL/EAB-PIA5/Catanduanes)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=841383102599#sthash.ePHPPC4s.dpuf

Resolusyong makatutulong sa pagtugon sa isyung pampangisdaan inilatag ng SP

LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 31 (PIA) – Upang higit pang malinawan ang ilang mga usaping may kaugnayan sa pangisdaan at makabuo ng mga karampatang solusyong ukol dito, isang pagpupulong ang isinagawa kamakailan ng Fishery Sector Technical Working Group sa lungsod ng Sorsogon na dinaluhan ng kinatawan ng iba-ibang ahensya ng pamahalaan at mga civil society group na tumutulong sa mga mangingisda.

Pinangunahan ito nina Bokal Arze Glipo, chairperson ng Committee on Agriculture and Fisheries, Committee on Environment and Natural Resources chaiprerson Bokal Rebecca Aquino at Vice-Governor Antonio Escudero, Jr., chairperson ng Committee on Public Order and Security ng Sangguniang Panlalawigan.

Sa naturang pulong, nilinaw  na batay sa Republic Act 8550 (Philippine Fisheries Code), walang maituturing na provincial water ang Sorsogon sapagkat ang mga bayan at siyudad lamang ang may saklaw sa karagatan kung kaya’t nakaatang ang malaking bahagi ng responsibilidad sa mga munisipalidad at lungsod sa pagsusulong ng legal na mga aktibidad pampangisdaan.

Naging daan din ang pulong upang mapag-usapan ang ilan sa mga maiinit na isyu na nakakaapekto sa pangisdaan tulad ng illegal fishing, overfishing, degradation of marine resources at ang iba pang mga mapagkakakitaan para sa mga mangingisda.

Sa mga diskusyon, napag-alaman na hindi lamang ang commercial fishers ang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang fishing vessel na kilala sa tawag na “pangulong”  kundi pati na rin ang mga maliliit na mangingisda na gumagamit ng dynamite at cyanide.

Ang mga commercial fishers o yaong may mga sasakyang dagat na may kargang higit sa tatlong kabuuang toneladang kagaya ng “pangulong” ay bawal pumasok sa loob ng karagatang ibinibilang na municipal waters. Ang municipal waters ay may 15 kilometrong economic zone mula sa baybayin ng mga lokal na pamahalaan at ito ay nakatalaga lamang pangisdaan ng mga maliliit na mangingisda.

Dahilan sa mas may kakayahang makakuha ng maraming isda ang ganitong malalaking sasakyang dagat, kung kaya’t nagkakaroon ng overfishing, na inirereklamo ng mga maliliit na mangingisda sa Ticao-Burias Pass kung saan ang mga bayan ng Bulan, Castilla, Pilar at Donsol ay nabibilang.  Walang alinman sa lugar ang maaaring pasukin ng malalaking sasakyang pandagat dito dahilan sa hindi lalampas sa 15 km ang pagitan ng Masbate at Sorsogon sa naturang karagatan.

Sa isyu pa rin ng overfishing, nabanggit na naglipana din ang mga mangingisdang nanghuhuli ng mga napakaliit pa at maging ang mga isda na dapat sana’y hinahayaan pang mabuhay upang mas mapadami pa ang kanilang bilang. Ayon sa mga mangingisda, ginagawa Ito dahilan sa kulang na raw ang mga isdang nahuhuli kung kaya’t napipilitan ang mga municipal fisher na magkasya na lang sa panghuhuli ng mga maliliit na isda na tinatangkilik naman ng mga tao lalo na yaong hindi kayang bumili ng mga primerang klaseng isda.

Sinabi ni Bokal Arze Glipo na dahil sa mga sitwasyong ito, minabuti ng mga komitiba ng Sangguniang Panlalawigan (SP) na isulong sa pamamagitan ng resolusyon, ang pagbuo ng Department of Agriculture lalo na ng BFAR, ng Fisheries Law Enforcement Group na siyang huhuli sa mga nagsasagawa ng mga ilegal na pamamaraan ng pangingisda. Ito ay kabibilangan ng PNP, MARINA, Coast Guard, Philippine Army at ng BFAR.

Aniya, isa pang isusulong na resolusyon ng pinag-isang mga komitiba ng SP ay ang paghikayat sa mga magkakalapit na lokal na pamahalaan sa Ticao-Burias Pass o West Philippine Sea, mga nakaharap sa Pacific Ocean, at mga nasa Sorsogon Bay, na bumuo ng Integrated Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (IFARMC) na tutugon sa kani-kanilang mga isyu patungkol sa pangingisda. (MAL/BAR/IRDF/PIA5)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=801383121403#sthash.DjXqiRh9.dpuf

Wednesday, October 30, 2013

ALMASOR itatampok sa World Travel Market sa UK

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 30 (PIA) – Ang alyansang pang-turismo na Albay-Masbate-Sorsogon (ALMASOR) ay maglulunsad ng pandaigdigang kampanya sa pagsulong ng turismo sa paglahok nito sa taunang World Travel Market (WTM), ang pangunahin at pinakamalaking pandaigdigang kaganapan para sa mga travel agency na ginaganap bawat taon sa London.

“Ito ang unang pagkakataon na may local government unit (LGU) galing sa rehiyon Bicol na lalahok sa WTM,” sabi ni Department of Tourism (DOT) Bicol Regional Director Maria Ong-Ravanilla.

Inilunsad ang WTM sa Olympia ng London noong 1980 bago ito inilipat sa Earl’s Court noong 1992 at ginanap sa ExCeL London noong 2002. Umaabot sa 46,000 senior travel industry professionals, mga ministro ng pamahalaan, mga kasapi ng pandaigdigang media ang nagtitipon sa ExCeL London bawat taon sa buwan ng Nobyembre upang lumahok sa WTM na inoorganisa ng Reeds Exhibitions. Ang WTM ngayong taon ay gaganapin sa Nobyembre 4 hanggang 7.

Ayon kay Ravanilla, ang iba pang mga probinsya na lalahok sa WTM 2013 ay ang Bohol, Davao, Cebu at Palawan. “Ito ang tamang panahon para sa Bohol, Cebu gayundin ang Davao na nasa kalupaan ng Mindanao na agresibong isulong ang turismo,” sabi ni Ravanilla.

Ang Bohol at Cebu ay nakaranas ng magnitude 7.2 na lindol na sumira ng makasaysayang mga daantaong simbahan na palaging dinarayo ng mga turista. Samantala, maaaring baguhin ng Davao ang nadungisang imahe ng Mindanao sanhi ng nakaraang kaguluhan sa Zamboanga na nagpalala sa sitwasyong pang-kaayusan at katahimikan sa isla, dagdag ni Ravanilla.

Kasama ni Ravanilla na pupunta sa Inglatera o United Kingdom (UK) na bubuo ng pangkat ng Bicol ay sina Albay Tourism Officer Dorothy Colle, Mayor Salvadora Sanchez ng Uson, Masbate, Sorsogon Provincial Administrator Robert Lee-Rodrigueza, Jessica Wong ng Donsol Travel and Tours at mga kinatawan ng Oriental Hotel at Misibis Hotel na parehong nasa Albay.

Inaasahang sasama si Albay Governor Jose Salceda sa grupo pakatapos ng kanyang opisyal na mga gawain. Si Salceda ang sumusulong ng alyansang pang-turismo na ALMASOR .

“Ang aking paglilingkod ay dadalhin ako sa WTM sa London, U.K. Isa ang Albay sa tatlong probinsiya (sa Bicol) na itatampok sa Philippine Booth sa nasabing travel fair, tulungan ninyo akong manalanagin para sa maayos at mapayapang paglalakbay papunta at paalis ng London,” sabi ni Colle sa kanyang social media account.

Ang ALMASOR ay magkakaroon ng booth sa 300 metro kwadrado na Philippine Pavilion sa WTM na mistulang paglalakbay sa buong Pilipinas kahalintulad ng Nayong Pilipino, sabi ni Ravanilla. “Bahagi ito ng bagong programa ni Kalihim Ramon Jimenez na yayain ang pangunang sampung 10 probinsiya na may kakayahang gumastos para sa WTM at mamuhunan para sa pandaigdigang pagsulong ng turismo,” ani Ravanilla.

Ang UK ay kabilang sa nagungunang limang tourism market ng rehiyon Bicol. “may pagkakataon ang Bicol na ipakita ang pangturistang mga lugar nito sa buong mundo sa iisang pagtitipon,” sabi ni Ravanilla.

Ang delegasyon ng Pilipinas ngayong taon ay ang pinakamalaki simula ng sumali ito sa nasabing kaganapan noong 1980. Mahigit 40 exhibitors kasama ang DOT ang lalahok sa WTM 2013, sabi ng DOT.

"Ito ang pinakamalaking delegasyon ng Pilipinas mula ng sumali ito sa WTM noong 1980 o sa anumang travel fair sa buong mundo. Mayroong 90 mga opisyal ng DOT na pangungunahan ni Kalihim Ramon Jimenez ang dadalo sa WTM,” sabi ni Susan del Mundo ng Tourism Promotions Board ng DOT.

Aabot sa 5,000 exhibitors galing sa 184 bansa ang inaasahang kikita ng 1,859 million British pounds sa mga transaksiyon sa industriyang paglalakbay sa loob ng apat na araw na pagititipon na inaasahang dadaluhan ng mahigit 47,000 global travel professionals.

Tinataya ng DOT na tataas ng 65% ang bilang ng mga turista galing Europa o halos 575,000 ngayong taon na lolobo pa hanggang 700,000 sa mga susunod na taon.

"Sa unang anim na buwan ng 2013, nagkaroon tayo ng 60,000 turista galing Britanya. Dahil dito umangat ang UK sa nagungunang sampung bansang pinagmumulan ng mga turista sa Pilipinas – ang kaisa-isang bansa sa Europa na nasa talaan. Sa bagong non-stop flights ng PAL, nakatitiyak kaming tataas pa ang numerong ito,” sabi ni Philippine Airlines (PAL) President Ramon Ang.

Tampok sa pagsali ng ating bansa sa WTM 2013 ang pagbabalik ng PAL flights sa London simula Nobyembre 4.

Hindi lamang mga turista ang magbebenepisyo kundi kasama ang 664,000 na mga kababayan nating Pilipino sa Europa, partikular ang 250,000 na nakatira sa UK na puede nang umuwi nang madalas sa eroplanong kanilang nakasanayan, sabi ni Ang.

Pangungunahan ni Ang ang delegasyon ng pangunang mga pinuno ng PAL at mga opisyal ng pamahalaan sa inaugural flight kasama si British Ambassador sa Pilipinas Asif Ahmad at Philippine Ambassador sa UK Enrique Manalo na sasalubong sa mga pasahero ng inaugural flight. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591383184471#sthash.tgVd994U.dpuf

PhilRice maglulunsad ng uri ng bigas upang maiwasan ang pagkakabulag

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 30 (PIA) – Ang kakulangan sa bitamina A lalo na sa kabataan ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng mas masustansiyang uri ng bigas. Ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ay halos nasa pagtatapos na ng pagsasaliksik at pagsusuri nito sa genetically modified rice na tatawaging “golden rice.”

“Ang Golden rice ay nabansagan dahilan sa kulay dilaw o ginto nitong butil sanhi ng pagkakaroon nito ng beta carotene na kapag kinain ng tao ay magiging vitamin A,” sabi ni PhilRice Director at Chief Science Research Specialist Antonio Alfonso sa isinagawang media seminar sa bigas at nutrisyon noong nakaraang linggo sa Lungsod ng Legazpi.

