Thursday, November 28, 2013

Bicol isinusulong ang pagpapa-unlad ng industriya ng abaka

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 28 (PIA) – Isang “kapistahan” ng abaka ang itatanghal ng Bicol Consortium for Agriculture and Resources Research and Development (BCARRD) sa Embarcadero de Legazpi simula bukas, Nobyembre 28 hanggang 29.

“Ang FIESTA (Farmers Industry Encounter through the Science and Technology Agenda) ay naglalayon na isulong ang pagpapa-unlad ng mga produkto ng abaka sa pamamagitan ng siyensiya at teknolohiya,” sabi ni BCARRD Consortium Director Ninfa Pelea sa Philippine Information Agency (PIA) Bicol.

Layon din ng aktibidad na ipakita sa mga stakeholders ang iba ibang pagkukunan ng suplay ng produkto ng abaka kung saan malaki ang ambag at pagkakataon sa pamamagitan ng siyensiya at teknolohiya at ang mga kwento ng tagumpay ng mga mamamayan at pamayanan na namuhunan, nagnegosyo at naging hanapbuhay ang abaka, dagdag ni Pelea.

Sa paksang-gawain na “Celebrating Bicol’s Amazing Abaca: Fiesta na, Pasko Pa,” ang dalawang araw na aktibidad ay kinatatampukan ng techno-business forum, fashion show, photography contest, e-marketing training at iba pa.

Itinuturing ang abaca na isa sa pinakaunang produktong pang-export ng rehiyon Bikol. Noong panahon ng Kastila partikular noong Kalakalang Galeon, ang hibla ng abaka ay ikinakarga pagdaong sa bayan ng Magallanes sa Sorsogon sa galleon galing Maynila upang siyasatin ang katatagan nito na maglayag sa Dagat Pasipiko. Tinagurian itong “manila hemp” sa pag-aakalang lahat ng mga kargamento na galing sa Pilipinas ay produkto ng Maynila pagdating nito sa Acapulco, Mexico.

Noong taong 1900s tumaas ang halaga ng hibla ng abaka sa paggamit nito sa mga tali sa barko dahilan sa nanatili itong matibay kahit basa. Ang ikalawang yugto ng kaunlaran na nakabase sa abaka ay nagsulong ng industriya ng abaca handicraft, lalo na sa rehiyon ng Bicol, subalit ang ibang kasulatan sa kasasayan ay nagtukoy na ang mga Pilipino ay gumamit na ng damit, kasuotan sa paa at iba pang kagamitang gamit ang abaka bago pa ang panahon ng mga Kastila.

Ayon kay Pelea, ang isang hamon sa industriya ng abaka ay resulta ng pag-unlad sa teknolohiya na naging daan upang makagawa ng mga sintetiko na produktong pamalit sa abaka. Malaki ang naging epekto nito sa pangangailangan sa natural na produkto galing sa abaka. Nakadagdag pa ang problema sa peste at sakit gaya ng corm weevil, stem rot, dry sheath rot, slug caterpillar, buncy top at mosaic na nagpahina sa industriya ng abaka.

Nagkakaroon ngayon ng pagbangon ang industriya ng abaka. Lumalaki ang interes ng mga Hapones sa mga matitibay na bags na gawa sa natural na produkto, dagdag ni Pelea.

Ang kasalukuyan at namumuong pag-unlad ng industriya ng abaka ay oportunidad sa pangangailangan para sa maka-kalikasang o “berde” na sistema sa produksiyon at produkto, gaya ng interior goods, bags at pasalubong na gawa sa natural na materyales gaya ng abaka at iba pa gaya ng seda at bulak, ani ni Pelea sa PIA.

Ang Abaca FIESTA ay naglalayon na ipakita ang umuusbong na oportunidad, bagong gamit at produkto gaya ng abaca pulp bilang raw material sa pera at iba pa, hibla para sa produksyon ng maong, at pinaunlad na teknolohiya sa produksyon ng hibla, pagkulay ng tela na kung angkop ang disenyo ng produkto ay magpapatanyag uli ng abaka ng Pilipinas sa buong mundo, sabi ni Pelea.

Ang Abaca FIESTA ay pinagtulungang isinagawa ng BCARRD, PCARRD, pribadong sektor, iba-ibang opisinang pang-rehiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, organisasyon ng SMEs, Orgullo Kan Bicol (OK Bicol), Fiber Industry Development Authority V, Department of Trade and Industry 5, Department of Science and Technology Region 5, at mga lokal na pamahalaan. (JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591385540318#sthash.8RZ0ZojY.dpuf

Patiribayan Festival, ginahiwat sa Masbate

 CIUDAD SAN MASBATE, Nob. 28 (PIA) – Inabrehan yana na aga san Masbate Schools Divisions an Patiribayan Festival, kun-diin ipapakita san mga estudyante an inda kaaraman o talento.

Ginatos na hayskul na estudyante hali sa 110 na eskwelahan an masabak sa kontes sa sining sa komunikasyon.

Gamit an lenguaheng Filipino, magapatiribayan an mga partisipante sa sabayang pagbigkas kag inihandang talumpati.

Mientras gamit an lenguaheng English, magapatiribayan naman an mga partisipante sa oration, jazz-chant o speed choir, kag smart talking-speech.

Sa pang-abre na mensahe ni Schools Division Supertindent Danilo Despi sinabi sani na an Patiribayan Festival isad na platform para sa man-iba-iba na kaaraman, talento sa panitikan kag kultural san mga estudyante sa hayskul.

Segun sa mga partisipante, halaba kag grabe na preparasyon an inda inaguihan sa pagtalinguha na world-class na talento an inda ma-ipresentar.

Buwas naman ia-anunsyo san mga hurado an mga pinalad na gumana dungan an paghatag san rekognasyon. (RAL-PIA5/Masbate)

Patiribayan Festival, ginaganap sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 28 (PIA) – Binuksan ngayong umaga ng Masbate Schools Division ang Patiribayan Festival, kung saan magpapamalas ng kanilang kasanayan ang mga estudyante.

Daan-daang estudyante mula sa 110 mataas na paaralan o  hayskul ang sasabak sa paligsahan sa sining sa komunikasyon.

Gamit ang wikang Filipino, magtatagisan ang mga kalahok sa sabayang pagbigkas at inihandang talumpati.

Gamit naman ang wikang English, magtatagisan ang mga kalahok sa oration, jazz-chant o speed choir, at smart talking-speech.

Sa kanyang pambungad na pangungusap, sinabi ni Schools Division superintendent Danilo Despi na ang Patiribayan Festival ay  isang platform para sa iba't-ibang mga kasanayan at mga talento sa pampanitikan at kultural ng mga estudyante sa hayskul.

Ayon sa mga kalahok, matagal at puspusang paghahanda ang kanilang dinaanan sa pagsisikap na world-class na kasanayan ang kanilang maipamalas.

Bukas ihahayag ng lupon ng inampalan ang mga magwawagi at gagawaran ng parangal. (MAL/EAD-PIA5/Masbate

Relief at medical team ng Masbate, tumulong sa Estancia, Iloilo

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 28 (PIA) - Isang team ng Masbate City ang pumunta sa bayan ng Estancia, Iloilo para sa isang medical at relief operations sa mga biktima ng paghagupit ng monster typhoon Yolanda.

Pinamunuan ni Masbate City Vice Mayor Ruby Sanchez-Morano ang team na binubuo ng relief workers ng Red Cross Masbate Chapter at medical personnel at social workers ng Masbate City government.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods at paggamot sa mga nadisplace na pamilya, tumulong din ang ilan sa kasapi ng grupo sa pagsagawa ng stress debriefing sa mga biktima.

Ipinahayag naman ng Estancia ang pasasalamat sa isang tarpaulin na isinalubong sa relief team at nagsasaad ng “Dahil sa inyong tulong, ang Estancia ay hindi nag-iisa.”

