Monday, September 30, 2013

Ecowaste management writeshop isinagawa ng NSWMC para sa LGU ng Sorsogon

LUNGSOD NG LEGAZPI, Sept 30 (PIA) – Sa layuning maging kaisa ang mga lokal na pamahalaan sa probinsiya ng Sorsogon sa pagsasagawa ng mahusay at komprehensibong solid waste management (SWM) plan, bumuo ang National Solid Waste Management Commission (NSWMC) at Environmental Management Bureau (EMB) ng provincial level writeshop sa pagsasagawa ng 10-year Solid Waste Management Plan nitong nakalipas na buwan sa lungsod na ito.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Rene Camacho and writeshop ay isa sa mga tulong na ibinibigay ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng NSWMC at EMB sa mga local government units (LGUs) upang maisagawa ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

“Ang pagsisikap na ito na mabigyan kakayahan ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatatag ng kanilang programa," dagdag ni Camacho.

“Layunin ng pagsisikap na ito na matulungan ang mga lokal na pamahalaan na mapatatag ang kanilang kakayahan at makapagbigay ng bagong kaalaman ukol sa mga natatanging gawain sa pagsasagawa ng eco-waste law,” pagbibigay-diin no Camacho.

Dagdag ni Camacho, ang mga kalahok ay galing sa technical working groups ng Provincial Solid Waste Management Board at City/Municipal Solid Waste Management Boards na siyang naatasan sa pagtitipon ng mga estratihiya at plano na binuo ng mga LGUs at pagsagawa ng mas malawak na plano para sa probinsiya upang matugunan ang mga isyu ukol sa municipal waste.

Ang integrated provincial SWM plan na siyang output ng nasabing writeshop ay ipapasa at papagtibayin ng NSWMC. (MAL/SAA/DENR5/PIA5-Albay)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571380514376#sthash.IT9RLwC7.dpuf

Friday, September 27, 2013

P6M proyektong kalsada ng PAMANA natapos na sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Set. 24 (PIA) – Umabot na sa P6 milyon halaga ng mga proyektong kalsada o “farm to market roads” ang natapos na sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) sa barangay Tigbinan, Cabusay, Maot at Submakin ng bayan ng Labo na may pondong tig- P1.5M.

Ito ay bahagi ng P20M pondo sa taong 2012 mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ayon kay Elena B. Austria, acting provincial planning and development coordinator ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) kamakailan.

Ang PAMANA ay programang pangkapayapaan at pagpapaunlad ng pamahalaan upang matugunan at mapalakas ang katahimikan at ganon din ang pagsasaayos sa mga apektadong lugar o “conflict affected areas” (CCAs) na may layunin na wakasan ang armadong kaguluhan sa ilang lugar sa bansa.

Bahagi pa rin ng P20M ang mga proyektong nasa 90 porsiyentong natapos ang pagsasaayos ng “water supply system” level 1 hanggang level 2 sa barangay Masalong, Malangcao Basud at Guisican sa bayan ng Labo na may pondong tig- P1M o kabuuang P3M.

Ganon din ang mga proyektong patuloy ang implementasyon tulad ng paglalagay ng tree park at pamamahala ng mangrove area sa barangay Catioan, na may pondong P400,000; agro-forest planting ng mahogany trees sa Brgy. Alayao, P100,000 kapwa ng bayan ng Capalonga at ganon din ang pagpasemento ng farm to market road sa Brgy. San Isidro at Sta. Cruz, ng Jose Panganiban, P7 M.

Samantalang ang P3.5M para sa konstruksiyon ng Crisis Center Cum Multi-Purpose Hall sa Poblacion ng bayan ng Capalonga ay hindi pa naibibigay ang pondo.

Pangunahing makikinabang ang mga magsasaka sa nasabing mga proyekto sa pagdadala ng kanilang mga produktong agrikultura at maging ang mga naninirahan sa nasabing mga barangay.

Ang implementasyon ng naturang mga proyekto ay isinagawa ng pamahalaang panlalawigan sa suporta ni Gobernador Edgardo Tallado at ng kaugnay na ahensiya ng pamahalaan.

Sa taong 2013 may mga proyektong natukoy na popondohan sa ilalim ng DILG, Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) na may kabuuang halaga na mahigit P106 M kung saan nasa paghahanda pa lamang at hindi pa naipapalabas ang pondo.

Matatandaan ng taong 2011 ibat-ibang proyektong kalsada o “farm to market roads” ang natapos na may kabuuang P140M na mula sa stimulus fund ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pamamahala ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan at ibat-ibang kaugnay na ahensiya ng pamahalaan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

Wednesday, September 25, 2013

e-Extention Program ng DA ipatutupad sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Set. 25 (PIA) -- Ipatutupad ng Agricultural Training Institute ng Department of Agriculture (DA-ATI) ang e-Extention Program upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga pagsasaka at pangingisda sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kabilang sa mga programang ito ang e-Learning kung saan ang DA-ATI ang siyang nangunguna sa pangangasiwa at namamahala nito sa pakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang state universities at colleges (SUCs) at non-government organizations (NGOs).

Ayon sa pahayag ni Primalou Imperial, media production specialist ng DA-ATI, ang mga e-Learning courses ay nakatuon sa mga teknolohiyang pansakahan at pangingisda ganundin sa mga social technologies na may kinalaman sa training and extention.

Aniya, ang serbisyong ito ay libre kung saan mayroon na ngayong 44 na online courses na matatagpuan sa kanilang e-Learning site (www.e-extension.gov.ph/e-learning) na kinabibilangan ng mga kategorya ito ang Crops, Livestock, Marine and Fisheries, Social Technologies at Sustainable Agriculture.

May mga libreng digital learning resources din na maaaring buksan at i-download mula sa e-Learning site kabilang na ang Organic Fertilizer Production Kit; Durian, Lowland Vegetable, Cashew Production at Philippine Cattle Industry at iba pang kaalaman na may kaugnayan sa produksiyon ng agrikultura.

Ayon pa rin kay Imperial, sa pamamagitan ng information and communication technology (ICT), ang e-Farming ang nakapagbibigay ng farm and business advisory sa mga may katanungan tungkol sa pagsasaka at pangingisda.

Ito ay upang maihatid ang tamang kasagutan sa mga tanong na nakikipag-ugnayan din sa ibang ahensiya ng pamahalaan (SUCs at (NGOs) na mayroong dalawang pangunahing paraan.

Una na dito ang pagbigay ng technical assistance upang gawing mas kapaki-pakinabang ang sakahan at pangisdaan; at pagbibigay-daan upang magkaroon ng ugnayan ang mga traders at investors sa mga magsasaka at mangingisda.

Maliban pa dito, ang Agricultural and Fisheries Knowledge Centers (AFKC) ay naglalayong maihatid ang tamang kaalaman sa mga magsasaka at mangingisda na binubuo ng National Information and Technology Services (NITS) Center sa ATI central office at ng lokal na kaagapay nito sa mga lalawigan ang Farmer’s Information Technology Services (FITS) Center.

Ang DA-ATI ay naatasang mangasiwa sa Techno Gabay Program na siyang naglalayong maihatid ng mga FITS Centers sa mga lokal na pamahalaan ang serbisyong pangsakahan at pangisdaan.

Nagbibigay naman ng farm and business advisory services ang Farmer’s Contact Center (FCC) gamit ang information and communication technology (ICT) na nagsisilbing helpdesk.

Ito ay tumatanggap at sumasagot sa mga katanungan tungkol sa ibat-ibang teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda ganundin sa mga programa at serbisyong hatid ng DA.

Ayon pa sa pahayag ni Imperial, kabilang pa rin sa programa ang e-Trading na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pangangalakal ng produktong  agrikultura ang ibat-ibang ahesiya ng DA, kasama na dito ang market trends, presyo sa investments market at talaan o imbentaryo ng mga producers at suppliers.

Layon ng e-Extension Program na maging madali para sa sinumang nagnanais matuto na magkaroon ng sapat at tamang kaalaman sa agrikultura at sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga magsasaka na maging kapaki-pakinabang ang kanilang farm enterprise.

Ito ay kaugnay sa isinagawang pagpupulong noong Biyernes (Setyembre 20) ng Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) ng Camarines Norte o PAFC mobile meeting sa Technology Livelihood Center sa Siera Bros, Talobatib sa bayan ng Labo. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

Tuesday, September 24, 2013

P6M proyektong kalsada ng PAMANA natapos na sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Set. 24 (PIA) – Umabot na sa P6 milyon halaga ng mga proyektong kalsada o “farm to market roads” ang natapos na sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) sa barangay Tigbinan, Cabusay, Maot at Submakin ng bayan ng Labo na may pondong tig- P1.5M.

Ito ay bahagi ng P20M pondo sa taong 2012 mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ayon kay Elena B. Austria, acting provincial planning and development coordinator ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) kamakailan.

Ang PAMANA ay programang pangkapayapaan at pagpapaunlad ng pamahalaan upang matugunan at mapalakas ang katahimikan at ganon din ang pagsasaayos sa mga apektadong lugar o “conflict affected areas” (CCAs) na may layunin na wakasan ang armadong kaguluhan sa ilang lugar sa bansa.

Bahagi pa rin ng P20M ang mga proyektong nasa 90 porsiyentong natapos ang pagsasaayos ng “water supply system” level 1 hanggang level 2 sa barangay Masalong, Malangcao Basud at Guisican sa bayan ng Labo na may pondong tig- P1M o kabuuang P3M.

Ganon din ang mga proyektong patuloy ang implementasyon tulad ng paglalagay ng tree park at pamamahala ng mangrove area sa barangay Catioan, na may pondong P400,000; agro-forest planting ng mahogany trees sa Brgy. Alayao, P100,000 kapwa ng bayan ng Capalonga at ganon din ang pagpasemento ng farm to market road sa Brgy. San Isidro at Sta. Cruz, ng Jose Panganiban, P7 M.

Samantalang ang P3.5M para sa konstruksiyon ng Crisis Center Cum Multi-Purpose Hall sa Poblacion ng bayan ng Capalonga ay hindi pa naibibigay ang pondo.

Pangunahing makikinabang ang mga magsasaka sa nasabing mga proyekto sa pagdadala ng kanilang mga produktong agrikultura at maging ang mga naninirahan sa nasabing mga barangay.

Ang implementasyon ng naturang mga proyekto ay isinagawa ng pamahalaang panlalawigan sa suporta ni Gobernador Edgardo Tallado at ng kaugnay na ahensiya ng pamahalaan.

Sa taong 2013 may mga proyektong natukoy na popondohan sa ilalim ng DILG, Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) na may kabuuang halaga na mahigit P106 M kung saan nasa paghahanda pa lamang at hindi pa naipapalabas ang pondo.

Matatandaan ng taong 2011 ibat-ibang proyektong kalsada o “farm to market roads” ang natapos na may kabuuang P140M na mula sa stimulus fund ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa pamamahala ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan at ibat-ibang kaugnay na ahensiya ng pamahalaan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871380001491#sthash.0WTwhmt8.dpuf

Friday, September 20, 2013

Naga City, nag deklara ng Special Day ngayon

LUNGSOD NG NAGA, Sept. 20 (PIA) --- Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 776 na inaprubahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong August 16, 1991, ay idineklara ng pamahalaang lungsod dito na isang Special Day ang araw ng Byernes, Set. 20, isang bago ganapin ang ang fluvial procession para sa imahen ng Nuestra Senora de Penafrancia.

Ang proklamasyong ito rin ang naging basehan sa pag de deklara ng holiday sa lahat ng mga pribado at pampublikong tanggapan sa lunsod ngayon upang lumahok sa mga aktibidad kaugnay ng Penafrancia festival.

Noong nakaarang Byernes nagkaroon ng ibat ibang interpretasyon sa naturang batas kung saan marami ang nagtanong kung kailan nga dapat ipatupad ang naturang probisyon. Inaasahan kasi ng mga taga rito na ang araw ng Traslacion ang idedeklarang holiday subalit nagpalabas ng pahayag ang City Hall na ang susunod na Byernes bago ang ikatlong linggo ng pag diriwang ng Penafrancia ang ide deklarang isang special day o holiday.

Ang naturang interpretasyon ay ibinase sa legal opinion ng Assistant City Legal Officer ng lungsod na si Atty. Armeen Alain Gomez kung kayat ngayong araw ay ideneklarang walang pasok ang mga empleyado sa ibat ibang opisina sa lungsod.

Ayon sa paliwanag ni Gomez, ng unang gawin ang Proclamation noong 1991, ipinag diriwang ang kapyestahan ni Inang Penafrancia sa ikatlong linggo ng Buwan, na syang naging basehan ni Pangulong Cory noon kung saan may apat na  linggo ang Buwan ng Setyembre. Subalit ngayong taon , nagkaroon ng limang Sundays o limang linggo ang Setyembre kung kayat nagkaroon ng kalituhan sa pagpapatupad nito. Imbes na pumatak sa 3rd Sunday ang pagdiriwang ng Penafrancia, nataon ito sa ika apat na linggo ng Setyembre –dahilan upang ang ideklarang holiday an gang ikatlong byernes ng buwan na ito.

