Tuesday, July 30, 2013

Bikol magbebenepisyo sa P195M halaga ng proyektong irigasyon galing DAR

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 30 (PIA) -- Nangunguna ang rehiyong Bikol sa ngayon sa buong bansa sa kabuuang talaan ng proyektong irigasyon sa ilalim ng Agrarian Reform Communities Project Phase II (ARCP 2).

“Ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Bicol ang mayroong pinakamaraming aprubadong proyekto sa irigasyon sa ilalim ng ARCP 2,” sabi ni DAR Bicol regional director Maria Celestina Manlangit-Tam.

Ang probinsiya ng Sorsogon ay makikinabang sa anim na proyektong irigasyon habang ang Camarines Sur ay may tatlong proyektong irigasyon na magkakaroon ng kabuuang halaga na P195,476,074.43 na sakop ang 2,433 ektarya ng lupang pansakahan, ayon kay Tam.

Ang mga communal irrigation systems (CIS) na itatayo sa Sorsogon ay nasa Barangay Lictin sa Casiguran na nagkakahalaga ng P16,742,275.05 na sakop ang 120 ektarya; Malbug na halagang P17,878,358.85 na sakop ang 120 ektarya, at Pili na may P28,611,889.32 at sakop ang 400 ektarya, parehong nasa Castilla; Tabon-Tabon na may P20,965,775.39 halaga para sa 363 ektarya, at Burabod-San Julian na may P6,130,094.37 halaga at sakop ang 100 ektarya, parehong nasa bayan ng Irosin.

Ang Barangay Bonifacio sa bayan ng Bulan ay makikinabang sa small water impounding project (SWIP) sa halagang P7,488,449.84 na magsisilbi sa 60 ektarya ng lupang sakahan, sabi ng DAR-Bicol sa Philippine Information Agency (PIA).

Sa kabilang dako, ang proyektong patubig sa Camarines Sur ay kasama ang rehabilitasyon ng Himaao CIS sa Pili na may kabuuang halaga na P39,006,828.86 na sakop ang 520 ektarya at rehabilitasyon ng 750-ektarya Hingaroy CIS sa halagang P58,652,402.75, na nasa pagitan ng mga bayan ng Sangay at Tigaon, Camarines Sur. Sakop nito ang 500 ektarya sa Sangay at 250 ektarya sa panig ng Tigaon.

Ang kabuuang halaga ng proyekto sa panig ng Sangay ay P38,965,506.53 samantalang P19,686,896.22 naman ang sa panig ng Tigaon, ayon sa DAR Bicol.

Ang pondo ng ARCP 2 ay pangunahing nanggagaling sa pautang ng Asian Development Bank (ADB) na suportado ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng National Government Assistance for Local Government Units or NGALGU, na sagot ang 25 porsyento ng kabuuang halaga ng proyekto na awtomatikong nababawasan ang counterpart ng mga lokal na pamahalaan, ayon sa DAR Bicol.

Nauna nang pinuri ni ARCP II Deputy National Project Director Herman Ongkiko ang DAR – Bicol sa pangunguna sa buong bansa bilang pinaka ‘time efficient’ na rehiyon sa pagpapalabas ng pondo na kinakailangan upang mapadali ang konstruksyon ng naaprubahang mga subprojects sa ilalim ng ARCP 2. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)

Monday, July 29, 2013

ILO, gumagawa ng dokumentaryo sa 'best practices' ng Masbate kontra child labor

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 29 (PIA) -- Nasa lalawigan ng Masbate ngayon ang isang grupo na ipinadala ng International Labor Organization (ILO) upang idokumento ang "best practices" ng Masbate sa pagpigil nito sa child labor.

Ang ILO, mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan sa tatlong bayan ng Masbate ay nagsanib pwersa sa nakaraang tatlong taon upang masimulan ang progresibong eliminasyon ng child labor sa lalawigan.

Isinilang ang programa laban sa child labor matapos makumpirma ng isang pagsusuri na isinagawa noong taong 2009 na hindi kakaunting kabataan sa mga bayan ng Aroroy at Cawayan at lungsod ng Masbate ang hindi pumapasok sa paaralan dahil sila’y naghahanapbuhay sa dagat, minahan, sakahan at iba pang pinakamalalang anyo ng child labor.

Ayon kay Chito Atibagos ng Department of Labor and Employment, ang tatlong bayan na ito ang paksa ng dokumentaryo ng ILO team.

Ang dokumentaryo ay magsisilbing template sa kampanya laban sa child labor sa iba pang bahagi ng lalawigan.

May kabuuang labing apat na barangay ang inasistihan ng ILO sa nakalipas na tatlong taon ng programa.

Sinikap ng programa na maayos ang hanapbuhay ng mga magulang sa mga barangay na ito, bagay na nagbigay-daan sa child laborers sa naturang mga barangay para magbalik-eskwela.

Bukod sa DOLE at mga local government unit, kasama sa nagbigay ng serbisyo sa programa ang Department of Education at non-government organization na Caritas-Masbate. (MAL/EAD/PIA5-Masbate)


Masbateño news: Pulis sa Masbate inagyat na irogon an maayo na ehemplo san kapulisan na nahunambitan sa SONA

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 29 (PIA) -- Inagyat san bantog na negosyante sa Masbate an kapulisan didi na irogon an mga matahom na ehemplo san kapulisan na sinambit ni Presidente Aquino sa iya ika-upat na State of the Nation Address.

Sa halip-ot na mensahe bilang tagasurmaton na bisita sa pagtapos san isad ka bulan na selebrasyon san 18th Police Community Relations Month, guin padumdom san negosyante na si Joseph Chavez an duha na bayhon an guin muestra ni Presidente Aquino.

Sinabi ni Chavez na isad sa istorya sani an naghimo san mga insidente na nagmantsa sa onor san kapulisan, pareho san sinaysay ni Presidente Aquino na rubout daw sa mga miyembro san Ozamiz Gang na sinda Ricky Cadavero at Welfredo Panogalinga.

Segun pa kan Chavez, an isad naman na bayhon an istorya san kapulisan na naghatag paglaom sa linya san ninda.

Sa mensahe san Presidente segun saiya, may mga pulis na wara magkulang san maayo na hinimuan, pareho ninda PO3 Edlyn Arbo, na waran hadlok na inatubang kag guinukdan an isad na holdaper sa iya sinakyan na jeep, maski off-duty kag waran dara na badil, si PO3 Felipe Moncatar na umani san damo-damo na pag-umaw dahilan san halaba na listahan san mga kriminal na iya nadakop sa Bacolod, si PO2 Dondon Sultan na nagbulig sa nasiraan na kotse sa Quezon Boulevard na wara magbaton san maski nano na kabalyo.

Inagyat ni Chavez an kapulisan sa probinsya na pilion an tama na lado dahil ini segun saiya an magahatag san maayo na imahe kag onor sa inda propesyon.

Iningganyo san negosyante an kapulisan na ipadayon na matahom na himuan sa uro-adlaw maski na sa kadamuan na beses dili ini nakikita san ordinaryo na tawo kag dili natatagaan san pag-umaw hali sa publiko.

Sa intrebista san PIA pakatapos magsurmaton, inako ni Chavez na sa presente na estado an probinsya matahom na lugar para magnegosyo kag sa kabilugan an probinsya segun saiya padayon na matuninong pakatapos san eleksyon san Mayo.

An bulan san PCR may tema na: “Serbisyong Makatotohanan sa Matatag Na Ugnayan Ng Pambansang Pulisya sa Mamamayan Tungo sa Tuwid Na Daan.” (MAL/RAL-PIA5/Masbate)


Mga pulis ng Masbate, hinamon na tularan ang mga huwarang kabaro na binanggit sa SONA

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 29 (PIA) -- Hinamon ng isang kilalang negosyante sa Masbate ang mga pulis sa lalawigan na tularan ang mga ulirang kabaro na binanggit ni Pangulong Aquino sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address.

Sa maikling talumpati na binigkas ngayong umaga sa seremonya kaugnay ng selebrasyon ng 18th Police Community Relations Month, ipinaalala ng mangangalakal na si Joseph Chavez na dalawang mukha ng pulis umano ang inilarawan ng Pangulong Aquino.

Sinabi ni Chavez na isa nito ang kuwento ng mga pulis na gumagawa ng mga insidenteng nagmamantsa sa dangal ng pulisya, katulad ng binanggit ng Pangulo na umano’y rubout sa mga miyembro ng Ozamiz Gang na sina Ricky Cadavero at Wilfredo Panogalinga.

Ayon kay Chavez, ang isa pang mukha ng pulis ay ang kuwento ng mga pulis na nagbibigay pag-asa sa hanay ng kapulisan.

Sa pagkukuwento aniya ng Pangulo, may mga pulis na hindi nagkukulang sa mabubuting gawa at sila ang mga katulad nila PO3 Edlyn Arbo na buong tapang na hinarap at tinugis ang isang holdaper sa nasakyan niyang jeep, off-duty man at walang dalang baril; si PO3 Felipe Moncatar na umani ng samu’t saring papuri dahil sa haba ng listahan ng mga kriminal na kanyang nahuli sa Bacolod; si PO2 Dondon Sultan na tumulong sa nasiraan ng kotse sa kahabaan ng Quezon Boulevard nang walang kapalit.

Hinamon ni Chavez ang pulisya sa lalawigan na piliin ang wastong panig dahil ito aniya ang imahe na nagdudulot ng dangal sa kanilang propesyon.

Hinimok ng mangangalakal ang mga pulis na patuloy na gawin ang aniya’y mga maliliit na mabubuting gawa kahit karaniwan na ang mga ito’y hindi napapansin at hindi napupuri ng publiko.

Binigyang diin din ni Chavez ang mabuting samahan ng pulisya at mgananinirahan sa pamayanan ang aniya’y susi sa katahimikan at kaayusan ng bayan.

Bilang masunurin sa batas na mangangalakal, si Chavez ang inanyayahan ng pulisya na kumatawan sa sektor ng negosyo sa seremonya na ginanap sa Camp Bonny Serrano, ang pangunahing himpilan sa Masbate ng Philippine National Police.

Sa isang panayam, inamin ni Chavez na ang kasalukuyang kalagayan sa Masbate ay kaayaaya sa pagnenegosyo dahil sa pangkalahatan, ang lalawigan aniya ay nanatiling tahimik pagkatapos ng eleksyon noong Mayo.

Ang buwan ng PCR ay may temang: “Serbisyong Makatotohanan sa Matatag Na Ugnayan Ng Pambansang Pulisya sa Mamamayan Tungo Sa Tuwid Na Daan”. (MAL/EAD/PIA5-Masbate)


Masbateno news: ILO team, naga dokumentaryo sa best practices san Masbate kontra child labor

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 29 (PIA) -- Adi yana sa probinsya san Masbate an isad na team na guin padara san International Labor Organization agod magdokumento sa best practices san Masbate maylabot sa pagpaudong sa child labor.

An ILO, mga ahensya san gobierno kag local government units san tulo na munisipyo sa Masbate nag bilog pwersa sa nakaligad na tulo katugi agod tunaan an progresibo na eliminasyon san child labor sa probinsya.

Nabuhay an programa kontra child labor pakatapos makumpirma sa isad na ebalwasyon na guin hiwat san tuig 2009 na kun diin damo san kabataan sa munisipyo san Aroroy kag Cawayan an dili naga klase dahilan kay sinda naga pangabuhay sa dagat, minahan, umahan kag iba pa na klase san malala na bayhon san child labor.

Segun kan Chito Atibagos san Department of Labor and Employment, an tulo na munisipyo an sentro san dokumentaryo san ILO team kontra child labor.

An dokumentaryo maga sirbe na template sa kampanya kontra child labor sa iba pa na parte san probinsya.

May kabilogan na katorse na barangays an guin asistiran san ILO sa nakaligad na tulo katuig san programa.

Guin talinguha san programa na husayon an hanapbuhay san mga ginikanan sani na mga barangay, bagay na naging giya sa child laborers sa nahunambitan na barangay na magbalik-eskwela.

Apwera san DOLE kag local government units, kaupod sa naghatag san serbisyo sa programa an Department of Education kag non-government organization na Caritas-Masbate. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Friday, July 26, 2013

Ika-4 na SONA ni Pnoy pinakamaganda sabi ni Sen. Chiz, mga pinuno sa Bikol sang-ayon

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 26 (PIA) -- Ang pang-apat na State of the Nation Adress (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ay ang pinakamaganda sa ngayon.

Ito ang reaksiyon ng Bicolanong senador na si Francis Joseph “Chiz” Escudero na tumakbo sa ilalim ng Team Pnoy ng Pangulo sa nakaraang halalan noong Mayo na nakuha ang pang-apat na pwesto sa mga nanalong senador.

“Kumpara sa dati, bagamat medyo mahaba, ito na ang pinakamaganda, detalyado, maliwanag at klarong SONA ni Pangulong Aquino,” sabi ni Escudero. Inilatag ng pangulo ang mga bagay-bagay na nais niyang makita at mangyari at ‘yung mga bagay-bagay na gagawin pa niya sa darating na tatlong taon, dagdag ni Escudero.

Subalit nais sana ni Escudero na naisama ng Pangulo sa kanyang SONA ang kontrobersiyal na Freedom of Information Bill. “Pero maliwanag din naman ang posisyon ng Pangulong Aquino tungkol dun na hindi siya kumbinsido at ‘yung bersyong hinahanap at pinapagawa niya ay hindi pa niya nakikita,” sabi ni Escudero.