Ang Estancia na may populasyong 42,600 ay nasapul ng hagupitin ng monster typhoon na Yolanda ang Central Visayas dalawang lingo na ang nakalipas. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

Wednesday, November 27, 2013

Ika-22 selebrasyon ng Library and Information Services Month ipinagdiriwang sa Camarines Norte

BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Nov. 27 (PIA) -- Ipinagdiriwang sa lalawigan ng Camarines Norte ang selebrasyon ng ika-22 anibersaryo ng Library and Information Services Month ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa mga naunang gawain, isinagawa ang film showing sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan ng ikalawang distrito o bicol speaking town kaugnay sa paghahanda sa kalamidad katulad ng bagyo at lindol.

Kabilang din ang lecture on book reading kung saan naging panauhing pandangal si Professor Dr. Rex Bernardo mula sa Mabini Colleges dito na ibinahagi sa mga kabataan ang kanyang karanasan bilang taong may kapansanan.

Ang karanasan ni Bernardo ay nailathala sa isang babasahin ang “Liwayway Magazine” kung saan ang kanyang talambuhay ang naging daan upang siya ay maging isang kilala at magaling na professor at tinanghal rin na Bayaning Filipino Awardee sa taong 2010.

Isinagawa na rin ang quiz bee para sa mga mag-aaral ng sekondarya mula sa pribado at pampublikong paaralan kung saan ang mga nanalo dito ay nakatakdang bigyan ng parangal bukas (Nobyembre 28) sa tanggapan ng Library Services Division ng pamahalaang panlalawigan sa kapitolyo probinsiya dito.

Ayon kay Coordinator Ludovico A. Moya, Administrative Assistant ng naturang tanggapan, layunin ng selebrasyon ang pagbibigay kamalayan sa mga kabataan sa pamamagitan ng aklat at mga impormasyon, kaalaman ganundin ang kahalagahan ng serbisyong ibinibigay ng aklatan.

Ang selebrasyon ay batay sa Proclamation no. 837 na ang buwan ng Nobyembre ay bilang Library and Information Services Month at ipinagdiriwang sa bawat taon na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong taong 1991. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

Coastal reformation paiigtingin ng DENR

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nov 27 (PIA) – Mas paiigtingin pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalawak ng mga beach forest o mga bakawan sa gitna ng kalamidad na tumama sa Eastern Visayas partikular na probinsiya ng Leyte.

Binigyang diin ni DENR Bicol director Gilbert Gonzales na ito ay bibigyang prayoridad ng kanilang ahensiya upang mapatatag ang proteksyon ng mga baybayin laban sa malalakas na bagyo, daluyong o storm surge at iba pang kalamidad.

Ayon kay Gonzales nagbigay direktiba na si DENR secretary Ramon Paje sa pagbibigay daan sa pagtatanim ng bakawan sa ilalim ng National Greening Program (NGP).

Kasabay nito, ang DENR ay magsasagawa ng inisyatibo na mataniman ng mga bakawan ang aabot sa 380 kilometro ng baybayin sa Eastern Visayas at iba pang lugar na matinding sinalanta ng bagyo.

Sa ilalim ng program, bibigyan ng kabuhayan ang mga benipesyaryo na magtatanim ng mga bakawan na magsisilbing green wall o pananggalang laban sa mga daluyong. (MAL/SAA/PIA5-Albay/DENR5)

Monday, November 25, 2013

Red tide warning, hinali na sa Masbate

CIUDAD SAN MASBATE, Nob. 25 (PIA) – Ligtas na sa red tide toxin an mga tagunhason sa munisipyo san Milagros sa Masbate kaya pwede na magkaon sani.

Sa urhi na shellfish bulletin na guin paluwas san Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), negatibo na sa paralytic shellfish poison or red tide toxin an baybayon na sakop san Milagros.

Segun sa ahensya, ligtas na magkaon kag pwede na magbaligya sa merkado san tagunhason pareho san hipon kag talaba na makukuha sa baybayon san Milagros.

Tinaas an red tide alert sa Milagros paagi sa shellfish bulletin No. 19 na guin paluwas san BFAR san Agosto 5.

Latob o suntok an sumunod na lampas tulo kabulan na shellfish ban sa fisherfolk san Milagros na nagaluwas san tagunhason sa merkado san ciudad san Masbate kag sa mga ciudad sa Bicol mainland kag Metro Manila.

Sa shellfish bulletin No.27 na guin paluwas san BFAR san Nobyembre 19, guin saysay ni BFAR Director Asis Perez na kaupod an Milagros sa mga lugar na bumaba na an red tide toxin.

Kasabay sani, nagpadumdom sa guihapon an lokal na ahensya san BFAR sa mga lokal na gobierno na ugalion an pag-inspeksyon sa mga dinara na tagunhason sa mga merkado sa kada munisipyo. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Red tide warning, inalis na sa Masbate


LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 25 (PIA) – Ligtas na mula sa red tide toxin ang mga lamang dagat sa bayan ng Milagros sa Masbate kaya pwede na itong kainin.

Sa huling shellfish bulletin na inilabas kamakailan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), negatibo na sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang baybaying dagat na sakop ng Milagros.

Ayon sa ahensya, ligtas nang kainin at maari ng ibenta sa mga pamilihan ang mga lamang dagat kagaya ng alamang at talaba na makukuha sa baybaying dagat ng Milagros.

Itinaas ang red tide alert sa Milagros sa pamamagitan ng shellfish bulletin No. 19 na inilabas ng BFAR noong Agosto 5.

Dagok ang sumunod na mahigit tatlong buwan na shellfish ban sa fisherfolk ng Milagros na nagluluwas ng lamang dagat sa pamilihan bayan ng lungsod ng Masbate at mga pangunahing lungsod sa Bicol mainland at Metro Manila.

Sa shellfish bulletin No. 27 na inilabas nung Nob. 19 ng BFAR iniulat ni BFAR Director Asis Perez na kabilang ang Milagros sa mga lugar na bumaba na ang red tide toxin.

Kasabay nito, nagpaalala naman ang lokal na tanggapan ng BFAR sa mga lokal na pamahalaan na ugaliin ang pag-inspect sa mga dinadalang lamang dagat sa mga pamilihan sa bawat bayan. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

PRC team, madayo guihapon sa Masbate dara an inda serbisyo sa mga propesyonal


CIUDAD SAN MASBATE, Nob. 25 (PIA) – Ginatos na propesyonal sa probinsya san Masbate na paso na an lisensya hali sa Professional Regulations Commission an makatipid sa gastos dahilan kay mapadara an komisyon san iya mga sinakupan para iproseso an panibag-o na lisensya san mga aplikante.

Maabot sa ciudad san Masbate an PRC team hali sa Legazpi City sa Miyerkules, Nob. 27, kag sa sulod san duha kaadlaw inda ipoproseso an mga aplikasyon para sa bag-o na lisensya san mga maestro/maestra, enhinyero, nars kag iba pa na propesyonal.

An mobile licensing service sa PRC sa maabot na semana pangduha na san ahensya sa Masbate City sa presente na tuig. Naghiwat san pareho na serbisyo an PRC san Hunyo sani na tuig.

An lisensya hali sa PRC an magahatag sa isad na propesyonal san otoridad na magpraktis san iya propesyon sa sulod san tulo katuig.

Matitipid san mga aplikante an dako na parte sa sobra tres mil de pesos na inda magagastos sa duha kaadlaw na pagtiner kag biyahe kun makadto pa sinda sa ciudad san Legazpi o Cebu para kumuha san bag-o na lisensya.

Kadamuan sa mga aplikante hali pa sa haragyo na munisipyo sa isla san Masbate kag isla san Ticao.

Apwera sa pagproseso san renewal san mga lisensya, ididistribwer man san PRC team an license cards na nauna na guin renewed.

Dagdag pa didi, magarehistro man an PRC team sa mga aplikante para sa masunod na Licensure Examination for Teachers.