Kaugnay nito ay nagpadala ng liham ang Sangguniang Panglungsod ng Naga kay Pangulong Benigno Aquino upang makapag issue muli ng proklamasyon na nag tatakda ng eksaktong araw para sa naturang Special day. Subalit hanggat walang batas na nag a- amend o nag mo modify ng naturang proklamasyon, ay patuloy na susundin ng Naga ang nauna ng proklamasyon ni Pangulong Cory Aquino.

Samantala sa ibang balita, mahigit isang daang contingents ang lumahok sa 5th Bicol Regional 2013 Military parade competition ngayong araw. Noong nakaraang taon ay naitala ang 506 na participants, samantalang ngayong taon naman ay umabot sa 637 ang total contingents na narito ngayon sa lungsod ng Naga upang sumali sa naturang kompetisyon.

Alas sais pa lamang ng umaga ay puno na ang kahabaan ng Panganiban at Penafrancia Avenue at sa mismong sentro ng lungsod ng Naga na ginawang formation areas bago pumasok sa reviewing stand ang mga contingents. banding alas syete ay sinimulan na ang patimpalak …

Bukas ay ang pinaka hihintay na Fluvial procession kung saan inaasahan naman ang pagdagsa ng libo libong deboto ni Inang Penafrancia hindi lamang mula sa Bikol kundi mga galing pa sa ibang bansa. (MAL/LSM-PIA5/Camarines Sur)


Bicol University naglunsad ng istasyon ng radyo

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 20 (PIA) -- Nagsa-himpapawid ang istasyon ng radyo na DWBU-FM 106.3 noong Miyerkoles, Setyembre 18 sa pamamagitan ng isang programang paglulunsad na nai-broadcast live mula sa Bicol University (BU) Ampitheater.

“Ang paglunsad nitong istasyon ng radyo ay bahagi ng paglilingkod ng BU sa Bikol at sa buong mundo sa pagtugon sa pinakamataas na antas ng clientele satisfaction,” sabi ni BU President Fay Lea Patria Lauraya sa kanyang mensahe na pinaabot sa pamamagitan ng tawag sa telepono galing ospital kung saan siya ay nagpapagaling sa karamdaman.

Ayon kay Lauraya, ang istasyon ng radyo ay hindi lamang kagamitan ng BU College of Arts and Letters (BUCAL) na naghahandog ng kurso sa broadcasting, journalism, audio visual communication, speech and theater arts, kundi dapat ring gamitin ng ibang kolehiyo gaya ng Agriculture and Forestry sa paglunsad ng programang may kaugnayan sa pagsasaka; Business and Management sa pagnenegosyo; at Nursing na maaaring maglunsad ng programa sa radyo tungkol sa kalusugan at lifestyle.

“Naniniwala kami sa natutunang karanasano o experiential learning na hindi lamang nakasalalay sa teyorya ngunit higit sa gawain,” sabi niLauraya.

Ayon kay BUCAL Dean Ma. Julieta Borres, ang paglunsad ng istasyon ng radyo ay indikasyon ng layunin ng BU na magbigay ng mataas na antas ng paglilingkod at pamamahalang nakatuon sa estudyante o student-centered governance. “Ang pangunahing kagamitan ng istasyon ay maging laboratoryo ng mga estudyante sa broadcasting at sa mga ibang mga kursong nais itong gamitin,” sabi ni Borres.

Ang DWBU ay hindi makikipag-kompetensiya sa mga commercial radio stations na nakabase sa Albay ngunit pag-iibayuhin ito. “Nais naming maging kasama ninyo sa aspetong ito,” sabi ni Borres sa mga kasapi ng lokal na pahayagan at broadcast na nakiisa sa kaganapan.

Ang opisyal na station ID ay inilunsad rin kasabay ng programa na nilikha ng manunulat ng awitin at guro sa BU na si Ramil “Plok” Chavenia. “Ang awitin ay malamyos o melodic upang madaling maalala at magustuhan ng mga estudyante at mga propesyunal at nagsasaad ng mithiin ng BU,” sabi ni Chavenia s sa Philippine Information Agency (PIA).

Ayon kay BUCAL Print and Broadcast Media Department (PBMD) Chair Agnes Nepomuceno, ang pamantasan ay nagsagawa ng isang pag-aaral noong 2007 bilang paghahanda sa paglunsad ng kursong broadcasting noong 2008. Noong nakaraang Marso ngayong taon, ang unang pangkat ng 42 estudyante ng broadcast ay nagtapos at mayroong 177 estudyante ang kasalukuyang nag-aaral ng kursong broadcasting kung saan 38 estudyante ang inaasahang magtatapos ngayong kasalukuyang akademikong taon, sabi ng BU Office of the Registrar sa PIA.

Si Miss Universe 2010 first runner up at broadcast personality Venuz Raj ay nagtapos sa BU noong 2009 sa kursong journalism at may parangal na cum laude. Ang BUCAL ay mayroong anim na departamento na binubuo ng Journalism, Audio-Visual Communication, Speech and Theater Arts, Humanities, English at PBMD.

“Hinihintay namin ang pagkakataong ito na parang sanggol ng BUCAL na kailangang alagaan,” sabi ni Bicol Organization of Neo-Journalists (BONJour) president Joan Marcia Navarra.

Samantala, kinumpirma ng pangulo ng Kapisanan ng Mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Albay Chapter Hermogenes “Jun” Alegre na isasama ang DWBU sa listahan ng mga kasapi ng KBP-Albay.

Ang DWBU ay nanatili pa rin sa test broadcast sa lakas na 10 watts kung saan ang studio at transmitter nito ay nasa loob ng MP Building ng BU. Ang oras ng operasyon nito at mga programa ay hinahanda pa para sa regular na pagsasa-himpapawid nito kasabay sa pagbubukas ng pangalawang semestre ngayong Nobyembre, sabi ni Borres sa PIA. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2591379894076#sthash.dnxK43c0.dpuf

Bicol University naglunsad ng istasyon ng radyo

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 20 (PIA) -- Nagsa-himpapawid ang istasyon ng radyo na DWBU-FM 106.3 noong Miyerkoles, Setyembre 18 sa pamamagitan ng isang programang paglulunsad na nai-broadcast live mula sa Bicol University (BU) Ampitheater.

“Ang paglunsad nitong istasyon ng radyo ay bahagi ng paglilingkod ng BU sa Bikol at sa buong mundo sa pagtugon sa pinakamataas na antas ng clientele satisfaction,” sabi ni BU President Fay Lea Patria Lauraya sa kanyang mensahe na pinaabot sa pamamagitan ng tawag sa telepono galing ospital kung saan siya ay nagpapagaling sa karamdaman.

Ayon kay Lauraya, ang istasyon ng radyo ay hindi lamang kagamitan ng BU College of Arts and Letters (BUCAL) na naghahandog ng kurso sa broadcasting, journalism, audio visual communication, speech and theater arts, kundi dapat ring gamitin ng ibang kolehiyo gaya ng Agriculture and Forestry sa paglunsad ng programang may kaugnayan sa pagsasaka; Business and Management sa pagnenegosyo; at Nursing na maaaring maglunsad ng programa sa radyo tungkol sa kalusugan at lifestyle.

“Naniniwala kami sa natutunang karanasano o experiential learning na hindi lamang nakasalalay sa teyorya ngunit higit sa gawain,” sabi niLauraya.

Ayon kay BUCAL Dean Ma. Julieta Borres, ang paglunsad ng istasyon ng radyo ay indikasyon ng layunin ng BU na magbigay ng mataas na antas ng paglilingkod at pamamahalang nakatuon sa estudyante o student-centered governance. “Ang pangunahing kagamitan ng istasyon ay maging laboratoryo ng mga estudyante sa broadcasting at sa mga ibang mga kursong nais itong gamitin,” sabi ni Borres.

Ang DWBU ay hindi makikipag-kompetensiya sa mga commercial radio stations na nakabase sa Albay ngunit pag-iibayuhin ito. “Nais naming maging kasama ninyo sa aspetong ito,” sabi ni Borres sa mga kasapi ng lokal na pahayagan at broadcast na nakiisa sa kaganapan.

Ang opisyal na station ID ay inilunsad rin kasabay ng programa na nilikha ng manunulat ng awitin at guro sa BU na si Ramil “Plok” Chavenia. “Ang awitin ay malamyos o melodic upang madaling maalala at magustuhan ng mga estudyante at mga propesyunal at nagsasaad ng mithiin ng BU,” sabi ni Chavenia s sa Philippine Information Agency (PIA).

Ayon kay BUCAL Print and Broadcast Media Department (PBMD) Chair Agnes Nepomuceno, ang pamantasan ay nagsagawa ng isang pag-aaral noong 2007 bilang paghahanda sa paglunsad ng kursong broadcasting noong 2008. Noong nakaraang Marso ngayong taon, ang unang pangkat ng 42 estudyante ng broadcast ay nagtapos at mayroong 177 estudyante ang kasalukuyang nag-aaral ng kursong broadcasting kung saan 38 estudyante ang inaasahang magtatapos ngayong kasalukuyang akademikong taon, sabi ng BU Office of the Registrar sa PIA.

Si Miss Universe 2010 first runner up at broadcast personality Venuz Raj ay nagtapos sa BU noong 2009 sa kursong journalism at may parangal na cum laude. Ang BUCAL ay mayroong anim na departamento na binubuo ng Journalism, Audio-Visual Communication, Speech and Theater Arts, Humanities, English at PBMD.

“Hinihintay namin ang pagkakataong ito na parang sanggol ng BUCAL na kailangang alagaan,” sabi ni Bicol Organization of Neo-Journalists (BONJour) president Joan Marcia Navarra.

Samantala, kinumpirma ng pangulo ng Kapisanan ng Mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Albay Chapter Hermogenes “Jun” Alegre na isasama ang DWBU sa listahan ng mga kasapi ng KBP-Albay.

Ang DWBU ay nanatili pa rin sa test broadcast sa lakas na 10 watts kung saan ang studio at transmitter nito ay nasa loob ng MP Building ng BU. Ang oras ng operasyon nito at mga programa ay hinahanda pa para sa regular na pagsasa-himpapawid nito kasabay sa pagbubukas ng pangalawang semestre ngayong Nobyembre, sabi ni Borres sa PIA. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2591379894076#sthash.8rUhNq4q.dpuf

Therapeutic Modality Program, isinasagawa sa Camarines Norte provincial jail

BY: REYJUN O. VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Set. 20 (PIA) -- Patuloy ang isinasagawang seminar o pagsasanay sa mga bilanggo ng Camarines Norte Provincial Jail sa kapitolyo probinsiya dito upang magbigay ng impormasyon at gabay na sinusunod para sa kanilang kabutihan sa loob ng piitan.

Ito ay sa pamamagitan ng Therapeutic Modality Program na ipinatutupad ng Provincial Custodial and Security Services Division (PCSSD) ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang Parole and Probation dito.

Katuwang din nito ang Department of Education (DepEd), religious at non-government organization, indibidwal at mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan na nagbibigay ng kaalaman sa produktong pangkabuhayan.

Ayon kay Acting Provincial Warden Reynaldo Pajarillo ng PCSSD, ito ay napakahalaga sa pagbabago ng bilanggo dahil ang mga ibinabahagi dito ay natuturuan sila ng tamang pagkilos, maging mapagpakumbaba ang bawat isa, mahubog ang kanilang mga sarili, paggalang at respeto sa kapwa at iba pang aspeto ng tamang pag-uugali.

Aniya, higit din na maunawaan ang mga bagay na nararanasan nila sa kanilang mga sarili at sa paglaya nila ay magagamit ang mga natutunan ganundin ay maunawaan ang pakikipagkapwa sa kumunidad.

Ang naturang programa ay mayroong apat na bahagi, una na dito ang “Oryentasyon” upang makilala nila ang kanilang mga sarili at ang kahulugan ng mga natutunan sa pagsasanay.

Ang “Core Treatment” naman ay para sa paghubog ng bawat isa sa pag-uugali at sariling kaisipan, ang pakikipagkapwa tao ay sa pamamagitan ng “Integration” at ganundin ang mga gagawin o “After Care” bilang paghahanda sa paglabas nila ng piitan.

Samantala, 50 bilanggo ang magtatapos ng naturang programa sa ika-17 ng Oktubre ngayong taon upang kilalanin ang kanilang kooperasyon at pakikiisa sa programa na ibigay at ipinagkaloob ng pamahalaan.

Ito ay bilang bahagi sa pakikiisa ng CNPJ sa isasagawang “National Correctional Consciousness Week” simula sa Oktubre 23-31.

90 itlog ng higanteng pawikan bigong maging inakay

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 20 (PIA) – Bigong mapisa ang 90 itlog ng higanteng leatherback turtle sa inaasahang panahon na 45 hanggang 70 araw matapos ipangitlog sa baybayin ng barangay Rawis sa lungsod na ito.

Ayon kay wildlife specialist Nilo Ramoso of the Pawikan Conservation Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bigong maging inakay ang mga itlog ng pawikan  dahil sa ang mga ito ay napasok ng tubig alat sa pagtaas ng tubig sa lugar na pinangitlogan nito na malapit sa may bukana ng Yawa River sa parehong barangay.

Dagdag ni Ramoso sa halip ng mga  isinagawanag panukala upang mapangalagaan ang mga itlog laban sa mga mandaragit at pagpasok ng tubig alat sa lugar na pinangitlogan tulad ng maingat na paglipat ng mga itlog sa mas ligtas na lugar, nakalulungkot na ang mga itlog ay bigong maging mga inakay.