Ang kakulanagan sa bitamina A ay maaaring makasama sa immune system at mabawasan ang kakayahan ng katawan na labanan o hadlangan ang impeksyon na magsasanhi ng pagtaas ng posibilidad ng pagkakamatay sa ordinaryong karamdaman lalo na sa kabataann, sabi ni Alfonso. “Ang kakulangan sa bitamina A ay maaaring magsanhi ng paghina ng paningin kasama ang night blindness na maaaring maging sanhi ng permanente, kalahati, o ganap na pagkabulag kung hindi magagamot,” sabi ni Alfonso.

Ang pinakahuling ulat sa kakulangan sa bitamina A sa Pilipinas na tinipon ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa 7th National Nutrition Survey in 2008 ay natuklasang 15.2% ng kabataan na edad 6 na buwan hanggang 5 taon ay mayroong kakulangan sa bitamina A.

Ang World Health Organization ay tinatantiyang 190 milyong pre-school na kabataan at 9 milyong buntis sa buong mundo ay kulang sa bitamina A.

Ayon sa PhilRice, ang kakulangan sa bitamina A ay nananatiling suliraning pangkalusugan ng sambayanang Pilipino na apektado ang halos 1.7 milyon kabataan na may gulang lima pababa at 500,000 buntis at nagpapasusong ina na karamihan ay nakatira sa liblib na lugar.

“Ang uri ng bigas na may sangkap na beta carotene ay naghahandog ng sustenableng tugon sa kakulangan sa bitamina A dahilan sa ang bigas ay kinakain at tinatanim sa Pilipinas at pangunahing  pagkain ng mahigit  3 bilyon katao,” sabi ni Antonio. Ang bigas ay madaling makuha kesa sa vitamin A supplements sa mga liblib na lugar,dagdag ni Antonio.

Inaasahang magigigng epektibo, sustenable at abot kaya ang Golden rice  bilang tugon at karagdagan sa kasulukuyang mga estratehiya sa pagsugpo ng kakulangan sa bitamina A sa mga taong mahilig kumain ng bigas, sabi ng PhilRice.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng American Journal of Clinical Nutrition noong 2009 napag-alaman na ang pagkain ng isang tasa ng Golden Rice bawat araw ay nakapagbibigay ng kalahati ng pangangailangan sa bitamina A ng isang tao.

Tiniyak din ni Antonio na ligtas kainin, abot-kaya at hindi magsasanhi ng masamang epekto sa palayan ang golden rice.

Sa kasalukuyan, ang Golden Rice ay nasa ilalim ng pagpapa-unlad at pagsusuri sa pagtitipon ng Philrice ng datos na isusumite sa mga tagasuri ng pamahalaan na mag-aaral sa datos at magkikilatis sa kaligtasan sa pagkain at kapaligiran ng nabanggit na uri ng bigas na inaasahang ilalabas sa pamilihan sa taong 2015. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

Friday, October 25, 2013

P6M farm-to-market road project sa Masbate City, aprubado na ng DA

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 24 (PIA) - Aprubado na ang anim na milyong pisong pondo para sa konstruksyon ng limang kilometrong farm-to-market road sa liblib na bahagi ng lungsod ng Masbate.

Ang magandang balitang ito ang kinumpirma ni Agriculture OIC Regional Director Abelardo Bragas sa kanyang sulat na ipinadala kamakailan kay Masbate City Mayor Rowena Tuason.

Ang pondo sa kalsada ay bahagi ng 2013 Local Poverty Reduction Action Plan ng lungsod na pinagtibay ng Department of Agriculture sa ilalim ng bottom-up budgeting approach ng Deaprtment of Budget and Management.

Pag-uugnayin ng kalsada ang mga sakahan sa barangay Igang at merkado ng kanilang mga produkto.

Ayon kay Mayor Tuason, malaking ginhawa ang idudulot ng proyekto sa farm workers sa mga lugar na dadaanan nito.

Bukod dito, mapapabilis din aniya ng kalsada ang pagpapa-abot ng social services ng pamahalaang lungsod sa mahigit 1,500 residente ng barangay Igang.

Tiniyak ni Mayor Tuason na pinoproseso na ng DA at pamahalaang lungsod ang mga papeles ng proyekto upang agarang masimulan ang implementasyon nito. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Thursday, October 24, 2013

Kasanggayahan Festival ng Sorsogon itinampok ang Almasor photo exhibit

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 24 (PIA) -- Nagbigay ng karagdagang kulay at ningning sa taunang pagdiwang ng Kasanggayahan Festival sa probinsiya ng Sorsogon ang ALMASOR (Albay, Masbate, Sorsogon) Photo Exhibit na tampok sa Bisita Museo ngayong taon sa Sorsogon Museum and Heritage Center na inorganisa ng Sorsogon Arts Council at Department of Education-Sorsogon City.

“Hangad naming makiisa sa mga Sorsoganon sa pagdiwang ng Kasanggayahan Festival ngayong taon, pumarito kami hindi lamang bilang mga mababait na kapitbahay kundi bilang totoong kapatid,” ani Albay Governor Jose “Joey” Salceda sa isang isinulat na talumpati na binasa ni Albay First District Provincial Board Member Glenda Ong-Hao bilang kanyang kinatawan sa kaganapan.

Si Salceda ang namumuno sa pagpunta ng Team Albay sa Bohol para tulungan ang mga nasalanta ng lindol noong binuksan ang exhibit noong Oktubre 17.

“Ang ALMASOR photo exhibit ay unang itinampok sa SMEX SM Mall of Asia (MOA) noong Setyembre kung saan dumalo si Sorsogon Provincial Administrator Lee-Rodrigueza at inimbitahan kami na dalhin ito sa Kasanggayahan Festival,” sabi ni Albay Provincial Tourism Officer Dorothy Colle sa Philippine Information Agency (PIA) Bicol.

Ang exhibit ay tinatampukan ng 40 napiling larawan mula sa coffee table book “Albay-Masbate-Sorsogon; Soul of the South” na itinatampok ang pinakamagandang mga lugar pang-turista sa nabanggit na mga probinsiya. Ang nasabing aklat ay inilunsad noong Setyembre sa SMEX SM MOA. Pinangungunahan ni Salceda ang pang-turismong alyansa na ALMASOR bilang estratehiya sa pagsulong ng turismo sa nasabing mga probinsiya sa Bicol.

“Ang aklat ay kalipunan ng kagandahan na matatagpuan sa kasukalan at kapaligiran ng ALMASOR, nagbibigay ito ng paunang patikim sa ekolohiya na higit pa sa inihahandog ng pinagtipong pangkat ng iba pang mga probinsiya at rehiyon,” sabi ni Salceda sa pahayag.

Ang aklat ay isang paraan ng paglalakbay sa ALMASOR, ang paunang pahina ay ang kasaysayan at kultura ng mga nakaraang alyansa ng mga probinsiya simula sa panahong pre-kolonyal, nagpapaliwanag sa pagkakabuo ng mga bayan at pamayanan at kalaunan ay ang pagkakahati-hati sa mga probinsiyang politikal, dagdag ni Salceda.

Ngayong taon, pinagdiriwang ng  Sorsogon ang ika-119th anibersaryo ng pagkatatag nito bilang probinsiya. Ang Sorsogon ay bahagi ng Albay hanggang sa madeklara itong hiwalay na probinsiya noong taong 1894. Ang okasyong ito ay taunang ipinagdiriwang sa pag-obserba ng Kasanggayahan Festival bawat Oktubre. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591382597935#sthash.X6sq9b3o.dpuf

Wednesday, October 23, 2013

Lakbay Buhay Kalusugan ng DOH-Bicol umarangkada na

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 23 (PIA) – Literal na umaarangkada ang Department of Health (DOH) sa Bicol sa pagtakbo ng malawakang kampanya nito ngayong buwan sa pagsulong ng kalusugang pangkalahatan o universal health care.

Tinaguriang “Lakbay Buhay Kalusugan (LBK),” pinuntahan ng DOH-Bicol ang iba-ibang destinasyon sa rehiyon sa pamamagitan ng mobile clinic-bus na isinaayos upang magkaroon ng dalawang higaan at lugar sa konsultasyon na sangkap ng kagamitang medikal.

“Limang munisipyo at isang probinsiya sa Bikol ang natukoy na destinasyon para sa kampanya ng LBK,” sabi ni DOH Bicol Health Promotions Unit head Noemi Bron sa Philippine Information Agency (PIA) Bicol.

Ang unang destinasyon ay ang munisipyo ng San Jacinto sa Masbate noong Oktubre 14 hanggang 15, sinundan ng probinsiya ng Catanduanes noong Oktubre 18 hanggang 19. Sumunod na destinasyon ang bayan ng Casiguran noong Oktubre 22 at Matnog noong Oktubre 24 na parehong nasa probinsiya ng Sorsogon. Sa Oktubre 26, ang kampanya ay papunta sa bayan ng Libmanan sa Camarines Sur at ang huling destinasyon ay ang munisipyo ng  Labo sa Camarines Norte sa darating na Oktubre 30.

“Bago ang caravan, ang munisipyo ng Libon sa Albay ang unang pinagdausan ng LBK Marso ngayong taon,” sabi ni Bron. Ang mobile-clinic bus ay kauna-unahan sa bansa at inaasahang magkakaroon ng karagdagang kaparehas na sasakyan na gagamitin sa parehong adhikain, sabi ni Bron sa PIA. “Nagsasagawa na kami ng mga hakbang upang mapanatili sa Bicol itong unang klinikang bus kung magkaroon na ng mga katulad nito,” dagdag ni Bron.

Maliban sa mga serbisyong medikal na isinasagawa sa bus-clinic, ang caravan ay tinatampukan ng edukasyong pangkalusugan para sa mga magulang at matatanda sa pamamagitan ng mga munting pag-aaral sa ligtas na pagdadalantao, pagpaplano ng pamilya, kalusugan ng bata at nutrisyon. Mayroon ding interactive exhibits at mga laro na angkop sa mga bata.

Ang konsepto ng isang bus bilang paraan sa pagbigay ng serbisyo, edukasyon at impormasyon na magbibigay daan upang mahikayat ang mga pamilya na tahakin ang buhay na malusog at inaasahan na magiging tampok na balita, magiging balita na makukuha ang interes ng publiko at pansin ng media, sabi ng DOH-Bicol.

Nais ng kampanya na makaligtas ng buhay at maiangat ang uri ng pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng supporta at pagtanggap ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan at praktikal na impormasyon sa pagdadalang-tao, panganganak, nutrisyon at tamang agwat ng panganganak, sabi ng DOH-Bicol sa PIA.

Bawat taon, mahigit 4,000 kababaihan ang namamatay na ang mga sanhi ay may kaugnayan sa pagdadalang-tao at panganganak at mahigit 40,000 sanggol ang namamatay bawat taon sa loob ng 28 araw pakatapos ipanganak. Sa average, isang ina at siyam na sanggol ang namamatay bawat dalawang oras. Marami pa ang nagkakaroon ng kapansanan,  sakit, impeksiyon, at sugat, sabi ng DOH-Bicol sa pahayag sa media.

Ang kampanya ay pinasisimunuan ng DOH National Center for Health Promotion na may tulong teknikal mula sa United States Agency for International Development (USAID) at suportado ng DOH- Bicol Center for Health Development at ang mga lokal na pamahalaan ng mga natukoy na lugar. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591382514483#sthash.pyrrq5mM.dpuf

Kapulisan, PSO handa na sa eleksyon, Undas

LUNGSOD NG NAGA, Okt. 23 (PIA) --- Handa na ang Naga City Police Office (NCPO) at Public Safety Office (PSO) dito upang mabigyan ng seguridad ang mga lalahok sa darating na barangay elections sa Oktubre 28 at mga pauwi sa Undas sa Nobyembre 1.