Segun kan City Councilor Andrie Diez, nagbugkos pwersa an administrasyon ni City Mayor Rowena Tuason kag an PRC agod mahatag an serbisyo san PRC sa mga propesyonal sa Masbate.

An mga Masbatenyos na interesado sa nahunambitan na serbisyo san PRC pwede makipagkita kan Diez sa Legislative Buillding sa City Hall o tumawag sa mobile No. 09076555777 para dugang na mga detalye. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Friday, November 22, 2013

Kampanya sa malinis na hangin isusulong ng EMB-Bicol sa pagbibisekleta

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 19 (PIA) – Muling isinusulong ng Environmental Management Bureau (EMB) sa Bicol ang pagbibisekleta sa kampanya nito na magkaroon ng malinis na hangin sa kapaligiran kasabay ng pagwawakas ng pagdiriwang ng National Clean Air Month ngayong taon.

Tatawaging “Pidal Para sa Gabos Para sa Malinig na Paros (padyak para sa lahat para sa malinis na hangin) Part 2,” ang gawain na isang 20-kilometro fun-bike na patimpalak na gaganapin sa Nobyembre 23 sa Lungsod ng Legazpi.

“Isinusulong namin ang pagbibisikleta bilang episyente, maka-kalikasan at mabuti sa kalusugan na transportasyon,” sabi ni EMB Bicol Regional Director Roberto Sheen sa Philippine Information Agency (PIA) Bicol.

Layon ng aktibidad na turuan ang publiko hinggil sa mainam na dulot ng pagbibisikleta sa kapaligiran sa pagbawas ng usok para sa mas malinis na hangin. “Nais naming paigtingin ang kaalaman sa Clean Air Act of 1999, ang kampanya laban sa smoke belching at aksyon sa pagbawas ng buga,” dagdag ni Sheen.

Nilinaw ni Sheen na hindi karera ang aktibidad bagama’t mayroong mga premyo na nakalaan sa iba-ibang kategorya. “Naiiba ang pagbibisikletang ito sa pag-uudyok naming magsuot ang mga sasali ng kasuotang makatatawag pansin na magrerepresenta ng iba-ibang propesyon gaya ng kasuotan ng duktor, sutana o kaya costume na mukhang hayop o disenyo na maglalarawan ng temang usok mo, buhay ko,” sabi ni Sheen.

Bibigyan ng premyo ang may pinakamaraming kalahok sa isang grupo, pinakamatanda at pinakabatang kalahok, naiibang bisikleta, panakamagarang kasuotan, naunang dumating na kalahok na lalaki at babae. Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng pera, damit at sertipiko na pagkilala.

Ang mga kalahok ay inaanyayahan ding magrehistro bilang pangkat na binubuo ng tatlo o higit pang kalahok. “Ito ay upang isulong ang diwa ng bayanihan para sa mas malinis na hangin,” sabi ni Sheen.

Ang naiiba pang gawain sa aktibidad ay ang pit stop challenge na may pinapagawa sa mga kalahok at may pinasasagutan na tanong sa bawat pit stop upang makakuha ng pass token.

Ang aktibidad ay bukas sa lahat ng edad subalit kailangang kasama ng magulang o matanda ang mga kalahok na edad 16 pababa.

Ang mga kalahok ay kailangang nasa Department of Environment and Natural Resources (DENR) V compound, Regional Center Site in Rawis, Legazpi City alas singko ng umaga sa Nobyembre 23 para sa pagpapatala. Ang fun-bike ay magsisimula alas siyete ng umaga. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)

Metrobank Math Challenge Elimination round gaganapin sa lungsod ng Naga


Ni: Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Nob. 22 (PIA) --- Ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa lungsod na ito ay naghahanda na sa gagawing  Division Elimination Round ng 2014 Metrobank- Mathematics Teachers Association of the Philippines (MTAP) MTAP-DepEd Math Challenge na nakatakdang ganapin sa Disyembre 5 at 6 sa Sta. Cruz Elementary School at Concepcion PequeƱa National High School dito.

Ayon kay Naga City Schools Division superintendent Emma I. Cornejo, nagpalabas siya ng division memorandum no.111 series of 2013 para sa lahat na school principals o school heads sa pribado at pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya na intresadong sumali sa naturang patimpalak.

Ayon kay Cornejo, ito'y alinsunod sa National DepEd order No.205 na nag uutos na magkaroon ng division elimination round upang pumili ng top 10 team qualifiers sa elementarya at top 6 sa sekondaryang maglalaban sa Division Oral-Team Competition Finals sa darating na Enero 16 para sa elementary at Enero 17 sa high school.

Walang babayaran na rehistrasyon ang mga estudyanteng sasali, dagdag pa ni Cornejo.

Ang elimination round ay mula grade 1 to 4 at grade 7 hanggang  4th year high school. Ito ay bukas sa mga paaralan sa 17 regions sa bansa. Ang national finals at awarding ceremonies ay gagawin sa Metrobank Plaza Auditorium, Makati City sa darating Marso 1, 2014 .

Tatanggap ng medalya at cash prizes ang mananalo bilang top 3 individual at top 3 winning teams sa bawat level. Bibigyan din ng tropies ang paaralan na mananalo sa top 3 winning teams per level at certificates of recognition sa mga coaches/trainors.

Ang Metrobank-MTAP-DepEd Math Challenge ay taunang ginagawa sa ibat ibang panig ng bansa sa pangunguna ng Metrobank Foundation, Inc. (MBFI), Mathematics Teachers Association of the Philippines (MTAP) at Department of Education (DepEd).

Layunin nitong mas mapabuti ang kalidad ng mathematics education sa buong bansa lalo na sa mga estudyante ng pribado at pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya.

Halos kalahating milyong mga estudyante ang sumali sa elimination round at 712 nito ang nanalo sa naturang kompetisyon bilang mga national winners.

Ang iba pang programa ng Metrobank Foundation Inc. ay ang Search for Outstanding Teachers (SOT) at College Scholarship Program (CSP). (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=851385094423#sthash.tnrT9SbG.dpuf

Thursday, November 21, 2013

CamNorteƱos patuloy ang pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda


BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Nob. 21 (PIA) -- Patuloy ang pagbibigay ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda mula sa mga taga-Camarines Norte sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan at sa pakikipagtulungan ng Chinese Chambers of Commerce dito.

Ang pamahalaang panlalawigan ay nakapagpadala na sa Basey at Catbalogan, Leyte ng mahigit 12,000 food pacts at inuming tubig kasama na dito ang mga use clothing kung saan ito ay paunang tulong ng lalawigan sa mga labis na napinsala ng bagyo.

Ang food packs na ipinadala ay mula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan at idinagdag na rito ang mga kaloob ng iba pang mga pampubliko at pribadong organisasyon at indibidwal.

Patuloy pa rin ang nagkakaloob ng used clothing sa istasyon ng Radyo ng Bayan dito na ipinadadala naman sa tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Dahil na rin ito sa muling panawagan ni Gobernador Edgardo A. Tallado na patuloy na magbigay ng tulong, in cash or in kind upang maibsan ang hirap na nararanasan ng mga naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Ang samahan ng Tulong Kabataan ng Camarines Norte katuwang ang simbahan ng Saint John the Baptish Parish at istasyon ng DWSR-FM sa bayan ng Daet ay nakapagpadala na ng mahigit 200 bags ng pinagsamang use clothing at relief foods sa Tacloban sa pamamagitan ng Junior Chambers International o JCI Paracale Chapter.

Sa ngayon, ay mayroong pa na nakaimbak sa mahigit 1,000 bags ng use clothing at 650 relief foods na nakahanda na ring ipadala anumang oras dahil sa naaantala ito sa kakulangan ng sasakyan.

Nakapagdala na rin ng mga naipong donasyon sa mga lugar ng Visayas ang istasyon ng PBN-DZMD at pamunuan ng 49 IB ng Philippine Army dito at patuloy pa rin ang pagdating ng mga tulong.