Ang mga itlog ay nilipat sa bagong lugar na may hukay na kalahating metro ang lalim at muling tinakpan gamit ang buhangin sa dating pinangitlogan. Ang lugar na nasa baybayin malapit sa  Philippine Navy regional headquartersay pinalibutan ng perimeter fence na may plastic screen.

Ayon sa pagaaral na isinagawa, ani Ramoso, ang mga embryos o egg yolks at ang albumin nito ay nakontamina ng tubig alat na nakapigil sa pamumuo ng mga inakay.

Dagdag pa ni Ramoso ang 70 itlog na pinagaralan nitong Miyerkules ay ibinalik Huwebes sa nesting site samantalang ang natitirang 20 itlog ay pananatiliin o ipepreserve upang magamit sa mga exhibit tuwing sea turtle conservation campaigns.

Maalala na ang dalawang metrong leatherback turtle na may bigat sa pagitan ng 250 at 300 kilos ay nagitlog sa may Yawa River Hulyo ngayong taon.

Ang Leatherback turtle (Deomchelys coriacea) ang pinakamalaking marine turtle sa mundo at itinuturing endangered species.

Ayon sa tala ng DENR ang pagdating ng leatherback turtle nitong hulyo sa karagatan ng lungsod na ito ay pangatlong pagpapakita na sa Bicol. Ang una ay noong 1980 ng ang isang patay na higanteng pawikan ay matagpuan ng mga mangingisda. Ang pangalawa ay noong 2012 sa may dalampasigan ng Ragay sa Camarines Sur kung saan ito ay agad na ibinalik sa karagatan.

Ang pangingitlog ng leatherback turtle sa lungsod na ito ang kauna-unahang naitalang turtle nesting event hindi lamang sa Bicol kundi rin sa buong bansa. (MAL/SAA-PIA5/Albay)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571379667062#sthash.i2O9TrAM.dpuf

Thursday, September 19, 2013

E-Learning Program, Farmers Contact Center mas paiigtingin sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Set. 19 (PIA) -- Nakatakdang magpulong bukas ang Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng PAFC mobile meeting na isasagawa sa Technology Livelihood Center ng Siera Bros, Talobatib sa bayan ng Labo.

Pangunahing tatalakayin sa pagpupulong ang E-Extention Program for Agriculture and Fisheries kung saan tampok dito ang E-Learning Program at Farmers Contact Center na pangungunahan ng Agricultural Training Institute ng Department of Agriculture (DA-ATI).

Ito ay makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda sa paghahanap ng mga impormasyon at mga suliranin na maaaring mabigyan ng solusyon sa paggamit ng social media.

Sa pamamagitan ng social media, malalaman din nila ang mga kaalaman sa mga makabagong teknolohiya ng agrikultura ganundin ang mga pagsasanay, mga programa at iba pang may kaugnayan sa agrikultura.

Ang mga magsasaka ay maaaring magsadya sa Fits Center sa tanggapan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan para sa kanilang mga kailangan at katanungan.

Kabilang pa rin sa pagpupulong ang Convertion of Solid Waste into profitable, pangangalaga sa kapaligiran at karagdagang proyekto para sa sakahan.

Tatalakayin din ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng CENRO ng bayan ng Daet.

Pag-uusapan naman ang pagpasa ng resolusyon ng Agricultural and Fishery Council (AFC) bilang pagsuporta sa selebrasyon ng ika-50 Fish Conservation Week sa buwan ng Oktubre 14-20 ngayong taon.

Pangunahing dadalo sa naturang pagpupulong ang mga samahan ng mga magsasaka, pribadong sektor, mga katuwang na tanggapan ng National Food Authority (NFA), National Irrigation Adminstratiion (NIA), Department of Agrarian Reform (DAR), DENR, Philippine Coconut Authority (PCA), Municipal Agriculturist Officers at ang OPAg.

Ang naturang pagpupulong ng Provincial Agricultural and Fishery Council ay upang talakayin at pag-usapan ang mga proyektong pangkabuhayan sa agrikultura na makakatulong sa mga magsasaka ng Camarines Norte. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871379557661#sthash.e5hqKPif.dpuf

Wednesday, September 18, 2013

Magsasaka, nagsanay sa pangangalaga at paggamit ng Flat Bed Dryers

DAET, Camarines Norte, Set. 18 (PIA) -- Isinagawa ngayong araw sa little theater ng kapitolyo probinsiya ang pagpupulong ng samahan ng mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa pangangalaga at paggamit sa pasilidad ng patuyuan ng palay o Flat Bed Dryers (FBDs).

Ito ay sa pamamagitan ng “Consultative and Assessment Meeting on the distributed FBD’s in Camarines Norte” kung saan mga presidente at mga operator ng samahan ng mga magsasaka ang pangunahing dumalo dito.

Pinangunahan ito ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) katuwang ang Department of Agriculture (DA).

Sa bahagi ng programa, tinalakay ni Science Research Analyst Niño D. Bengosta ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ng DA ang sustainability plan ng FBDs project.

Ayon sa pahayag ni Bengosta, kabilang na dito ang information awareness sa pamamagitan ng mga IEC at campaign materials, info-education at pagsasagawa ng programa sa radyo kaugnay sa mga programang agrikultura.

Aniya, magsasagawa din ng pagsasanay hindi lang ang mga benepisyaryo ganundin ang mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng proyekto.

Dagdag pa niya, kailangan rin na malaman ang kalagayan ng naturang pasilidad kung ito ay maayos pang nagagamit, handa sa panahon ng anihan at mga problema na maaaring bigyan ng solusyon sa naturang pasilidad.

Tinalakay din ang pagsasanay sa mga kagamitan kaugnay ng mga alituntunin sa wastong paggamit ng FBDs kasama na dito ang operasyon nito at pagsasaayos ng patuyuan ng palay.

Ayon pa rin kay Bengosta, sa parte ng mga benepisyaryo ay maaari naman silang magbigay ng kanilang maitutulong sa programa lalo na sa panahon ngayon ay magagamit ang naturang pasilidad at masiguro na hindi masasayang ang ani ng mga magsasaka.

Ang Flat Bed Dryers ay ipinamahagi ng nakaraang taon ng 2011 na umaabot sa 26 na inilagay sa ibat-ibang bayan dito na mayroong sakahan ng palay na pinondohan ng DA sa halagang P698,000 bawat isa sa kabuuang P18,148,000 milyon.

Ang Flat Bed Dryers project ay sa ilalim ng Agri-PNoy Rice Program ng Department of Agriculture. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871379485615#sthash.Rnx86fof.dpuf

"Choose Pili", bagong slogan ng bayan ng Pili

LUNGSOD NG NAGA, Sept. 17 (PIA) --- Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Pili ang bagong slogan na “Choose Pili” mula sa dating “Higos Pili” noong nakaraang Sabado sa munisipyo dito  na naglalayong i-angat at magkaroon ng magandang pamamalakad ang lokal na gobyerno sa mga nasasakupan nito.

Ayon kay alkalde Alexis “Nonoy” San Luis ll, tampok sa nasabing aktibidad ang paglagay ng landmark sa  Plaza Cimarones  upang mas makaakit pansin ng publiko, mga nasasakupan nito at mga bibisita sa lugar.

Sinabi ni San Luis na akma sa kanilang layunin ang slogan nitong choose o “piliin” ang bayan ng Pili lalong lalo na sa pagpapalaganap ng mga proyektong pang kaunlaran.

Ang bayan ng Pili ay ang kabisera ng ng lalawigan ng Camarines Sur at isa sa mga munisipyo ng pangatlong distrito ng lalawigan.  Ito ay binubuo ng 26 barangays . May kabuuang 122.65 km2 (47.4 sq mi) at may populasyong 82,307 na bilang batay sa 2010 NSO record. Ito ay itinuturing na isang 1st class na bahagyang urban at munisipalidad sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ang sentro ng bayan ay humigit-kumulang 9.97 ektarya at itinuturing na Central Business District. Iba’t ibang negosyo ang na rehistro rito gaya ng Sari-Sari store, mga dealer ng karne, sariwang tuyo, grain retailer, supply ng agrikultura, pangangalakal, botika, kompada at supermart/department store.

Sa kasalukuyan, itinatayo na ang mga gusali ng kompanya ng mga sasakyan bilang display at service centers sa loob ng probinsiya, gaya ng Toyota, Honda, at Mitsubishi-Hyundai Caleb Motors na nasa Maharlika Highway ng nasabing bayan matatagpuan. Maliban pa dyan mga feed mills at malalaking bodega na nagtayo rin ng kanilang negosyo sa naturang bayan.

Higit pa, ang bayan ng Pili ay ang tahanan ng sikat na CWC Camarines Sur watersports Complex sa Pilipinas. (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=851379392620#sthash.MFKuP1rd.dpuf

DOLE, OWWA kaisa ng PDEA sa kampanya laban sa illegal na droga sa Bicol

BY: SALLY A. ATENTO

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 17 (PIA) -Pumirma ng kasunduan ang tatlong ahensiya ng pamahalaan sa pagpapaigting ng pagbaka laban sa pagkalat ng illegal na droga sa rehiyon ng Bicol.

Pinangunahan nina regional directors Nataniel Lacambra ng Department of Labor and Employment (DOLE), Jocelyn O. Hapal ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) at Archie A. Grande ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpirma ng memorandum of agreement o MOA Biyernes noong nakaraang lingo alinsunod sa probisyon, tungkulin at responsibilidad ng bawat ahensiya.

Sa ilalim ng kasunduan, ang tatlong ahensiya ay magsasagawa ng Kapit-Bisig for a Drug Free Bicolandia program.

Ayon kay Grande ang pangunahing tungkulin ng PDEA na nakasaad sa kasunduan ay magbigay ng teknikal na tulong sa pagsulong ng impormasyon at adbokasiya at pagkilos sa mga suliranin ng OWWA at DOLE sa rehiyon na may kinalaman sa illegal na droga.

Ang PDEA, dagdag ni Grande, ay makikipagugnayan din sa mga rehabilitation centers sa rehiyon sa pagendorso ng mga makikinabang sa DOLE livelihood packages.

Samantalang si Lacambra ay naninidigan na ang DOLE at OWWA ay magsisikap at tutulong sa pagsulong ng anti-illegal drug abuse program sa mga ahensiya kasama ang mga pribadong kompanya at kliyente sa buong rehiyon.

Ang DOLE ay magbibigay ng livelihood packages sa mga nararapat na mamamayan na nagnanais maibalik sa pamayanan matapos ang rehabilitasyon.

Ayon kay Hapad hihimukin ng OWWA ang mga kliyente at stakeholders nito na dumalo sa mga anti-illegal drug information and education campaigns upang masiguro na ang mga manggagawa ay malaya sa ilegal na droga.

Dagdag ni Grande ang mga kasunduan ay pambungad na inisyatibo para sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Kanya ring pinaalala ang Civil Service Commission Memorandum Circular No. 13 Series 2010 na pinamagatang “Guidelines for A Drug Free Workplace in the Bureaucracy” na naghihimok sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magkaroon ng mga kampanya at proyekto laban sa droga upang malaya sa droga sa mga lugar ng trabaho gayundin ang mga kliyenteng kanilang pinagsisilbihan. (MAL/SAA-PIA5/Albay)

Solar power makakatulong sa panahon ng kalamidad sa Cam Norte -- PAGASA

DAET, Camarines Norte, Set. 18 (PIA) – Makakatulong ang inilagay na mga“solar panel” upang makakuha ng “solar power” na magagamit kung walang kuryente lalong lalo na panahon ng kalamidad sa lalawigan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) dito.

Ayon kay  Roger Tuazon, chief meteorological officer ng Pagasa, naglagay ng dalawang unit ng “ solar panel” kamakailan sa kanilang tanggapan upang makakuha ng alternatibong kuryente na kanilang iimbak sa baterya at magagamit sa opisina lalong lalo na sa panahon ng kalamidad sa paghahatid ng babala sa panahon o “weather updates”.

Sinabi niya na pangalawa ang Camarines Norte na nilagyan ng kagamitan para sa “solar power” kasunod ng Romblon kung saan maglalagay na rin sa Virac, Catanduanes at Juban, Sorsogon.

Sinabi pa rin ni Tuazon na 13 lalawigan na nasa “eastern seaboard” ang lalagyan ng mga “panel” para sa “solar power”.

Aniya ito ay bahagi pa rin ng programa ng pamahalaan na makapagbigay na maayos na serbisyo sa publiko sa paghahatid ng babala sa panahon ng kalamidad.

Ang kagamitan para sa “solar power” ay kinumpuni ni Eric Valenzuela, technician kasama ang tatlong (3) na iba pa mula sa PAGASA central office. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871379306865#sthash.SnofRArs.dpuf

Monday, September 16, 2013

Mahigit 140 kababaihan, nabigyan ng libreng pap smear test sa Masbate

BY: ERNIE A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Set. 16 (PIA) – Sa gitna ng lumulubong bilang ng mg kababaihang nagdurusa dulot ng cervical cancer, isang inisyatiba ang isinagawa noong Biyernes ng pamahalaang lungsod ng Masbate upang maprotektahan ang mga residenteng kababaihan mula nakamamatay ngunit nalulunasang sakit.