Sa ulat ni PSInsp. Reneo P. Andalis Jr., hepe ng Operations and Plans Section ng NCPO ay ibinahagi nito ang mga security preparations sa magaganap na halalan sa Oktubre 28 at Undas mula Nobyembre 1 hanggang 2.

Sinabi ni Andalis na 493 ang kasalukuyang miyembro ng pulisya ng NCPO mula sa dating 393 pulis na organic personnel at karagdagang 100 na pulis bilang augmentation force mula sa Regional Command ng PNP. Iniutos nito ang 24/7 na pagbabantay ng pulisya para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan at katahimikan ng lugar.

Kaugnay nito, pipirmahan din ang Peace Covenant kabilang ang PNP, mga sektor ng komunidad at mga kumakandidato sa 27 barangay ng lungsod mamayang alas singko ng hapon sa Plaza Quezon dito.

Umaabot sa 70 kandidato sa punong-barangay at 658 na kandidato sa barangay kagawad ang naitala dito lamang sa lungsod.

Samantala, sa pag-uulat naman ni PSO executive officer Lito Del Rosario, sinabi nito na inihanda na nila ang re-routing plan sa panagon ng Undas kung saan tatlong araw bago ang okasyon ay ilalatag na nila ang information traffic board na magtuturo sa mga motorista para maiwasan ang trapiko lalo na sa lugar na may sementeryo.

Ang lungsod ng Naga ay may 6 na sementeryo, tatlo ang pribado at 3 naman ang pampublikong libingan.

Hiniling din ng NCPO at PSO na sa pamamagitan ng media sector na maipalam sa publiko ang mga pagbabago sa trapiko lalo na sa panahon ng undas na mayroon panguhaning kalsada na gagawin one-way lalo na sa bahagi ng Balatas Road na may dalawang malalaking sementeryo.

Maliban sa seguridad at paghahanda sa trapiko ang NCPO at PSO ay maglalagay din ng Assistance Help Desk sa mga sementeryo at mataaong lugar. Magiging katulong ang mga tauhan ng BFP, DOH-BMC, City Health Office, Disaster Risk Management Office at mga barangay tanod sa pagbibigay serbisyo. (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

Tuesday, October 22, 2013

6th Bicol Organic Agriculture Congress pinangunahan ng DA

LUNGSOD NG NAGA, Okt. 21 (PIA) --- Pinangunahan ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa rehiyon Bicol ang ika-6 na Bicol Organic Agriculture Congress na ginanap sa Lungsod ng Naga noong nakaraang linggo. Katuwang ng naturang ahensya sa naturang aktibidad ang  katulong ang Pecuaria Development ooperative, Camarines Sur Organic Agriculture Industry Development Council at Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).

Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng halos 600 na mga organic agriculture practitioners, enthusiasts, advocates, stakeholders, at program implementers mula sa iba’t ibang panig ng Rehiyon Bicol upang malaman ang kaganapan, maibahagi ng karanasan at ang pag-aaral tungkol sa organic agriculture.

"Organikong Agrikultura:. Kalusugan at Kayamanan para Bicolanos" ang naging tema ng pagtitipon kung saan naging tampok ang isang trade fair exhibit na nagpakitang mga produktong natural at organic.

Ayon kay Director Leo Castañeda ng Bureau of Agriculture and Fisheries Product Standards na siyang keynote speaker sa ginawang organic agriculture congress, umaasa siya na mas lalo pang dadami ang bilang ng mga organic practitioners sa susunod na pagtitipon. Inaasahan din ng mga organizers na mas marami pang mga LGUs ang mag bibigay ng suporta sa organic agriculture.

Idinagdag pa ni Castañeda na nabigyan ng parangal ang lokal na pamahalaan ng Goa bilang Outstanding LGU dahil sa matagumpay na pagpapatupad nito ng Organic Agriculture Program sa pamagitan ni Arlene Dayo na siyang focal person on organic agriculture. Isang milyong piso ang nakuha nitong premyo sa ginawang national awarding sa Metro Manila kamakailan lamang.

Samantala, pinarangalan din ang iba pang magsasaka at LGUs sa ginawang Gawad Saka ceremonies ng Department of Agriculture sa Bicol.

Ang mga Gawad Saka individual awardees na mula sa Lalawigan ng Camarines Sur ay sina Angelito Cerillo ng Barangay Libod, Tigaon, Camarines Sur – bilang Outstanding corn farmer; Barangay Food Terminal naman ang Barangay Del Rosario, Iriga City sa pamagitan ng Banao Farmer Association bilang Outstanding Barangay Food Terminal.

Regional outstanding rural woman naman si Adelia Q. Magsino ng Goa, Camarines Sur na tumanggap ng cash prize na P20,000 at plaque of commendation. Si Myrna C. Asor ng bayan ng Goa na naging National Outstanding Rural Woman noong 2011 ay binigyan din ng special award and recognition sa pagiging Asia Pacific Model Farmers.(MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

PNP Bicol, nagtalaga ng karagdagang 817 pulis para sa barangay election

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 22 (PIA) -- Nagtalaga ang Philippine National Police (PNP) Bicol ng karagdagang 817 tauhan sa anim na probinsiya ng rehiyon para sa darating na barangay election sa Oktubre 28 ngayong taon.

Ayon kay Inspector Malou Calubaquib, tagapagsalita ng PNP Bicol, sa nasabing bilang ng karagadang pwersa ang Sorsogon ay tatalagahan ng 150 pulis, Masbate ng 143, Catanduanes ng 139, Naga City ng 100 at Albay, Camarines Sur at Camarines Norte ng tig-95 bawat isa.

Ang mga ito dagdag ni Calubaquid ay dumaan sa Junior and Senior Leadership Training sa Regional Training School sa Camp Gen. Simeon A. Ola dito.

Sa probinsiya ng Masbate ay itatalaga ang karagdagang 154 police officers upang makatulong na masiguro ang maayos, mapayapa at matagumpay na barangay election sa rehiyon.

Sa pangunguna ni Bicol Chief Supt. Victor Deona at ng kanyang directorial staff sa pangunguna ni Senior Supt. Arnold Albis, deputy regional director for operation, ay isinagawa ang sendoff ceremony nitong nakaraang lingo sa Camp Gen. Simeon A. Ola.

Hinimok ni Deona ang kanyang mga tauhan na “gawin ang tama sa tamang paraan at layunin.”

Kanyang sinabi na may magagawa ang isang police officer bagaman’t hindi man nito kakayaning gawin ang lahat.

Ang siguruhin na mapayapa at maayos ang barangay election ay isa sa mga ipinag-utos ni PNP Director General Alan Purisima kay Deona sa isinagawang turnover ceremony nitong nakaraang lingo. (MAL/SAA-PIA5/Albay)

Team Albay-OCD5, namahagi ng libreng tubig inumin, serbisyo medikal sa mga mamamayan ng Bohol

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 21 (PIA) – Nagpahayag ng kagalakan ang mga mamamayan ng Maribojoc sa Bohol para sa malinis na tubig o purified water na ipinamahagi ng Team Albay-Office of Civil Defense 5.

“Kanilang pinasalamatan ang team para sa tubig, na ayon sa kanila, ay una na nilang binibili sa mataas na halaga sa isang supplier dahil sa kalagayan ng mga daan na nasira ng malakas na lindol,” pahayag ni Dr. Cedric Daep, Albay Public Safety and Emergency Office chief.

Ayon kay Daep ang pamimigay ng purified water sa mga mamamayan sa bayan ng Maribojoc, na siyang pinakamalakas na tinamaan ng lindol na sumira sa water pipes na pinagkukunan ng tubig, ay isinasagawa ng grupo bilang bahagi ng kanilang pangunahing serbisyo, ang water sanitation (WATSAN) o paglilinis ng tubig.

Ang water purifying equipment ng Albay ay nakapagbibigay ng 30,000 litro ng maiinom na tubig kada oras.

Maliban pa sa nasabing serbisyo, ang ibang kasapi ng Team Albay-OCD5 ay abala rin sa pakikipag-ugnayan at pagtulong sa kanilang mga counterparts sa Operation Center ng bayan ng Maribojoc at ng probinsiya sa ilalim ni Dr. Glen Doloritos, Bohol Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) chief.

Kasama rin sa mga libreng serbisyong na ibinibigay ng Team Albay-OCD5 ang psychosocial care, medical treatment, hospital support, technical support para sa Bohol PDRRMC at Maribojoc MDRRMC at structural assessment ng mga nasirang gusali na isinasagawa ng mga tauhan ng Albay Provincial Engineering Office sa pakikipagtulungan sa kanilang mga counterparts sa Bohol.

Ayon kay Bohol governor Edgardo M. Chatto malaking tulong ang humanitarian mission na ito sa mga lugar sa probinsiya na tinamaan ng magnitude-7.2 na lindol nitong Oktobre 15.

Si Daep at iba pang miyembro ng grupo ay nakiisa rin sa PDRRMC team ng bayan ng Loon, isa sa mga lugar na matindi ring tinamaan ng lindol na 30 kilometro ang layo sa Tagbilaran City.

Dagdag pa ni Daep ang kanilang pangkat ay nagbibigay din ng lecture at briefing sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan na nangangamba pa rin na magkaron ng tsunami.

Ang mission team ay mananatili sa Bohol hanggang sa Oktobre 27 ani Daep.(MAL/SAA-PIA5/Albay)

Monday, October 21, 2013

Mag-aaral ng CSU – Panganiban Campus wagi sa BFAR short story documentary

VIRAC, Catanduanes, Oktubre 21, (PIA)- Nasungkit ng mga mag-aaral ng Catanduanes State Universitry (CSU) Panganiban campus ang ikalawang puwesto sa pangrehiyong lebel sa kategoryang short story documentary contest ng "MuSEAka, SEAnema: Likhang Kabataan para sa Yamang Pangisdaan" kamakailan.

Ang naturang kompetisyon ay naglalayong haunin ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral at paigtingin ang kampanya ng pamahalaan sa pangangalaga sa yamang dagat/tubig ng bansa sa pamamagitan ng mga kabataan. Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng Fish Conservation Week.

Pinamunuan ang naturang grupo ng isang Alternative Learning System (ALS) passer na nagpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo na si Marbert S. Ogena kasama ang iba pang Freshman ng College of Agriculture I-A na sina Kristine Joy F. Paga, Maria Lecenett M. Suarez, Richard Salvador, Elvie G. Beo Jr., Jeric Vocal at Jaime Bergonio. Sila ay pinamumunuan ng kanilang mentor na si Kristian Aldea.

Ang pagkilala sa mga nanalo ay isinagawa sa Bula, Camarines Sur kasama ang kani-kanilang adviser at Presidente ng Paaralan.

Ayon kay Ogena, isa itong malaki at magandang pagkakataon na dumating sa kanya dahil naipakita at nakilala ang kanyang mga kakayahan sa iba’t ibang larangan lalong-lalo na sa yamang-pangisdaan kung saan sya ay nagtatrabaho habang nag-aaral.

Sa kabilang dako, malaki din ang pasasalamat ni Ogena dahil kasalukuyan siyang naihalal bilang Pangulo ng MFARMC ng buong Catanduanes matapos ang Seminar Workshop na isinagawa sa Rakdell Inn, Virac, Catanduanes noong October 16-17, 2013. Jane T. Tuplano, ALS Mobile Teacher. (MAL/EAB/JETuplano/PIA5/Catanduanes/)

93 kooperatiba aktibo sa Camarines Norte - CDA

DAET, Camarines Norte, Okt. 21 (PIA) – Umabot sa 93 ang aktibong kooperatiba  sa iba't ibang larangan ng serbisyo sa lalawigan base sa pagtatasa na isinagawa ng Cooperative Development Authority (CDA) dito.