Suportado rin ni Escudero ang mga pangunahing prayoridad ni PNoy sa huling tatlong taon ng kanyang panunungkulan na gawing sustenable ang paglago ng ekonomiya at magkaroon ng tinatawag na inclusive growth.

“Dalawang bagay para sa akin, una, paano gawing sustainable ang paglago at pagganda ng ating ekonomiya. At higit pa roon, paano maging inclusive ito at maparamdam sa pinakanangangailangan at mahihirap nating kababayan at hindi lamang dun sa mayaman,” dagdag ni Escudero.

Samantala, sumang-ayon din ang mga matataas na pinuno sa Bicol sa pangkalahatang nilalaman ng SONA. Nagalak si Department of Tourism (DOT) Regional Director Maria Ong-Ravanilla sa pagkabanggit ng Bicol International Airport bilang isa sa mga pangunahing proyekto ni PNoy. “Nangangahulugan na makokompleto ito pagdating ng 2016 at magdadala ito ng mas maraming turista sa Bicol,” sabi ni Ravanilla.

Nag-ambag ang Bicol ng 17 porsyento o 700,000 sa 4.2 milyon na banyagang turista noong 2012, ayon kay Ravanilla. “Inaasahan naming makaambag ng isang milyong banyagang turista o kaya 10 porsyento na inaasahang banyagang turista ayon sa bagong target,” sabi ni Ravanilla. Aabot sa P10M na kita ang inaasahang makukuha ng Bicol sa industriyang turismo, dagdag pa niya.

Inilarawan ni Land Transportation Office Assistant Regional Director Vincent Nato ang SONA ni PNoy tulad ng sikat na pagkaing Pilipino na adobo na kumpleto ang sangkap. “Tinatawag namin itong ‘kumpletos recados’ tulad ng adobo na kailangan nang tikman,” sabi ni Nato. Sa pagsulong ni PNoy sa ‘matuwid na daan’ ang pamahalaan ay nakatipid sa badyet na naidagdag sa ibang prayoridad na proyekto, ayon kay Nato. “Mas desidido na ngayon ang pamahalaan sa pagsulong ng tuwid na daan,” dagdag ni pa Nato.

Sinuri naman ni Maria Libertad Mella-Dometita, project manager ng European Union-supported good governance project ng Integrated Rural Development Foundation of the Philippines (IRDF) ang SONA na naglalaman ng sapat na impormasyon at may ‘entertainment value.’

“Nagamit ng mainam ang multi-media, mainam ang ulat sa rice export at nabanggit ang reproductive health,” sabi ni Dometita. Subalit ang testimonya sa 4Ps ay mistulang case study na hindi naaayon sa pangkalahatang resulta at masyadong nabigyan ng tuon ang ‘pogi points’ para sa military at pulis, ayon kay Dometita. “Hindi nabanggit sa SONA ang pinaka-ugat ng isyung agraryo,” dagdag ni Dometita.

Samantala, pinaliwanag ni Regional Director Maria Celestina Manlangit-Tam ng Department of Agrarian Reform na tinuturing na ‘barometro’ ang Hacienda Luisita para sa mga naisagawa ng ibang rehiyon kung kaya’t binigyan ito ng tuon sa SONA. “Kung kayang gawin ng aming mga kasamahan sa Rehiyon 3 ang ginawa nila sa Hacienda Luisita, inaasahan ring kaya din naming gawin sa iba't ibang rehiyon ito (na pamamahagi ng mga lupaing pinagtatalunan),” sabi ni Tam.

Aprubado rin ni Tam ang pagsasama ng mga kapuri-puring mga kawani ng pamahalaan na namukod tangi sa kanilang trabaho na nagbigay ng pag-asa at nagpatunay na kayang tahakin ang ‘tuwid na daan.’ “Bilang kawani ng pamahalaan, karangalan kong maging bahagi ng tagumpay ng pamahalaan dito sa Bicol lalo na sa pagsilbi sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo na aming mandato,” sabi ni Tam. Katotohanan ang ipinahayag ng Pangulo na nakakaabot ang kaunlaran sa kanayunan, dagdag ni Tam. (MAL/JJJPerez-PIA5-Albay)

Buwan ng Wikang Pambansa ipagdiriwang sa Camarines Norte

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hulyo 26 (PIA) -- Ipagdiriwang sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan ang selebrasyon ng Wikang Pambansa sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Ito ay batay sa Atas Tagapagpaganap blg. 2013-19 na ipinalabas ni Gobernador Edgardo A. Tallado na nag-aatas sa lahat ng mga tanggapan, kawanihan, kagawaran, ahensiya at instrumentality ng pamahalaan at sa lahat ng pribadong tanggapan na gumamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na mga transaksiyon, sulat at korespondensya sa panahon ng paggunita ng buwan ng wika ngayong buwan ng Agosto.

Tampok sa selebrasyon ang paligsahan sa pagkukuwento at balagtasan para sa sekondarya at sabayang pagbigkas para sa elementarya na lalahukan ng mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan dito.

Sa antas ng elementarya ay kailangang magkaroon ng pandistritong paligsahan sa sabayang pagbigkas na hindi lalagpas sa Agosto 20 kaya’t inaasahan na maghanda ng isang kinatawan o grupo ng mag-aaral sa bawat distrito na ilalahok.

Sa sekondarya, kailangang magkaroon din ng pangklaster na paligsahan sa pagkukuwento at balagtasan na hindi lalagpas sa mga nakatakdang araw ng pagpapatala.

Isasagawa sa ika-26 ng Agosto ang paligsahan sa pagkukuwento at balagtasan sa Agosto 27 na gaganapin sa little theater ng kapitolyo probinsiya samantalang sa Agosto 28 naman ay ang sabayang pagbigkas sa Museum Façade.

Layunin ng paligsahan ang itanghal ang galing ng mga kabataan at upang ibayong paunlarin ang talento at husay ng mga mag-aaral sa lalawigan.

Ang paligsahan ay pangungunahan ng tanggapan ng Museum, Archives and Shrine Curation Division ng pamahalaang panlalawigan.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Wikang Pambansa: Mahalagang Sangkap para sa Pagpapanibagong Lakas ng Sambayanan.” (MAL/ROV/PIA5-Camarines Norte)

Masbateño news: Pagpasar san ordinansa maylabot sa Anti-child labor sa Masbate guin hangyo

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 26 (PIA) -- Pagahangyuon sa junta probinsyal na magpasar san ordinansa para sustenaran san local government units an programa na magapaudong kag progresibo na magapanas san child labor sa Masbate.

Kun maipasar an ordinansa, an programa na guina asistehan sa urhi na tulo katuig san grupo na Provincial Anti-child Labor Committee an pagasusogan sa padayon na kampanya kontra sa child labor.

Nakumpirma sa ibalwasyon na guin hiwat san tuig 2009 na hataas an numero san kabataan sa probinsya san Masbate na dili naga sulod sa eskwelahan dahilan kay sinda naga hanapbuhay sa dagat, minahan, umahan kag iba pa klase san malala na bayhon san child labor.

Susog sa mga balaod, dili guina tugotan na manirbihan bilang hanapbuhay an bata may edad na hamubo sa kinse anyos.

Dahilan kay nagpirma an Pilipinas sa United Nations on the Rights of the Child kag nagpanday ini san isad na kasunduan maylabot sa pagpaudong san child labor, dinara san International Labor Organization an International Program for the Elimination of Child Labor sa Masbate agod an probinsya magsirbeng isad na pilot areas san programa.

An ayuda san International Labor Organization para sa tulo katuig na programa maga tapos sa maabot na Setyembre.

Segun kan Chito Atibagos san Department of Labor, positibo an resulta san programa kaya an progresibo na eliminasyon sa child labor sa Masbate maga duroderitso kun may ordinansa para sustenaran san LGUs an mga aktibidad san anti-child labor committee.

An proponido na ordinansa segun saiya an maga mandu sa LGU na magtigana san pondo para sa programa kag ipatuman an penalidad para sa mga imbwelto sa child labor.

Kampante segun pa kan Atibagos an grupo na nagpalakat sa anti-child labor campaign na makalusot sa Sangguniang Panlalawigan an ordinansa para sa kaayuhan san mga batang obrero. (MAL/RAL/PIA5-Masbate)

105 itlog ng 'leatherback turtle' inilipat sa mas ligtas na lugar sa Albay

By Sally A. Atento

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 26 (PIA) -- Mabubulok o masisira ang 105 itlog ng leatherback turtle na iniluwal sa dalampasigan ng baranggay Rawis sa probinsiya ng Albay sakaling maabot ng tubig na dala ng hightide.

Dahil dito, ang mga ito ay inilipat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehiyon ng Bicol sa mas ligtas na lugar.

“Baka sakaling may mapisa kahit almost 4-day old na yung eggs, inilipat namin sa mas mataas na lugar na hindi aabutan ng high tide sa loob ng 2 buwan,” pahayag ni Angie Villoria, Biologist III ng DENR Pawikan Conservation Project.

Ang bagong kinalalagyan ng mga itlog ay may layong 50 metro mula sa dati nitong kinalalagyan kung saan tinatayang halos pareho ang kalagayan ng mga nasabing lugar.

Dagdag pa ni Villoria, positibo ang marine turtle experts ng kanilang tanggapan na mas bababa ang bilang ng masasayang na itlog matapos ang nasabing paglilipat.

“Bago kami nagdecide na i-transfer yung eggs, we consulted Dr. Nick Pilcher and Dr. Chan EngHeng on the procedure of the transfer of 4-day old eggs (Bago kami nagdesisyon na ilipat ang mga itlog, kinonsulta muna namin sina Dr. Nick Pilcher at Dr. Chan EngHeng sa tamang paraan ng paglilipat ng apat na araw na gulang na mga itlog),” ani Villoria.

Sina Pilcher at EngHeng ay mga mananaliksik na nagsasagawa ng pag-aaral sa leatherback turtles.

Payo ni Pilcher ang paggamit ng "egg tray" samantalang “no shaking, no vibration at no over-turning of eggs" (walang pag-aalog, walang panginginig at walang pagbabaliktad na dapat gawin sa mga itlog) naman ayon kay EngHeng.

Kanilang sinabi na kailangang pananatilihin ang vertical axis ng mga itlog. Ito rin ang paraan na ginagamit ng DENR Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) - Pawikan Conservation Project sa paglilipat ng mga itlog ng green hawksbill at olive ridley turtles.

Paliwanag ni Villoria, karamihan sa mga itlog ay kakaiba ang hugis dahil sa maaring ito ay nahawakan na. Sa kabuuang 105 itlog, 90 dito ay normal at 15 ang abnormal at may iba’t ibang laki. Ang iba ay kasingliit ng lanzones at ubas at ang iba naman ay magaan at walang laman.

Ang itlog ng leatherback turtle ay karaniwang maliit ng konti sa tennis ball.

Sa ngayon, ang Naval Forces Southern Luzon (Navforsol) ay nagpapatuloy pa rin sa pagbabantay sa nabanggit na lugar samantalang ang DENR Regional Office’s Protected Areas, Wildlife and Coastal Zone Management Service ay sinisubaybayan ang pagbabago ng temperatura ng buhangin at hangin.

Ang pangingitlog na ito ng leatherback turtle ang kauna-unahang naitala sa Pilipinas pagkumpirma ng Pawikan Conservation Project. (MAL/SAA-PIA5 Albay)

Puna ng Pangulo sa SONA, respetado ng mga taga NIA sa Camsur

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Hulyo 26 (PIA) -- Nirerespeto ng mga opisyal at empleyado ng National Irrigation Administration o NIA sa rehiyong Bicol ang naging negatibong puna ni Pangulong Benigno S. Aquino lll sa naturang ahensya sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nito noong nakaraang Lunes, Hulyo 22, 2013.

Ito ang naging pahayag ng tagapagsalita ng NIA-Bicol na si Eduardo Yu.

Sa nakaraang anibersaryo pa lamang ng NIA ay napagsabihan na ng Pangulo ang kagawaran sa diumanoy mahinang pagsasakatuparan sa mga proyektong dapat ipatupad. Ang pagka dismayang ito ay inulit ng Pangulo sa kanyang ginawang pagsasalita sa SONA.

Ayon kay Yu, kahit na bumagsak ang moral ng mga tauhan ng NIA sa naging pahayag ng Pangulo ng bansa ay kailangan nilang pakinggan ito, igalang at magsumikap na maabot ang 100 porsyentong accomplishments o syento porsyentong pagpapatupad sa mga programa at proyekto ng ahensya alinsunod sa ninanais na maisakatuparan ng pamahalaan.

Sinabi ni Yu na 95 porsiyento naman ang naging accomplishments ng NIA-Bikol kung pag babatayan ang mga proyektong patubig na naisakatuparan nila noong taon 2012.

“Kung hindi man naabot ang 100 porsiyentong paggawa na inaasahan ng ating Pangulo, ito’y dahil sa pagbibigay buwelo ng NIA sa mga magsasaka para magtanim muna bago simulan ang mga proyekto sa patubig. Isa pa sa mga dahilan sa pagkaka antala ng ibang proyekto ay ang masamang kalagayan ng panahon na halos nagkasunod sunod sa huling mga buwan ng 2012,” dagdag pa ni Yu.