Libreng cervical screening sa anyo ng pap smear at acetic acid wash tests ang inaalok sa female constituents ng Masbate bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-13 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Sa talaan ng Masbate City Health Office, eksaktong 148 ang bilang ng mga babaeng kumuha ng pap smear test. Ang proyekto ay brainchild ni City Mayor Rowena Tuason.

Ang tests ay isinasagawa noong Setyembre 13 sa health office ng city hall. Ayon kay city information officer Rodolfo Cortes, ang regalong pangkalusugan at wellness sa kababahan ay tiyak na hahaplos sa kanilang mga puso at makakabuti sa kanilang well-being. (EAD-PIA5/Masbate)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=771379313328#sthash.fvSK85gz.dpuf


Lampas 140 kababaihan, nahatagan san libreng pap smear test sa Masbate

CIUDAD SAN MASBATE, Set. 16 (PIA) – Sa tunga san naga dako na numero san mga kababaihan na nagasapay dara san sakit na cervical cancer, isad na inisyatiba an guin himo san nakaligad na Viernes san gobierno ciudad san Masbate agod protektaran an mga residente na kababaihan kontra sa nakamamatay pero nabubulong na sakit.

Libre na cercival screening pinaagi sa pap smear kag acid wash tests an guin himo sa mga kababaihan san Masbate bilang parte san selebrasyon sa ika-13 na anibersaryo san pagkamundag san ciudad.

Sa listahan san Masbate City Health Office, eksakto 148 an numero san mga babaye na kumuha san libre na pap smear test.

An proyekto brainchild ni City Mayor Rowena Tuason. Ang tests guin hiwat san Setyembre 13 sa health office san City Hall.

Segun kan city information officer Rodolfo Cortes, an pangsalud kag wellness na regalo sa kababaihan segurado na makatandog sa inda mga puso kag magapaayo sa inda well-being. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)


- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=831379303622#sthash.CrvpbXks.dpuf

Premium ng mga self-employed, informal sector workers ng Albay mas pinadali ng SSS AlkanSSSya program

BY: SALLY A. ATENTO

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 16 (PIA) – Inilunsad ng Social Security System (SSS) ang AlkanSSSya program sa probinsiya ng Albay bilang alternatibong tulong upang mas maging abot-kaya para sa mga self-employed at informal sector workers na magbayad at makinabang sa mga benepisyo na inaalok ng nasabing ahensiya.

“Ang programang ito ay para sa mga self-employed at informal sector workers na nahihirapan sa pagbayad ng buo o isahang monthly contribution dahil sa mababa o limitadong kita. Kasama sa mga informal sectors ang mga tricycle drivers, magsasaka, nagtitinda sa palengke at iba pang nagtatrabaho bilang self-employed,” pahayag ni SSS Legazpi Branch officer-in-charge Ermina Maria Robredo.

Ang konsepto ng AlkanSSSya program, ayon kay Robredo sa pangradyong programang “Ugnayan sa Bikol” ng Philippine Information Agency (PIA) Bicol, ay hango sa pagiimpok gamit ang alkansya na karaniwang ginagawa ng mga  pamilyang Pilipino kung saan ang mga kasapi nito ay magiimpok ng maliit na halaga upang makabuo ng kinakailangang buwanang kontribusyon.

“Ang mga kasapi ng programang ito ay kailangang magbayad ng kahit 10 –P12 kada araw sa kanilang organisasyon upang makabuo ng P312 na buwanang kontribusyon. Ang kanilang alkansya na karaniwang ibinibigay ng kanilang local government unit ang magsisilbing alkansya o lalagyan ng kontribusyon ng bawat miyembro,” paliwanag ni Robredo.

“Dalawa sa mga opisyal ng organisasyon ang mangangasiwa sa mga lalagyan. Ang naipong hulog ay bibilangin sa harap ng mga miyembro at ibibigay kada buwan sa SSS sa tulong ng mga account officers ng ahensya,” ani Robredo.

Sa Albay, una nang naisama sa programa ang mga tricycle operators and drivers association (TODA) sa Legazpi, ceramic and pottery workers association sa Tiwi at organic farmers sa Tabaco.

Kapag nabayaran na ang kinakailangang buwanang hulog, ang mga miyembro ay nakatitiyak na matatanggap ang parehong benepisyo na ibinibigay sa mga resular na miyembro ng SSS.

“Meron tayong tinatawag na 3-12-36-120 benefits scheme. Sa pagbayad ng kahit tatlong buwanang hulog, ang miyembro ay maaari nang makatanggap ng sickness, maternity o funeral claim sa halagang P20,000 kung sakaling bawian ng buhay. Sa 12 buwanang hulog meron tayong educational loan, sa 36 na buwan salary and disability loan,  at pension para sa 120 buwan,” dagdag ng opisyal.

Ang iba pang sektor at mamamayan tulad ng mga maybahay at negosyante ay hinihimok na magorganisa ng kanilang mga grupo upang makasama sa programang ito.

Sa pamamagitan ng programang ito, ayon sa opisyal, malaki ang magiging tulong ng mga maliliit na sakripisyong ginagawa ng mga miyembro upang makapag-ipon para sa seguridad ng kanilang pamilya lalo na sa oras ng kamatayan, sakit at kapansanan kaysa gamitin ang kanilang kita sa paninigarilyo at iba pang bisyo.

“Ang kanilang kontribusyon ay ibibigay lamang nila sa mga organisasyon sa kanilang barangay kaya mas nagiging madali at hindi na kailangan pang pumila,” ani Robredo.

Sa mga nagnanais lumahok sa nasabing programa, makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang LGUs o bumisita sa inyong pinakamalapit na opisina ng SSS para sa karagdagang impormasyon at tulong. (MAL/SAA-PIA5/Albay)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571378976430#sthash.8wbWIaxW.dpuf

Mga iskolar ng pamahalaang lalawigan, tumanggap ng tulong pinansiyal

LUNGSOD NG NAGA, Set. 16 (PIA) --- Mahigit 800 na mga mag-aaral mula sa iba't-ibang panig ng Camarines Sur ang nakatanggap ng kani-kanilang tseke para sa scholarship Martes noong isang linggo mula sa pamahalaang lalawigan ng Camarines Sur.

Personal na ipinamahagi ni Camarines Sur Governor Miguel “Migz” Villafuerte ang scholarship grants para sa mag-aaral na ikinatuwa ng huli ang pagkakaloob  ng mga tseke na magagamit ng mga iskolars na pambayad ng kanilang matrikula.

Ang mga benepisyaryo ay nag-aaral sa ibat ibang mga pribadong unibersidad at kolehiyo dito sa lalawigan.

Nanguna ang Ateneo de Naga University na may malaking halagang natanggap mula sa kapitolyo na umabot sa P400,000 na tseke bilang kabayaran sa tuition at miscellaneous expenses ng halos 50 iskolars ng gobernador. Kasunod ang University of Nueva Caceres (UNC) na tumanggap ng tsekeng P300,000.00 at Universidad de Sta. Isabel (USI) na tumanggap naman ng P300,000.00 na tseke bilang kabayaran din sa matrikula at iba pang gastusin sa nasabing unibersidad.

Ang iba pang malalaking kolehiyo sa Camarines Sur at maging sa Lungsod ng Naga at Iriga gaya ng Partido State University (PSU), Partido College, University of Saint Anthony (USANT), University of North Eastern Philippines (UNEP), Naga College Foundation (NCF) at iba pang paaralan ay binigyan din ng educational grants ng gobernador bilang pagtupad ng prayoridad sa edukasyon ng mga kabataan na iskolars mula sa ibat-ibang munisipyo.

Ayon kay Villafuerte, malaki ang kanyang pag-asa na kapag may mabuting edukasyon ang mga kabataan ay maiiahon nito sa kahirapan ang kanilang mga pamilya maging ang lalawigan.

Idinagdag pa ng batang gobernador na kailangang magsumikap sa kanilang pag-aaral ang mga iskolars at panatilihin ang mataas na grado upang tuloy-tuloy ang biyaya ng mabuting edukasyon hanggang makapagtapos ang mga ito sa pag-aaral at makakuha ng trabaho para naman makapag silbi sa kanilang pamilya at bayan.

Pangako ng gobernador na mas lalo niyang pipilitin na mabigyan pa ng magandang benipisyo ang mga kabataan upang makasabay ang mga ito sa pag tanggap ng de kalidad na edukasyon. (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

Friday, September 13, 2013

Kauna-unahang wastewater treatment facility sa bikol pinasinayaan sa Jose Panganiban, Cam Norte

BY: ROSALITA B. MANLANGIT

DAET, Camarines Norte, Set. 13 (PIA) – Pinasinayaan ang kauna-unahang “wastewater treatment facility”sa Bikol ang Elnar Gold Processing (EGP) noong Martes, (Set.10) sa Purok 2 Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban ng lalawigang ito.

Ang EGP ay isang maliit na planta na nagsasala ng mga ginto at tumutugon sa mga maliliit na minero ng Jose Panganiban at Paracale sa lalawigan mula pa noong 2009.

Ang naturang planta ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P1.5 milyon ayon kay Leon Zancho Mago ang environmental consultant at accredited ng Department of Environment and Natural Resources-Environment and Management Bureau (DENR-EMB).

Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Engr. Roberto D. Sheen, regional director ng DENR-EMB kung saan pinuri niya ang may-ari ng planta na si Analyn Angeles na nagsumikap upang maitayo ang naturang pasilidad.

Hinikayat rin niya ng iba pang may mga planta na makiisa sa ganitong uri ng adhikain upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.

Aniya marami na siyang ginawang pamamaraan upang makipag-usap sa mga may-ari ng mga planta at himuking sumunod sa mga patakaran at hindi na mahirapan pang kumuha ng “environmental compliance”.

Ayon sa kanya pangarap niya na ang bayan ng Paracale na isa ring pinagkukunan ng ginto ay maging katulad ng “Boracay” sa larangan ng pagdayo ng mga turista kung saan darayuhin ang lugar upang mamili ng ginto.

Ayon naman kay Elpidio Orata, provincial environment and natural resources officer na malaking tulong ang planta upang ang dumi na nangagaling sa pagsasala ng ginto na malabo ay malilinis sa loob ng 20 minuto.

Aniya ang malinis na tubig ay maaring ng buhayin ang mga patay na sapa at ilog sa naturang lugar.

Ito rin ay magiging huwaran o modelo ang sa mga nais pang magtayo ng pasilidad sa paglilinis ng dumi ng tubig sa mga minahan.

Sinabi niya na ang pagtatayo ng pasilidad ay magandang pagkakataon na maririnig na magandang balita sa Camarines Norte at hindi ang mga masasamang nangyayari dulot ng pagmimina.

Ipinaliwanag ni Engr. Mago ang gumawa ng naturang pasilidad ang proseso sa paglilinis ng maruming tubig galing sa pagsasala ng ginto kung saan gumagamit ng mga makina at mga kemikal at ang tubig na nalinis ay nakaayon sa pamantayan na pinapatupad ng DENR.

Aniya ang nalinis na tubig ay maaring gamitin, i re-cycle o palabasin sa “vetiver wetland” bago tuluyang padaluyin sa kalikasan.

Sa pagpapasinaya nagkaroon ng misa pasasalamat na pinangunahan ni Fr. Joel Villania, Parish Priest ng Our Lady of the Most Holy Trinity at ganon din ng “ribbon cutting” ng naturang pasilidad na pinangunahan ni Engr. Sheen ng DENR-EMB, Angeles na may-ari ng planta, mga lokal na opisyales ng barangay at pamahalaang bayan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

Epektibong sistema sa pagpatrulya, pagtalaga ng dagdag na pulis, napaunlad ng pag-uulat ng krimen sa Bikol

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI , Set. 6 (PIA) – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) Bicol Regional Office sa publiko na ang pagtaas ng pag-uulat ng krimen nangangahulugan ng epektibong implementasyon at pagpapalaganap ng Police Integrated Patrol System nito at pagtatalaga ng karagdagang personahe ng PNP sa mga istasyon ng pulis ang nagsanhi ng pagtaas sa ulat.

“Ang average monthly crime rate ay nagtala ng pagtaas na maaring sanhi ng pagmanman ng PRO (Police Regional Office) sa  pang-araw araw na sitwasyon sa paligid,” sabi ni Police Superintendent Nicolas Gregorio sa ginawang media and multi-sectoral dialogue ng PNP ngayong linggo sa pagdiwang ng National Crime Prevention Week.

Ang crime clearance efficiencies ay may kaunting pagtaas kumpara sa parehong panahon ng nakaraang taon ngunit resulta ito ng katuparan ng programa ng PRO, sabi ng PNP sa Philippine information Agency (PIA).

Ang kaalaman sa field ay kailangang crime clock oriented bilang gawaing proactive sa pagsugpo ng kriminalidad na kailangang ikonsidera sa pagpababa ng kriminalidad, ayon sa ulat ng PNP.

Ipinaliwanag ng PNP Bicol na ang sustenidong kampanya sa impormasyon upang mahikayat ang publiko na maging mapagmatyag laban sa kriminalidad at pagsagawa ng tuluy-tuloy na pagsasanay sa mga imbestigador lalo na sa pag-imbestiga sa eksena sa trapiko at krimen, pagsusulat ng ulat teknikal at blotter ay kasama din sa kanilang mithiin.