Ito ang ipinahayag ni Erlinda Valera, provinicial cooperative development specialist, sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency ng Camarines Norte noong Miyerkules (Oktubre 16) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Daet.

Ayon kay Valera ngayong buwan ng Oktubre ang mga kooperatiba ay abala sa ibat-ibang gawain kaugnay ng “Cooperative Month Celebration” sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan ng mga bayan.

Aniya may kabuuang rehistradong 121 kooperatiba sa lalawigan kung saan 93 ang aktibo samantalang umaabot sa 35,581 ang mga miyembro kabilang ang 16,571 sa Daet.

Sinabi rin niya na ang  Camarines Norte Electric Cooperative (CANORECO) ang tanging pinapahintulutan base sa Republic Act 9520 na tawaging kooperatiba subalit hindi sila kasali sa mga pribelihiyo gaya ng “tax exemption” di tulad ng iba pang rehistrado sa CDA.

Ayon naman kay Ronnel Yu, ang cooperative development officer ng bayan ng Daet, ang pamahalaang bayan sa pamamagitan ni Mayor Tito Sarion at ang mga miyembro ng Sanguniang Bayan ay sumusuporta sa mga programa at proyekto upang mapalakas ang mga kooperatiba sa bayan.

Aniya ang mga gawain para sa pagdiriwang ay makakatulong na mapaigting ang kamalayan ng mga miyembro at maging sa mga nais maging kasapi ng kooperatiba.

Sinabi niya na ang mga programa sa kooperatiba ay bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga miyembro kung saan itinuturing silang “indispensable sector” na kailangangang matugunan ang mga programa at proyekto upang makalikha ng trabaho at tulong pinansiyal.

Aniya maglalaan sila ng mas malaking pondo sa taong 2014 para sa pagsusulong ng mga kooperatiba sa bayan ng Daet lalong lalo na sa mga pagsasanay o “capability building” sa pakikipag-ugnayan sa CDA.

Kabilang sa gawain ng pamahalaang bayan ng Daet sa pagdiriwang ng Oktubre 17 ay ang parada ng kooperatiba; misa pasasalamat; programa; “essay writing”, “poster making” at “slogan contest”; coop got talent at “musical variety show”, pagbibigay gantimpala sa mga nanalo; kasiyahan, sayawan at pa “raffle”.

Samantala sa kaugnay na pagdiriwang ang Camarines Norte State College (CNSC) Multi-Purpose Cooperative ay pinarangalan na Outstanding Cooperative sa Bikol sa Gawad Parangal Awards kamakailan sa “small category” na ginanap sa Naga City at magiging kalahok bilang kinatawan ng rehiyon sa pambansang patimpalak.

Ganon din sina Angel F. Echano, Prescila G. Mariano at Fe E. Elep ay tumanggap ng “Certificate of Recognition” sa Gawad Parangal Awards sa kanilang pagbibigay ng hindi bababa ng 25 taong dedikasyon at serbisyo bilang mga lider ng kooperatiba.

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ang bayan ng Jose Panganiban ay naglagay ng “streamer”, nagsagawa ng “tree planting”, coop “padunungan” at “literary contest” samantalang ang bayan ng Basud ay nagsagawa ng “fun run” at ganon din ang ibat-ibang bayan ay may mga gawain kaugnay nito.

Pangunahing trabaho ng CDA ang magrehistro at mag“regulate” ng mga kooperatiba; magbigay ng “technical assistance” sa pamamagitan ng mga pagsasanay at ganon din ang pagbabantay o “monitoring”.

May mga alintuntunin din ang tanggapan kung paano sumali bilang kooperatiba kabilang ang pagdalo sa “pre-membership seminar” at ang kinakailangan miyembro upang makabuo ng samahan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

“Lakbay Buhay Kalusugan” Caravan darating sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Okt. 21 (PIA) – Bilang bahagi ng pagpapatupad ng administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III ng Kalusugang Pangkalahatan, nakatakdang dumating bukas dito sa Sorsogon ang “Lakbay Buhay Kalusugan” Mobile Caravan kasama ang ilang mga personahe upang magbigay ng serbisyong medikal sa mga mahihirap na Sorsoganon.

Sa koordinasyong ginawa ni Health Education Promotion Office chief Vivian Paguio ng Provincial Health Office sa PIA, sinabi nitong gaganapin ang “Lakbay Buhay sa Kalusugan” mobile caravan sa Gymnasium ng bayan ng Casiguran, Sorsogon. Matapos ito ay isang Fiesta Caravan din ang gagawin sa Matnog, Sorsogon.

Bago ang pormal na pagbubukas ng mobile clinic, health exhibit at iba pang mga nakahandang aktibidad, isang press conference ang isasagawa na lalahukan ng mga kasapi ng lokal na tri-media.

Ang Lakbay Buhay Kalusugan (LBK) ay umiikot sa mga lugar sa bansa sa pamamagitan ng isang bus upang magbigay ng mahahalagang mga impormasyong pangkalusugan at pangunahing serbisyong medikal sa mga mahihirap na pamilya.

Kasama sa mga serbisyo nito ay ang mobile consultation at examination clinic, interactive health promotion exhibit at health classes para sa mga buntis at kakapanganak pa lamang, mga magulang at taga-pag-alaga ng mga sanggol at batang hanggang 14 na taong gulang at mga batang mag-asawang wala pang anak.

Nabuo ang LBK sa pamamagitan ng public private partnership sa inisyatiba ng Department of Health National Center for Health-Center for Health Development DOH NCH-CHD) upang mapalaganap ang mga kaalaman at serbisyong pangkalusugan. Layunin din nitong mapataas ang kaalaman ng publiko ukol sa aktibidad pangkalusugan at nutrisyon ng mga buntis at magiging anak nito, kaalaman sa sakit na tuberculosis, at family planning.

Sa rehiyon ng Bikol, napili ang mga lugar ng Libon sa Albay, Naga sa Camarines Sur, Casiguran sa Sorsogon at ang lalawigan ng Masbate sa mga pupuntahan ng “Lakbay Buhay Kalusugan” caravan. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)


3 mangingisdang nawawala ng 11 araw, nailigtas sa Gubat, Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Okt. 21 (PIA) – Ligtas na ang tatlong mangingisda mula sa Barangay Tinago ng Viga Catanduanes na naiulat na nawawala simula pa  noong Oktubre 9 at inabutan ng nagdaang bagyong Santi sa gitna ng karagatan.

Ayon sa ulat ni Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office chief Engr. Raden Dimaano, Oktubre 9 nang pumalaot ang tatlong mangingisda na kinilalang sina Jose Borac, Andy Timuat at Edilberto Arcilla, pawang mga taga-Catanduanes, nang tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahilan sa malalaking alon dala ng bagyong Santi.

Labing-isang araw na nagpalutang-lutang sa karagatan ang tatlong mangingisda na napanatiling buhay ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig mula sa patak ng ulan at pagkain ng hilaw na mga nahuhuli nilang isda bago sila tuluyang maisalba ng mga mangingisdang taga-Gubat, Sorsogon na sina Danilo at Rafael Buenaobra kahapon ng umaga, Oktubre 20, sa karagatan ng Rapu-rapu, Albay kung saan sila madalas mangisda.

Ayon sa mga nakakuhang mangingisda agad nilang dinala ang tatlo sa Gubat District Hospital upang malapatan ng kaukulang medikasyon. Sa kasalukuyan ay ligtas na at nagpapalakas na lamang ang mga ito ayon sa tuminging manggagamot dito.

Samantala, agad namang ipinaabot ni Dimaano ang impormasyon ukol sa mga nailigtas na mangingisda sa alkalde ng Biga, Provincial DRRMO ng Catanduanes at sa OCD. Nakatakda namang dumating ngayon ang mga kamag-anak ng mga mangingisdang naisalba.

Dumating na rin sa ospital ang isang anak ni Arcilla na si Jubert na nag-uumapaw an kaligayahan nang makitang ligtas ang kanyant ama at mga kasamahan nitong mangingisda, habang walang patid na personal na pasasalamat naman ang kanyang inihayag sa mga nagligtas dito.

Sa panayam ka Dr. Mary Ann Ecleo, isa sa mga duktor na sumuri sa tatlo, sinabi nito na nasa mabuting kalagayan na ang tatlo matapos malapatan ng kaukulang tugon ang 'dehydration' at 'prolonged' hunger ng mga ito habang sa mga oras na ito ay  normal na ang mga 'vital signs' nito at maari na ngang ilabas sa ospital.

"Kailangan na lang silang isailalim sa 'stress debriefing' para namam malagpasan nila ang anumang trauma o takot na idinulot ng kanilang pagkakaaksidente sa gitna ng karagatan," dagdag ni Ecleo.

Samantala, siniguro naman ni Rhalen Endeno ng Gubat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Counci na ibibigay ng lokal na pamahalaan ang mga nauukol na tulong medikal at nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang opisina sa pamahalaang lalawigan ng Catanduanes at pamahalaang bayan ng Viga para sa pag-uwi ng mga nakaligtas na mangingisda sa kani-kanilang pamilya. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)

Thursday, October 17, 2013

Walang ekstensyon sa paghahain ng kandidatura- COMELEC

VIRAC, Catanduanes, Oktubre 17, (PIA)- Wala nang ekstensyong ibibigay ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng Certificate of Candidacy para sa Barangay Elections sa Oktubre 28, 2013.

Ito ang binigyang diin ni Comelecprovincial election supervisor Atty. Ma. Aurea C. Bo-Bonao. Ayon sa opisyal, ngayon ang huling araw ng paghahain ng kandidatura at bukas umano ang mga tanggapan ng Comelecsa iba’t ibang bahagi ng lalawigan hanggang mamayang 5:00 ng hapon.

Ayon sa kanya, sa ngayon ay hindi pa sila makakapagbigay ng eksaktong bilang ng mga naghain ng kandidatura sa iba’t ibang barangay sa 11 bayan ng lalawigan dahil hanggang nayon ay mayroon pang naghahain ng kandidatura.

Hinikayat naman niya ang mga may balak tumakbo sa halalan na kung maaari ay huwag nang hantayin ang alas singkobagkus ay pumunta na sa kanilang mga tanggapan upang maiwasan ang anumang aberya.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng command conference ang Comelecsa darating na Oktubre 19 sa Camp Francisco Camacho para sa mga deputize agencies para sa halalan na kinabibilangan ng PNP, AFP, PIA, DOTC, at iba pa.

Nagdeploy na rin ng mahigit 130 bagong tropa ang PNP Regional Office para sa PNP provincial office bilang bahagi na rin ng paghahanda sa darating na eleksyon.

Ang lalawigan ng Catanduanes ay mayroong 11 bayan at 315 barangay. (MAL/EAB-PIA5/Catanduanes)

Wednesday, October 16, 2013

DepEd makakatuwang ng COMELEC sa barangay elections

LUNGSOD NG NAGA, Okt. 16 (PIA) ---  Kaugnay ng paparating na barangay elections, ay magiging abala rin ang Department of Education (DepEd) sa buong lalawigan ng Camarines Sur sa pagtulong sa Commission on Elections.

Upang mas epektibong magampanan ang kanilang obligasyon ay pansamantalang di muna itutuloy ng DepEd ang mga naka iskedyul nitong mga aktibidad gaya ng mga seminars at iba pang pagsasanay.