Ayon pa kay Yu, isa sa mga maaring batayan na nagtagumpay at naging maayos ang pagsasakatuparan ng mga programa ng NIA ay ang magandang ani ng mga magsasaka na resulta naman ng maayos na patubig mula sa mahusay na serbisyo ng NIA.

Magkagayon man ay naaniniwala din sila na ang nakuhang datos ng Pangulo ay batay sa tamang pag-aaral kung kaya anya ay lalo pa silang mag susumikap na maibigay ang inaasahan ng Pangulo at magtrabaho ng husto para hindi na maulit ang negatibong pagpuna ng Pangulo sa kanilang ahensya. (MAL/LSM/DCA/PIA5 Camarines Sur)

PHILTOA bibisita sa Sorsogon

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 26 (PIA) -- Bibisita sa lalawigan ng Sorsogon ang mga opisyal at kasapi ng Philippine Tour Operators Association (Philtoa) bilang bahagi ng kanilang Albay-Masbate-Sorsogon (Almasor) Familiarization Tour bukas, Hulyo 27 hanggang sa Linggo, Hulyo 28.

Sa sulat na ipinadala ni Almasor convenor at Albay Governor Joey Salceda kay Sorsogon Governor Raul R. Lee, napili ng Philtoa ang Almasor Tourism Development Concept bilang bahagi ng official cluster destination para sa gaganaping 24th Philippine Travel Mart sa darating na Setyembre 6 hanggang Setyembre 8, 2013.

Ang Philtoa ay ang pinakamalaking asosasyon ng mga rehistrado at akreditadong tour operator sa Pilipinas. Flagship program ng Philtoa ang Philippine Travel Mart kung saan itinatampok dito sa pamamagitan ng exhibit at travel package tour ang magaganda at kaakit-akit na mga lugar sa bansa.

Bilang panimula, magkakaroon ng media launch sa rehiyon ng Bicol at isang familiarization trip din ang iniskedyul upang ipakilala sa mga kasapi ng Philtoa at kasama nitong media ang konsepto ng Almasor.

Ayon pa sa sulat ni Gov. Salceda, layunin din ng aktibidad na ito na gamitin ang cluster grouping ng Almasor sa pagpapaangat pa ng turismo, pagpapakita ng matibay na sistema ng pagbubuklod ng pamahalaan at ng pribadong organisasyon para sa pangmatagalang kaunlaran. Ipapakilala din sa Philtoa at national media ang mga bagong produktong pang-turismo ng Almasor.

Ayon naman kay Provincial Tourism Officer Cris Racelis, malaking suporta ang aktibidad na ito sa promosyon at pagbebenta sa mga lokal at dayuhang turista ng mga magaganda at natatanging destinasyon sa Albay, Masbate at Sorsogon.

Samantala, inalerto naman ni PSSupt Ramon S. Ranara, Police Provincial Director ng Sorsogon ang pulisya sa mga lugar sa lalawigan na bibisitahin ng grupo partikular na ang Matnog, Bulusan at lungsod ng Sorsogon pati na rin ang mga dadaanang lugar ng mga ito upang matiyak ang seguridad sa nasabing aktibidad. (MAL/BAR/PIA5 Sorsogon)

Itlog ng higanteng pawikan sa Albay sisiguruhing ligtas hanggang sa mapisa

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 26 (PIA) -- Tiniyak ng tatlong ahensya ng pamahalaan sa probinsiya ng Albay na kanilang bibigyan ng kaukulang proteksyon ang mga itlog na iniluwal ng higanteng leatherback turtle nitong Hulyo 14 ng gabi sa dalampasigan ng barangay Rawis sa lungsod na ito.

Kasalukuyang nagtutulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), lokal na pamahalaan ng Albay at Naval Forces Southern Luzon (Navforsol )sa pagbabantay ng mga itlog hanggang sa ang mga ito ay ligtas na mapisa ayon kay DENR Bicol director Gilbert Gonzales.

“Makasaysayan at kauna-unahan ang pagkakataong ito na maitala ang pangingitlog ng giant leatherback turtle sa Pilipinas. Kaya’t marapat lamang na ating masiguro ang pagbibigay ng karampatang proteksyon upang ang mga itlog na ito ay maging ligtas hanggang sa mapisa,” ani Gonzales.

Sa ngayon, ang makeshift fence na magsisilbing proteksyon laban sa mga hayop at tao ay inaayos na ng mga technical personnel ng DENR.

Sila rin ay naatasan nang magtatag ng perimeter fence para sa “no entry zone” hanggang sa dumating ang mga tauhan ng Pawikan Conservation Project of the DENR Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) na siyang mangunguna sa pag-aaral kung ang mga itlog ay maaring mailipat sa mas ligtas na lugar.

Dagdag pa ni Gonzales, kanya nang inatasan ang mga tauhan ng PAWB na palagiang subaybayan ang mga itlog hanggang sa mapisa sa loob ng incubation period gayundin ang makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng mga katabing coastal barangay upang mabantayan ang muling pagbabalik at pangingitlog ng giant leatherback turtle sa dalampasigan matapos ang dalawang linggo.

Ang lokal na pamahalaan ng Albay ay nakasubaybay rin sa mga kaganapan at nakikiisa sa pangangalaga at pagtatanggol na isinasagawa ng DENR samantalang ang Navforsol ay may itinalaga nang magbabantay laban sa posibleng makikialam sa nabanggit na nesting area.

Gabi ng Hulyo 14 nitong taon ng makita ang nangingitlog na leatherback turtle. Agaran itong binalik sa karagatan matapos mangitlog. Tinaguriang pinakamalaking uri ng pawikan, ito ay may tinatayang lapad at haba na dalawang metro. (MAL/SAA-PIA5 Albay)

Thursday, July 25, 2013

Ordinansang 'Anti-child labor', isinusulong sa Masbate

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 25 (PIA) -- Hihilingin sa Sangguniang Panlalawigan ng Masbate na magpasa ang isang ordinansa para sustentuhin ng lokal na pamahalaan ang programa sa pagpigil at progresibong eliminasyon ng child labor sa Masbate.

Kung maipapasa ang ordinansa, ang programa na itinaguyod sa huling tatlong taon ng grupong Provincial Anti-Child Labor Committee ay magiging pamantayan sa patuloy na kampanya laban sa child labor.

Nakumpirma ng isang pagsusuri na isinagawa noong taong 2009 na hindi kakaunting kabataan sa probinsya ng Masbate ang hindi pumapasok sa paaralan dahil sila’y naghahanapbuhay sa dagat, minahan, sakahan at iba pang pinakamalalang anyo ng child labor.

Batay sa mga batas, hindi pinapayagang manilbihan bilang hanapbuhay ang batang mas mababa sa kinse anyos ang edad.

Dahil sa lumagda ang Pilipinas sa United Nations on the Rights of the Child at gumawa ito ng pambansang balangkas sa pagpigil sa child labor, dinala ng International Labor Organization (ILO) ang International Program for the Elimination of Child Labor sa Masbate upang ang lalawigan ay magsilbing isa sa pilot areas ng programa.

Ang suporta ng ILO sa tatlong taong programa ay magtatapos sa darating na Setyembre.

Ayon kay Chito Atibagos ng Department of Labor, positibo ang resulta ng programa kaya ang progresibong eliminasyon ng child labor sa Masbate ay magtutuloy-tuloy kung may ordinansa para sustentuhin ng LGUs ang mga gawain ng anti-child labor committee.

Ang panukalang ordinansa aniya ay nag-aatas sa LGU na laanan ng pondo ang programa at ipatupad ang parusang ipapataw sa mga nasasangkot sa child labor.

Kampante aniya ang grupong nagtatagyod ng anti-child labor campaign na maipapasa sa Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa para sa ikabubuti ng mga batang manggagawa. (MAL/EAD/PIA5 Masbate)

Opisyal at kawani ng Land Bank, nagtanim ng 3,000 bakawan

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 25 (PIA) -- Hindi alintana ang pagod at hirap sa paglalakad para sa mga opisyal at kawani ng Land Bank of the Phillipines (LBP) nang lusungin ang maputik at mabatong coastal na pagtatamnan nang 3,000 mangrove propagules sa Barangay Kuwait sa Manito Albay noong Sabado Hulyo 20.

Sinabi ni LBP assistant vice president Alex Lorayes, na nagdiwang sila noong Hulyo 20 ng ika-50 taong anibersaryo ng LBP at napagkasunduang igugol na lamang sa pagtatanim ng mangrove ng sa gayon ay maging makabuluhan ang kanilang selebrasyon.

Suportado rin ng LBP ang National Greening Program ng pamahalaang nasyunal upang matulungang ang patuloy na pagkakalbo ng mga kakahuyan sa kagubatan.

Ang 3,000 punong itinanim nila ay idaragdag sa kabuuan 50,000 hangaring maitanim sa buong bansa bilang suporta ng kanilang ahensya sa banta ng Climate Change at Global Warming.

Nakapagtanim din sila ng mga puno malapit sa paanan ng bulkang Mayon, malaki aniya ang maitutulong ng mangrove lalo na sa mga isdang naninirahan sa lugar at ang mangrove ang siya ring pinamamahayan ng karamihan ng isda na siya namang pakikinabangan ng mga residente doon.

Nagsisilbi aniya itong pananggalang laban sa mga malalakas na bagyo at pabago-bagong panahon kung kaya’t hinikayat nito ang publiko bagkus na sirain ay pangalagaan.

Si Albay PENRO Imelda Baltazar, ay punumpuno rin ng adhikain at umaasang hindi maglalaon ay dadami pa ang kanilang mga itinanim na mangrove. Nag-utos na rin ito sa kanyang mga tauhan na bantayan at siguruhing magiging maayos ang paglaki ng mga mangrove sa lugar.

Tantiya ni PENRO Baltazar, umaabot sa 85 porsyento ang nabubuhay na mga pananim na nasa ilalim ng pangangalaga ng National Greening Program ng Departamento at mga na-identify na taniman ng mangrove sa munisipalidad ng Bagacay, Rapu-Rapu, Manito at lungsod ng Legazpi.

Tiwala rin si PENRO Bautista na maganda ang lugar na pinagtamnan at may potensyal na higit pang lalago ang naturang mga pananim.(MAL/FBT/PIA5 Sorsogon)

Masbateño news: Mga balay kalingawan sa Masbate, oobligaron na maghatag san condom sa inda parokyano

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 25 (PIA) -- Itutulak sa sangguniang panlungsod san Masbate na obligaron an mga balay kalingawan na maghatag san condoms sa inda parokyano bilang pangontra sa HIV-AIDS kag mga kapareho na sakit na nakukuha sa sekswal na paagi.

Sa tiripon kahapon, nagdesisyon an Local AIDS Council san Masbate City na hangyuon sa sangguniang panlungsod na amyendaran an ordinansa san ciudad sa sexually transmitted infections agod maging mandamyento sa mga balay kalingawan an pagpanhatag san condom sainda mga parokyano.

An condom isad na instrumento na pansangga sa sakit na nakukuha sa sekswal na pamaagi, makabulig man ini agod maibitaran an posibilidad san pagdamo san sexually transmitted diseases. Base sa listahan san Department of Health san tuig 2012, siyam (9) an kumpirmado na kaso san HIV-AIDS sa probinsya san Masbate.

Sa guihapon, naga tuod an mga eksperto sa sexually transmitted diseases na mas dako pa sani an tunay na numero san HIV-AIDS cases sa Masbate dahilan kay tanan daw na HIV-AIDS dili kilala san ahensya.

Segun kan Lilian del Prado san DOH, dili mahahali an senaryo san pagdamo san HIV-AIDS kag kapareho na STDs sa Masbate kay damo san pantalan an probinsya.

Kadamuan daw san mga tripulante san inter-island vessels naga sulod sa nightclubs, cocktail lounges, massage clinics, videoke bars kag iba pa na kapareho na balay kalingawan na kadamuan makikit-an sa kabisera na ciudad san Masbate.

Sa guina patuman na ordinansa maylabot sa pagkontrol sa STDs, dili guina hatagan san gobierno ciudad san permiso an balay kalingawan kun dili magsumiter san pruweba na nagapamatuod na nag-agi san seminar sa AIDS kag STDs an operator kag mga trabahador sani.

Kun maamyendaran an ordinansa, dili na daw paga tugotan san city hall na magnegosyo an mga balay kalingawan kun wara san supisyente na condom na ihahatag sa mga parokyano. (MAL/RAL/PIA5 Masbate)

Mga bahay aliwan sa Masbate, oobligahing mamigay ng condom sa mga parokyano

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 25 (PIA) -- Isusulong ng sangguniang panlungsod ng Masbate ang pag-obliga sa mga bahay aliwan na mamigay ng condoms sa kanilang mga parokyano bilang pananggalang laban sa HIV-AIDS at mga katulad na sakit na nasasalin sa pakikipagtalik.

Sa pulong kahapon, nagpasya ang local AIDS Council ng Masbate City na hilingin sa sangguniang panlungsod na amyendahan ang ordinansa ng lungsod sa sexually transmitted infections upang maging compulsory sa mga bahay aliwan ang pag-aalok ng condom sa mga parokyano.

Ang condom ay isang aparatong panghadlang na karaniwang ginagamit sa panahon ng pakikipagtalik upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakalat ng sexually transmitted diseases.