Ang kriminalidad sa rehiyon ay nasa loob pa rin ng antas na kontrolado sanhi ng sustenido at epektibong paghahatid ng serbisyong pangkaligtasan sa publiko ng PRO at pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa pamayanan at iba pang epektibong programa sa serbisyo publiko ay nananatiling nagsasanhi ng malaking epekto sa sitwasyon sa krimen, sabi ng PNP Bicol sa PIA.

Ang PNP Bicol ay nagtala ng kabuuang crime volume na 14,538 mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon kumpara sa 6,169 insidente ng krimen na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, na nangangahulugan ng pagtaas na 57.57% o 8,369 na insidente.

Sa mga numerong ito, 6,822 na mga kaso o 46.93% ay mga index crimes kasama ang mga krimen laban sa tao gaya ng murder, homicide, physical injury at rape; at mga krimen laban sa ari-arian gaya ng robbery, theft, carnapping at cattle rustling.

Samantala, 7,716 insidente o 53.07% ay non-index crimes na kasama ang ang paglabag sa batas, ordinansa at simpleng paglabag.

Ang average monthly crime rate ay naitala sa 36.11 sa bawat 100,000 populasyon sa buong rehiyon o mataas ng 19.85 kumpara sa 16.26 rate na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa kabuuang naiulat na index crime, 1,089 nito ay nalutas na o 15.96% index crime solution efficiency. Samantala, base sa 7,716 insidente ng non-index crime, 2,028 ay konsideradong nalutas na o 26.28% non-index crime solution efficiency, ayon sa ulat ng PNP – Bicol. (mal/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2591378455332#sthash.BTiDOJNR.dpuf


PHILRECA mangangasiwa ng ALECO referendum

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 13 (PIA) – Ang mga kinatawan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA)  ay dumating kahapon dito upang magsagawa ng paghahanda sa referendum sa Setyembre 14 sa Albay upang bigyan ng kapangyarihan ang mga kasaping-konsumidor ng bangkaroteng Albay Electric Cooperative (ALECO) na magpasya sa pagitan ng dalawang pagpipilian na Private Sector Partnership (PSP) o Cooperative to Cooperative (C2C) na inilatag upang maisalba ang kooperatiba sa kuryente na malugmok pa sa krisis.

Ang pangkat na umabot sa 160 katao na binubuo ng iba-ibang kooperatiba sa kuryente galing ng Northern at Central Luzon ay pinamunuan ni PHILRECA President Wendell Ballesteros at kasama ang tatlong abugado na mamamahala sa tatlong voting centers na tinukoy ng National Electrification Administration (NEA). Si Ballesteros ay nasa sunud-sunod na pagpupulong pagdating at hindi nakapanayam ng Philippine Information Agency (PIA) para sa kanyang mga pahayag.

Ayon sa alituntunin ng NEA na pinalabas ni Administrator Editha Bueno noong Setyembre 11, ang referendum ay magsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ng Setyembre 14 na naunang tinukoy ni Department of Energy (DOE) Secretary Carlos Jericho Petilla.

Tinukoy din ng alituntunin na ang mga kasaping-konsumidor na nakatala ang pangalan sa masterlist ng ALECO ay kwalipikadong bomoto pakatapos maipresenta ang anumang valid identification (ID) card. Kung ang pangalan ng kasaping-konsumidor ay hindi nakatala sa masterlist, maari pa rin siyang bumoto kung maipresenta ang kasalukuyang singil sa kuryente o power bill at valid ID. Para sa mga juridical persons katulad ng mga negosyo at korporasyon, ang valid ID at authorization letter ay kailangang ipresenta ng opisyal na kinatawan.

Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ALECO Officer-In-Charge for Institutional and Administrative Services Division (IASD) Hezel Morallos sa Philippine Information Agency (PIA) na magkakaroon ng 218 referendum precincts na hahatiin sa tatlong voting districts.

“Ang District 1 ay binubuo ng Tabaco City na itinalagang district center kasama ng Tiwi, Bacacay, Malinao, Malilipot at Sto. Domingo na binubuo ng 68 voting precincts,” sabi ni Morallos.  Ang voting precincts ay nasa Tabaco South Elementary School, Visita San Miguel Island Elementary School, Bacacay Elementary School, Cabasan Elementary School, Balsa Elementary School, Malilipot National High School at Sto. Domingo National High School.

Ang District 2 na itinalaga ang Legazpi City bilang center ay binubuo ng Albay District, Daraga, Camalig, Manito at Rapu-Rapu na may 76 voting precincts. Ang precincts ay nasan Cabangan Elementary School, Bagumbayan Elementary School, Daraga North Central School, Camalig North Central School, Manito Central School at Rapu-Rapu Central School.

Samantala ang District 3 na Ligao City ang center ay sakop ang Guinobatan, Oas, Polangui, Libon, Pio Duran at Jovellar na may 74 precincts na nasa Guinobatan East Central School, Binatagan Elementary School, Oas Central School, Polangui South Central School, Libon Central School, Pantao Elementary School, Pio Duran Elementary School at Jovellar Central School.

“Ang iba pang kooperatiba ng kuryente sa Bicol ay nagpahiram ng kanilang mga ballot boxes na gagamitin sa referendum sa Sabado,” sabi ni Morallos sa PIA. Ang ibang mga guro ng Department of Education (DepEd) ay tutulong bilang kasapi ng Precinct Election Committee (PECOM), dagdag ni Morallos.

Nauna dito, inobliga ng DOE ang ALECO na magsagawa ng information and Education Campaign (IEC) mula Setyembre 2 hanggang 6 upang ipahayag sa publiko ang mainam at hindi mainam sa dalawang pagpipilian, ang PSP at C2C sa pamamagitan ng sumusulong sa kanila.Si Albay Governor Jose “Joey” Salceda ay naunang nagpahayag ng suporta sa PSP.

Ang Albay ay nakaranas ng 29 oras na pagkaputol ng kuryente sa National Grid Power Corporation (NGCP) noong tanghali ng Hulyo 30 hanggang alas 5 ng hapon ng Hulyo 31 sanhi ng napakalaking P4B kabuuang utang dahilan sa hindi maayos na pagpapatupad ng palisiya sa pangongolekta, mataas na systems loss, pagnanakaw ng kuryente at kabiguang makakuha ng pangmatagalang kontrata sa serbisyo sa kuryente. (MAL/JJJP-PIA5/Albay

Thursday, September 12, 2013

Pinoy expats, susuyuin na dumalaw sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Set. 12 (PIA) – Maari nang markahan ng mga Masbatenyo ang kanilang kalendaryo: Ang 2015 ay taon ng mga Filipino expatriates na nagmula sa lalawigan ng Masbate.

Malaking kampanya ang binabalak ng isang people’s organization na ilunsad ngayong taon upang hanapin ang mga Pinoy expats at hikayatin silang dumalaw sa Masbate sa tag-araw ng taong 2015.

Binabalangkas na ng non-government organization na Masbate Advocates for Peace ang mga plano para sa isang online campaign na puntirya ang mga Masbateño expats at professionals na ibayong dagat na gumagamit ng email accounts at social networking sites katulad ng Facebook.

Ang panawagan na magbakasyon sa Masbate ay ilalagay din sa news websites na madalas ina-access ng Masbatenyos sa ibayong-dagat. Malaking pagdiriwang ang ihahanda sa kabisera ng Masbate bilang pagkilala at pagbunyi sa mga nagawa at nakamit ng mga Masbatenyos bilang dayuhan sa ibang lupain.

Hindi pa malinaw kung ilang ang puntirya ng kampanya, subalit ang pangunahing target countries ay Estados Unidos, Canada at Australia. Sa pulong ng Masbate Advocates for Peace kahapon,

sinabi ng MAP convenor na si trial court Judge Igmedio Camposano na bukod sa hitik sa kasayahan at pasasalamat na hindi pa naranasan ng expats, ang 2015 summer homecoming ay bonding experience at lasting memories din para sa expats at kanilang kamag-anak at kaibigan sa Masbate.

Ito ang dahilan aniya kung bakit bagaman naakit na sila sa ibang bansa sa pamamagitan ng mataas na sinasahod o kinikita mahahalina pa rin silang dumalaw sa kanilang lupang tinubuan. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=771379292465#sthash.722yACzw.dpuf

DENR, inilahad ang mga programa sa mga mamamayan sa Camarines Norte

BY: ROSALITA B. MANLANGIT

DAET, Camarines Norte, Set.12 (PIA) -- Isinagawa Miyerkules nang nakalipas na linggo sa Central Plaza Atrium dito ang People’s Day para sa pagbibigay ng mga serbisyo at tulong ng ibat-ibang sektor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) lalo na ang mga dapat gawin at isumite upang mapatituluhan ang mga pag-aaring lupa na nasasakupan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Pinangunahan ito ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng bayan ng Daet katuwang ang mga sektor ng DENR Bicol,na nangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan kabilang na ang mga regional at technical director ng Land Management Sector; Protected Area, Wildlife and Coastal Zone Management Sector; Forest Management Sector; Environment and Management Bureau; Mines and Geo-Sciences Bureau at Research Sector.

Ayon sa pahayag ni regional executive director Gilbert Gonzales ng DENR Bicol , layunin ng Peoples Day ang maipaabot ang mga programa ng DENR at marating ang ibat-ibang sektor sa ibat-ibang probinsiya upang magkaroon ng pagpapalitan ng mga impormasyon at mga katugunan sa mga pangangailangan ng mga sektor at mga mamamayan sa lalawigan.

Isinagawa din kahapon ang malayang talakayan sa mga residente ng Urban Poor sa bayan ng Daet ganundin ang peoples organization ng DENR dito sa ilalim ng Community Base Forest Management Program ng naturang tanggapan.

Ito ay upang bigyan kasagutan ang mga suliranin ng mga mamamayan na mayroong problema sa lupain, pangangalaga sa kalikasan, pagbabantay sa mga punongkahoy at iba pang may kaugnayan sa kapaligiran.

Kabilang na dito ang mga bakanteng lugar na nais taniman ng puno lalo na ang mga gilid ng minahan kung
saan kailangan lang na gumawa ng kahilingan sa CENRO upang mabigyan ng mga pantanim na mga punongkahoy at makipag-ugyan pa rin sa may-ari ng lupa kung ito’y pribado o pag-aari ng gobyerno.

Samantala, kaalinsabay din ang 3rd Regional Management Conference ng DENR na sinimulan kahapon sa Catherines Light House sa Bagasbas Beach sa bayan ng Daet at ito ay magtatapos sa araw ng biyernes.
Tatalakayin dito ang pagpapatupad ng mga programa kabilang na ang National Greening Program, survey projects at iba pang nakapaloob sa mandato ng DENR.

Ipinamahagi naman kahapon ang 200 forestry seedlings na Caballero at Mahogany sa mga dumalo sa isinagawang peoples day forum. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871378963948#sthash.6uuEK0ai.dpuf

Sandugo awarding para sa Luzon, Visayas gaganapin sa Bicol

BY: SALLY A. ATENTO

LUNGSOD NG LEGAZPI, Sept 12 (PIA) --  Kasalukuyang punong-abala ang Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) sa Bicol sa  ika-15 National Sandugo Awarding ceremony na gaganapin ngayong araw sa Oriental Hotel dito sa patuloy na pagtataguyod ng boluntaryong pagbibigay ng dugo.

Ayon kay DOH Bicol regional director Gloria Balboa ang National Sandugo Award ang pinakamataas na parangal na taunang ibinibigay sa mga lokal na punong tagapaganap na nagbibigay ng taos-pusong suporta, dedikasyon at pakikiisa sa National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) ng pamahalaan.

Ang parangal, dagdag ni balboa, ay sinimulan ng DOH upang mabigyang pagkilala ang mga barangay captains, mayor at gobernador na aktibong nakikiisa sa adbokasiya na mapanatili ang sapat na suplay ng dugo sa bansa sa pamamagitan ng mobile blood donation activities.

Layunin din nito na mahimok ang mga lokal na opisyal na manguna at personal na makiisa sa NVBSP.

Kasama sa mga pamantayan sa pagpili ng mga mananalo ang personal na pakikiisa at paninindigan sa pagpapatupad ng NVBSP; pagbigay ng mga kinakailangang tulong sa pagsasagawa ng nasabing programa sa kanilang komunidad; paghimok sa mga nasasakupan na makiisa sa mga aktibidad na layuning mapataas ang koleksyon at suplay ng dugo sa bansa; at administrative issuances na nagpapakita ng suporta sa NVBSP sa loob ng tatlong taon.

Ang adbokasiya para sa voluntary blood donation ay pinaigting noong 1994 nng ipasa sa kongreso ang Republic Act 7719 at mapirmahan ni dating pangulo Fidel V. Ramos.

Ang polisiyang ito ay siya ring nagpakilos sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong organisasyon sa pagtaguyod ng voluntary blood donation at pagkolekta ng dugo. (MAL/SAA/PIA5-Albay)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2571378890814#sthash.ojQZBaUk.dpuf

Pinoy expats, susuyuon na magbisita sa Masbate

CIUDAD SAN MASBATE, Set. 12 (PIA) – Pwede na namarkahan san mga Masbtenyos an inda kalendaryo: An 2015 tuig para sa mga Filipino expatriates na hali sa probinsya san Masbate.