Ito ay upang mabigyan ng prayoridad ang Commission on Elections (COMELEC) sa probinsiya sa pagsasagawa ng mga trainings at orientation-seminars para sa Board of Election Tellers at Supervisors ngayong nalalapit na Barangay Election sa darating na Oktubre 28.

Batay sa ipinalabas na Memorandum noong Oktubre 14 ni Camarines Sur School Division Superintendent Gilbert Sadsad, pansamantalang maantala ang mga aktibidad at trainings ng mga guro at school heads na naka iskedyul ngayong buwan, maging sa kanilang paaralan/district/ congressional o division.

Ayon kay Sadsad, ito ay dahil sa karamihan ng mga guro at opisyal ng paaralan ay kabilang sa magiging Board of Election Tellers at Supervisors ngayong halalan sa barangay kaya dapat munang bigyan ng prayoridad ang gagawing aktibidad ng COMELEC sa paghahanda simula sa Oktubre 21 hanggang 28 ngayong taon.

Ayon pa sa naturang opisyal, ang pagbigay ng panahon sa mga aktibidad ng COMELEC ay batay sa Omnibus Election Code ng komisyon o Republic Act 9164. Ang naturang memorandum ay para sa mga Assistant School Division Superintendents, Divison Education Program Supervisors, Division Coordinators, Public School District Supervisors, Elementary at Secondary School Heads.

Noong Agosto 8 ngayong taon ay ipinalabas din ni Sekretaryo Armin A. Luistro ng DepEd ang Memorandum No.149 series 2013 tungkol sa COMELEC Resolution No. 9734 o pagka deputatized ng ahensiya upang matiyak na susunod ang mga ito sa pagpapatupad ng mga orders at instructions ng komisyon. Nakasaad din dito ang mga gagampanang tungkulin ng mga guro kaugnay ng barangay election.

Dagdag pa sa naturang resolusyon ay ang paggamit ng mga public school buildings at ang pagbabawal na magdaos ng komperensiya, seminars at anumang aktibidad sa paaralan sa itinakdang election period.

Kasali sa COMELEC Resolution 9734 ay ang Department of Finance na dapat masiguro na ang lahat na provincial at city o municipal treasurers ay mananatiling naroroon sa kanilang pwesto maging ang mga ito ay  permanente o pansamantala sa kanilang posisyon simula September 28hanggang sa November 12, 2013.

Ang iba pang ahensiya ng gobyerno gaya ng DOTC, Postal Corp-NTC, DOE-Electric Cooperatives, CSC, COA, DBM, DPWH, MMDA, PIA, GOCC at ang Philippine Airlines (PAL). (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

Seguridad at maayos na daloy ng trapiko para sa Kasanggayahan Festival 2013 prayoridad ng pamahalaang lokal ng Sorsogon


LUNGSOD NG SORSOGON, Okt. 16 (PIA) – Handa na ang mga awtoridad sa Sorsogon para sa pagpapanatili ng seguridad at maayos na daloy ng trapiko kaugnay ng gagawing mga aktibidad ng Kasanggayahan Festival ngayong taon.

Sa isinagawang pagpupulong ng Incident Management Team, inilatag ang mga planong pangseguridad kasama na ang mga lokasyon kung saan itatalaga ang Incident Command Post, First Aid at Emergy Location, Staging Area at iba pang mahahalagang lokasyong makatutulong sa maayos na pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival.

Malinaw ding iprinisinta ang mga rutang gagamitin para sa mga pangunahing aktibidad mula Oktubre 17 hanggang Oktubre 23 kung kaya’t abiso sa mga motorista na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang hindi malito sa mga isasara at bubuksang mga kalsada.

Opisyal na magsisimula ang Kasanggayahan Festival sa Oktubre 17 kung saan tampok ang Pagsasadula ng Unang Misa sa Luzon na gaganapin sa kahabaan ng Rizal at Magsaysay Street alas kwatro ng hapon. Isasara ang mga kalyeng nabanggit simula alas-dos ng hapon at muli namang ibabalik sa normal ang daloy ng trapiko alas sais ng gabi.

Sarado din ang Magsaysay at Rizal St. mula alas-dose y medya ng hapon sa mga petsang Oktubre 18 para sa Pantomina sa Tinampo at Oktubre 23 para sa Pintakai nin mga Pintakasi o “Festival of Festivals”, at muling ibabalik sa normal ang trapiko alas syete ng gabi.

Sa Oktubre 20 ay magkakaroon naman ng Color Run mula alas singko hanggang alas otso ng umaga at mayroon ding mga isasaradong ruta. Ang Color Fun Run ay magsisimula sa Sorsogon City Pier patungong City Hall sa Brgy. Cabid-an, Sorsogon City.

Sa mga motoristang manggaling sa Albay patungong katimugan at yaong mula sa ikalawang distrito ng Sorsogon patungo naman sa hilaga, ipinapayong dumaan na lamang sa Diversion Road upang hindi maantala.

Para sa mas malinaw na detalye ng daloy ng trapiko ay maari ding bisitahin ang Facebook Fan Page ng Philippine Information Agency Sorsogon. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)

Monday, October 14, 2013

Paghahanda sa “Barangay Elections” tinalakay sa pagpupulong sa Cam Norte

DAET, Camarines Norte, Oktubre 14 (PIA) -- Tinalakay kahapon ang paghahanda sa nalalapit na halalan sa barangay o isinagawang command conference na ipinatawag ng Commission on Elections (Comelec) na ginanap sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Dogongan dito.

Ayon kay provincial election Supervisor II, Annie A. Romero-Cortez na kailangan pa rin ang kahandaan ng Comelec at ang mga itinalagang mga ahensiya ng pamahalaan sa isasagawang halalan sa barangay sa Oktubre 28 ngayong taon.

Aniya sa unang araw pa lamang ng pagpapatala ng mga kandidato ay marami na agad ang nakapagpalista at nangangahulugang magiging mainit rin ang labanan ng mga kalahok sa mga barangay.

May 291,285 botante ang nakarehistro sa lalawigan ang nakatakdang makilahok sa halalan sa barangay, mas mataas kumpara sa 277,297 ng nakaraang eleksiyon ng Mayo 13.

Tinalakay naman ni Atty. Francis Nievez, election officer III ng Daet ang Republic Act 10632 ang pagpaantala ng eleksiyon para sa Sanguniang Kabataan na isasagawa sa pagitan ng Oktubre 2014 hanggang Pebrero 23, 2015. Ang mga nakaupong opisyales ng Sanguniang Kabataan ay  manunungkulan hanggang sa tanghali ng Nobyembre 30 ngayong taon samantalang  ang pondo sa kabataan ay gagamitin sa proyektong pagpapaunlad sa kapakanan nila.

Kabilang pa rin sa tinalakay ni Nievez ang mga gawain ng kagawaran sa panahon ng “election period” sa Setyembre 28, 2013 hanngang Nobyembre 12 at ganon din ang mga alituntunin sa panahon ng kampanya o “campaign period” sa pagitan ng Oktubre 18-22.

Ganon din tinalakay ang iba pang mga resolusyon kaugnay ng mga lokal na pamahalaan sa pagtatalaga ng halaga o pondo para sa transportasyon ng mga Board of Election (BET), ang pagbabawal ng pagtatalaga at pagtanggap ng mga empleyedo, ang mga kaugnay na ahensiya na katuwang ng COMELEC sa maayos at malinis na halalan.

Kabilang sa nagbigay ng suporta at pahayag para sa maayos at malinis na halalan ang Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) P/SSupt. Moises Cudal Pagaduan at Commanding Officer Lt. Col. Michael M. Buhat ng 49th IB, Phil. Army.

Dumalo rin sa pagpupulong ang mga hepe at pinuno ng ibat-ibang ahensiya itinalaga ng pamahalaan kabilang ang DILG, DPWH, PIA, DepEd, BJMP, DENR-CENRO, NIA, SSS, Land Bank, Provincial COA, CANORECO, mga ingat-yaman ng mga lokal na pamahalaan, mga Election Officers at mga hepe ng pulisya ng 12 bayan at mga kaugnay na ahensiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Base pa rin sa pagbabantay o “monitoring” ngayong araw (Oktubre 14) ay maaga pa lamang ay mahaba na ang pila sa mga COMELEC sa mga bayan upang magpatala ng kanilang “Certificate of Candidacy” o COC ang mga kandidato sa barangay elections.(MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte).

Libreng cataract operation, inihahandog ng Rotary Club sa Masbateños

BY: ERNESTO A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 14 (PIA)—Mahigit isang daang mamamayan ng Masbate na nanganganib na mabulag dahil sa katarata ang makikinabang sa libreng operasyon  na isasagawa simula ngayong araw hanggang sa darating na Biyernes.

Ang medical mission ay handog ng service club na Rotary Club of Masbate at Rotary Club of Canterbury, Australia para sa mga maralitang Masbateños na nagdurusa sa karamdaman sa mata.

Sa census na isinagawa noong taong 2010, ang Masbate ay may populasyong 834,650. Tinatayang mahigit 20 porsyento ng populasyon ang may karamdaman sa mata at karamihan sa pasyente ay walang pambayad sa gamutan.

Sa kasalukuyan, tanging dalawang eye doctors na nakahimpil sa Metro Manila ang pumupunta sa Masbate upang manggamot ng ilang araw kada buwan.

Ayon sa pangulo ng Rotary Club of Masbate na si Jamon Espares, positibong tinugon ng Rotary Club of Canterbury ang kanilang hiling na magdala ng eye doctors sa Masbate upang makapaglingkod sa mga maralitang pasyente.

Ang cataract operations ay idadaos sa tatlong magkakahiwalay na lugar—sa Masbate Provincial Hospital, Aroroy District Hospital at Cataingan District Hospital—upang ayon kay Espares ay mapalapit sa tirahan ng mga pasyente.

Bukod sa cataract operation, bahagi ng medical mission ang gamutan sa mga may kapansanan sa pandinig.

Sa pamamagitan ng PIA, ipinapaabot ni Espares ang pasasalamat sa kanilang katuwang sa medical mission: Cataract Foundation of the Philippines, Department of Education, at pamahalaang panlalawigan at panlungsod ng Masbate. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Thursday, October 10, 2013

Masbate, preparado na sa agyat nasalbaron an mga batang obrero

BY: ROGELIO LAZARO

CIUDAD SAN MASBATE, Okt. 10 (PIA) – Nalipay an representante san International Labor Orgnization sa na-accomplished san Masbate sa kampanya kontra sa child labor.

Sa tiripon kahapon sa ciudad san Masbate maylabot sa pagtatapos san proyekto san ILO na guina tawag na International Program for the Elimination of Child Labor o IPEC, sinabi ni ILO-IPEC program officer Bharati Pflug na tapos na an misyon san IPEC na pukawon an pagmangno san Masbatenyos sa child labor kag base saiya obserbasyon committed kag preparado na an probinsya na manindugan sa pagsalbar sa mga batang obrero.

Magkapira saiya guin basehan an inpasar san Masbate na provincial ordinance na nagaseguro na igwa san anti-child labor program sa probinsya.

Katuyuan san programa na hatagan san desente kag produktibo na hanapbuhay an mga ginikanan san mga batang obrero para makabalik sinda sa eskwelahan. Sa luyo na bahin, may penalidad naman para sa mga magpatrabaho sa bata.

Nakahimo man an Masbate san isad na sistema para subaybayan an mga bata na sangkot sa mga peligroso na hitsura san child labor pareho san pagbuso san mga produktong dagat, pagmimina kag pagkalkal san basura.