Batay sa talaan ng Department of Health nang taong 2012, siyam ang kumpirmadong kaso ng HIV-AIDS sa lalawigan ng Masbate.

Subalit ipinapalagay ng mga dalubhasa sa sexually transmitted diseases na mas marami ang tunay na bilang ng HIV-AIDS cases sa Masbate dahil hindi umano lahat ng HIV-AIDS carrier ay nalalaman at naitatala ng ahensya.

Ayon kay Lilian del Prado ng DOH, hindi maiwawaksi ang senaryo ng pagkalat ng HIV-AIDS at katulad na STDs sa Masbate dahil maraming daungan sa lalawigan.

Karaniwan na umano sa mga tripulante ng inter-island vessels ay pumapasok sa nightclubs, cocktail lounges, massage clinics, videoke bars at iba pang katulad na bahay aliwan na karamihan ay nasa kabisera ng lungsod ng Masbate.

Sa umiiral na ordinansa sa pamamaraan sa pagpigil ng STDs, hindi binibigyan ng pamahalaang panlungsod ng permiso ang bahay aliwan kung hindi ito magsusumite ng patunay na sumailalim sa seminar sa AIDS at STDs ang operator at mga empleyado nito.

Kung maamyendahan ang ordinansa, hindi na umano papayagan ng city hall na magnegosyo ang mga bahay aliwan na walang inilaang condom sa kanilang mga parokyano. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

Mga reaksiyon sa SONA ni PNoy inihayag ng mga taga Camarines Norte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Hulyo 24 (PIA) -- Pinapurihan ng mga pinuno at mamamayan sa lalawigan ng Camarines Norte si Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa mga nagawa niya sa programa sa laban sa katiwalian, kahirapan, edukasyon, kalusugan, kabuhayan, impraktrastura at ang mga taong tumatahak sa daang matuwid.

“Ang SONA ay sumasalamin sa isang katotohanan na nangyayari at mangyayari pa sa bansa, dahan dahang pag-unlad at pagsugpo sa katiwalian ay ating nasaksihang lahat” ayon kay Bayani Aquino, isang lokal na mamamahayag dito.

“Kung mamarkahan ko ang Pangulo ay 90 porsyento ang kanyang SONA, mas maganda ang kanyang panunungkulan kumpara sa nakaraang administrasyon, ayon kay Joanne May, 28 taong gulang at isang nurse.

Ayon pa rin sa kay Joanne, nasugpo ng Pangulo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at sinibak sa puwesto, nabawasan ang kahirapan, nadagdagan ang mga silid aralan at napalakas ang edukasyon sa ating bansa.

Sinabi naman ni Mario Alfonso, isang empleyado sa pribadong negosyo na sana maramdaman ng bawat Pilipino ang kaunlaran ng ating bansa hanggang sa pinakamababang uri ng tao sa lipunan at magtuloy-tuloy ang transpormasyon sa gobyerno na sinimulan ng Pangulong Aquino.

“Maganda ang kanyang pang-apat na SONA, lalo na ang mga imprastrakturang proyekto dahil ang mga lugar ay nabigyan ng mga kalsada kalsada. “Ang mga nasa kanayunan ay nabigyan ng mga programang pangkalusugan, pangkabuhayan at nagkaroon rin ng kaalaman sa batas” ani Mikka Sto. Domingo, 30 taong gulang at isang guro.

Dagdag pa ni Mikka na si Aquino lang ang Presidente na bukas sa publiko o may transparency at mabilis ngayon ang pagpapasa ng batas.”

“Maganda ang SONA ng Pangulo dahil malinaw ang mga datus o bilang ng mga nagawa at ganon din ang mga taong naging halimbawa sa daang matuwid,” ang sabi ni Monet Sabio, 36 taong gulang at isang maybahay.

Sinabi naman ni Rodel Paquita, 40 taong gulang at isang mamamahayag na ang lahat ng proyekto ay pumabor sa mga mamamayan, kung may mga kontra sa reporma ng Pangulo ay ang mga taong naapektuhan ng mga proyekto”. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)

Wednesday, July 24, 2013

DepEd SPED Center Sorsogon City, ipinagdiriwang ang 35th National Disability Prevention and Rehabilitation Week

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 24 (PIA) –- Sa pamamagitan ng isang banal na misa ng pasasalamat ay maayos na naidaos ng Sorsogon East Central School (SECS) SPED Center (SPEDC) ang unang araw ng aktibidad ng ika 35th taong pagdiriwang ng National Disability and Prevention (NDPR) Week noong Linggo, Hulyo 21.

Ang tema ngayong taon ng aktibidad ay "Building an Inclusive and Non-Handicapping Environment for Persons with Disabilities."

Sa atas ng Pangulong Benigno S. Aquino sa Memorandum Circular #50, Proklamasyon #1870 series of 1979 at DepEd Advisory #187 series of 2013, ang NDPR Week ay opisyal na ipinagdiriwang sa tuwing ika 17-23 ng Hulyo, kung saan ang Hulyo 23 ay araw ng kapanganakan ng dakilang lumpo at namayapang bayaning si Apolinario Mabini.

Sinabi ni Ma. Theresa Dreu, SECS School Principal, layunin sa naturang aktibidad na pukawin ang isipan ng publiko, mga ahensya ng pamahalaan, at iba't ibang sektor ng lipunan ukol sa suliraning kinakaharap ng mga taong may kapansanan at mapalawak pa ang pang-unawa sa mga taong katulad nila.

Ayon pa kay Dreu patuloy rin sa pagsusumikap ang pamahalaang nasyunal upang mabigyan ng maayos na edukasyon at livelihood training ang sektor ng PWD’s sa tulong ng DepEd, Technical Education Skills Development Authority (Tesda), Department of Labor and Employment (DOLE) at lokal na pamahalaan.

Kahapon, Hulyo 22 ay matagumpay na naisakatuparan ang oryentasyon partikular sa mga magulang at ipinaliwanag ang libreng edukasyong hatid ng Department of Education para sa mga kabataang PWD.

Dumating din si Josie Jadie, hepe ng Sorsogon City Social Welfare Office at naghayag ng pasasalamat sa magandang programa ng DepEd at maayos na ugnayan ng DepEd at CSWDO.

Kabilang din sa dumalo sa aktibidad ay ang Program Manager ng Sorsogon Integrated Health Services Incorporated (SIHSFI) na si Agnes Caballero. Ang SIHSFI ay isang Non-Government Organization na siyang umaalalay sa mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay kasanayan sa paghahanap-buhay.

Nagsabit din ng streamer sa harapan ng paaralan ng SECS ng National Disability and Prevention Week at bulletin Board bilang suporta sa aktibidad at ipakita ang mga larawan ng mga PWDs na nagsasabing may potensyal din ang mga ito sa kabila ng kanilang pisikal na kakulangan.( FB Tumalad,PIA Sorsogon)

Kampanya sa paghahanda laban sa sakuna pinaigting sa Camarines Norte

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hulyo 24 (PIA) -- Pinaiigting ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ang kampanya sa paghahanda laban sa sakuna o “Oplan PAGHALASA” sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection (BFP) dito.

Ito ay kaugnay sa paggunita ng National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo sa temang “Ligtas na bayan, maunlad na pamayanan.”

Nagsasagawa ngayon ang naturang tanggapan ng pagbibigay-kaalaman at impormasyon sa mga mag-aaral ng pribado at pampublikong mga paaralan sa lalawigan ganundin sa mga barangay.

Ayon sa mensahe ni Chief Insp. Benito Salcedo, Provincial Fire Marshal ng BFP dito, ang kanilang tanggapan ay nagbibigay ng paalala na maging handa sa anumang sakuna sa loob ng tahanan o labas man at huwag hayaan ang kanilang mga anak na maglaro ng anumang bagay na magdudulot ng sunog.

Ayon pa rin kay Salcedo, kung mayroon mang insidente ng sunog sa kanilang barangay o sa mga tahanan ay maging responsable na tumulong o tumawag sa kanilang tanggapan upang maiwasan at mapigil ang paglaki ng insidente ng sunog.

Katuwang rin ang BFP sa mga isinasagawang aktibidad ang Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng bawat bayan kaugnay sa paggunita ng National Disaster Consciousness Month. (MAL/ROV/PIA5-Camarines Norte)

Masbateno news: Sona nakaka-inspire segun sa magkapira na lideris sa Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 24 (PIA) -- Bagaman pareho san guina laom binagat san protesta san militante na grupo san Bagong Alyansang Makabayan sa ciudad san Masbate ang diskurso sa Kongreso ni Presidente Aquino, sa guihapon nakabaton naman an Sona san positibo na reaksyon hali sa mga lideris san magkapira na sektor.

Sa lado ni Masbate Senior Board Member Kaye Revil, an mensahe ni Presidente Aquino nakapukaw san kaisipan kag huna-huna. Si Revil isad sa mga nagtambong sa Session Hall san Batasang Pambansa na kun-diin naghatag san 88 na beses na palakpak san ihayag na san Presidente an iya Sona.

Pira kaminuto pagkahuman san Sona, nagpaskil si Revil sa Facebook na an mensahe ni Presidente Aquino naka “inspired, moved kag determined” saiya.

Segun naman sa lider san Masbate City Agriculture and Fishery Council na si Adonis dela Cruz, malipay siya kay guin hatagan-duon ni Presidente Aquino an importansya san madagmit kag mas matahom na resulta sa National Irrigation Administration.

Para naman kan Jun Doremon na broadcaster sa dyME, matahom bation an pagsambit san Presidente saiya manual agod maabot an inclusive growth.

Apwera sani, matahom man segun saiya an palaban na tono san Presidente san yugyugon sani an magkapira na ahensya san gobierno kay nagrehistro na talagang bagan pang masa an iya Sona.

Bagaman namundo an broadcaster kay wara mahunambite san Presidente an manungod sa P10 billion pork barrel scam, sa kabilogan nalipay daw siya sa mensahe san Presidente. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

SONA, nakapagbigay ng inspirasyon ayon sa ilang lider sa Masbate

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 24 (PIA) -- Bagama't gaya ng inaasahan ay sinalubong ng kilos protesta ng militanteng grupo ng Bagong Alyansang Makabayan sa lungsod ng Masbate ang talumpati sa Kongreso ni Pangulong Aquino, umani naman ang SONA ng positibong reaksyon mula sa mga lider ng ilang sector.

Para kay Masbate Senior Provincial Board Member Kaye Revil, ang talumpati ng Pangulong Aquino ay nakapukaw sa isip at damdamin. Si Revil ay isa sa mga panauhin sa Session Hall ng Batasang Pambansa na 88 beses na naghandog ng masigabong palakpakan ng bigkasin ng Pangulo ang kanyang Sona.

Ilang minuto pagkatapos ng SONA, nagpaskil si Revil sa Facebook na ang talumpati ni Pangulong Aquino ay nagdulot sa kanya ng pagka “inspired, moved at determined.”

Ayon sa lider ng Masbate City Agriculture and Fishery Council na si Adonis dela Cruz, masaya siya dahil diniinan ng Pangulong Aquino ang kahalagahan ng mabilis at mas mabuting resulta sa National Irrigation Administration.

Para naman sa dyME broadcaster na si Jun Doremon, magandang pakinggan ang pagbanggit ng Pangulo sa kanyang manual upang makamit ang inclusive growth.

Bukod dito, mabuti rin aniya ang palaban na tono ng Pangulo nang kanyang kalampagin ang ilang ahensya ng gobyerno dahil nagmukha anya ang SONA ni PNoy na talagang ginawa para sa masa.

Bagamat ikinalungkot ng broadcaster ang aniya'y hindi pagbanggit ng Punong Ehekutibo sa umano’y P10 billion pork barrel scam, sa pangkalahatan ay nasisiyahan umano siya sa talumpati ng Pangulo. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)

Tuesday, July 23, 2013

Positibong resulta sa Sorsogon ng BPLS inihayag ng DILG at DTI

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 23 (PIA) -- Maganda ang resulta ng Business Permit and Licensing System (BPLS) sa lungsod ng Sorsogon na malaking tulong sa pagsasaayos ng sistema ng byurukrasya sa pamahalaan.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon nitong Hulyo 12, 2013, ipinatutupad na sa 14 na mga munisipalidad, isang lungsod at maging ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang aprubadong Standard Unified Form sa kani-kanilang mga hurisdiksyon. Katumbas nito ay 100 porsyento ng pagpapatupad ng BPLS sa lalawigan ng Sorsogon.

May binuo ding Provincial Task Force na nagsasagawa ng mga paglilibot upang matiyak na naipatutupad ang repormang BPLS.

Sa pinagsamang ulat ng DILG at ng Department of Trade and Industry (DTI) na kapwa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng BPLS, inilatag nito ang mga positibong resulta ng bagong sistema ng pagkuha ng business permit at lisensya ng mga negosyante.

Tampok sa mga resultang ito ang pagkakatatag ng Business One Stop Shop (BOSS) sa bawat Local Government Unit (LGU) at kung dati ay 13 ang dadaanang proseso ng pagkuha ng permit at lisensya ng mga negosyante ay nabawasan na ito ngayon sa limang prosesong dapat daanan. Mula naman sa dating siyam na lalagda o signatories, tatlo hanggang lima na lamang ang kinakailangang lalagda sa pagproseso ng permit at lisensya sa negosyo kung kaya’t mas nagiging mabilis ito at hindi na kailangang maghintay pa ng matagal ang kliyente.