Dako na kampanya an guina plano san isad na people’s organization na ilalansar yana na tuig para hanapon an mga Pinoy expats kag kumbensiron sinda na magbisita sa Masbate sa panahon san tag-init o kwaresma sa tuig 2015.

Ina-plastada na san non-government organization na Masbate Advocates  for Peace an mga plano para sa online campaign na target an mga Masbatenyo expats kag propesyonal sa luwas san Pilipinas na nagagamit san email accounts kag social networking pareho sa Facebook.

An panawagan na magbakasyon sa Masbate ibubutang man sa news websites na pirme guina-access san Masbatenyos sa iba na nasyon.

Dako na selebrasyon an paga prepararon sa kabisera san Masbate bilang rekognasyon kag pag-umaw sa mga nahimuan kag naabot san mga Masbatenyos bilang dayuhan sa iba pa nasyon.

Dili pa malinaw kun pira an target sa kampanya, pero una sa mga target countries an Estados Unidos, Canada kag Australia.

Sa tiripon san Masbate Advocates for Peace kahapon, sinani ni MAP convenor na si trial court Judge Igmedio Camposano na apwera san puno sa kasadyaan kag pagpasalamt na wara pa maangkon san expats, an 2015 summer homecoming  magiging bonding experience kag lasting memories man san mga expats sa inda mga paryentes kag mga amigo sa Masbate.

Ini an dahilan segun pa kan Camposano, na bagaman nauyon na sinda sa iba na nasyon dahilan san dako na sweldo kag guina kita mai-engganyo guihapon sinda na magbisita sa lugar na inda tinubuan. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=831378961186#sthash.cbHl7gGF.dpuf

Gamutan sa mata at tainga, libreng ihahandog sa Masbatenyo

LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 11 (PIA) -- Lumiwanag ang pag-asa ng mga Masbatenyos na may diperensya sa paningin at pandinig dahil sa isang medical mission ang isasagawa sa lalawigan ng Masbate sa susunod na taon.

Libre o walang bayad ang serbisyong medikal na ito na ang pangunahing pakay ay mga batang mag-aaral na mahina ang pandinig at mga magulang na may katarata ang mata.

Ang medical mission na itinakda sa darating na Oktubre 14 hanggang 18 ay isasagawa sa pagtutulungan ng Rotary Club of Masbate, Rotary Club of Canterbury, Australia, Cataract Foundation Philippines Inc., at ilang local governments units sa Masbate. Ang Masbate Provincial Hospital, Cataingan District Hospital at Aroroy District Hospital ang pagdadausan ng operasyon.

Sinabi ng lider ng Rotary Club of Masbate na si Provincial Board Member Jamon Espares na ang mga may katarata na walang pambayad sa operasyon ay may pagkakataong maoperahan ng libre sa medical mission.

Sa ospital sa Masbate na nagtatanggal ng katarata, mahigit P16,000 ang sinisingil nito sa bawat matang ooperahan. Sa kasalukuyan ay patuloy aniya ang pagsusuri sa mga nangangailangan ng cataract operation.

Nauna rito ang pagsasagawa ng pagsasanay sa public school nurses kung saan ipinaliwanag ni Mavis Campos ng Cataract Foundation Philippine Inc. na ang katarata ay parang ulap na tumatakip sa lente ng mata at humahantong sa pagdilim ng paningin.

Ito anya ang pinaka-karaniwang sanhi ng pagkabulag. Tinatayang 25,000 mamamayan sa Masbate ang may katarata. Bukod sa operasyon sa katarata, gagamutin din ang mga nawawalan ng pandinig.

Sinabi ni Mavis na ang nakasanayang paggamit ng cotton buds o swab sa paglilinis ng taingan ang aniya’y karaniwang sanhi ng hearing loss dahil sa nalalagot nito ang ear drum.

Sa tambalang ito ng Rotary Club at Cataract Foundation Philippines Inc., at pamahalaang lokal, umakyat ang pag-asa na luminaw ang paningin at pandinig ng mga nanganganib mabulag at mabingi dahil sa katarata at maling kinagawian sa tainga. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Kooperatiba ng kuryente sa Albay naghahanda sa referendum

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 12 (PIA) -- Private Sector Partnership (PSP) o Cooperative to Cooperative (C2C)?

Magpapasya ang mga Albayanos sa pamamagitan ng isang referendum sa Sabado, Setyembre  14 kung alin ang pinakamainam na pagpipilian upang sagipin ang bankaroteng Albay Electric Cooperative (ALECO) sa hindi maayos na pagpapatupad ng palisiya sa pangongolekta, mataas na systems loss, at kabiguang makakuha ng pangmatagalang kontrata sa serbisyo sa kuryente

“Inaasahan naming kahit 25% ng lampas 180,000 na kasaping-konsumidor o 20,000 ay lalabas upang bumoto,” sabi ni ALECO Officer-In-Charge for Institutional and Administrative Services Department (IASD) at itinalagang tagapagsalita Hezel Morallos sa Philippine Information Agency (PIA) sa isang eksklusibong panayam.

Ang tinatayang mga botante na lalahok ay lampas sa 5,000 na karaniwang dami ng mga lumalahok sa anumang pinasimunuang halalan ng ALECO para sa mga kasapi sa lupon, at mas mataas pa sa pinakamataas na dami ng lumalahok sa karaniwang pangkalahatang pagpupulong ng mga kasaping-konsumidor na lumalampas lamang sa sanlibo, dagdag ni Morallos.

“Maliban sa aming serye ng kampanya sa impormasyon at edukasyon (IEC) sa mga munisipalidad, ginamit din namin ang halos lahat ng maaring gamiting pamamaraan ng pakikipagtalastasan gaya ng anunsiyo sa mga radyo at telebisyon, sulat sa mga alkalde at media at mobile PA (public address) system na umiikot sa mga barangay upang maikalat ang impomasyon na may kaugnayan sa referendum,” sabi ni Morallos sa PIA.

 Ang IEC ay inirekomenda ng Department of Energy (DOE) pakatapos na makipagpulong ang mga kinatawan ng grupong multi-sectoral na pumapabor sa C2C kay DOE Secretary Carlos Jericho Petilla upang mabigyan sil ng pagkakataon na maipahayag sa mga Albayanos ang kanilang paninindigan.

Ang IEC ay isinagawa sa 1,677 residente mula Setyembre 2 hanggang 6 sa 17 munisipyo ng Albay kasama ang Legazpi City. “Ang ibang alkalde tulad sa munisipyo ng Libon, Polangui at Guinobatan ay personal na dumalo ng mga IEC kasama ang mga pinuno ng kanilang mga barangay,”  sabi ni Morallos.

Ang Libon ay nakapagtala ng 223 dumalo, Polangui 105 at Guinobatan na may 160 lumahok sa IEC ay kasama sa mga nangungunang mga pook na may mataas na dumalo sa IECs na pinangunahan ng Lungsod ng Legazpi na may 330 at Manito na may 200 dumalo. Ang Camalig ay nagkaroon lamang ng isang dumalo at walang dumalo sa Tabaco City na naging sanhi upang kanselahin ang pagtitipon. “Nakatanggap kami ng ulat na inakala ng mga kasaping-konsumidor sa Libon na ang naunang pagpupulong ng mga pabor sa C2C ay iyon na rin ang itinakdang pagpupulong ng DOE, habang wala kaming alam sa dahilan ng nag-iisang dumalo sa Camalig,” sabi ni Morallos.

Ang grupong panig sa C2C ay binubuo ng multi-sectoral groups na pinangungunahan ng abogadong si Burt Rayco at suportado ng ALECO Employees Organization (ALEO). Ang grupong panig sa PSP ay binubuo ng ALECO board at unyon ng mga pinuno, ang ALECO Labor Supervisors Organization (ALELO), sabi ni Morallos. Nauna nang nagpahayag ng suporta si Albay Governor Joey Salceda sa  PSP. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)

Tuesday, September 10, 2013

PCA may suhistyon sa local governments agod pauswagon an coconut industry sa Masbate

BY: ROGELIO LAZARO

CIUDAD SAN MASBATE, Sept. 10 (PIA) – Guin inkaher san Philippine Coconut Authority an mga gobierno lokal sa probinsya san Masbate na matindog san coconut seedling nursery para buligan an mga para kopra na mag-uswag an inda industriya.

An suhistyon guin hayag ni senior agriculturist Gerry Bacolod san PCA Masbate Field Office san makipagdayalogo siya mga para kopra sa Barangay Maingaran sa ciudad san Masbate san nakaligad na mga adlaw.

PCA an ahensiya san gobierno sa idalom san Opisina san Agrikultura na responsable sa pagpauswag san koprahn kag iba pa na palm oil industries sa bilog na potensyal sani maylabot sa bisyon na “efficient kag globally competitive” na industriya.

Incierto ni Bacolod na kun matindog an coconut nurseries sa Masbate, makaproduser san mas maayo na klase san coco seed nuts na bagay na pangbalyo sa maluya na klase san native na lubi.

Nursery an lugar na kun-diin an mga pananom guina padamo kag guina padaragko hasta na pwede na ini itanom san tanuman.

An ekonomiya san Masbate guina pangunahan san agrikultura, lubi an primero na guina kuhaan san pangabuhay kag kita san mga tawo. Sa karkulasyon 60,000 MT an copra production sa Masbate kada tuig na naga kantidad san 540 milyones de pesos.

Segun kan Bacolod, direkta na mapakinabangan san mga para kopra sa Masbate an mga seednut nurseries dahilan kay mas barato segun saiya an gasto kumpara sa pag-angkat san seedling hali sa iba na probinsya.

An napulo na ektarya san seed nut nursery segun saiya pwede na magkaigwa san kapasidad na butangan san 20,000 na seed nuts.

San nakaligad na mga adlaw nagdistribwer an PCA sa mga para kopra sa ciudad san Masbate san 30,000 na Tacunan coco seed nuts.

Mas maayo na klase san puno san lubi an Tacunan kay kaya sani mamunga san hasta isad kagatus na isad na pamungahan. Apwera sani, mas damo san lana an kopra sani kag mas matibay an puno kontra bagyo.

An distribyusyon san PCA san mas matahom na klase san lubi parte san guin lansar sani na pangmadugayon na programa para buhayon an industriya na hinay-hinay na guina patay dahilan san pagnegosyo san tabla kag kahoy hali didi kag an dili pagsangli san mga gurang na napuno san lubi. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

PNP nagbabala laban sa budol-budol gang


VIRAC, Catanduanes, Set. 10 (PIA)- Nagbigay ng babala ang tanggapan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan kaugnay ng pag-atake umano ng “Budol-budol” gang.

Ayon kay Police Senior Superintendent Eduardo G. Chavez, mahigit limang (5) kaso na kaugnay ng pambibiktima ng naturang grupo ang naitala sa tanggapan ng PNP.

Sinabi ni Chavez na modus umano ng grupo ang tumawag sa cellphone para humingi ng load at nagpapanggap na kakilala ang tinatawagan at kailangan umano na mapadalhan ng load dahil nasa alanganing lugar o mayroong emergency gamit ang mga kilalang opisyal at personalidad sa lalawigan kabilang na ang mga empleyado ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Chavez, gumagamit umano ng pang-‘hypnotize’ ang mga myembro ng budol-budol upang makuha ang loob ng kausap.

Patuloy din umano silang magbabantay sa iba’t ibang lugar sa lalawigan sa pamamagitan ng checkpoints at pagpapaigting sa police visibility upang mapanatili ang seguridad ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng barangay at SK election.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Governor Araceli B. Wong ang publiko na maging maingat sa pakikitungo sa mga hindi kakilala at patuloy na makipag-ugnayan sa kapulisan upang mahuli ang sangkot sa panloloko.

Ayon sa kanya, ang matibay na relasyon ng kapulisan at mamamayan ay makakatulong ng malaki upang mahuli ang mga nanloloko at nananamantala. (EAB-PIA5/Catanduanes)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=841378736766#sthash.UBXC5zcV.dpuf

Tianggean sa Naga City Peoples Mall kaugnay ng Peñafrancia Fiesta

LUNGSOD NG NAGA, Setyembre 10 (PIA) ---Inaasahan ang pagdagsa ng mga transient vendors at mamimili sa Naga City Peoples Mall o dating Naga City Public Market ngayong araw dahil sa pagbukas ng Tiangge sa ikatlong palapag ng nasabing pamilihan.

Inaasahan na marami ring mga dayuhang negosyante ang pupunta upang makapag-display ng kanilang produkto sa pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta.

Ayon kay market superintendent Ramon Florendo, layunin ng pagbukas ng Tiangge na ipinwesto sa rooftop ng public market dito sa Lungsod na mahadlangan ang mga kumakalat na transient vendors sa mga pangunahing kalsada. Ito raw kasi ang nagiging sanhi ng mabigat na buhos ng trapiko, pagharang sa mga pedestrian lane at nagiging eyesore sa mga bisita.

Sinabi ni Florendo na maraming stalls ang nakahanda sa mga maliliit at dayuhan na negosyante sa nasabing lugar para paglagyan ng paninda. Halagang P5,000-P8,000 lamang ang renta sa bawat puwesto at mayroon naming lugar sa mga paninda  na nakalagay sa mga kariton o para sa mga naglalako lamang.