Sa idalom san tulo-katuig na proyekto na IPEC, an mga munisipyo san Aroroy kag Cawayan kag ciudad san Masbate an naging  pilot areas kag sa bulig san funding assistance san ILO, napukaw san binilog na Provincial Anti-Child Labor Committee an mga nasambit na lokalidad para maghiwag kontra child labor.

Base sa isad a survey na guin hiwat sa Aroroy, Cawayan kag  Masbate para sa IPEC, igwa san lampas 9,000 na mga bata an naga trabaho o nag-udong pag-eskwela para mag hanap-buhay.

Sa testimonya san mga pamilya san mga batang obrero na nagtambong sa tiripon, nakita na pira kagatus naman an nahaw-as sa mapait na kamutangan dahilan kay nahatagan san Department of Labor san pangbuhayan an inda mga ginikanan.

Segun kan Bharati, damo pa san dapat na mahaw-as, pero saiya nabati kag nakita, kumpiyansa siya na preparado na an Masbate na pas-anon an pag-agyat o hamon. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Masbate, handa na sa hamon ng pagsagip sa mga batang manggagawa

BY: ERNIE DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 10 (PIA) – Nasiyahan ang kinatawan ng International Labor Organization sa na-accomplished ng Masbate sa kampanya laban sa child labor.

Sa pulong kahapon na ginanap sa lungsod ng Masbate kaugnay ng pagtatapos ng proyekto ng ILO na pinamagatang International Program for the Elimination of Child Labor o IPEC, sinabi ni ILO-IPEC program officer Bharati Pflug na tapos na ang misyon ng IPEC na pukawin ang kamalayan ng Masbatenyos sa child labor at batay sa kanyang pagtaya, committed at handa na ang lalawigan na pangatawanan ang pagsagip sa mga batang manggagawa.

Ilan sa kanyang mga pinagbatayan ay ang pagkakaroon ng Masbate ng isang provincial ordinance para tiyakin may anti-child labor program sa lalawigan.

Layunin ng programa na mabigyan ng desente at produktibong hanapbuhay ang mga magulang ng mga batang manggagawa upang sila ay makabalik sa paaralan. Sa kabilang banda, may kaparusahan naman para sa mga magpapatrabaho sa bata.

Nakabuo din ang Masbate ng isang sistema upang masubaybayan ang mga batang sangkot sa mga delikadong anyo ng child labor katulad ng paninisid ng laman-dagat, pagmimina at pangangalakal ng basura.

Sa ilalim ng tatlong-taong proyekto na IPEC, ang mga bayan ng Aroroy at Cawayan at lungsod ng Masbate ang ginawang pilot areas at sa tulong ng funding assistance ng ILO, napukaw ng binuong Provincial Anti-Child Labor Committee ang mga naturang lokalidad upang umaksyon laban sa child labor.

Batay sa isang survey na isinagawa sa Aroroy, Cawayan at Masbate para sa IPEC, may mahigit 9,000 ang mga batang nagtatrabaho o titigil na sa pag-aaral para magtrabaho.

Sa tesmonya ng mga pamilya ng mga batang manggagawa na dumalo sa pulong, lumitaw na ilang daan na rin ang nahango sa kanilang mapait na kalagayan dahil sa nabigyan na ng Department of Labor ang kanilang magulang ng hanapbuhay.

Ayon kay Bharati, napakarami pa ang dapat hanguin subalit sa kanyang narinig at nakita, kampanti siyang handa na ang Masbate na balikatin ang hamon. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Wednesday, October 9, 2013

Comelec sa Masbate, puspusang paghahanda ang ginagawa para sa barangay elections

BY: ERNESTO DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Oktubre 9 (PIA) – Pinakilos na ng tanggapan ng Commission on Elections sa Masbate ang mga ahensyang diputado ng komisyon upang matiyak na sapat ang paghahanda para nalalapit na halalan sa barangay.

Sa command conference na ginanap kahapon sa lungsod ng Masbate, umapela si Masbate provincial election supervisor Alberto Cañares III sa mga kapanalig ng komisyon na paghandaang mabuti ang mga kaganapan na maaring sumira sa takbo ng eleksyon sa Oktubre 28.

Ipinaalala ni Cañares na bagaman maayos at payapa ang synchronized national and local elections sa Masbate noong nakaraang Mayo at taong 2010, nabahiran ng kaguluhan at pagdanak ng dugo ang eleksyon sa barangay noong taong 2010.

Kaugnay nito, inilagay na sa watchlist ng pulisya ang mahigit kalahati ng kabuuang 550 barangay sa lalawigan dahil sa mga lugar na ito maaring mangyari ang kaguluhan dulot ng mga rebeldeng komunista o ng mainit na pag-aagawan sa pwesto ng mga kandidato.

Nangako naman ang commanding officer ng Philippine Army na si Col. Samuel Felipe na ibibigay ng kanyang tropa ang proteksyon sa mga tauhan ng pamahalaan na magsisilbi sa araw ng botohan at bilangan bagaman mas maliit ang kanyang pwersa kumpara sa tropa na ikakalat sa Masbate noong May 13 mid-term elections.

Upang burahin ang kalituhan, idinitalye at nilinaw ni Cañares ang mga resolutions na iniatas ng Comelec na ipatupad at sundin ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Education, Department of Justice at iba pang mga ahensyang diputado ng komisyon.

Lahat ng mga deputadong ahensya ay nagpadala ng kinatawan sa command conference na ayon kay Cañares ay masusundan sa mga susunod na araw bago ang Election Day. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Comelec sa Masbate, nagahiwag na para sa sapat na preparasyon sa barangay election

BY: ROGELIO LAZARO

CIUDAD SAN MASBATE, Oktubre 9 (PIA) – Inpahiwag na san opisina san Commission on Elections sa Masbate an mga ahensya na diputado san komisyon para macierto an sapat na preparasyon para sa nagadangadang  na pirilian sa barangay.

Sa command conference na guin hiwat kahapon sa ciudad san Masbate, umapela si Masbate Provincial Election Supervisor Alberto Cañares III sa mga kaabaga san komisyon na magpreparar gayud sa posible na saramok sa dalagan san eleksyon sa Oktubre 28.

Guin padudom ni Cañares na bagaman, matawhay kag matuninong an synchronized national and local elections sa Masbate san nakaligad na Mayo kag san tuig 2010, na burdahan san kasamok kag pag-ilig san dugo an eleksyon sa barangay san tuig 2010.

Maylabot sani, inbutang na sa watchlist san pulisya an lampas sa katunga sa kabilugan na 550 barangay sa probinsya kay posible na sa mga lugar na ini mangyari an saramok kawsa san mga rebeldeng komunista o an mainit na pag-aragaw sa pwesto san mga kandidato.

Nag promisa naman an commanding officer san Philippine Army na si Col. Samuel Felipe na ihahatag san iya tropa an proteksyon sa mga sinakupan san gobierno na masirbe sa adlaw san pirilian kag bilangan bagaman mas diotay an iya pwersa kumpara san tropa na guin kuriyat sa Masbate san Mayo 13 mid-term elections.

Para mahali an kalituhan, guin detalye kag inklaro ni Cañares an mga resolutions na ipapatuman san Comelec kag dapat sundon san Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Education, Department of Justice kag iba pa na mga ahensya na diputado san komisyon.

An tanan na diputado na ahensya nagpadara san representate sa command conference kag segun kan Cañares masusundan pa ini antes an adlaw san eleksyon. (RAL-PIA5/Masbate)

Tuesday, October 8, 2013

Resolusyon, pinagtibay para sa rehabilitasyon ng Daet Airport sa Camarines Norte

BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Oktubre 8 (PIA) -- Sisimulan na ang feasibility study sa panukalang rehabilitasyon ng Daet Airport sa lalawigan ng Camarines Norte matapos pagtibayin ng Bicol Regional Development Council ang isang resolusyon ukol dito.

Isinumite ni Gobernador Edgardo A. Tallado sa nakaraang 3rd quarter meeting ng RDC noong buwan ng Setyembre ngayong taon sa lungsod ng Legazpi ang nasabing panukalang proyekto sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Provincial Development Council of Camarines Norte na kanyang pinamumunuan.

Ipinabatid sa RDC ang kahalagahan ng Daet Airport na isa sa pangunahing infrastructure support na kinakailangan para sa tuloy-tuloy na pag-angat ng turismo sa lalawigan gayundin sa rehiyong bikol.

Gugugol ng may P100 milyon para proyektong ito na kinapapalooban ng pagpapalawak ng runway, pagtatayo ng perimeter fence, paglalagay ng mga ilaw, pagtatayo ng isang modernong control tower with air navigation equipment at radar system.

Sa matagal na panahon ay hindi napapakinabangan ang paliparan ng Daet na ang kategorya ay one feeder airport at pwede lamang sa light aircraft na mataas ang halaga ng transportasyon.

Sa isasagawang pag-aaral para sa pagbubukas muli ng paliparan, layunin din na magkaroon ng biyaheng ligtas at abot-kayang pamasahe at kumikitang hanap-buhay para sa mga aircraft companies.

Matatagpuan ang Daet Airport sa Bagasbas Beach dito na isa sa pangunahing destinasyon ng turismo sa Camarines Norte na regular nang pinagdadausan ng international surfing and kite boarding.

Kasakuluyan ding tinatapos dito ang proyektong Cory Aquino Boulevard na isang malaking tourism infrastructure project at maaaring dayuhin ng mga turista mula sa ibat-ibang panig ng Pilipinas at iba pang bansa.

Ang rehabilitasyon at upgrading ng Daet Airport ay isa sa proyektong nakapaloob sa Executive Agenda ni Gob. Tallado sa kanyang kasalukuyang termino. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

BFAR, isinasagawa ang pagrerehistro ng mga mangingisda at bangka

LUNGSOD NG NAGA, Okt. 8 (PIA) --- Patuloy na ipinatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagtatala ng mga bangka sa buong rehiyon simula ng ilunsad ang FishR program o Municipal Fisherfolk Registration na ipinapatupad sa ilalim ng Philippine Fisheries Code of 1998 o kaya RA 8550.

Kaugnay nito ay nanawagan ang naturang ahensya sa lahat na operator ng commercial fishing vessels sa buong Bicol na hindi pa nakaka pag pa-rehistro at wala pang lisensiya ang mga bangka na lumahok sa gagawin na Joint Mobile Registration at Licensing ng mga sasakakyang pandagat simula ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa Disyembre 2013.

Ayon kay BFAR Bicol regional director Dennis V. Del Socorro, magsisimula ang nasabing pagpapatala sa mga alawigan ng Camarines Norte at Camarines Sur sa darating na Oktubre 18 hanggang 20. Para sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Sorsogon at Camarines Sur, nakatakda naman itong gaganapin sa Nobyembre 16-19 sa lungsod ng Tabaco samantalang sa Lalawigan ng Masbate naman ay sa darating na Disyembre 16-19 sa lungsod ng Masbate.

Maliban sa mobile registration sa mga lugar  na nabanggit ay isasabay din ang libreng pagsasanay tungkol sa Basic Safety and Life at Sea o SOLAS para sa mga mangingisda.

Matatandaan na noong Hulyo 23, 2013 inilunsad ang regional Fisherfolk Registration o FishR program sa Bicol. Halos 600 delegado ang lumahok sa naturang pagtitipon  gaya ng mga alkalde,grupo ng mangingisda, mga  nagpapatupad ng programa sa pamahalaan,  municipal agriculturists,  representante mula sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno , ibat-ibang sektor ng komunidad at lokal na media.

Kaugnay ng malawakang pagpapa rehistro ng commercial fishing vessels, ipagdiriwang din ang ika-50 taon ng “Fish Conservation Week” sa susunod na lingo Oktubre 13-19, 2013.