Magbabahagi naman ng 30 sako ng bigas ang pamunuan ng 49 IB kasama ang kanilang mga naipon na relief foods kabilang na ang mga de-lata, noodles, inuming tubig ganundin ang mga use clothing. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte).
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=881385014972#sthash.wF5RnGl2.dpuf

Kapulisan sa Masbate na napinsala rin ng bagyo, nagbigay donasyon para sa Kabisayaan

 BY ERNESTO A. DELGADO

 LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 21 (PIA) —Tiyak na marami ang masisiyahan sa ipinamalas ng kapulisan sa Masbate na mabilis sa pagtulong sa pag-ambag na rin sa pangngailangan ng mga biktima ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Philippine National Police Masbate provincial director Jacinto Culver Sison, boluntaryong nagbigay ang kapulisan para sa relief drive na isinasagawa sa Kabisayaan kung saan mahigit 10 milyong katao ang sinalanta ng daluyong ni Yolanda.  

Sinabi ni Sison na ang mga bungkos ng damit at iba pang kagamitan na ipinadala nila ay donasyon mula sa mga himpilan ng pulisya sa lungsod at 20 bayan ng Masbate.

Mabilis umano ang pagtugon ng mga pulis sa direktiba ng kanilang direktor na umalalay sa mga napuruhan ng bagyo sa pamamagitan ng pagdonasyon ng anumang bagay na kinakailangan ng mga biktima.

Ayon kay Senior Inspector Antonio DiƱo na hepe ng Police Community Relations Branch, kabilang sa mga nag-ambag donasyon ay mga pulis sa dakong timog ng lalawigan ng Masbate na hinagupit din ni Yolanda.

Ang mga pulis sa mga bayang naapektuhan sa ilalim ng Storm Signal No. 4 ay hindi nag-atubiling magbigay ng donasyon kahit ang ilan sa kanila ay nagtamo din umano ng pinsala sa tirahan.

Ang mga donasyon ay inihatid ni DiƱo sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City at dadalhin ito ng PNP regional headquarters sa Office of Civil Defense sa Bikol upang maisama sa relief operations ng pamahalaan sa mga karatig na rehiyon.

Sinabi ni Sison na bukod sa Masbate, may katulad na relief drive ang kapulisan sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte upang makapang-ambag sa internasyonal na relief effort. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=821385011656#sthash.nyEtYUd4.dpuf

Kapulisan sa Masbate, na sinagasa man san bagyo, nagdonar para sa Kabisayaan

CIUDAD SAN MASBATE, Nob. 21 (PIA) – Cierto na damo san malilipay sa guin pakita san kapulisan sa Masbate sa madagmit na pagbulig sa kinahanglanon san mga biktima sa pagsagasa san bagyong Yolanda.

Segun kan PNP provincial director Jacinto Culver Sison, boluntad na naghatag an kapulisan para sa relief drive na guina himo sa Kabisayaan kun-diin lampas sa dies milyones katawo an sinagasa san paghampak ni Yolanda.

Sinabi ni Sison na an mga bulto san yamit kag iba pa na kagamitan na inda guin padara mga donasyon hali sa istasyon san kapulisan sa ciudad kag 20 na munisipyo san Masbate.

Madagmit kuno an pagsabat san mga pulis sa direktiba san inda direktor na alalayan an mga napuruhan san bagyo pinaagi san pagdonar san nano man na bagay na kinahanglan san mga biktima.

Segun kan Sr. Insp. Antonio DiƱo an hepe san Police Community Relations Branch kaupod sa mga nag-ambag san donasyon mga pulis sa parte south sa probinsya san Masbate na hinampak man ni Yolanda.

An mga pulis sa mga munisipyo  na apektado san Storm Signal No. 4 wara magduha-duha paghatag san donasyon maski na magkapira sainda nagsapay man san remalaso sa inda mga panimalay.

An mga donasyon iduduhol ni DiƱo sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City kag dadarhon ini san PNP regional headquarters sa Office Civil Defense sa Bikol para iupod sa relief operations san gobierno sa mga katarakin na rehiyon.

Apwera sa Masbate, naghiwat man san pareho na relief drive an kapulisan sa mga probinsya san Albay, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur kag Camarines Norte para maka-ambag sa internasyonal na relief effort, pahayag pa ni Sison. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Tuesday, November 19, 2013

DSWD may bag-o na kaabaga sa pagpabag-o sa kustombre san mga benepisaryo san 4Ps

CIUDAD SAN MASBATE, Nob. 19 (PIA) –  Mas matahom na family development sessions an handom na makukuha san mga benepisaryo san Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa probinsya san Masbate matapos na magkasundo an Department of Social Welfare and Development sa Bicol kag san isad na non-government organization na magtambal sa pagpatadung sa kustombre san mga benepisaryo.

Sa idalom san kontrata, magasirbe an National Auxiliary Chaplaincy Philippines, Inc. o NACPHIL bilang gabay sa paggiya sa mga benepisaryo pakadto sa pagiging tadong kag mauswag na pumuluyo.

Segun sa DSWD Bicol regional office, iaambag san NACPHIL an inda halawig na kaaraman agod mas mapatahom pa an FDS o family development session na guina himo san DSWD.

Segun kan DSWD Regional Director Arnel Garcia, an partnership san DSWD kag NACPHIL an magahatag san poder sa mga benepisaryo na maangkon an bag-o na talento kag kaaraman.

An kontrata sa tunga san duha na partido pinirmahan sa DSWD office sa Legazpi City san nakaligad na Viernes, Nobiembre 15.

An 4Ps an human development program san gobierno nasyonal na namumuhan sa ikaayon lawas (health), edukasyon san mga nagatios na pamilya.

Sa Masbate na pinaka-imol na probinsya sa Bikolandia, lampas 80,000 o haros katunga san kabilugan na household population sani benepisaryo san 4Ps. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

DSWD, may bagong kabalikat sa pagbabago sa asal ng mga benepisaryo ng 4Ps

BY: ERNESTO A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 19 (PIA) – Mas mahusay na family development sessions ang inaasahan ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa lalawigan ng Masbate matapos magkasundo ang Department of Social Welfare and Development sa Bicol at ang isang non-government organization  na magtambal sa pagpapaunlad sa asal ng mga benepisaryo.

Sa ilalim ng kasunduan, magsisilbi ang National Auxiliary Chaplaincy Philippines, Inc. o NACPHIL bilang patnubay sa pag-akay sa mga benepisaryo tungo sa pagiging mabuti at maunlad na mamamayan.

Ayon sa DSWD Bicol regional office, iaambag ng NACPHIL ang malawak na kasanayan nito para lalong paghusayin ang FDS o family development session na isinasagawa ng DSWD.

Ayon kay DSWD Regional Director Arnel Garcia, ang partnership ng DSWD at NACPHIL ay magbibigay kapangyarihan sa mga benepisaryo na magkamit ng bagong kasanayan at kaalaman.

Ang kasunduan ng dalawang panig ay nilagdaan sa DSWD office sa Legazpi City nang nakaraang Biyernes, Nob. 15.

Ang 4Ps ang human development program ng pamahalaang nasyonal na namumuhunan sa kalusugan at pag-aaral ng mga mahihirap na pamilya.

 Sa Masbate na pinakamahirap na lalawigan sa Bikolandia, mahigit 88,000 o halos kalahati ng kabuuang household population nito ang benepisaryo ng 4Ps. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)


58 magulang ng mga batang manggagawa sa Paracale tumanggap ng tulong pangkabuhayan sa DOLE

BY: ROSALITA B. MANLANGIT

DAET, Camarines Norte, Nov. 19 (PIA) – Umabot sa 58 magulang ng mga batang manggagawa ang naging benepisyaryo ng negosyong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipinamahagi kahapon (Nob. 18) sa bayan ng Paracale sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon kay provincial field officer Ruben Romanillos ng DOLE Camarines Norte, 19 na mga magulang ng mga batang manggagawa ang nabigyan ng Negosyo sa Kariton o Nego Kart samantalang 39 naman ang nabigyan ng Kabuhayan Starter Kit.