Ayon naman kay DTI Public Information Officer Senen Malaya, mula sa average na 30 araw bago makuha ang permit at lisensya ng mga negosyante ay aabutin na lamang ito ng isang araw kung renewal ang transaksyon at hindi naman lalagpas sa limang araw para sa mga bagong magpapatala o kukuha nito.

Sa Comparative Performance ng unang tatlong LGU sa Sorsogon na nagpatupad ng BPLS mula taong 2010 hanggang 2012, lumalabas na tumaas ang bilang ng mga kumuha ng business permit ng walong porsyento sa lungsod ng Sorsogon, siyam na porsyento sa bayan ng Bulan at 16 porsyento sa bayan ng Pilar.

Sa bahagi naman ng investment mula taong 2010 hanggang 2012, tumaas naman ng 10 porsyento ang lungsod ng Sorsogon, 14 porsyento sa Bulan at 150 porsyento naman sa Pilar.

Ang BPLS Reforms Program na nasa ilalim ng pagsubaybay ng DILG at DTI Regional Office V katuwang ang Local Government Academy (LGA) na pinondohan ng Agencia Espanola de Cooperacion Internacional para el Desarollo (AECID) sa ilalim ng proyektong Strengthening Local Government in the Philippines (SLGP).

Layunin nitong matugunan ang isa sa Millennium Development Goal (MDG) sa pamamagitan ng pagpapalakas o pagpapatatag pa ng fiscal collection efficiency ng mga LGU. Inaasahang sa pamamagitan nito ay mapapataas pa ang mga buwis na nalilikom ng mga lokal na pamahalaan upang mapunuan ang pagsisikap ng pamahalaang nasyunal na maipatupad ang istratehiyang “Byaheng Pinoy: Tapat na Palakad, Bayang Maunlad.” (MAL/BAR/PIA5-Sorsogon)

Mga residente ng Camarines Sur, positibo ang naging pananaw sa SONA ni PNoy

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Hulyo 23 (PIA) -- Positibo ang naging pananaw ng mga taga Camarines Sur matapos na marinig kahapon ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Una nang hinikayat ni Alkalde John G. Bongat sa lungsod na ito ang lahat ng mga empleyado ng City Hall na manood ng SONA at inihayag din nito na siya ay naniniwalang marami pang mga mahihirap ang matutulungan ng mga programang nais na ipatupad ng Pangulo sa natitira pa nitong tatlong taong paninilbihan.

Ayon kay Bongat, isa sa mga pambihirang nagawa ng administrasyon ay ang pagpapatupad ng 4P’s o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung saan maraming pamilya ang natutulungang maiangat ang pamumuhay.

Partikular nitong tinukoy ang mga responsibilidad ng mga magulang na kailangan nilang tuparin upang makuha ang benepisyo na itinalaga ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

"Maliban sa disiplinang tulong nito sa mga magulang, malaki rin ang tulong ng 4Ps upang maging maganda ang kalagayan ng kalusugan ng mga bata, partikular ang nasa edad 0 hanggang 14," dagdag pa ni Bongat.

Ayon naman sa isang komentarista ng radyo dito sa lungsod na si Jo Usabal ng DWKM-FM, tama lamang ang mga iniulat ni Pangulong Aquino sa bayan o ika-4 na SONA nito kahapon.

Sinabi niya na hindi pa tapos ang kanyang termino na anim na taon kung kaya pwede siyang markahan ng 7 kung 1-10 ang rating na pagpipilian.

"Nasa kalagitnaan pa lamang ang kanyang panunungkulan at maraming pa siyang matatapos na trabaho o pangako kung kaya dapat hintayin na lamang na matapos ang termino bago husgahan ng mga kritiko ang mga nagawa ng pangulo", ayom pa kay Usabal.

Marami rin sa mga taga Camarines Sur ang naniniwala na mas naging maunlad ang komersiyo at kalakal sa ekonomiya sa pangkalahatang aspeto nito.

Angat din para sa kanila ang nasimulan ng paglaban ng Pangulo sa katiwalian na ngayon ay nagbubunga na. Ayon naman sa iba, dapat ipagpatuloy ang paglalagay o pagtatanim ng mga mabubuting opisyal na karapat dapat sa posisyon sa pamahalaan upang matupad ang pagnanais na matuldukan ang katiwalian sa pamahalaan. (MAL/LSM/DCA-PIA5 Camarines Sur)

PNP, Army ikinalugod ang balitang hatid ni PNoy sa SONA

By Edna A. Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, Hulyo 23 (PIA) -- Ikinatuwa ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Catandunaes ang balitang hatid ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon, Hulyo, 22.

Ayon kay PNP Catanduanes provincial director Police Senior Superintendent Eduardo Chavez, ang pagbibigay pansin ng pangulo sa kanilang mga benepisyo ay malaking bagay para sa kanila.

Dagdag pa niya, ang papuring ibinigay ni Pangulong Aquino sa kaniyang mga kapwa pulis ay nagpaangat sa moral ng kanilang hanay at patunay lamang na ang mga awtoridad ay maasahan ng mamamayan.

Sa ikaapat na SONA ni Pangulong Aquino, kanyang binigyang pansin ang pension ng mga miyembro ng PNP at Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa pangulo, umaabot sa P61 bilyon ang pensyon ng PNP at AFP ngayong 2013.

Samantala, nagpahayag rin ng pasasalamat ang mga militar sa lalawigan sa pamumuno ni Lt. Col. Bernardo Fortez ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army kay PNoy dahil sa mga repormang ipinapatupad nito para sa mga sundalo.

Ayon kay Lt. Col. Fortez, ang proyektong pabahay ni PNoy para sa mga sundalo ay malaking tulong. Nagpapakita lamang umano ito na hindi pinapabayaan ng pangulo ang mga sundalo na handing magbuwis ng Buhay para sa mga Pilipino.

Ang ikaapat na SONA ni Pangulong Aquino ay tumagal ng isang oras at apatnapu’t dalawang minuto. (MAL/EAB-PIA5 Catanduanes)

Monday, July 22, 2013

7 lokal na pamahalaan tumanggap ng insentibo ng PCF sa Camarines Norte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Hulyo 22 (PIA) -- Tumanggap ng insentibo sa ilalim ng Performance Challenge Fund (PCF) ang pitong lokal na pamahalaan sa lalawigan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang maging karagdagang pondo sa mga proyektong imprastraktura sa kanilang mga nasasakupan.

Ang mga lokal na pamahalan na pumasa sa Seal of Good Housekeeping (SGH) ang tumanggap ng PCF bilang insentibo sa mga proyekto sa ilalim ng kanilang Annual Investment Program (AIP).

Sinabi ni DILG Camarines Norte provincial director Edwin Garcia na ang unang grupo na nabigyan ay ang mga kabilang sa 4th hanggang 5th class na bayan tulad ng San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Talisay at sumunod naman ay 1st hanggang 3rd class na munisipyo gaya ng Basud, Daet, Jose Panganiban at Labo.

Kabilang sa mga proyekto ng unang grupo ay ang slaughterhouse Phase I na nagkakahalaga ng P500,000; rehabilitasyon ng water system na P600,000; at pag aspalto ng 4mx500 farm-to-market road sa mga barangay ng Dagotdotan at Langga na P250,000 sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Pagtatayo ng Asdum Bridge na nagkakahalaga ng P1 milyon; pagsasaayos ng San Vicente Agro-Cultural and Sports Complex (SVACSC) na P800,000; at pagpapaunlad ng municipal nursery na may P200,000 sa bayan San Vicente. Pagtatayo ng birthing facility na nagkakahalaga ng P700,000; rehabilitasyon ng farm-to- market road na P200,000; at konstruksiyon ng processing center at opisina ng bamboo buy products P100,000 sa Talisay.

Samantala, sa mga 1st hanggang 3rd class na bayan ay ang pagtatayo ng waterways na P2 milyon sa Basud; pagtatayo ng rural health unit sa barangay ng Lag-on, Daet na P1 milyon; at pagpapasemento ng farm-to-market road sa Barangay Malasugui sa bayan ng Labo at Barangay Calero-Sta. Milagrosa ng Jose Panganiban na tumanggap ng tig- P1 milyon.

Ang mga proyekto ay pinodohan ng taong 2011 at isinakatuparan noong nakaraang taon at unang mga buwan ngayon taon.

Ang mga proyekto ay nagbibigay ng benepisyo sa mga magsasaka lalong lalo na ang mga nag-aalaga ng mga hayop at mga lokal na residente sa nasabing mga bayan.

Idinagdag pa ni Garcia na ang natitirang lima pang lokal na pamahalaan ay ginawaran rin ng Seal of Good Housekeeping at nakatakda ring tumanggap ng insentibo mula sa PCF ng DILG.

Ito ay bahagi pa rin ng layunin ng pamahalaan sa programa ng “transparency” sa gobyerno kung saan ginagawaran ng Seal of Good Housekeeping ang mga nagpapatupad ng tamang pamamalakad sa mga lokal na pamahalaan sa bansa. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)

Mga Catandunganon, inaabangan ang SONA ni PNoy

By Edna A. Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, Hulyo 22, (PIA) -- Inaabangan na ng mga mamayan sa 11 bayan ng Catanduanes ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ngayong araw, Hulyo 22.

Iba’t ibang sektor sa lalawigan ang inaasahang aantabay at manonood sa ikaapat na SONA ni Pang. Aquino.

Naglagay na din ng mga telebisyon ang pamunuan ng iba’t ibang paaralan sa lalawigan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro at mga mag-aaral na makapanood ng SONA.

Ipinahayag naman ng mga empleyado ng pamahalaan sa lalawigan na inaasahan nilang mababanggit ni PNoy ang tungkol sa Performance-Based Bonus na hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay.

Ayon naman sa isang unemployed registered nurse, umaasa siya na mabibigyang pansin ni Pang. Aquino ang unemployment rate ng mga nurse hindi lamang sa lalawigan pati na rin sa ibang bansa.

Umaasa naman ang karamihan sa mga mamamayan na maging mapayapa at maayos ang SONA ng Pangulo . (EAB/ PIA Catanduanes)

Orientation-Briefing para sa mga empleyado isinasagawa ng SPDRRMO

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 22 (PIA) -- Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang isinasagawa ngayong orientation-briefing para sa mga empleyado ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay SPDRRMO Department Head Engr. Raden Dimaano, ang isang araw na aktibidad ay alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act 10121, Rule 10, Section 3.

Aniya, nakasaad sa nasabing probisyon na dapat na sumailalaim sa mandatory training ang mga manggagawa ng pamahalaan kaugnay ng pagpapaigting pa sa kahandaan at pagtugon ng mga ito sa panahong may kalamidad. Partikular na tinututukan nito ang gender responsiveness, sensitivity to indigenous knowledge system, at pagrespeto sa karapatang pantao.

Dagdag din niya na kung handa ang bawat isa sa komunidad, maiiwasan ang pagbubuwis ng buhay at malalaki pang perwisyo sa mga ari-arian sakaling may dumarating na kalamidad.

Kabilang sa mga paksang pag-uusapan ay ang Hydro Met Hazard na tatalakayin ni Weather Specialist Hernando Pantoja Jr. ng Pagasa-Juban at Geological Hazard lalo na ang mga panganib dala ng lindol at pagputok ng bulkan na tatalakayin naman ni Supervising Science Research Specialist Engr. Eduardo Laguerta ng Phivolcs.

Si Provincial Fire Marshal Chief Inspector Achilles M. Santiago ng Bureau of Fire Protection Sorsogon ang siyang magbibigay ng paliwanag ukol sa mga panganib dala ng sunog.

Matapos ang mga paliwanag ay magkakaroon naman ng open forum kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na makapagtanong upang higit pang maliwanagan ang kanilang mga agam-agam o katanungan kaugnay ng mga paksang tinalakay.

Ang aktibidad ay bahagi din ng obserbasyon ng National Disaster Consciousness Month ngayong taon na may temang “Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan.” (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Kooperatiba ng magsasaka sa Camarines Sur pinuri sa proyektong pautang

DAR Bicol magkakaroon ng 9,000 benepisyaryo sa crop insurance at programang pautang

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 22 (PIA) -- Pinuri ng Center for Agriculture and Rural Development (CARRD) ang Minalabac, Mataoroc, Sagrada, San Jose, Baliuag Viejo (MASSBA) agrarian reform community (ARC) Cooperative sa Camarines Sur sa micro-finance initiatives nito sa paglunsad ng programang pautang sa kanilang pamayanan.

“Ayon sa CARRD, sila ay napahanga sa kapuripuring nagawa ng MASSBA ARC Coop sa kanilang pag-iimpok na nagamit sa pautang sa kapwa nila magsasaka,” sabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol Regional Director Maria Celestina-Tam.

Nakatipon ang MASSBA ARC Cooperative ng halos kalahating milyong pisong deposito galing sa kontribusyon ng mga kasaping magsasaka para sa kanilang proyektong savings generation sa loob lamang ng tatlong buwan nang nagsimula sila noong Abril ngayong taon, ayon kay Tam.

“Ayon sa kanilang talaan, nakabuo sila ng halagang P497,000 at napakinabangan ng kanilang mga kasapi sa pamamagitan ng kanilang programang pautang,” sabi ni Tam.