Pangungunahan ng BFAR ang mga aktibidad tungkol sa pagbibigay proteksyon at pangangalaga sa kapalibutan lalo ang pagtanim ng mga bakawan, paglinis sa tabing dagat, tamang pagtapon ng basura at ang pag report ng mga illegal na mangingisda at iba pang programa. (LSMDCA-PIA5/Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=851381204139#sthash.Q1XEGjdh.dpuf

Thursday, October 3, 2013

Lying-in o birthing facilities sa Camarines Norte lalagyan ng mga kagamitan

DAET, Camarines Norte, Okt. 2 (PIA) -- Binigyan prayoridad ang anim na barangay sa lalawigan ng Camarines Norte na mayroong lying-in o birthing facilities na hindi pa nagagamit dahil sa wala pa itong mga kagamitan.

Kabilang ang barangay Mambalite ng bayan ng Daet; Calaguas Island, Barangay Banocboc ng Vinzons; Pambuhan, Mercedes; San Isidro, San Lorenzo Ruiz; Cabuluan, Sta. Elena at barangay Exciban ng bayan ng Labo.

Ang mga pangunahing kagamitan na ilalagay dito ay ang delivery tables, wheelchairs, stretcher, BP apparatus/sphygmomanometer at hospital beds.

Ito ay may pondong P2.2 milyon mula sa Agencia Espanola de Cooperacion Internacional para el Desarollo (AECID).

Ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan ang konstruksyon ng mga nasabing pasilidad sa ilalim ng programang Basic Emergency Maternal and Obstetrical New Born Care (BEMONC) ng Department of Health (DOH) sa pagtataguyod ng AECID.

Samantala, inatasan kamakailan ni Gob. Edgardo A. Tallado ang Provincial Health Office (PHO) dito na asikasuhin ang paglalagay ng mga pangunahing kagamitan sa mga Lying-in o Birthing Facilities sa lalawigan.

Ang pagtatalaga ng mga lying-in at birthing facilities sa mga barangay ay nahahati sa tatlong bahagi, una na dito ang pagtatayo ng gusali, ikalawa ang pagsasangkap ng kagamitan at ikatlo ay ang personnel complement o ang mga kawani na mamahala nito.

Ang pang-huling pangangailangan ay tungkulin naman ng lokal na pamahalaan o barangay kung saan naroon ang lugar sa panganganak. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=871380694497#sthash.B5cZnvyJ.dpuf

30 demo sites ng Farmer Field School sa PalayCheck System sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Okt. 2 (PIA) -- Itinalaga kamakailan ng Department of Agriculture Regional Field Unit 5 (DA RFU5) ang 30 demonstration sites ng Farmer Field School (FFS) on PalayCheck System para sa Camarines Norte na paghahatian ng 12 bayan sa pamamagitan ng mga kaukulang Municipal Agricultural Offices (MAOs).

Sa ilalim ng programa, magtatayo ng kalahating ektaryang palayan bilang learning field at participatory demonstration area na may 25 hanggang 30 magsasaka bilang cooperators/beneficiaries.

Ang PalayCheck ay pinagsama-samang pamamaraan ng pamamahala ng palay para tumaas ang ani at hindi lamang simpleng paglalagay ng tsek o ekis sa mga key checks.

Sakop nito ang mga pangunahing yugto ng pamamahala ng palay tulad ng pagpili ng de-kalidad na binhi; paghahanda ng lupa; pagtatanim; pamamahala ng sustansiya, tubig, peste, at pamamahala ng ani.

Sasagutin dito ng DA-RFU 5 ang gastusin para sa training supplies, materials/inputs gaya ng palay seeds at fertilizers pati na training service fee ng mga Agricultural Technician (AT) facilitators.
Ang FFS on PalayCheck System ngayong cropping season ay isasagawa sa kalahating araw sa bawat linggo kung saan ito ay sinimulan na ng nakaraang buwan ng Setyembre  at magtatapos sa buwan ng Marso sa susunod na taon.

Layunin ng programa na maisalin sa mga magsasaka ang makabagong rice production technology partikular na ang pagtatanim ng mga bagong uri ng palay na kayang mabuhay sa tuyot, lubog sa tubig/bahain at medyo maalat na lugar.

Isinusulong ng DA ang PalayCheck upang maitaas ang ani at kita ng mga magsasaka at masiguro ang rice self sufficiency ng bansa ganundin ang makamit ang food security target nito at mahalagang maintindihan ng mga magsasaka kung bakit ang key check/s ay nakamit o hindi nila nakamit. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)  

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=871380695090#sthash.QmwYLN4S.dpuf

P1.2 milyon tinanggap ng Camarines Norte para sa programang pang-kaligtasan ng buntis at sanggol

BY: ROSALITA B. MANLANGIT

DAET, Camarines Norte, Okt. 2 (PIA) -- Ipinagkaloob kamakailan ng Department of Health (DOH) sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ang P1,212,903.00 bilang performance based grant (PBG)  o isang uri ng insentibo ng pagbibigay ng karagdagang pondo upang maipagpatuloy ang implementasyon dito ng Maternal, Newborn and Child Health and Nutrition (MNCHN).

Kaakibat ng pondong tinanggap ang pangunahing layunin ng programa na mapahusay ang kalusugan ng mga buntis (maternal health) at mapababa ng 10% ang bilang ng mga sanggol na namamatay (infant mortality) sa pagtatapos ng taong 2013.

Upang maabot ang naturang target, puspusan ang implementasyon nito na isinasagawa ng Provincial Health Office (PHO) sa pangunguna ni Acting Provincial Health Officer Dr. Myrna P. Rojas at si Midwife IV Marilou E. dela Cruz, Program Coordinator ng MNCHN.

Ang malaking bahagi ng pondo ay gugulin sa pagpapatupad ng naturang programa sa 12 bayan ng lalawigan na padadaluyin (download) sa Inter-Local Health Zone 1 at 2.

Ang mga aktibidad ukol sa maternal care; family planning; blood supply; nutrition program; health information and promotion at  expended program on immunization ay patuloy ding isasagawa ng mga provincial program coordinators.

Sila ay magsasagawa din ng program implementation review on MNHCN para matasa (assess) ang progreso ng implementasyon nito at makagawa ng mga hakbangin para mas mapahusay pa ang paghahatid ng serbisyo sa mga buntis at sa kanilang isisilang na sanggol.

Ang performance based grant ay ipinagkakaloob sa mga local government units (LGUs) kagaya ng Camarines Norte na nakapaghatid ng mahusay na Maternal, Newborn and Child Health and Nutrition services lalo na sa mga mahihirap.

Dito sa Camarines Norte, nabawasan ang mortality rate ng namamatay na ina at sanggol sa panganganak dahil laganap na sa lalawigan ang mga lying-in at Basic Emergency Maternal and Obstetrical New Born Care facility (BEMONC) na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan at ng Spanish Agency for International Development Corp.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Edgardo A. Tallado, naipatupad ng pamahalaang panlalawigan ng nakaraang taon ang konstruksyon ng birthing home facilities sa Mambalite, Daet; Pambuhan, Mercedes at Brgy. Health Station sa Calaguas Island-Banocboc, Vinzons; Exciban, Labo at San Isidro, San Lorenzo Ruiz. (MAL/ROV-PIA5-Camarines Norte)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=871380694712#sthash.I5sDDaOD.dpuf

Imbensiyon ng mga Pinoy, kinilala sa BRICE

BY: ANALIZA S. MACATANGAY

LUNGSOD NG NAGA, Oktubre 1 (PIA)--- Pinangunahan ng Department of Science and Technology o DOST sa pakikipagtulungan ng Technology Application and Promotions o TAPI ang pagbubukas ng 2013 Bicol Regional Invention Contest and Exhibits (BRICE) ngayong araw upang kilalanin ang kakayahan ng mga Bikolano na makalikha ng mga imbensyon o likha na makakatulong sa pag taas ng antas kabuhayan ng bansa.

Ang pormal na pagbubukas ng naturang patimpalak at exhibit ay pinangunahan mismo ni Director Tomas B. Briñas ng DOST Bicol regional office kung saan sinabi nito sa kanyang talumpati na angkop ang temang “ Inventions and Innovations for Smarter Philippines” dahil sa pangangailangan na gamitin ang syensya at teknolohiya upang mas pang mapaangat ang antas ng ating ekonomiya.

Panauhin din ang alkalde ng lungsod na si John Bongat na hinikayat naman di lamang mga estudyante at mga propesyonal kundi ang mga mamamayan na makilahok sa pagtuklas ng mga kapaki-pakinabang na mga bagay na magtataguyod ng mas maaliwalas na buhay para sa Pilipinas.

Binigyang diin nin nito ang pagsusumikap ng pamahalaan katuwang ang ibang sector upang mas marami pang mamamayan ang mabigyan ng pagkakataon na maipakilala ang kanilang imbensyon.

Isa sa mga tampok na aktibidad ngayong araw ay ang pagbibigay ng rekognisyon sa Bicolanong nanalo sa kahalintulad na patimpalak noong 2012. Tinanggap  ni Mr. Alfredo John Malinis bilang researcher at Ms. Evelyn Espinas bilang adviser, kapwa mula sa Polangui General Comprehensive High School ang Philippine Alternatives Foundation Inc. Special Award. Ito ay may titulong Abaca Wastes Profile: Basis for Innovation technologies.

Sisimulan din ngayong araw ang tatlong araw na exhibits sa SM City Naga na may layuning ipakita ang mga science and technology inventions at innovations gayundin  iba’t ibang pagsasaliksik upang maipaalam sa publiko ang malaking potensyal nito para sa tinatawag na technology transfer.

Ngayong taon ay itatampok ng BRICE ang mga imbensyon, mga inobasyon at mga pag aaral upang mas pang maipakilala sa mundo ang akda ng mga Bikolano.  Maglalaban laban sa limang kategorya ang mga kalahok:  Sibol Awards para sa High School para sa mga creative research category, Sibol Awards para sa kolehiyo sa katulad na kategorya, Tuklas Award para sa Invention Category, Utility Model Category, at Likha Award para sa Creative Research.

Inaasahan na mas pang papalawakin ng naturang aktibidad ang potensyal ng mga Bikolanong makalikha ng mga teknolohiya na mas pang magbibigay ng malaking potensyal upang mapaunlad ang ating bansa. (MALLSM-PIA5//Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=861380606039#sthash.kXPMTslY.dpuf

Tuesday, October 1, 2013

Mag-anak mula sa Masbate, pumangalawa sa 2013 Huwarang Pantawid Pamilya

LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 1 (PIA) – Isang pamilya sa lalawigan ng Masbate ang siguradong makapagbibigaypayo sa ibang mag-anak na desididong makatawid sa kahirapan.

Ang pamilyang Macanas sa bayan ng Cawayan ay nakamit ang pangalawang pwesto sa 2013 Huwarang Pantawid Pamilya na ginanap kamakailan ng Department of Social Welfare and Development.

Bukod sa karangalan, iginawad din sa pamilyang Macanas ang cash prize na P10,000 at plake sa awarding ceremonies na ginanap sa Taguig City noong Biyernes kaugnay ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Family Week ng DSWD.

Ayon kay Pantawid Pamilyang Pilipino Program Masbate provincial coordinator Hesse Labisto, ang pamilyang Macanas ay hinirang bilang isa sa grand winners dahil naipamalas ng mag-anak ang kalidad na dapat ay taglay ng mga benepisaryo ng 4Ps.

Sinabi ni Labisto na ang 2013 Huwarang Pantawid Pamilya ay inilunsad ng DSWD upang kilalin ang mga 4Ps families na magsisilbing inspirasyon sa ibang benepisaryo upang makatawid sa kahirapan.