Aniya ang Nego Kart ay nagkakahalaga ng P15,000 bawat isa na binubuo ng push cart, gas stove, mga kagamitan at mga produktong paninda samantalang ang Kabuhayan Starter Kit ay binubuo ng panimulang kagamitan ng karpintero, pagluluto at iba pa na nagkakahalaga ng P7,000 bawat isa.

Ang mga naipamahagi ay may kabuuang halaga na P284,797 para sa Nego Kart at P271,275 naman sa Kabuhayan Starter Kit.

Sinabi niya na una ng nagkaroon ng kasunduan o “Memorandum of Agreement” sa mga opisyal ng DOLE, lokal na pamahalaan ng Paracale, mga barangay at mga magulang na hindi na papayagan ng mga benepisyaryo ang kanilang mga anak na magtrabaho o “magkabod” sa mga minahan.

Aniya ito ay bahagi ng programang Kabuhayan para sa mga Magulang ng mga Batang Manggagawa o KASAMA sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa anim (6) na mga barangay kabilang ang Gumaos, Casalugan, Palanas, Tawig, Malaguit at Tugos na mga minahan sa  naturang bayan na siyang tinukoy ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Romanillos kasama si Mayor Romeo Moreno at ang iba pang lokal na opisyales ng bayan at ng anim na mga barangay.

Unang ng namahagi ng tulong pangkabuhayan ang naturang tanggapan noong taong 2007 at 2011 sa naturang bayan na ibinigay sa pamamagitan ng grupo ng mga magulang ng mga batang manggagawa.

Ang naturang programa ay bahagi rin ng “anti-child labor” ng DOLE na naglalayon na magbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga magulang ng mga batang manggagawa lalong lalo na sa mga nagtratrabaho sa mga minahan upang maialis sila sa delikadong trabaho na maaring magdulot ng kapahamakan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte).

Saturday, November 16, 2013

Team ALBAY-OCD5 patuloy ang pagbibigay serbisyo sa mga nasalanta ng bagyo sa Samar at Leyte

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 15 (PIA) – Sa gitna ng nakapanlulumong kalagayan ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte, buong tapang pa ring hinaharap ng Team-Albay OCD5 ang mga pagsubok sa kanilang isinasagawang humanitarian mission na sa ngayon ay nasa ika-apat na araw na.

Ayon kay Dr. Cedric Daep, pinuno ng Albay Public Safety Emergency Management Office (APSEMO),  pinakamalala ang pinsalang dala ng bagyong Yolanda sa mga lalawigan ng Samar at Leyte  batay sa kaniyang nakita at naranasan kung ihahambing sa mga lugar na kanila ng napuntahan.

Ito na ang ika-11 humanitarian mission ng Team Albay-OCD5  sa loob ng limang taon.

Ani Daep, sa ngayon ay nagpapatuloy sila sa pagbibigay ng libreng serbisyo.

Mahigit 60,000 litro ng libreng tubig ang naipamahagi habang nagpapatuloy pa rin ang search and retrieval operation ng isa sa mga sub teams ng grupo sa pakikipagtulungan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ibang volunteers.

Ang DSWD at DOH sa Bicol ay nagpapatuloy din sa pagbibigay ng psycho social care sa mga biktima ng kalamidad.

Ang medical team mula sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH), Provincial Health Office – Albay Health Emergency Management (PHO-AHEM) ay kasalukuyang nagbibigay serbisyo sa lungsod ng Tacloban sa pamumuno ni Dr Nathaniel Rempillo, sssistant Provincial Health Officer ng Albay.

Ayon kay Rempillo marami ang nangangailangan ng serbisyong medikal kung saan halos dalawa o tatlong araw na walang maibigay na serbisyo sa mga ito lalo na sa mga namamagang sugat ng mga injured victims.

Dagdag pa ni Rhondon Ricafort ng Albay governor’s office, mahirap ang kalagayan ng mga survivors sapagkat karamihan sa mga ito ay tuliro at walang direksiyon bagaman’t ang lungsod ng Tacloban ay isa sa mga pinakamaunlad at pinakamagandang lugar sa lalawigan ng Leyte.

Sa lalawigan ng Albay ay patuloy rin ang isinasagawang malawakang repacking ng mga relief goods sa Albay Astrodome ng daan-daang volunteers na sinimulan Lunes ng linggong ito.

Kanina lamang ay nanawagan si Albay governor Joey Salceda sa mga makapagbibigay ng gloves, mask at alcohol bottles para sa retrieval teams.

Maari itong ibigay sa opisina ng Albay PDRRMC o kay Eden Gonzales ng governor’s office.        

Samantala iminungkahi ni Daep ang dalawang hakbangin upang mabigyan tugon ang pangangailangan ng mga survivors.

Una ay ang pagpapatuloy ng Search and Retrieval Operation dahil sa dami ng mga patay na hindi pa nakukuha hanggang sa ngayon.

Pangalawa ay ang paglalagay ng temporary holding area sa mga biktima.

Paliwanag ni Daep, mahalaga ang magiging papel ng ilalagay na temporary holding area para sa mga biktima upang mapabilis ang pagbibigay tulong sa mga ito at pagtataya ng kanilang kalagayan.

Kanyang nabanggit na patuloy sa paglalakad ang mga evacuees sa paghahanap ng pagkain at matitirhan. Sa ngayon ay suot pa rin nila ang parehong kasuotan simula pa ng bagyo. (MAL/SAA-PIA5/Albay/RNB Albay)

Friday, November 15, 2013

Mga donasyon ng Camarines Norte para sa nasalanta ng bagyong Yolanda ipadadala na bukas

BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Nob. 15 (PIA) -- Inihahanda na ngayon ang mga naipong donasyon ng Camarines Norte para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda na nakatakda na itong ipadala bukas.

Ang pamahalaang panlalawigan ay nagbigay ng 400 sako ng bigas at 6,500 piraso ng mga de-lata mula sa pondo ng calamity fund na ibinabalot na ngayon sa agro-sports center ng kapitolyo probinsiya.

Pinangunahan ito nina Gobernador Edgardo A. Tallado at Bise Gobernador Jonah Pimentel kung saan target dito ang 20,000 bags na ipadadala sa mga barangay ng bayan ng Basay at Marabot, Samar.

Katuwang dito ang Philippine National Red Cross ng Camarines Norte, samahan ng mga kabataan, mag-aaral, mga scholar ng pamahalaang panlalawigan at Builders Association ng lalawigan na nagkalap din ng tulong.

Ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ang istasyon ng Radyo ng Bayan ay nakapag-ipon naman ng mga use clothing mula sa mga donasyon dito.

Ang lahat na relief goods ay dadalhin bukas ng trak ng kapitolyo sa pangunguna ng PSWDO at Department of the Interior and Local Government (DILG), Red Cross at dalawang medical team mula sa Provincial Health Office (PHO).

Pinakansela na rin ni Gobernador Tallado ang Chirstmas Party ng mga empleyado ng kapitolyo probinsiya na nakatakdang isagawa sa ika-13 ng Disyembre ngayong taon kung saan ang pondo para dito ay ibinigay na donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.

Samantala, ang samahan ng Tulong Kabataan ng Camarines Norte katuwang ang simbahan ng Saint John the Baptish Parish at istasyon ng DWSR-FM sa bayan ng Daet ay nakapag-ipon na ng mahigit 1,000 bags ng use clothing at mahigit 400 bags ng relief foods.

Nakatakda itong ipadala sa mga susunod na araw sa mga barangay ng Borongan, Samar.

Ang 49th IB ng Philippine Army dito ay nauna ng nakapagpadala ng 114 sako ng use clothing sa lugar ng Visayas kasama na dito ang mga inuming tubig, mga de-lata, noodles at alcohol.