Ang CARRD ay isang non-government organization na nabuo noong 1987 upang magbigay ng tulong teknikal sa mga pesanteng organisasyon at pormal na nailunsad noong 1989 upang isulong ang repormang pansakahan at pagpapaunlad sa kanayunan.

Ang kapuri puring nagawa ng MASSBA ARC Cooperative ay nagtutulak ngayon sa DAR para ganap na pagpapatupad ng Agricultural Insurance Program (AIP) at ng Agrarian Production Credit Program (APCP) upang mabawasan ang kalugian sa agrikultura dala ng mga kalamidad at peste.

“Inaasahan naming magkaroon ng 9,000 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na makakakuha ng crop insurance at nagsasagawa na kami ngayon ng pagpupulong sa kanila kung paano sila makakakuha ng insurance pati na rin ang pautang,” sabi ni Tam.

Nagsasagawa ngayon ang DAR-Bicol ng pagsasanay sa underwriting sa mga ARBOs bilang bahagi ng paghahanda upang makasali sa AIP. Ang agarang pagkumpleto ng mga requirements ay kinakailangan upang masimulan na ang insurance program upang makasabay sa darating na panahon ng pagtanim, ayon kay Tam.

Ang pamahalaang pambansa ay naglaan ng P1 bilyon para sa AIP na ipatutupad ng DAR kasama ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at P1 bilyon din sa APCP na sama-samang pinapatupad ng DAR, Department of Agriculture (DA) at ng Landbank of the Philippines, sabi ng DAR-Bicol sa Philippine Information Agency.

Ang AIP ay isang tulong sa pamamagitan ng insurance na puwedeng gamitin para iseguro ang bigas, mais, high-value crops kasama na ang mga alagang hayop ng ARBs, ayon sa DAR-Bicol. Ang APCP naman ay nagbibigay ng pautang sa mga ARB o kapamilya ng ARB sa pamamagitan ng mga organisasyon o ibang conduit sa pagsuporta ng pagsasaka ng isang magsasaka o ng pamayanan.

“Sinisiguro ng APCP ang sustenableng produksiyon ng tanim at itaas ang kita ng ARBs at kanyang pamilya upang palakasin ang ARBOs at paunlarin ang kakayahan ng mga ARBs sa pamamagitan ng institutional capability building,” sabi ni Tam.

Maliban sa pautang upang magkaroon ng kapital ang produksyon ng tanim, ang APCP ay nagbibigay din ng kasunduan para sa produksiyong agrikultural, suporta sa pamamahalang pinansiyal at institutional capability building para sa ARBOs, sabi ng DAR-Bicol sa PIA. Inihahanda rin ng programa ang mga ARBO upang maging credit conduits at binibigyan prayoridad ang mga probinsiya na may mataas na talaan ng land acquisition and distribution (LAD), ayon sa DAR-Bicol.

Ayon sa DAR-Bicol, 57 porsyento lamang ng mga magsasaka ang may kakayahan na makautang sa mga institusyong nagpapautang habang isa sa tatlong ARB sa ARC ay nangangailangan ng pautang. Karadagan pa, ang mga bagong organisasyon ng ARB ay posibleng hindi pa kwalipikado sa ilalim ng credit assistance program-program beneficiaries development (CAP-PBD) ng DAR at LBP regular lending program at ang iba pang organisasyon ng ARB ay nangangailangan pa na palakasin ang kanilang organisasyon upang maging karapatdapat nang umutang. Ang mga sitwasyong ito ang nagtulak para ilunsad ang APCP sa pamamagitan ng pag-iisa ng resources at expertise ng DA, DAR at Landbank upang matulungan ang mga ARB na makakuha ng makakayanang pautang, tulong pangkaunlaran at tulong sa marketing. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

Masbateño news: Lampas 70 na kapulisan sa Masbate, ipapaidalom sa criminal investigation course

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 22 (PIA) -- Bilang parte san competency goal san Philippine National Police, 73 na sinakupan sani sa probinsya san Masbate an pumaidalom sa katukduan na guinalaom na magapahitaas sa inda kapasidad maylabot sa pag-imbestigar sa krimen.

San nakaligad na adlaw pormal na guintunaan an criminal investigation course (CICT) kag maabot ini san kwarenta y singko dias.

Segun kan PNP Deputy Provincial Director Jeffrey Fernandez, an CIS kaparte san Integrated Transformation Program (ITP) san PNP.

Guin pa-intiendi ni Fernandez na an ITP isad na pangmadugayon na programa na nagamaw-ot na ihitaas an kapasidad sa serbisyo san PNP bilang masasarigan na law enforcement arm san gobierno.

Inako san magkapira na beterano na pulis na sa pagkita san kadamuan san nakaligad na dekada, an PNP isad na disorganisado, korap, kag dili epektibo na organisasyon sa pagpatuman san balaod.

Segun kan Fernandez, padayon na babag-ohon san ITP an imahe san PNP paagi sa repormang pan-institusyon, pagpakaayo sa inda kakayahan, pagpauswag sa imprastraktura kag pagpatibay sa relasyon sa komunidad na inda guina serbihan.

Segun pa sa opisyal sa sugad sani na paagi maibabalik an bilog na kompiyansa kag pagtahod sa pumuluyo sa pulisya. (MAL/RAL-PIA5)

Masbateño news: 501 bag-o na pulis, kinahanglan para sa unom na probinsya sa Bikolandia

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 22 (PIA) -- Eksakto 501 na bag-o na pulis an kinahanglan yana na tuig san Philippine National Police sa Bikolandia agod mapakaayo an police-to-population ratio sa unom na probinsya sa rehiyon.

Segun kan Senior Inspector Ace Christian R. Mendoza, an hepe san Police Community Branch sa Masbate Police Provincial Office, guin pahalawig pa san PNP an pagbaton san aplikasyon hasta kahapon agod mas damo na aplikante an magporbar na sumulod sa police service.

An 501 na pumasar sa tanan na eksaminasyon kag trainings tatagaan san ranggong police officer 1.

Segun naman sa provincial director san kapulisan sa Masbate na si Senior Supt. Heriberto Olitoquit, magiging matahom an visibility kag pagtalinguha na balabagan an krimen pinaagi sa paghataas san police-to-population ratio.

Komporme sani an mga miyembro san peace and order council na nagpahayag san inda pagtuod na an pwersa san kapulisan maga prebentar sa kriminalidad. (MAL/RAL-PIA5)

Orientation-Briefing para sa mga empleyado isinasagawa ng SPDRRMO

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 22 (PIA) -- Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang isinasagawa ngayong orientation-briefing para sa mga empleyado ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay SPDRRMO Department Head Engr. Raden Dimaano, ang isang araw na aktibidad ay alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act 10121, Rule 10, Section 3.

Aniya, nakasaad sa nasabing probisyon na dapat na sumailalaim sa mandatory training ang mga manggagawa ng pamahalaan kaugnay ng pagpapaigting pa sa kahandaan at pagtugon ng mga ito sa panahong may kalamidad. Partikular na tinututukan nito ang gender responsiveness, sensitivity to indigenous knowledge system, at pagrespeto sa karapatang pantao.

Dagdag din niya na kung handa ang bawat isa sa komunidad, maiiwasan ang pagbubuwis ng buhay at malalaki pang perwisyo sa mga ari-arian sakaling may dumarating na kalamidad.

Kabilang sa mga paksang pag-uusapan ay ang Hydro Met Hazard na tatalakayin ni Weather Specialist Hernando Pantoja Jr. ng Pagasa-Juban at Geological Hazard lalo na ang mga panganib dala ng lindol at pagputok ng bulkan na tatalakayin naman ni Supervising Science Research Specialist Engr. Eduardo Laguerta ng Phivolcs.

Si Provincial Fire Marshal Chief Inspector Achilles M. Santiago ng Bureau of Fire Protection Sorsogon ang siyang magbibigay ng paliwanag ukol sa mga panganib dala ng sunog.

Matapos ang mga paliwanag ay magkakaroon naman ng open forum kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na makapagtanong upang higit pang maliwanagan ang kanilang mga agam-agam o katanungan kaugnay ng mga paksang tinalakay.

Ang aktibidad ay bahagi din ng obserbasyon ng National Disaster Consciousness Month ngayong taon na may temang “Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan.” (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Mga Catandunganon, inaabangan ang SONA ni PNoy

By Edna A. Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, Hulyo 22, (PIA) -- Inaabangan na ng mga mamayan sa 11 bayan ng Catanduanes ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ngayong araw, Hulyo 22.

Iba’t ibang sektor sa lalawigan ang inaasahang aantabay at manonood sa ikaapat na SONA ni Pang. Aquino.

Naglagay na din ng mga telebisyon ang pamunuan ng iba’t ibang paaralan sa lalawigan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro at mga mag-aaral na makapanood ng SONA.

Ipinahayag naman ng mga empleyado ng pamahalaan sa lalawigan na inaasahan nilang mababanggit ni PNoy ang tungkol sa Performance-Based Bonus na hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay.

Ayon naman sa isang unemployed registered nurse, umaasa siya na mabibigyang pansin ni Pang. Aquino ang unemployment rate ng mga nurse hindi lamang sa lalawigan pati na rin sa ibang bansa.

Umaasa naman ang karamihan sa mga mamamayan na maging mapayapa at maayos ang SONA ng Pangulo . (EAB/ PIA Catanduanes) 

Friday, July 19, 2013

Higanteng pawikan nangitlog sa dalampasigan ng Legazpi

 By Sally A. Atento

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hulyo 19 (PIA) -- Isang leatherback sea turtle o higanteng pawikan na may tinatayang haba na dalawang metro ang nagluwal ng aabot sa 100 itlog sa baybayin na malapit sa tanggapan ng Naval Forces Southern Luzon (Navforsol) sa baranggay Rawis sa lungsod na ito nitong Hulyo 15. 

Bandang 8:00 ng gabi ng matagpuan ang leatherback turtle na ito
sa dalampasigan ng baranggay Rawis sa lungsod ng Legazpi

Ayon sa pahayag ni Navy Ensign Mon Duruin, public information officer ng Navforsol dito, ang pawikan ay nakita at ipinagbigay alam sa kanilang tanggapan ng isang residente at ito ay nangingitlog sa buhangin nang bandang ikawalo ng gabi. 

Agad na rumesponde ang kanilang tauhan upang malaman kung ito ay may natamong sugat o pinsala. 

Matapos mangitlog at masigurong ligtas sa anumang pinsala, pinagtulungan ng mga tauhan ng Navforsol, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga residente na maibalik at mapalaya ang nasabing pawikan sa karagatan. 

Nagtulong-tulong ang mga residente at tauhan ng DENR at Navforsol
 na maibalik at mapalaya sa karagatan ang pawikan na ito matapos mangitlog sa baybayin
Dagdag pa ni Duruin, kanilang sisiguruhin na ang mga naiwan nitong itlog ay ligtas hanggang sa mapisa. 

Ang leatherback sea turtle (Dermochelys coriacea) ang pinakamalaking uri ng pawikan. Madali itong matukoy dahil kakaunti lamang ang shell sa likuran nito ngunit ang carapace o matigas na balat sa likod nito ay nababalot ng balat at mamantikang laman. 

Ang mga itlog na ito ay iilan lamang sa
 tinatayang 100 itlog ng nabanggit na pawikan 
Ang malalaking ‘flippers’ nito na siyang ginagamit upang makagalaw sa dagat at buhangin ay kulay itim na may halong kayumanggi sa parteng itaas at dilaw sa bandang ibaba. 

Ang mga pawikan ay tinatawag ding green turtle sa Ingles dahil sa kulay berdeng taba sa katawan nito bunga ng halaman na kinakain nito. 

Naghuhukay ito sa buhangin kapag mangingitlog na at saka tinatabunan ang mga itlog. Ang mga itlog ay kusang napipisa at ang maliliit na pawikan ay isa-isang naglalakbay papunta sa dagat. 

Umaabot ng mahigit 100 ang itlog ng pawikan ngunit hindi lahat ay nabubuhay at umaabot sa gulang na sila ay mangingitlog na rin 

Bagama’t ang pawikan ay kadalasang nangingitlog kung saan sila ipinanganak, ang uring ito ay maaaring pumili rin ng ibang dalampasigan sa parehong lugar na kanilang pangingitlogan. (MAL/SAA-PIA5 Albay)

Mga benepisyaryo ng agrarian reform tumanggap ng makinaryang pangsakahan sa Cam Norte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Hulyo 19 (PIA) -- Tumanggap ng makinaryang pangsakahan ang Sta. Elena Farmers Multi-Purpose Cooperative (SEFMPC) at Basud Coconut and Pineapple Cooperative (Bacopico) kamakailan mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ito ay sa ilalim ng proyektong Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (Arccess) ng pamahalaan.

Ang SEFMPC at Bacopico ay mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) na natukoy ng DAR-Camarines Norte upang maging benepisyaryo ng nasabing proyektong pang-agraryo sa lalawigan ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer (PARO) Leonito Gaveria.

Ang Arccess ay naglalayong bawasan ang kahirapan ng mga ARBOs sa pamamagitan ng pagtaas ng kita gamit ang mga pasilidad at mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo na kailangan upang mapalakad nila ng maayos ang kanilang hanapbuhay.