Layunin aniya ng patimpalak na iwasto ang pananaw ng mga 4Ps families sa pagpapaunlad ng pamilya at paglahok sa pamayanan.

Natunton ng mga hurado mula sa Philippine Press Institute at punong sangay ng DSWD ang pamilyang Macanas sa liblib na pamayanan sa Cawayan at sa kanilang panayam, pinatotohanan ng mga lider at ordinaryong mamamayan nito na role model kung ituring sa kanilang pamayanan ang pamilyang Macanas.

Kahangahanga umano ang mabuting disposisyon ng pamilyang Macanas sa gitna ng kahirapan.

Ayon kay Labisto, pumili ang mga hurado ng limang preliminary winners mula sa 3.9 milyong pamilya na benepisaryo ng 4Ps, at isa rito an pamilyang Macanas na pumapangalawa sa grand winner ang Mabanta family mula sa Lanao del Norte.

Ang 4Ps na kinapapalooban ng family development sessions at cash allowance na pang-eskwela at pangkalusugan ang pangunahing estratehiya ng administrasyong Aquino upang tulungan ang mga pamilya na makaahon sa kahirapan. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=771380675731#sthash.0Eht83iN.dpuf

Pamilya hali sa Masbate, pumangduwa sa 2013 Huwarang Pantawid Pamilya

BY: ROGELIO LAZARO

CIUDAD SAN MASBATE, Okt. 1 (PIA) – Isad na pamilya sa probinsya san Masbate an cierto na nakahatag laygay sa iba pa na pamilya na desidido na mahaw-as sa kapobrehan.

An pamilya Macanas sa munisipyo san Cawayan an nakakuha san pangduwa na pwesto sa 2013 Huwarang Pantawid Pamilya na guin hiwat san Department of Social Welfare and Development san  nakaligad na mga adlaw.

Apwera san onor, nakabaton man an pamilya Macanas san cash prize kantidad P10,000 kag plake sa awarding ceremonies na guin himo sa Taguig City san Viernes maylabot sa pagtapos san selebrasyon san Family Week san DSWD.

Segun sa 4Ps Masbate provincial coordinator na si Hesse Labisto, an pamilya Macanas napili na isad sa nanggana sa grand winners, dahilan kay naipakita ninda an kalidad na dapat dara san mga pamilya na benepisaryo san 4Ps.

Sinabi ni Labisto na ang 2013 Huwarang Pantawid Pamilya guin lansar san DSWD agod kilalahon ang mga 4Ps families na nagasirbeng  inspirasyon sa iba pa na benepisaryo na makahaw-as sa pagtios.

Obhito segun saiya san kontes na itama an pagkita san mga 4Ps families sa pagpa-uswag san pamilya kag an inda partisipasyon sa komunidad.

Na tultol san mga hurado hali sa Philippine Press Institute kag san opisina sentral san DSWD an pamilyang Macanas sa liblib na lugar sa Cawayan kag sa inda intrebista, guin pamatuodan san mga lider kag ordinaryo na pumuluyo na role model an pamilya Macanas kun trataron sa inda lugar.

Kahanga-hanga daw an maayo na disposisyon san pamilya Macanas apisar san kapobrehon.

Segun kan Labisto, pumili an mga hurado san lima na preliminary winners hali sa 3.9 milyon na benepisaryo na pamilya san 4Ps, na isad didi an pamilya Macanas na pumangduwa sa pamilya Mabanta san Lanao del Norte.

An 4Ps na guin komponer san family sessions kag cash allowance para sa edukasyon kang pangsalud an primero na estratihiya san administrasyong Aquino para buligan an mga nagatios na pamilya na mahaw-as sa kadipisilan. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=831380605047#sthash.GYSkRef7.dpuf

Bigas sa panahon ng kalamidad siniguro ng National Food Authority sa Camarines Norte

BY: ROSALITA B. MANLANGIT

DAET, Camarines Norte, Oct. 1 (PIA) – Siniguro ng National Food Authority (NFA) ang sapat na bigas lalong lalo na sa panahon ng kalamidad sa loob ng 48 oras upang matugunan ang pangangailangan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaang nasyunal, lokal at maging ng mga pribadong sektor.

Sa isinagawang “Talakayan ng PIA” ng Philippine Information Agency (PIA) Camarines Norte noong Biyernes (Set. 27) kung saan naging bisita ang mga opisyal ng NFA dito sa pangunguna ni provincial manager Jose Danilo Nievez na isa sa pangunahing mandato ng kagawaran ang “food security” sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Sa ilalim ng “food security” kailangang nilang siguruhin na may sapat na bigas ang kanilang tanggapan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan lalong lalo na sa mga apektadong lugar sa loob ng 48 oras o dalawang araw.

Sa ngayon may stocks ang tanggapan na 15,000 bags bigas mula sa Vietnam 5,000 bags ng bigas na lokal at 48,200 na palay at patuloy ang pagbili ng palay ngayong anihan at sasapat sa panahon ng kalamidad.

Sakaling walang sakuna at kalamidad sasapat ang bigas hanggang buwan ng Disyembre base sa bilang ng kanilang ilalagak sa mga NFA outlets o “rice distribution targets”. Magkakaroon pa ng balanse sa bodega ng 14,200 at madaragdagan ng mga bibilhing palay ngayong anihan na siyang magiging imbak sa susunod na taon.
Mas mababa ang inilalabas na bigas sa NFA outlets sa panahon ng anihan simula buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre.

Isa pa rin sa mandato ng NFA ang “price and stabilization” kung saan sinisiguro na ang mga magsasaka sa panahon ng anihan ay magkaroon ng resonableng kita kung saan naglalaan sila ng suportang presyo sa pagbibili ng palay na P17.00 bawat kilo at mga karagdagang insintibo upang higit pang pag-ibayuhin ng mga magsasaka ang kanilang produksiyon.

Ganon din binabalanse ng NFA ang suportang presyo sa palay at ang programa sa pamamahagi ng bigas sa pamilihan o rice distribution program upang masiguro na ang mga mamamayan lalong lalo na ang mga mahihirap ay may mabibiling bigas na mura sa pamilihan sa panahon ng pagtaas ng presyo ng “commercial rice”.

Base sa monitoring ng NFA unti-unti na ring bumababa ang presyo ng “commercial rice” sa mga pamilihan kung saan ang “modal price” ay P39.00 sa huling linggo ng Setyembre at aasahang bababa pa sa ikatlong linggo ng Oktubre.

Nilinaw ni Manager Nievez na ang mga bigas na nasa bodega ay hindi luma at ang mga ito ay inani noong nakaraang anihan na siyang ginigiling ngayon at ipinamamahagi sa mga pamilihan ng NFA.

Aniya kung ano ang nabiling bigas mula sa mga magsasaka ay yun din ang kanilang ginigiling at ipinamamahagi sa pamilihan at sinisikap nilang mapanatili ang kalidad nito.

Binalaan rin niya ang mga nagsasamantala na may mga nakatalaga sa mga pamilihan para sa pagbabantay o “monitoring”, sakaling mahuli ay iimbistigahan at maaring ma kansela ang permiso sa pagbebenta ng bigas.

Samantala nagdiwang rin ang NFA  ng kanilang ika-41 anibersaryo noong Set.26 kung saan ito ay itinatag sa ilalim ng Presidential  Decree No.4 ng taong 1972.

Kabilang sa mga nagbahagi ng mga programa ng NFA ay sina Sonia Castañeda, economist III; Josephine Baraqueil, administrative officer III, Rodolfo Lozano, SGOO at Feliza Pobre, SGOO-IS.

Ang “Talakayan sa PIA” ay pinadaloy ni Rosalita Manlangit ng PIA Cam Norte at dinaluhan ng mamamahayag mula sa Hello Bicol at Dateline Camarines Norte ng STV6, Bicolandia Updates, Bicol Post, Pipol Today News,  DZMD, DWLB, DWSL, DWCN-Radyo ng Bayan at DWSR. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte).

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?

Kalusugan pangkalahatan patuloy na itinataguyod ng DOH Bicol

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 1 (PIA) – Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ng Rehiyon Bicol Region ang adhikain para sa kalusugan pangkalahatan bilang isa sa mga pangunahing estratehiya sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa rehiyon sa ginanap na press conference ng nakaraang linggo sa pagdiwang ng Policy Development Research Month (PDRM) na may paksang gawain na – Making Health More Inclusive In A Growing Economy, na sinuportahan ng ahensiya.

“Ang adhikaing Kalusugan Pangkalahatan (KP) ng pamahalaang Aquino ay tugon sa pangangailangang pangkalusugan  ng bawat Pilipino lalo na ang mahihirap na pamilya,” ayon kay DOH Bicol SUpport to Operations chief Dr. Virgilio Ludovice.

Ang adhikaing KP ang pangunahing pamamaraan ng DOH sa pagsulong ng pamahalaan para sa kalusugang pangkalahatan. Sa ilalim ng programa, ipapatupad ang iba-ibang pamamaraan, pangunahin dito ang mabilis na pagrehistro ng mga mahihirap na pamilya sa National Health Insurance Program ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) kasama ang pagbigay ng subsidy para sa mahirap na pamilya.

Kasabay sa programa ang pagsasaayos ng mga pampublikong ospital at iba pang health facilities at pagbigay ng de-kalidad na serbisyo lalo na sa mahihirap. Magkakaroon din ng karagdagang tulong sa mga lugar na marami ang mahihirap na pamilya na hindi nakakatanggap ng kaukulang serbisyong pangkalusugan, sabi pa ni Ludovice.

Si Ludovice ang kumatawan ng DOH-Bicol kasabay sina Dr. Veronica Mateum, Philhealth Health Care Delivery Management Division Chief, David Escandor, Philhealth Field Operations Division Chief, Jasmine Zantua, National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Economic Development Specialist and Felipe Salvosa II, Publications and Circulation Division Chief ng Philippine Institute of Development Studies (PIDS), ang humarap sa isang press conference na dinaluhan ng mga nangungunang mamamahayag sa dyaryo at radyo ng Albay at correspondents ng mga pambansang pahayagan.

Idinagdag pa niya na sa ilalim ng Kalusugan Pangkalahatan (KP), ang mga serbisyong pangkalusugan na patitingkarin ay pagplano ng pamilya, responsableng pagpapamilya, pangangalaga sa sanggol at bata sa pamamagitan ng newborn screening, eksklusibong pagpapasuso sa gatas ng ina sa unang anim na buwan ng sanggol at pagbabakuna.

Magsasagawa din ng fertility classes sa mga kabataan upang magbigay ng tamang kaalaman sa sekswalidad. Para sa mga buntis at bagong panganak, palalakasin din ang pre at post natal check-up, isasagawa ang pagbakuna sa buntis ng tetanus toxoid.

Siniguro din ng mga kinatawan ng Philhealth na walang sisingilin sa mga kasapi nila ang mga Philhealth-accredited na pampublikong ospital at lying-in clinics sa paggamit nila ng bagong case rate packages sa ilalim ng sponsored program.

Ang KP ay tumutulong na maisakatuparan  ang mga aspetong may kaugnayan sa kalusugan sa millennium development goals (MDG) para sa mga ina, sanggol at bata sa pagpababa ng bilang ng mga nanay na namamatay sa panganganak, mga sanggol at batang namamatay, namamatay sanhi ng tuberculosis HIV-AIDS at malaria, mga hindi nakakahawang karamdaman gaya ng cancer, diabetes, altapresyon, atake sa puso, sakit sa bato at iba pa, sabi ng DOH-Bicol sa PIA. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591380693639#sthash.H4ea9ncs.dpuf