Ayon kay commanding officer Lt. Col. Michael M. Buhat, ibabahagi ng pamunuan ang kanilang isang araw na budget sa pagkain na ibibili ng bigas para sa mga susunod na donasyon na kanilang ipadadala.

Katuwang ng naturang pamunuan sa pag-iipon ng mga donasyon ang istasyon ng PBN DZMD-AM sa bayan ng Daet.

Maliban pa dito, ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Daet ay nag-alokasyon naman ng P100,000 para sa pagkain, gamot, tubig at iba pang pangangailangan. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

Thursday, November 14, 2013

Gobernador Tallado hinikayat ang mga CamNorteƱo na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda

BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Nobyembre 14 (PIA) -- Hinikayat ngayon ng ama ng lalawigan ng Camarines Norte ang mga mamamayan dito na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa rehiyon ng Visayas.

Ipinalabas ni Gobernador Edgardo A. Tallado ang Memorandum no. 131113-01 o “Kilos ng Bayan” Project kasama ang kanyang liham na humihingi ng tulong sa mga CamNorteƱo para maibigay sa mga nangangailangan sa Visayas.

Ayon sa memorandum, hinihikayat ang suporta at tulong ng lahat ng lokal na pamahalaan at mga hepe ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan; pamahalaang nasyunal at government owned and controlled corporations; mga pribado at pampublikong paaralan; socio-civic at religious organizations; lokal media ganundin ang mga may kaugnayan dito.

Ayon naman sa liham ng gobernador, “ang inyo pong lingkod ay humihingi ng tulong sa ngalan ng lalawigan ng Camarines Norte para maibsan ang sakit at hirap ng naging epekto ng nagdaang sakuna sa ating mga kababayan”.

Aniya, ang nangyaring sakuna dala ng bagyong Yolanda na nagdulot ng napakalawak na pinsala sa buhay at kabuhayan ng marami ay isang pagkakataon upang ang lahat ay magkaisa at magbayanihan para maibangon ang ating mga kababayan na lugmok sa pagdurusa.

Ayon pa rin kay Tallado, tayo ay maging bukas ang puso at bukas palad na magbahagi ng kahit na anumang nais nating maibigay para sa mga nalasanta ng bagyo.

“Mapagpakumbaba pong nakikiusap ang inyong lingkod na tumulong tayo sa mga biktima ng trahedya dala ng bagyong Yolanda, ang inyo pong tulong ay tiyak na makakarating sa ating mga kababayan” ayon pa rin sa gobernador.

Maaaring ipadala o ihatid ang mga donasyon o tulong sa tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng pamahalaang panlalawigan sa kapitolyo probinsiya sa bayan ng Daet. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=881384397870#sthash.6tIvO6xg.dpuf

Unang higher education summit sa Bikol nakasentro sa kahalagahan ng edukasyong-kolehiyo sa pag-unlad ng rehiyon

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 14 (PIA) – Ang edukasyon sa kolehiyo ang pagtutuunan ng dalawang araw na First Regional Higher Education Summit sa Bicol na dinaraos ngayon, Nobyembre 14 hanggang 15, sa Oriental Hotel sa lungsod na ito.

“Kailangan na pakilusin ang higher education para sa panlipunan, ekonomiko at kulturang kaunlaran ng rehiyon,” sabi ni Bicol Regional Development Council (RDC) Chair at Albay Governor Jose “Joey” Salceda. Sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Bicol RDC, itinalaga ang Commission on Higher Education (CHED) Bicol bilang pangunang ahensiya para sa gawain.

Sa paksang gawaing “2013 and Beyond: Engaging Higher Education Towards Sustainable and Inclusive Growth in the Bicol Region,” ang pagtitipon ay naglalayong  pag-usapan ang kasalukuyan at lumulutang na mga isyu at usapin sa sistema ng edukasyong pang-kolehiyo o higher education system na nakakaapekto sa higher education institutions (HEI) sa Bicol.

Ang summit ay tutukuyin, isasabay, aakuin at ipapatupad ang mga plano, polisiya, programa at estratehiya sa pagpalakas sa kakayahan ng HEIs sa pagtugon sa kanilang papel sa Regional Development Plan (RDP), sabi ng CHED Bicol.

Ang Bicol RDP ay tinukoy ang pagpapaunlad ng eduakasyon bilang prayoridad ng rehiyon. Kailangang matukoy at maipatupad ang mga bagong polisiya, estratehiya, programa at proyekto sa higher education sa pagsuportsa sa pag-unlad ng rehiyon, RDC sa resolusyon.

“Ang mga unibersidad at kolehiyo ay mga mahahalagang pagkukunan ng kaalaman at innovation na maiaambag sa ekonomiko, panlipunan, at kultural na pag-unlad ng mga pamayanan, “ sabi ni Salceda. Si Salceda ay isa sa mga nagungunang ekonomista ng bansa.

Ayon sa 2010 Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) para sa mga establisimientong mayroong 20 o mahigit pang kawani, ang sektor ng edukasyon ang nangunguna sa rehiyon Bicol sa dami establisimiento, trabaho at sahod.

Ang edukasyon ay nagbubuo ng human capital na nagreresulta sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya, ani ni Salceda.

Tampok sa pagtitipon ang keynote address ni CHED Chairperson Patricia Licuanan kasama si Salceda na magpiprisenta ng vision para sa Bicol, si National Economic and Development Authority (NEDA) Bicol Regional Director Romeo Escandor na tatalakayin ang Bicol Regional Development Plan.

Ayon sa CHED Bicol, ang pagtitipon ay gagawa ng mga proposal, rekomendasyon, resolusyon, at pledge of commitment na ipapadala sa mga nanunungkulan upang paunlarin ang sistema sa higher education sa pagsuporta sa RDP.

Ang pagtitipon ay magkakaroon ng mga plenary at workshop na nakatuon sa programang K to 12, pagpapaigi ng mga kursong teknikal at bokasyunal, mga usapin ukol sa mga lokal na kolehiyo sa rehiyon at reporma sa higher education, ayon sa CHED Bicol.

Ang pang-rehiyong pagtitipon ay nilalahukan ng mga representante ng HEI, mga pangunang pinuno ng  Department of Education, Department of Labor and Employment, NEDA, Department of Budget and Management, Technical Education and Skills Development Authority, Department of the Interior and the Local Government, RDC at CHED.

Ang pagtitipon ay isinasagwa sa pakikipagtulungan ng Bicol Foundation for Higher Education. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)

Wednesday, November 13, 2013

Convention ng mga Real Estate Brokers gagawin sa Lungsod ng Naga

BY: DANILO ABAD

LUNGSOD NG NAGA, Nob.13 (PIA) --- Simula bukas, Nobyembre 14 hanggang petsa 16 ngayong taon ay mag tipon tipon ang mga Real Estate Brokers dito sa Lungsod ng Naga para sa ika-35th National Convention of the Real Estate Brokers Association of the Philippines (REBAP), Inc. Ito ay nakatakdang ganapin sa Avenue Plaza Hotel, dito sa lungsod.

Ang naturang aktibidad ay papangunahan ng REBAP Naga City-Camarines Sur Chapter sa pamumuno ni Atty. Carlo C. Villanueva Jr. Inaasahang dadaluhan ito ng mga national executive officers at directors pati na rin ang mga certified real estate brokers sa buong bansa na may 30 REBAP chapters o humigit-kumulang 500 real estate players.

Ang tatlong araw na national assembly ay naglalayong mas higit pang gawing propesyonal ang kanilang trabaho sa pagnenegosyo ng mga ari-arian. Pag-uusapan din ang tungkol sa land development at housing, real estate management, financing, marketing, appraising at iba pang serbisyo na bahagi ng kanilang propesyon.

Ang okasyon ay may temang “ REBAP @ 35: Sustaining a Stronger and Competitive Advantage in Real Estate”.