Sinabi niya na ang SEFMPC ay benepisyaryo ng Enhanced Rice Production through Farm Mechanization sa ilalim ng Arccess.

Ang SEFMPC ay binigyan ng isang combine harvester thresher na nagkakahalaga ng P1.2 milyon; pitong Kuliglig Hand Tractor na nagkakahalaga ng P933,100; mechanical transplanter na may seed conveyor at 4,000 tray na may kabuuang halaga na P816,000.

Ang nasabing mga kagamitan ng pagsasaka ay ipinamahagi sa isinagawang turn-over ceremonies ng Arccess at paglulunsad ng SEFMPC Micro-Finance Program noong ika-26 ng Marso.

Ang Bacopico sa Barangay Laniton sa Basud, Camarines Norte na benepisyaryo ng Coco-Coir Production and Marketing Project ng ARCCESS ay nabigyan ng isang fiber dryer na may halagang P1.68 milyon.

Samantala, ang isa pang benepisyaryo ng programa ay ang Caayunan Multi-Purpose Cooperative para sa Enhanced Pineapple Production and Processing sa ilalim ng Arccess kung saan nakatakda rin silang tumanggap ng isang 4WD Tractor at apat na upland tractor.

Ang programa ay bahagi pa rin pambansang layunin ng pamahalaan na maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa kanayunan. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)

Wednesday, July 17, 2013

Sorsogon, pumasa sa unang yugto ng pagtatasa ng 'Seal of Disaster Preparedness' ng DILG

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 17 (PIA) -- Isa ang lalawigan ng Sorsogon sa mga nasa listahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nakapasa sa 1st level assessment para sa “Seal of Disaster Preparedness.”

Ito ang inihayag ni Sorsogon public information officer Von Andre Labalan base sa inilathala ng Regional Development Council sa Bicol Development Updates Volume III Number 2 nitong Hunyo 2013.

Aniya, layunin ng pagbibigay ng DILG ng Seal of Disaster Preparedness sa mga lokal na pamahalaan ay upang mas mahikayat ang mga ito na bigyang prayoridad ang kahandaan at pagtugon sa panahong ng kalamidad.

Tinututukan ngayon ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibigay ng kaukulang insentibo para sa mga lokal na yunit ng pamahalaan na may magagandang programa at pagpapatupad ng Disaster Preparedness.

Ayon kay Engr. Raden Dimaano ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO), nagawa ng kanilang tanggapan ang lahat ng kondisyon na itinalaga bilang istandard na kumukumpirma na sila ay karapat dapat pumasa sa first level assessment ng Seal of Disaster Preparedness ng DILG-Sorsogon kung kaya’t nakapasa sila para sa 2nd level assessment.

Ayon naman sa ulat ng DILG, matapos na pumasa ang LGU-Sorsogon sa first level assessment, kukumpirmahin ito ng DILG Central Office at ito rin ang pipili ng lokal na pamahalaan na makakasama sa huling listahan ng mga makakapasa.

Ang lokal na pamahalaan na papasa sa level II assessment ang gagawaran ng Seal of Disaster Preparedness at makakatanggap din ito ng disaster management fund o insentibo.

Ang lalawigan ng Sorsogon ang isa sa ilang mga lalawigan sa bansa na nakonsiderang multiple-hazard area o lugar na may mataas na exposure sa iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, tsunami, pagsabog ng bulkan, pag-agos ng lahar, pagguho ng lupa at iba pa.

Noong Hunyo 2012, isa ang lalawigan ng Sorsogon sa 79 na lokal na pamahalaan na nagawaran ng Seal of Good Housekeeping (Bronze Level) ng DILG. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)


BFP, may kasanayan din sa pagsalba sa buhay at ari-arian

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 17 (PIA) -- Ipinaliwanag ng BFP central fire station dito sa pamumuno ni S/Insp Walter B. Marcial na may kaukulan silang kasanayan sa larangan ng pagsasalba ng buhay o pagrerescue sa panahong may sakuna at aksidente.

Bukod sa ordinaryong kaalaman ng publiko na pag-aapula lamang ng apoy ang ginagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP),

Aniya, sinanay din sila sa pag-bibigay ng pangunang lunas sa mga may bali sa alinmang bahagi ng katawan at nakahanda umano silang rumesponde sakaling may pangangailangan kabilang na kung may mga aksidente sa kalsada.

Aminado man ang opisyal na may kakulangan sila pagdating sa ilang kagamitang pang-rescue lalo na kung may baha, tiniyak naman nito na lahat ng mga tauhan ng BFP ay may kaalaman at kasanayan pagdating sa pagliligtas ng buhay at ari-arian.

Bukas din si SInsp Marcial sa ideyang iturn-over sa kanila ang ambulansya ng Local Government Unit (LGU) sa mga araw na walang pasok o holiday at bigyan ng karapatang gamitin ito sa panahong may emerhensya o sakaling kailanganin ito.

Samantala, muling nanawagan ito sa publiko na mag-ingat lalo na sa sunog sapagkat wala itong pinipiling panahon kahit pa tag-ulan na ngayon.

Sa tala ng BFP Sorsogon City, dalawang insidente ng sunog ang nairehistro nila noong 2012 habang umabot naman sa lima ang naitala nilang sunog mula Enero hanggang kalagitnaan ng Hunyo ngayong 2013.

Maliban sa pinakahuling sunog na naitala ngayong Hunyo, maliliit lamang aniya ang iba pang insidente ng sunog na naitala sa lungsod at minimal lamang ang naging danyos na dala nito, subalit hindi pa rin ito dapat na ipagsawalang-bahala sapagkat sunog pa rin ang kategorya nito at mahirap nang maibalik ang anumang nawala dahilan sa ganitong uri ng kalamidad. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)

Masbateno news: Upat na lantsa, narekupo sa kasong illegal na pagpangisda

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hulyo 17 (PIA) -- Upat na lantsa na pangisdaan an narekupo san pulisya san nadakop sinda mientras naga pangisda sa bawal na paagi sa kadagatan san Masbate.

Sa opisyal na report, sinabi san pulisya na naga patrolya an grupo san pulis kag Bantay Dagat san Domingo kag Sabado sa dagat na sakop san munisipyo san Balud kag Mandaon san mabagat ninda an mga lantsa na may marka na F/B RONAMAE, F/B GULKER, F/B JACOB kag F/B VINCE MARLOU na nagapangisda sa illegal na paagi.

Trawling an pamaagi san F/B Jacob kag Vince Marlou mientras compressor naman an sa Ronamae kag Guilker. Mabug-at an penalidad sa balaod kontra sa mga nagagamit san compressor kag fine mesh net sa pagpangisda.

Kasong criminal maylabot sa bayolasyon san fishery law san nasod an guin plantar san pulisya kontra sa mga tag-iya kag tripulante san upat na pangisdaan na lantsa.

Mientras tanto, incierto san pulisya na magapabilin na impounded an mga lantsa kag kagamitan mientras guina bista an mga kaso sa husgado.

An mahigpit sa paga bantay sa kadagatan san Masbate kaparte san pagprotiher sa guina kuhaan san ikabubuhay san tagdiotay na para pangisda sa Masbate. (RALazaro) 

Monday, July 15, 2013

Bagong upong alkalde tutok agad sa mga prayoridad at programa ng lungsod

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 15 (PIA) -- Pangalawang linggo pa lamang ng Hulyo ay agad na nagpakita ng katapatan si Alkalde Sally Lee sa mga pangakong binitawan sa mamamayan ng Sorsogon.

Matapos palitan ng bagong hepe ng pulisya kamakailan ay nagbigay ng mensahe si Lee sa harapan ni Oliquiano at pulisya na nais na niyang matuldukan at tuluyang masugpo ang mga ilegal na aktibidad dito sa lungsod ng Sorsogon.

Hinamon ni Lee ang buong puwersa ng pulisya na maging mapagmatyag at panatilihin ang propesyonalismo sa kanilang mga tungkulin bilang tagabantay ng kaayusan at tagapagpanatili ng kaligtasan ng sambayan.

Inatasan din ni Lee ang mga ito na isulong ang kampanyang ito at huwag papayagang maghari ang masamang bisyo sa lungsod. Hiniling rin niya na mapanatili ang mababang insidente ng kriminalidad na may kaugnayan sa ilegal na aktibidad.

Sinabi pa ng mayora na nakahanda ito na ibigay ang lahat ng suportang kakailanganin ng PNP upang makamit ang isinusulong na paninindigan ng kanyang administrasyon.

Ipinaalam din ni Lee sa publiko na ang kanyang Character First Program ay isa sa mga susi upang maibalik ang tiwala ng mga residenteng Sorsoganon at naniniwala siyang malaki ang gagampanang tungkulin dito ng pulisya.

Dagdag pa niya, makakaasa ang mamamayang Sorsoganon na makakamit ang serbisyo publikong 24 oras sa loob ng 7 araw na hinahangad ng bawat isa. (MAL/FBT-PIA5 Sorsogon)

Masbateno news: EU, Unicef suportado an programa san Masbate para sa 21,000 na pulahay na kulang sa pagkaon

By Ernesto A. Delgado

SIYUDAD SAN MASBATE, Hulyo 15 (PIA)—Suportado san European Nations kag United Nations Children’s Fund an programa sa nutrisyon sa Masbate para umubos an malnutrition rate sa probinsya na sa presente nakaapekto sa sobra sa 21,000 na preschoolers sani.

Sa iya State of the Province Address, ibinalita ni Gobernador Rizalina “Dayan” Seachon-Lanete na paagi san Maternal and Young Child Nutrition Security Initiative in Asia, ginasuportaran san EU kag Unicef an programa sa nutrisyon san 10 sa 21 munisipyo san Masbate na may pinakadamo na bata na nasa edad lima katuig paubos na nagadanas sin undernutrition.

An 10 na munisipyo na 14,691 an bilog na bilang san undernourished na preschoolers amo an Dimasalang, Aroroy, Cataingan, Placer, San Pascual, Cawayan, Claveria, San Fernando, Masbate City kag Balud.

Dinuunan san gobernadora na umubos an malnutrition rate sa probinsya sa una na tres anyos san iya administrasyon kag kun may bastante daw na paghiwag, segun saiya maaabot san Masbate an husto na antas.

Sa lado san gobyerno nasyonal, ginaatubang sani an severity san malnutrition epekto san gutom sa paagi san hinimo san National Nutrition Council na Philippine Plan of Action for Nutrition 2011-2016 o PPAN.

Basi sa PPAN, an entero nasyon an dapat maghiwag para masolbar and problema sa gutom kag malnutrisyon. (EAD-PIA5/Masbate) 

NYC, nanawagan sa mga kabataan na magparehistro sa darating na SK Election

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 15 (PIA) -- Nanawagan kamakailan si Nydia Delfin, coordinator ng National Youth Commission Coordinator sa Bicol, sa mga kabataan na lumabas, makilahok at magparehistro sa darating na Hulyo 22-31, 2013 bilang mga bagong botante sa papalapit na Sangguniang Kabataan Election.

Ang mga kabataan na kabilang sa rehistrasyon ay edad 15 hanggang 17 taong gulang at nanirahan sa loob ng anim na buwan sa kanilang barangay.

Kinakailangan lamang aniya na magdala ng isa sa nabanggit na resikitos tulad ng birth certificate, baptismal at school record sa Comelec upang mabilis na maiproseso ang kanilang rehistrasyon.

Idaraos ang SK at Barangay Election sa darating na Oktubre 28, 2013 mula 7:00 ng umaga at magtatapos ng 3:00ng hapon alinsunod sa Republic Act 9164 na umaamyenda ng nasambit na probisyon ng Local Govt Code of 1991.

Samantala, itinakda naman ang pagsusumite ng certificate of candidacy ng mga aspiring na kapitan at SK sa Oktubre 15-17, 2013 pagkatapos ay opisyal na bubuksan ang araw ng kampanya sa ika-18 hanggang 26 ng Oktubre ngayong taon.

Sinabi ni Coordinator Delfin ngayon na ang oras at panahon para sa mga kabataan na pumili ng mga karapatdapat at matalinong lider sa kanilang lugar na siyang magpapabot ng kanilang boses para sa higit pang produktibong kabataan sa matuwid na daan.

Samantala ayon sa Comelec, kabilang sa mga ipinagbabawal sa panahon ng eleksyon ay ang pag-iisyu ng appointments, promosyon, paglikha ng ng mga bagong posisyon at pagbibigay ng mataas na pasahod sa pampublikong mga tanggapan, pagpapalabas ng mga bilanggo, paglikom ng pera sa pamamagitan ng pasayaw, pasugalan, sabong at iba pa.

Dagdag pa rito ang mahigpit na pagbabawal sa pagbitbit ng anumang nakakamatay na armas tulad ng baril at patalim, pag-organisa o pagmamantini ng mga grupo, paglilipat at pagrere assign ng mga kawani at mga empleyado o mga guro, pagsususpinde ng mga halal na opisyal at paggamit ng mga security personnel bilang mga alalay ng kandidato. (MAL/FBT-PIA5 Sorsogon)

Pamahalaan, nakaalerto sa pagtaas ng kaso ng dengue at hinalang 'chikungunya' sa CamNorte

By Rosalita B. Manlangit

DAET, Camarines Norte, Hulyo 15 (PIA) -- Nakaalerto ang mga lokal na pamahalaan sa Camarines Norte kaugnay ng pagtaas na kaso ng dengue sa lalawigan at ang pinaghihinalaang “chikungunya” sa bayan ng Sta. Elena.