Ipinagbabawal kasi ng lokal na pamahalaan ang pagtitinda sa mga sidewalk upang hindi maabala sa paglalakad ang mga bisita na pumupunta sa lungsod para sa pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta.

Sa kasalukuyan binuo na ang anti-vending task force ng lokal na pamahalaan upang bantayan ang mga lugar na bawal sa mga magtitinda lalo na kung ang mga ito ay nasa pangunahing kalsada.

Ang “Tiange” sa NCPM ay pinamamahalaan ng Naga City Market Stallholders Federation Inc. (NAMASFED) na halos may 1,500 na miyembro. Simula ng mapaganda angpublic market na tinatawag na ngayong Naga City Peoples Mall ay hindi na pinapayagan ng lokal na gobyeno na kumalat ang mga dayuhang vendors sa mga kalye at patyo ng simbahan para magtinda.

May malaking parking space din sa 3rd floor ng mall kung kaya pwedeng dalhin ang sasakyan para mamili ng produkto gaya ng laruan, kitchen wares, at iba pang dry goods. (LSM/DCA-PIA5//Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=851378794028#sthash.ajOsDPOO.dpuf

Singil sa terminal fee sa Masbate City Port, itatakda ng hearing panel na binuo ng PPA

BY: ERNIE A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Set.10 (PIA) – Ang isang inter-agency panel na binuo ng Philippine Ports Authority ang matatakda ng halaga ng terminal building fee na isisingil sa mga papaalis na pasahero sa Masbate City Seaport.

Ang panel ay binubuo ng mga kinatawan ng Department of Trade and Industry, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources at Maritime Industry Authority.

Sa pagdinig na ginawa ng panel na ginanap kamakalawa sa loob ng public terminal building, ipinanukala ni Port Manager Rosalinda Sumagaysay ang P35 na terminal building fee sa bawat pasaherong sasakay ng paalis na barko upang matustusan umano ang maintenance ng gusali.

Sa pagtasa ng PPA, mahigit P800,000 umano ang gastusin sa maintenance ng building bawat buwan. Ayon kay Sumagaysay, P35 din ang panukalang terminal building fee para sa mga pantalan sa Legazpi, Tabaco City at San Andres.

Sa panig ng mga miyembro ng publiko na sumasalungat sa P35 dapat anila na babaan ang maintenance cost upang maibaba ang terminal fee. Ang rekomendasyon ng hearing panel ang umano’y susundin ng PPA. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

An rekomendasyon san hearing panel an pagasundon san PPA. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Kantidad sa terminal building fee sa Masbate City Port, itatakda san hearing panel na pinorma san PPA

CIUDAD SAN MASBATE, Sept. 10 (PIA) – An isad na inter-agency panel na pinorma san Philippine Ports Authority an magatakda sa kantidad san terminal fee na ipapatuman sa mga paluwas na pasahero sa Masbate City Seaport.

An panel pagakomponeron san mga representantes hali sa Department of Trade and Industry, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources kag Maritime Industry Authority.

Sa konsultasyon na inhiwat san nakaligad na mga adlaw sa sulod san public terminal building, inproponer ni Port Manager Rosalinda Sumagaysay an P35 na terminal building fee sa kada pasahero na masakay sa pahali na barko para masuplagaran daw an maintenance san building.

Sa karkulasyon san PPA, lampas P800,000 daw an guina-abot na gastuson sa maintenance san building kada bulan.

Segun kan Sumagaysay, P35 man an proponido na terminal building fee sa mga pantalan san Legazpi, Tabaco City kag San Andres.

Sa labo san mga miyembro san publiko na nagabalabag sa P35, kinahanglan segun sainda na hamubuan ang maintenance cost agod maghamubo man terminal fee.

Friday, September 6, 2013

Pamamahagi ng pantanim na mga punongkahoy patuloy sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, September 6 (PIA) -- Patuloy ang pamamahagi ng mga pantanim na punongkahoy o forestry seedlings ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng LGU Provincial Environment and Natural Resources Office (LGU-PENRO).

Ito ay sa ilalim ng Provincial Forestry Seedlings Production and Tree Planting Program sa pamumuno ni Gobernador Edgardo A. Tallado na itinataguyod upang pagbigyan ang kahilingan ng mga publiko at pribadong tanggapan, grupo at indibidwal na humihiling ng mga pantanim na punongkahoy.

Sa pamamagitan din ito ng patuloy na pagpaparami ng ibat-ibang uri ng punongkahoy sa provincial nursery ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Basud na siyang pinagkukunan ng mga ipinamamahaging pantanim.

Kamakailan lang ay ipinamahagi ang 715 pantanim na puno sa barangay Luklukan Sur sa bayan ng Jose Panganiban at 200 sa barangay Calabagas ng San Vicente kaugnay sa isinagawang tree planting activities bilang bahagi ng clean and green program ng naturang lugar.

Kabilang sa mga punongkahoy ang Camagong tree seedlings, Narra, Catmon, Dancalan, Banocboc, Pulawan Cherry at Mahogany tree seedlings.

Nakatakda naman ang 500 Mahogany tree seedlings na ibibigay sa Pablo S. Villafuerte High School sa bayan ng Mercedes para sa kanilang tree planting activities na isasagawa sa ika-13 hanggang 14 ng Setyembre ngayong taon.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng Youth for Environmental and School Organization (YES-O) na isang organisasyon ng paaralan na binubuo ng mga guro, mag-aaral, magulang at kumunidad na nagtutulungan para maipatupad ang mga programang pangkalikasan.

Ito ay bilang suporta nito sa P-Noy 1 billion Tree Program ng pamahalaang nasyunal.

Samantala, sa patuloy na produksiyon ng mga pantanim ay pinangangasiwaan ito ng LGU-PENRO na pinamumunuan ni PENR Officer Engr. Leopoldo P. Badiola ng naturang tanggapan.

Layunin nito na magkaroon ng magandang uri ng mga pantanim na punongkahoy na madaling mabuhay at mabilis lumaki sa lugar na pagtataniman.

Isa rin itong paraan upang mapanumbalik ang luntiang kapaligiran at mapangalagaan ang ating mga likas na yaman.

Batay sa talaan ng LGU-PENRO umaabot sa 13,510 na ibat-ibang uri ng forestry seedlings ang naipamahagi na simula Enero hanggang Agosto ngayong taon. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871378444783#sthash.IsAkAhvq.dpuf

Red tide alert, nakataas sa isad na munisipyo sa Masbate

CIUDAD SAN MASBATE, Set. 5 (PIA) – Nagapabilin na positibo sa dynoflagellate bloom o mas kilala sa red tide toxin an baybayon sa munisipyo san Milagros, Masbate.

Dungan sa pagluwas sani na abiso, guin bawal san Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR an pagkuha, pagbaligya kag pagkaon san mga tagunhason o shellfish na naghali sa Milagros kay delikado ini sa salud.

Sa guihapon, inklaro san BFAR na pwede pa man kaonon an isda, hipon, pusit kag alimango.

Pagdumdom san BFAR, na seguraduhon lang na lab-as ini o halian san hasang antes lutuon para makalikay sa pagkahilo.

An Milagros isad sa major source san seafoods dahil sa abunda na yaman-dagat sani hali sa Asid Gulf. An bulto na marine products sani guina dara sa kabisera san Masbate, Metro Manila kag Bicol mainland.

Nadiskubre sa mga eksaminasyon na guin himo sa primero na semana san Agosto na igwa san red tide an baybayon san Milagros.

Maobserbaran an pagluwas san red tide sa Milagros tuna pa san dekada 90. Sa obserbasyon san lokal na gobierno sa Milagros, an red tide pwede na magpabilin san magkapira na semana kag magkapira na bulan antes ini mawara.

Dili pa guihapon maipaliwanag san mga eksperto kun nano an kawsa san pagluwas san dynoflagellates.

Apwera sa Milagros, Masbate, padayon na positibo man sa red tide an Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte kag Misamis Occidental kag Balite Bay sa Mati, Davao Oriental. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=831378356666#sthash.CEJPo4tF.dpuf

Salceda muling nahalal na Bicol RDC chair

BY: SALLY A. ATENTO

LUNGSOD NG LEGAZPI, Set 6. (PIA) -- Muling nahalal si Albay governor Joey Sarte Salceda sa ikatlong termino nito bilang chairperson ng Bicol Regional Development Council (RDC) sa isinagawang full council meeting nitong umaga sa  National Economic and Development Authority (NEDA) conference room sa barangay Arimbay dito.

Si Salceda, kinatawan ng sektor ng pamahalaan, ay nominado ni Department of Tourism Bicol director Maria Ravanilla.

Nominado rin si Mayor John Bongat ng Naga City subalit siya ay wala sa pagtitipon.

Ayon sa alituntunin ng RDC ang opisyal na absent wala sa pagtitipon ay hindi kwalilpikado na maisama sa listahan ng mga nominado.

Sina Jose Medina Jr ng Masbate at Benigno Elevado ng Camarine Norte, kumakatawan sa pribadong sektor, ay naihalal na co-chairs.

Bagaman’t ang RDC chairs at co-chairs ay inihahalak sa mga rehiyon, ang kanilang pangalan ay kailangang maisumite ng NEDA director general sa pangulo na siyang pipili at pinal na magtatalaga alinsunud sa Executive Order No. 325.

Nakasaad din sa EO na kung ang mapipiling chairperson ay buhat sa sektor ng pamahalaan, ang co-chair ay manggagaling sa pibadong sektor o kabaligtaran.

Sa rehiyon ng Bicol, ang sektor ng pamahalaan ng RDC ay binubuo ng anim na gobernador, pitong panglungsod na mayor, two pambayan na mayor, anim na pangulo ng provincial leagues of mayors at 23 regional directors ng nasyonal na ahensiya ng pamahalaan.

Ang pribadong sektor naman ay may 15 kinatawan na binubuo ng 12 geographic representatives (dalawa kada probinsiya), dalawang basic sector representatives at isang labor sector representative.

Ang RDC ay pangunahing institusyon na itinalaga upang itakda ang direksyon ng pagunlad sa larangan ng ekonomiya at panglipunang serbisyo ng rehiyon kung saan isinasagawa ang ugnayan sa pagsulong ng mga adhikaing pangrehiyon.

Ito ay binuo sa lahat ng rehiyon sa bansa upang maging epektibong institusyon na mangunguna at maninigurong makamit ang sustenable, nagkakaisa at pantay na kaunlaran. (MAL/SAA/PIA5-Albay)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571378460970#sthash.oSgRbwaf.dpuf

Thursday, September 5, 2013

Red tide alert, nakataas sa isang bayan ng Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Set. 5 (PIA) – Nananatiling positibo sa dynoflagellate bloom o mas kilala sa red tide toxin ang baybayin ng bayan ng Milagros, Masbate.

Ang red tide ay karaniwang tawag sa algal bloom o pagdami ng phytoplankton algae tulad ng Dinoflagelate na kadalasan ay kulay berde, pula o kayumanggi dahilan upang  magbago ang kulay ng tubig sa mga lugar na apektado nito.
 Kasabay ng paglalabas ng abisong ito, ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng mga alamang o shellfish na magmumula sa Milagros dahil ito’y makakasama sa kalusugan.

Gayunman, nilinaw ng BFAR na maari pa ring kainin ang mga isda, hipon, pusit at alimango. Payo ng BFAR, tiyaking sariwa ang mga ito o tanggalin muna ang hasang bago lutuin para makaiwas sa pagkakalason.

Ang Milagros ay isang major source ng seafoods dahil sa yamang-dagat nito sa Asid Gulf. Ang bulto ng marine products nito ay iniluluwas sa kabisera ng Masbate, Metro Manila at Bicol mainland.

Natuklasan sa mga pagsusuri na isinagawa noong unang linggo ng Agosto na may red tide sa baybayain ng Milagros.

Kapuna-punang may pagsibol ng red tide sa Milagros magmula noong dekada 90. Sa obserbasyon ng lokal na pamahalaan sa Milagros, ang red tide ay maaring magtagal ng ilang linggo o ilang buwan bago ito maglaho.

Hindi pa rin maipaliwanag ng mga syentipiko kung ano ang nagiging sanhi ng pamumukadkad ng dynoflagellates.

Bukod sa Milagros, Masbate, nananatili pa ring positibo sa red tide ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Bicol kabilang sa 6 lugar para sa pagtatanghal ng Development Policy Research Month

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Setyembre 5 (PIA) – Ang rehiyon Bicol ay isa sa mga napiling lugar para sa mga kaganapan sa taunang pagdiwang ng Development Policy Research Month (DPRM) ngayong Setyembre sa pagpapahayag ng mga pangunang mensahe ng DPRM sa pamamagitan ng iba-ibang pamamaraan.

Ang mga rehiyon ay magsasagawa ng mga press conference o kapihan sa mga pangunahing  mensahe ng DPRM sa paksang gawain na - Making Health More Inclusive In A Growing Economy.

Ang DPRM ay taunang pagdiriwang alinsunod sa Proklamasyon Bilang 247, na nilagdaan ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo noong 2002.