Sa unang araw ng aktibidad ay magkakaroon ng showcase ng housing development aspect ng lungsod. Ito ay gagawin sa Hacienda's De Naga sa Barangay  Carolina para ipakita ang ibat-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan sa pabahay at land development ng siyudad. Magkakaroon din ng Amazing race sa lugar at simpleng programa bilang pagbubukas ng naturang annual convention.

Ang pangalawang araw na pagtitipon ay ang convention proper at plenary sa Avenue Plaza Hotel kung saan  tatalakayin ang papel na ginagampanan ng mga Real Estate Practitioners sa Tourism Marketing at Promotions sa pamamagitan ni Domingo Ramon C. Enerio,  ang Chief Operating Officer, Tourism Promotions Board ng REBAP bilang resource speaker.

Magkakaroon din ng Gala at Fellowship night na dadaluhan ng mga mataas na opisyal ng lungsod at probinsiya.

Ang huling araw ng pagtitipon ay ang Thanksgiving Mass sa Basilica Minore.

Ang REBAP ay pormal na nairehistro sa Securities and Exchange Commission noong January 4, 1979 bilang non-stock, non-profit, non-sectarian, non-political corporation. (LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

Tuesday, November 12, 2013

Pinsala ni Yolanda sa Catanduanes mahigit 65 milyon - PDRRMO

VIRAC, Catanduanes, Nob. 12 (PIA)- Umabot sa mahigit 65 milyon ang pinsalang idinulot ng bagyong ‘Yolanda’ sa lalawigan.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni Engr. Nieva Santelices, bagama’t hindi direktang tumama ang bagyo sa lalawigan ay malaki ang naging epekto ng hangin, ulan at storm surge na dulot nito.

Sa pinakahuling report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na isinumite sa PDRRMO, umabot sa P63,617,000.00 ang pinsala ng bagyo sa imprastraktura na kung saan malaking porsyento ay pinsala sa mga seawall na tinamaan ng storm surge.

Samantala umabot naman sa P654,000 ang pinsala ni Yolanda sa agrikultura sa mga bayan ng Baras, Bato at Pandan at P305,000 naman ang pinsala sa fisheries sa mga bayan ng Baras, Bato at Gigmoto.

Dalawang unit naman ng motor banca ang nasira sa bayan ng baras na may kabuuang halaga na P60,000; 6 units paddle and 1 unit motor banca naman ang nasira sa bayan ng Baton a may halagang umaabot sa P245,000.

Mahigit P23,500 naman ang naiulat na pinsala sa livestocks sa bayan ng Baras.

Sa pinakahuling taya ng PDRRMO, umabot sa 243 kabahayan ang nasira sa mga bayan ng Baras (28); Gigmoto (28); Pandan (1) at Virac (84).

Samantala, mahigit 85% na ng kuryente ang naibalik sa normal. Ayon sa First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. (FICELCO) na pinamumunuan ni Gen. Manager Sammuel Laynes, sisikapin nilang maibabalik ang kuryente sa ibang lugar sa lalawigan ngayong linggo.

Hinahantay lang umano nilang matapos ang clearing operations na isinasagawa ng kanilang mga tauhan upang matiyak ang kaligtasan ng mga member-consumers. (MAL/EAB-PIA5/Catanduanes)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=841384225414#sthash.z2K9eG8j.dpuf

Mga ahensiya ng pamahalaan sa Bicol tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 12 (PIA) – Ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan sa Bicol ay hindi nag-aksaya ng panahon sa kanilang dagliang tugon sa pagtulong sa mga karatig probinsiya nito sa Kabisayaan sa pamamagitan ng relief operations simula pa noong Sabado, Nobyembre 9.

“Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 bilang nangunguna sa relief operations sa Eastern at Western Samar ay nagpadala ng pangunang 8,000 relief goods na nagkakahalaga ng P2,058,400 para sa mga biktima ng  Super Typhoon Yolanda sa mga bayan ng Guiuan at Taft ng Eastern Samar,” sabi ni DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program Information Officer Glorei Allelu Lindio sa isang panayam sa “Aramon Ta Daw (Ating Alamin)” isang programa sa radyo ng Philippine Information Agency (PIA)-Bicol kahapon.

Ayon kay DSWD Regional Director Arnel B. Garcia ipagpapatuloy ng DSWD ang paghahanda at pag-repack ng 200,000 family food packs na naglalaman ng 3 kilo ng bigas, 7 de lata at 10 pakete ng kape.

Bawat family pack ay nagkakahalaga ng P257.30 at ang karagdagang 2,752 piraso ay ipinadala sa Samar kahapon. “Nagpapasalamat kami sa 1,000 volunteers na binubuo ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP), mga personahe ng mga lokal na pamahalaan, mga kawani ng DSWD na naghanda ng mga family packs sa loob mahabang oras,” sabi ni Lindio.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ay ipinadala noong Linggo ng umaga (November 10) ang kanilang clearing team na binubuo ng 15 heavy equipment operators, 5 mekaniko at 5 manggagawa kasama ang 7 dump trucks at 1 payloader na tutulong na linisin ang mga kalsada sa Samar. “Ang pangkat ay pinamumunuan ni enhinyero Elmer Redrico at District Engineer Romeo Doloiras ng Catanduanes District Engineering Office,” sabi ni DPWH Regional Information Officer Lucy CastaƱeda sa PIA.

Personal na pinangasiwaan ni DPWH Regional Director Danilo Dequito ang pagpapadala ng 1,020 food packs na bawat isa ay naglalaman ng 3 kilo ng bigas, noodles, kape, de lata at asukal sa Samar kasama si Albay Second District Engineer Rudy Angulo.

Umalis kahapon sa Daet ang karagdagang dump truck galing Camarines Norte na nakasakay ang mga manggagawa at relief goods galing Camarines Sur. Ang Sorsogon Second District Engineering Office ay nagbigay ng gasolina sa mga sasakyan. Ipapadala rin ang karagdagang chainsaw at generator kasama ang dalawa pang karagdagang manggagawa, sabi ni CastaƱeda sa PIA.

Ang Philippine Army (PA) sa rehiyon Bicol Region ay nagpadala ng pangkat noong S abado pa upang maging bahagi ng humanitarian mission sa Leyte.
Ayon kay PA 9th Infantry Division Public Affairs Officer Captain Mardjorie Paimela Panesa, ang pangkat ay binubuo ng 30 sundalo na mga kasapi ng Disaster Response Operations (DRO) Team at military doctors na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Mamerto Losa na magsasagawa ng malawakang search and rescue operations at tulong medikal sa mga biktima ng bagyo.
Samantala, ang Office of Civil Deference (OCD) Field Office 5 ay mangunguna sa rapid damage and need assessment sa Eastern at Western Samar na may pangkat na binubuo ng OCD, DSWD, Department of Health (DOH) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Lindio, 20 kawani ng DSWD ay kasama sa nasabing pangkat. Ayon kay Garcia, ang makakalap na impormasyon ay magsisilbing basehan sa pagtukoy ng mga bayan na lubhang nasalanta, ang populasyon na apektado at ang food packs na ipamamahagi.

Kahapon, Nobyembre 13, ang resulta ng rapid assessment ng DSWD sa Samar ay nagtala ng 21 munisipyo at 130 barangay na apektado ng bagyong Yolanda.

Ang mga bahay na nagkaroon ng sira ay umabot sa 12,076, ang nawasak ay 13,221, at 64,729 pamilya at 202, 817 tao ang naapektuhan ng bagyo. Ang kumpirmadong nasawi ay umabot sa 245, ang nasugatan ay 911 samantalang 75 ang nawawala, ayon sa tala ng DSWD sa social media.

Sa pagtugon sa dagliang pangangailangan ng mga biktima, ang DSWD ay magpapadala ng karagdagang pagkain gaya ng biscuits, assorted cupcakes, mineral water, kandila, lighter at flash lights, sabi ni Lindio sa PIA.