Ayon kay Mary Ann Rivera, Health Education Program officer ng Department of Health (DOH), nagpalabas na sila ng Department Order Memo sa mga lokal na pamahalaan upang paigtingin ang 4 o’clock habit bilang stratehiya upang malabanan ang pag-atake muli ng mga lamok na nagdadala dengue sa ibat-ibang bayan ng lalawigan.

Sinabi niya na simula Enero hanggang Hulyo ngayon taon nakapagtala ng 37 kaso ng dengue kumpara sa 14 sa kaparehong mga buwan ng nakaraang taon.

Aniya mataas na kaso ng dengue na umabot sa 24 ang naitala sa buwan ng Hunyo ngayong taon at walang pang kasong naitatala sa buwan ng Hulyo.

Kabilang sa mga apektadong lugar ng dengue at kasama sa 37 kaso sa kalahatiang taon ng 2013 ay ang bayan ng Daet at Labo na may parehong siyam na kaso, pito sa Jose Panganiban, kapwa tig-tatlong kaso naman sa bayan ng Paracale at San Lorenzo Ruiz, tig-dalawa Mercedes at Basud samantalang tig-isang kaso naman sa Talisay at Vinzons. Isang batang babae na may pitong taong gulang ang namatay dahil sa dengue sa bayan ng Labo.

Kabilang pa rin sa mga pagkilos ng DOH ay ang technical assistance sa mga lokal na pamahalaan lalong lalo na sa mga lugar na apektado nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta o “logistic support”.

Ganon din ang pagbabantay o monitoring sa mga lugar na may kaso ng dengue kung saan nagkaroon ng “clustering” na kanila na ring binibigyan ng pansin.

Dagdag pa ni Rivera ang mga doktor sa mga Rural Health Units (RHUs) sa mga bayan ay may sapat na kaalaman upang matugunan ang ganitong mga kaso dahilan sa karagdagang kasanayan mula sa Center for Health Development (CHD) ng DOH.

Samantala may 323 katao ang pinaghihinalaang may “chikungunya” ang naitala, 213 nito ay naitala noong ika-4 ng Hulyo at 110 noong ika-9 ng Hulyo sa bayan ng Sta. Elena ayon kay Mayor Bernardina Borja.

Aniya ito ay hinihinalang “chikungunya” dahil sa mga sintomas na pinapakita nito at hindi pa ito kumpirmado.

Sinabi ni Mayor Borja ang chikungunya virus ay hindi nakakamatay at nagsasagawa na rin sila ng kampanya ng paglilinis ng kapaligiran upang makaiwas sa lamok na nagdadala nito at maging ng dengue.

Aniya ang mga may hinihinalang “chikungunya” ay pinainom ng paracetamol at multi-vitamins.

Ang chikungunya virus ay “arthropod-borne virus” ng “genus alphavirus” na naisasalin sa pamamagitan ng lamok na “aedes aegypti.”

Ito ay isa ring viral disease ay nakakahawig sa dengue tulad ng mataas na lagnat, rushes, masakit na kasu-kasuan, pananakit ng ulo, pagsusuka at panghihina. (MAL/RBM-PIA5 Camarines Norte)

Friday, July 12, 2013

BFP Sorsogon, magsasanay sa mga paaralan, tanggapan at iba pang establisimyento ngayong buwan ng NDCM

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 12 (PIA) -- Nakatakdang magsasanay ang mga miyembro ng BFP Central Fire Station sa mga paaralan, tanggapan at iba pang establisimyento dito sa lungsod ngayong araw kaugnay ng National Disaster Consciousness Month (NDCM).

Taon-taon ay regular nang ipinagdiriwang sa buong bansa ang NDCM bilang preparasyon sakaling magkaroon man ng hindi inaasahang sakuna tulad ng paglindol, sunog at mga kalamidad.

Isa sa layunin ng NDCM ay pukawin ang kamalayan ng mamamayan upang higit pang pag-ibayuhin ang pag-iingat lalo pa at madalas dalawin ng kalamidad ang probinsya tulad ng bagyo.

Samantala, pangungunahan naman ni BFP Sorsogon City Sr. Insp. Walter Marcial ang unang bugso ng aktibidad dito sa lungsod.

Isa sa mga aktibidad na ito ay ang isasagawang Fire at Earthquake Drill ng mga tauhan ng Sorsogon City Fire Marshal sa VIP Learning Center kalahok ang mga mag-aaral, mga guro at mga opisyal ng paaralan.

Sa Hulyo 17, ay muli itong magsasagawa ng Fire Prevention Seminar (FPS) at Basic First Aid Training (BFAT) sa paaralan ng Aemilianum Institute (AI) at pangungunahan ito ng operations personnel ng Emergency Medical Service (EMS).

Bibisatahin din ng BFP EMS - Operations Personnel ang City Hall upang magsagawa rin doon ng Fire Prevention Seminar at Basic First Aid Training sa mga empleyado.

Sa Hulyo 19, muling babalik ang team sa AI upang magsagawa naman ng Fire at Earthquake Drill, magbibigay din ng lectures sa mga partisipante ng City Hall hinggil sa tamang pangangalaga ng mga masasaktan, ipapakita rin sa senaryo kung paano ang pagbuhat ng mga masasaktan, pagbenda ng nabalian at nasugatan.

Sinabi pa ni Marcial na maaring mabawasan ang malaking danyos sa buhay kapag maagap ang mga tao at mabilis magresponde sa hindi inaasahang kalamidad sa lugar. (MAL/FBT-PIA5 Sorsogon)

Thursday, July 11, 2013

POPCOM Bicol pinahalagahan ang papel ng media sa pagtugon sa pagbuntis ng kabataang babae

By Joseph John J. Perez

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 11 (PIA) -- Kinilala ng Population Commission (Popcom) ang ang malaking papel ng media at hinikayat nito ang sekto para matugunan ang malaking hamon sa dumaraming kaso ng pagbubuntis ng mga kabataang babae.

Inihayag ni Popcom Bicol regional director Magdalena Abellera na mahalaga ang papel ng media bilang pinaka-epektibong paraan ng pakikipagtalastasan upang magbigay impormasyon at makipag-ugnayan lalo na sa kabataan na kalimitang nagtatangkilik dito.

“Ang kabataan ang pangunang tagapagtangkilik ng telebisyon, internet at media kung saan ang mga isyu sa relasyon, pakikipagtalik, pag-asawa at pamilya ay isinasahimpapawid at tinatalakay,” ayon kay Abellera sa isang talakayan sa media na ginanap sa Albay ng nakaraang linggo.

Ang media ay angkop na paraan kung saan ang pagsulong ng adbokasiya laban sa pakikipagtalik ng maaga at ang pagbubuntis ng mga batang babae ay matatalakay, ayon kay Abellera.

Ang pakikipag-ugnayan sa lokal na media ay naisagawa habang naobserbahan ng Popcom Bicol na pabata nang pabata ang mga ina sa Bikol.

Iniulat ng Popcom Bicol na nanganak kamakailan ang isang 12 anyos na ina sa Albay sa isang hindi pinangalanan na ospital ng pamahalaan na nagkokompirma sa kanilang estadistika na patuloy na tumataas ang pagbubuntis ng mga kabataang babae sa rehiyon na naitala sa 26 porsyento noong 2008 kumpara sa datos noong 1993 na mayroong 5.5 porsyento lamang.

“Kailangang bigyan na ng tugon ngayon ang pagbubuntis ng mga batang babae kung nais nating buuin ang maginhawang kinabukasan,” sabi ni Abellera. Anumang pangyayari sa populasyon ay may mahalagang epekto sa pamahalaan," dagdag pa ni Abellera.

“Mabilis ang pagdami ng bilang ng kabataang nabubuntis sa rehiyon mula noong 1998 na nagkaroon ng 9.8 porsyento na tumaas sa 21.8 porsyento noong 2003 at umabot sa 26 porsyento noong 2008,” ayon sa direktor.

Kung magpapatuloy ang nasabing kaganapan, ang pagbubuntis ng mga batang babae sa Bicol ay posibleng lumampas pa sa 30 porsyento ngayong taon, ayon sa Popcom Bicol.

“Nagunguna ngayon ang Pilipinas sa mga bansa sa timog silangang Asya sa bilang ng kabataang nabubuntis,” sabi ni Abellera sa isang panayam sa radyo.

"Ang adolescent fertility na porsyento ng mga kabataan na nabuntis sa Pilipinas na may gulang 20 hanggang 24 ay nanatiling mataas kahit na bumaba ito ng konti sa 46.8 porsyento noong 2008 kumpara sa 48.5 noong 2003," sabi nito.

“Ngunit higit na nakakabahala ang adolescent fertility sa edad 18 na tumaas sa 14.4 porsyento noong 2008 kumpara sa 11.9 porsyento noong 2003 at mga may edad 19 na nagtala ng 24.1 porsyento noong 2008 mula sa 23.5 noong 2008,” ayon pa dito.

Samantala, ang total fertility rate (TFR) na bilang ng panganganak ng isang babae na maaring magkaroon siya ay bumaba ng konti sa rehiyon Bikol sa 4.1 noong 2008 galing 4.3 noong 2003. “Noong 1993, ang TFR ay nasa 5.9 at bumaba sa 5.4 noong 1998,” dagdag ni Bolaños.

“Ang pagbubuntis ng kabataang babae ay magdudulot ng pagbagsak ng potensyal ng isang tao na magkaroon ng magandang kinabukasan ayon sa naabot na antas ng pinag-aralan, trabaho, sahod at marami pang iba,” sabi ni Bolaños.

Ang sitwasyon ay pinapalala pa ng katotohanang hindi pa handa ang kabataan sa aspetong pisikal at emosyonal para sa pagdadalangtao at hamon ng pagiging magulang," sabi pa nito.

“Palaging mayroong panganib ng kamatayan sa ina at sanggol at malaking tsansa ng pagiging iresponsableng magulang sa pagbubuntis ng kabataan,” sabi ni Abellera.

Idadaos ng POPCOM Bicol ang World Population Day sa Hulyo 11 na may paksang-gawaing “Magsikap para sa masaganang kinabukasan, Tugunan ang Pagdadalangtao ng Kabataan Ngayon,” sabi ni Abellera. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

Pagpaparami ng sea cucumber, isinusulong sa Camarines Norte

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hulyo 11 (PIA) -- Isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang pagpaparami ng sea cucumber o “Balatan” upang mapanumbalik ang malaking populasyon nito sa Camarines Norte.

Partikular na ang sandfish species na matatagpuan sa mababaw na katubigan at sa walang kontrol na pagkuha nito na magkakaiba ang uri at laki dahil na rin sa malaking pangangailangan at mataas na presyo, sariwa man o pinatuyo.

Dahil dito, nagsasagawa ngayon ng pag-aaral ang Fisheries Development Division ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng On-Farm Trial Culture of Sandfish na pinondohan ng Bureau of Agriculture Research ng Department of Agriculture (DA-BAR) na ipinanukala ng OPAg-FDD sa DA-BAR.

Isinasagawa ito sa barangay Caringo ng bayan ng Mercedes na siyang benepisyaryo ng Community-Based Participatory Governance of Holothuria (Sandfish) upang matukoy ang posilidad na maisagawa ang sandfish pen culture para mapagkitaan ng mga marginalized fisherfolk sector dito.

Nagkaroon ng tatlong stocking densities para sa tatlong beses na pagsubok na uulitin una dito ang Treatment 1 na gagawin para sa 31 pirasong Balatan; Treatment 2 sa 41 pirasong balatan at Treatment 3 sa 51 pirasong Balatan na may bigat mula sa 100-150 gramo na kinuha sa karagatan ng Caringo.

Ang pagpapalaki ay gagawin sa loob ng anim na buwan at ang target na timbang sa pag-ani sa mga sea cucumbers ay 280-330 gramo bawat isa.

Ang pag-asa nilang mabuhay ay itatala sa pamamagitan ng pagbilang sa lahat ng imbak tuwing "sampling period" kasama ang pagtimbang at pagsukat sa haba sa lahat ng treatments sa loob ng buong panahon ng pag-aaral at pagsasaliksik.

Aalamin din ang antas ng pagtanggap ng pamayanan sa pag-aaral sa pamamagitan ng Key Informal Interview Survey at Focused Group Discussion upang makuha ang opinyon at pananaw ng mga ininterbyu ukol sa lokal na pangangasiwa ng pinagkukunan ng sea cucumber gamit ang Likert’s rating scale.

Ang mga datos na makukuha mula rito ay pag-aaralan gamit ang "qualitive at qualitive statistical tools" katulad ng "mean, frequency at percentage."

Ang naturang pag-aaral ay magkakatuwang na ipinatutupad ng OPAg-FDD, CNSC Mercedes, mga opisyal at residente ng barangay Caringo ganundin ang mga miyembro ng Caringo Fisherfolks Association.

Layunin nito na mataya ang posibilidad ng pag-aalaga at economic viability ng sandfish grow-out culture sa mga pens at ipakilala ang malaking potensiyal ng naturang teknolohiya, gamitin ito at maging proyektong pangkabuhayuan sa naturang lugar sa pamamagitan ng paglalagay ng seabed pen structures. (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)