Ang pagdiwang ng DPRM ay naglalayong paigtingin pa ang kaalaman ng mga tao at ang pagpapahalaga ng pananaliksik ukol sa palisiya para sa pagtataguyod ng isang bansa.

Sa Bikol, nakipag-ugnayan na ang PIA 5 sa mga pinunong pang-rehiyon ng Department of Health (DOH), Philippine Insurance Corporation (Philhealth) at iba pang mga stakeholders kasama ang media para sa gaganaping pag-uugnayan.
Ang Lungsod ay kasama sa iba pang limang lugar na binubuo ng Baguio City, Cebu City, Iloilo, Cagayan de Oro at Davao na napili upang ipahayag ang mga pangunang mensahe ng DPRM sa pamamagitan ng iba-ibang pamamaraan.

 “Nakahanda kaming dumalo sa mga aktibidad na may kaugnayan sa DPRM,” sabi ni DOH Bicol Assistant Regional Director Napoleon Arevalo sa PIA.

Nagpahayag din ng suporta ang Philhealth at National Economic Development Authority (NEDA) sa isasagawang aktibidad ng PIA.

Nauna nito, nagpadala ng sulat sa PIA si  Gilberto Llanto, pangulo ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng NEDA para sa pakikiisa nito sa implementasyon ng publisidad ng  DPRM.

Ang PIDS ang nagsisilbing ahensiya ng pamahalaan na namumuno sa taunang pagdiwang ng DPRM alinsunod sa papel nito bilang nangungunang  pampamahalaang surian ng bansa. (JJJPerez-PIA5/Albay)

Alay Takbo kaugnay ng ika-113 anibersaryo ng Serbisyo Sibil isinagawa sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Set. 5 (PIA) -- Isinagawa ngayong araw sa bayan ng Daet ang Alay Takbo mula sa Central Plaza Mall hanggang Camarines Norte State College (CNSC) kaugnay sa selebrasyon ng ika-113 anibersaryo ng Serbisyo Sibil.

Pinangunahan ito ng Civil Service Commission ng lalawigan ng Camarines Norte kung saan nakiisa dito ang mga tanggapan ng nasyunal at lokal na pamahalaan.

Isinagawa din sa paaralan ng CNSC ang fun run ng mga hepe ng tanggapan ganundin ang tag of war at pagbibigay ng premyo sa mga nanguna at nanalo ng naturang aktibidad.

Ayon sa pahayag ni Director II Cecilia ng CSC dito, ang aktibidad ngayong araw ay Race to Serve III: Run for a cause na isinasagawa sa bawat taon sa selebrasyon ng Serbisyo Sibil kung saan ito ay mayroong registration fee na P75 sa bawat isa.

Ayon pa kay Balmaceda, ang naturang halaga ay ibibigay na donasyon upang ibili ng mga upuan na magagamit ng mga mag-aaral ng Ulipanan Elementary School sa bayan ng Jose Panganiban na pinili ng Department of Education (DepEd).

Maliban dito, una ng isinagawa noong Lunes ang sabayang pagtataas ng watawat sa lahat ng tanggapan ng nasyunal at lokal na pamahalaan dito at ang misang pasasalamat ganundin ang pambungad na programa at pen light parade.

Samantala, isinasagawa naman ngayon sa Heritage Center sa bayan ng Daet ang Ehem! Anti-Corruption Sentivitiy Workshop ng DepEd na bahagi pa rin na aktibidad sa selebrasyon ng Serbisyo sibil.

Kabilang pa rin sa mga gawain sa ika-9 ng Setyembre ang pagbisita sa museum ng Heritage Center sa bayan ng Daet at sa Provincial Museum, Archive and Shrine Curation Division sa kapitolyo probinsiya.

Isasagawa naman sa Setyembre 13 ang Outreach Program ng Camarines Norte Council of Personnel Officer (CNCPO) at Pangkabuhayan Seminar sa Setyembre 16 ng Department of Trade and Industry (DTI).

Magkakaroon din ng pagtatanim o Tree Planting ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ika-17 ng Setyembre.

Pangungunahan naman ng Department of Education ang closing and awarding ceremonies sa Setyembre 27.
Tema ng selebrasyon ang “Tatak lingkod Bayani isabuhay, ipagmalaki at ipagbunyi”. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

DSWD inilunsad ang reg'l profile of poor households sa Bicol

BY: SALLY A. ATENTO

LUNGSOD NG LEGAZPI, Sept 5 (PIA) – Inilunsad ng Social Welfare and Development (DSWD) regional office dito ang unang Regional Profile of Poor Households ng Bicol upang magamit ng mga ahensiya at organisasyon bilang basehan sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto para sa mga maralita at mahinang pangkat ng lipunan.

Ayon kay DSWD 5 regional director Arnel B.Garcia ang database o "Listahanan" ay resulta ng isinagawang survey sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTSPR) na maaaring gamitin ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagplano at pagsagawa ng mga interbensyon na kinakailangan ng mga marginalized sectors.

“Sa pamamagitan ng “Listahanan” nakakasiguro tayo na talagang ang mga tunay na mga mahihirap ang  nakikinabang sa mga poverty reduction interventions ng DSWD at iba pang ahensiya at organisasyon na gumagamit ng ating database,” pagbibigay-diin ni Garcia.

Ang profiling ng mga mahihirap na kabahayan ay inalam sa pamamagitan ng household assessment na isinagawa sa buong rehiyon mula 2009 hanggang 2011. Dito nakasaad ang katangian, lawak, kasalukuyang kalagayan at iba pang statistical data na tinipon mula sa nakilalang 461, 242 na mahihirap na kabahayan sa rehiyon.

Paliwanag pa ni Garcia ang layunin ng pamamaraan na ito na maipakita ang kahalagahan ng istatistika sa pag-alam ng estado ng kahirapan sa rehiyon na isa sa mga pangunahing isinasaalang-alang sa pagsasagawa ng mga lokal na estratehiya upang maibsan ang kahirapan.

Ang muling pagkalap ng mga bagong datus ay isasagawa sa rehiyon sa huling tatlong buwan ng taong ito na magiging bahagi din ng 2nd nationwide assessment.

Ang DSWD, dagdag ni Garcia, ay nagsasagawa rin ng oryentasyon sa mga programa ng departamento sa tuwing nagsasagawa ng nasabing aktibidad upang mahimok ang mga local government units at punong tagapaganap na suportahan at isagawa ng tama ang mga panlipunang serbisyo sa kanilang nasasakupan.

Ang NHTSR database ang siya ring basehan ng nasyonal na ahensiya ng pamahalaan sa pagtukoy ng mga makikinabang sa kanilang social protection programs upang masiguro ang unified targeting system at bjective database ng mga mahihirap na kabahayan. (MAL/SAA-PIA5/ Albay)

 - See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571378285485#sthash.3QMFdyr8.dpuf

Wednesday, September 4, 2013

MOA para sa tulong pangkabuhayan, edukasyon nilagdaan ng lokal na pamahalaan ng Daet, Calata Corp.

DAET, Camarines Norte, Set. 3 (PIA) – Nilagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang bayan ng Daet at ng Calata Corporation na magbibigay ng tulong pangkabuhayan at edukasyon sa mga anak ng mga magsasaka pamamagitan .

Isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan ni alkalde Tito Sarion gn abayang ito at  chairman at chief executive officer  Joseph Calata ng Calata Corporation sa isinagawang “2013 Daet Business Forum” noong Sabado (Agosto 31) na dinaluhan rin ng mga negosyante sa bayan.

Ayon Sarion, ang “Business Forum” ay isinagawa upang palakasin ang pagnenegosyo sa bayan na nakabase sa tema “Sustaining Inclusive Growth in Business Environment”

Aniya ito ay may kaugnayan pa rin sa pagiging ika-apat bilang “Most Competitive municipalities sa bansa ng bayan ng Daet na kinilala ng National Competitiveness Council (NCC) kung saan nais niya na mapanatili o higitan pa ang ganitong pagkilala.

Ang Calata Corporation ay isa sa pinakamalaking distributer ng feeds o pagkain sa mga hayop sa bansa na nagsimula lamang bilang maliit na negosyo kung saan ngayon ay may stock na P2B sa Pilipinas.

Bukod sa tulong pangkabuhayan sa mga magsasaka at scholarship sa mga anak nito, magsasagawa rin ng libreng seminar para sa dagdag kaalaman para sa mga mamumuhunan dito.

Ayon naman kay Bro. Michael Angelo Lobrin ng Go Negosyo at Phil. Center for Entrepreneurship Programs and Projects hindi dapat magkaroon ng maraming empleyado kundi ng maraming negosyo, kailangan turuan ang tao ng magkaroon ng “entrepreneurial mind”.
Aniya kailangan ang sipag, tiyaga at diskarte kasama rin ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga empleyado.

Inihayag niya na upang maging matagumpay ang pagnenegosyo ay gawin itong “lifestyle” at magkaroon ng “good corporate social responsibility”

Kabilang pa rin sa mga naging panauhin at nagbigay ng kanilang mensahe ay sina Hector Villegas, facilitator ng Kaya Natin Movement; Jorge Palma, representative ng Philippine Chamber of Commerce and Industry; and Ernestro Pardo, provincial director of the Department of Trade and Industry (DTI).

Magsasagawa rin ng isa pang “business forum” sa ika-13 ng Setyembre para naman sa mga nais mamuhunan sa bayan ng Daet na gaganapin sa Asian Institute of Management sa Bienavidez, Makati City. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

Proseso, alituntunin sa 'integration program' ng mga dating rebelde, niliwanag ng OPAPP

LUNGSOD NG SORSOGON, Setyembre 3 (PIA) – Sa pangalawang pagkakataon nagsagawa dito noong Huwebes, Agosto 29, ang Office of the Presidential  Adviser on the Peace Process (OPAPP) ng isang araw  ng talakayan kaugnay ng interim Comprehensive Local Integration Program (CLIP) para sa mga dating rebelde sa pamahalaan.

Ayon kay  Christopher Azucena, regular coordinator ng OPAPP, ang ginawang talakayan at pagpaplano ukol sa CLIP noong Huwebes ay layuning maitugma ang proseso at tuntunin ng CLIP sa mga inisyatibang ginagawa ng lokal na pamahalaan at maging gabay na rin ng mga nagpapatupad nito sa lokal na lebel.

Matatandaang taong 2011 ay nagkaroon din ng ganitong programa sa ilalim ng administrasyon ng dating Gobernador Sally A. Lee na ngayon ay siya nang alkalde ng Lungsod ng Sorsogon.

Pangunahing layunin din umano ng CLIP na pagbuklurin ang bawat Pilipino nang sa gayon ay maging mapayapa ang pamumuhay ng mga residente saan man sa bansa.

Rebels surrendering to Armed Forces of the Philippines ( Photo courtesy of Gulf Times)
Inilahad sa ginawang aktibidad ang pagbibigay ng pinansyal na suporta sa halagang P15,000.00 sa sinumang magbabalik-loob sa pamahalaan mula a-uno ng Enero, 2013 at P5,000.00 para sa mga sumuko noong taong 2011 nang sa ganon ay makapamuhay ito ng payapa at normal sa tulong ng CLIP at maging produktibong mamamayan sa komunidad.

Tinalakay naman ni 1st Lt. Dave Estorninos, Civil Military Operations officer ng 31st Infantry Battallion, ang mga hakbangin ng pagbabalik-loob at pagsuko ng armas ng mga rebeldeng nais magbalik-loob sa pamahalaan at kung sino ang mga taong maaari nilang pagkatiwalaang may kaugnayan sa gobyerno gaya ng pari o pastor, opisyales ng barangay, mayor, o sa pinaamalapit na himpilan ng pulisya at kampo ng militar.

Sinabi din ng opisyal na huwag nilang kalimutang dalhin ang baril sa kanilang pagsuko. Dadalhin sila umano sa pinakamalapit na kampo o opisinang may hawak ng “Guns for Peace Program” upang maproseso ang pagbabalik-loob at maibigay ang karampatang halaga ng baril na naisuko.

Inisa-isa din ang mga uri ng armas at ang katumbas na halaga nito kung isusuko nila ito: Light Machine Gun (7.62 mm) = P214,000; M16 Rifle (5.56 mm) = P50,000; M14 Rifle (7.62 mm) = P60,000; M203 Rifle (40 mm) = P40,000; US Rifle MI Garand (30mm) = P30,000; US Carbine (MI) (30mm) = P20,000.00; Shotgun 12ga Arscor (Local) = P13,000; Cal. 45 Colt 1911 = P39,000; Cal. 9mm Armscor Model 1911 = P22,000; Revolver (38) (local made) = Pp12,000.

Sa mga interesadong sumuko at gusto na ng matahimik na buhay lalo na yaong mga matatanda na, pagod nang tumakbo at mamuhay sa bundok, ay maari silang makipag-ugnayan o tumawag sa mga sumusunod na numero – 903rd Brigade na nakabase sa Castilla, Sorsogon: 09199930124 (Smart) at 0917 8461903 (Globe); sa 31st IB ay maaari namang makipag-ugnayan sa: 09399075314 (Smart) at 09175581317 (Globe); habang sa 93rd CMO Coy naman ay sa: 09467004424 (Smart) at 09262441334 (Globe). (MAL/BAR/AJamisola-PIA5/Sorsogon)