Ang DSWD ay bukas sa pagtanggap ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng mga donations desk nito na nakatalaga sa anim na probinsiya sa Bicol, dagdag ni Lindio. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)

Lampas 145 libo na pamilya sa Bicol apektado ng bagyong ‘Yolanda’ – OCD Bicol

BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 12 (PIA) – Umabot sa 145,059 na pamilya sa rehiyon Bicol ang apektado ng super typhoon Yolanda habang sinasalanta nito ang mga karatig probinsiya sa Kabisayaan umaga ng Biyernes at Sabado ng nakaraang linggo.

Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) – Bicol na 708,464 katao ang inilikas, karamihan nito ay nasa Albay na umabot sa 533,673 katao o katumbas ng 145,825 pamilya.

Ang probinsiya ng Sorsogon ay nagtala ng 23,551 pamilya o 95,691 katao sa evacuation centers habang ang Camarines Sur ray nagkaroon ng 9,177 pamilya o 42,956 katao.

Ang Masbate ay nagtala ng 20,521 katao o 4,501 pamilya ang naapektuhan o dili kaya’y nawalan ng tirahan dahil sa bagyong  Yolanda. Ang probinsiya ng Catanduanes ay nag-ulat ng 390 pamilya o 2,563 katao na apektado ng bagyo.

Ang Camarines Norte ay naglikas ng 2,317 pamilya o  11,341 katao. Samantala sa Lungsod ng Naga, 298 pamilya o 1,719 katao ang inilikas sa evacuation centers.

Sa pinakahuling ulat ng OCD-Bicol, mayroon pang 667 pamilyang evacuees o 21,319 katao sa islang probinsya ng Masbate alas otso ng umaga noong Nobyembre 11.

Nakaranas din ng storm surges ang mga bayan ng Presentacion, SagƱay at San Jose, lahat sa probinsiya ng Camarines Sur. Kinumpirma din ng OCD–Bicol na 120 kabahayan sa Precentacion ay nawasak at 109 ang nagkaroon ng sira. Sa Sangay, 40 kabahayan ang nagkaroon ng sira at 10 bahay sa San Jose ang nagkaroon ng sira o partially damaged.

Naiulat din ang isang ipo-ipo sa Sitio Busaing ng Barangay Homestead sa bayan ng Siruma sa Camarines Sur na nagwasak sa apat na bahay.
Iniulat ng OCD Bicol na nagkaroon ang rehiyon Bikol ng kabuuang 215 kabahayan ang nawasak at 227 naman ang nagkaroon ng sira sanhi ng bagyong Yolanda.

Naiulat din ang pagguho ng lupa sa pagitan ng mga bayan ng Lagonoy at Presentacion sa Camarines Sur sanhi ng malalakas na ulan.

Ayon sa pinakahuling ulat ng OCD-Bicol, nagtala ng limang nasawi sa bagyo ang rehiyon, apat nito ay sa Masbate at isa ay taga Camarines Norte. Ang mga nasugatan ay umabot sa 21 katao, sampu nito ay sa Camarines Sur, anim sa  Sorsogon at lima sa Masbate.

Noong alas-diyes ng umaga ng Nobyembre 11, tinatayang umabot sa halagang P174,762,666.99 ang nasira sa agrikultura at 4,005 magsasaka ang apektado ng bagyo, ayon sa ulat ng OCD-Bicol. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

38 ektarya ng palayan sa Camarines Norte naapektuhan ng bagyong Yolanda

BY: REYJUN VILLAMONTE

DAET, Camarines Norte, Nobyembre 12 (PIA) -- Naapektuhan ang 38 ektaryang taniman ng palay sa Camarines Norte kung saan 37 magsasaka ang apektado nito sa mga bayan ng Mercedes, San Vicente at Sta. Elena.

Ito ay batay sa inisyal na ulat ng mga Municipal Agriculturist Office na ipinaabot sa tanggapan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa pahayag ni Provincial Rice Report Officer Maria V. de Jesus ng OPAG, 21 ektaryang taniman ang may pag-asa pang mabuhay o mahigit 83 toneladang palay na umaabot sa halagang mahigit isang P1 milyon samantalang 17 ektarya naman ang wala ng pag-asa.

Wala namang naapektuhang palayan sa mga bayan ng Basud, Capalonga, Labo, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Vinzons.

Apektado rin ang mga pangisdaan sa bayan ng Vinzons kung saan mas malaki ang naapektuhan sa sea weeds na umaabot sa 50 tonelada ang napinsala katumbas ng halagang mahigit sa P1 milyon.

Hinihintay naman sa ngayon ang mga bayan ng Daet, Jose Panganiban at Talisay para sa mga karagdagan na ulat sa mga napinsalang pang-agrikultura.

Samantala, kaugnay pa rin ng bagyong Yolanda, isa ang naitalang patay sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa ipinalabas na ulat ng tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng pamahalaang panlalawigan.

Ang biktima ay pauwi sa kanilang tahanan kung saan ito ay tumatawid ng ilog, dahil sa lakas ng hangin at pag-ulan ay nawalan ito ng balanse at inanod ito dahil sa lakas ng agos ng tubig na nagsanhi ng kanyang pagkalunod.

Ang biktima ay mula sa barangay Lanot ng bayan ng Mercedes kung saan ang bayang ito ang may pinakamataas na apektadong pamilya na inilikas.

Samantala, umaabot sa 4,425 na pamilya o 19,573 indibidwal ang inilikas sa pre-emptive evacuation noong kasagsagan ng bagyo.

Ayon sa ulat ng PDRRMO, nagtala ang bayan ng Daet ng kabuuang P924,270 pinsala ng mga pananim at nasirang mga palayan.

Walang naitalang insidente ng pagguho ng lupa at pagtaas ng tubig sa mga ibat-ibang barangay ayon sa ulat ng mga MDDRMO ng bawat bayan dito.

Nakaranas din ang lalawigan ng pagkawala ng suplay ng kuryente at hindi naman nawala o naapektuhan ang daloy ng tubig dito sa kasagsagan ng bagyong Yolanda noong Biyernes. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=881384234486#sthash.C32kkHKT.dpuf

Operation Walang Iwanan! inilunsad sa lungsod ng Naga

LUNGSOD NG NAGA, Nob. 12 (PIA) --- Inilunsad dito ng lokal na pamahalaan at mga pribadong grupo ang Operation Walang Iwanan para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.

Sa  isang press conference, nanawagan ang mga tagapangasiwa na kinabibilangan ng Gawad Kalinga sa Camarines Sur at Naga City, opisina ni Congresswoman Leny G. Robredo ng ikatlong distrito ng Camarines at iba pang pribadong kompanya, para sa agarang pagpapabot ng tulong sa mga kababayang nasalanta sa naturang lugar.

Ayon kay Harry AzaƱa, provincial chairman ng Gawad Kalinga, agarang tulong ang kailangan ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa naturang lugar kung kaya’t  nanawagan siya sa mga NagueƱo at mga taga probinsiya ng Camarines Sur na may kakayahan sa magbigay tulong o donasyon  para sa mga nasalanta ng bagyo. Higit na kailangan ang pagkain at tubig na maiinom ngayon sa naturang mga lugar.

Sinabi ni AzaƱa na isang ten wheeler truck ang nakatakdang umalis sa Nobyembre 19 papuntang Samar-Leyte para maghatid ng mga naipon na donasyon gaya ng bigas, de lata, noodles at iba pang bagay na maaring maitulong sa mga biktima ng bagyo

Sa parte naman ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Naga sinabi ni Bise-Alkalde Nelson S. Legacion na nandyan ang kanilang pagsisikap na tumulong sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng mga pribadong sektor.

Ayon kay Legacion sa pamamagitan ng Sangguniang Panglungsod ay gagawa sila ng awtorisasyon kay Alkalde John Bongat na kumuha ng pondo sa calamity fund ng siyudad para ibigay na tulong sa mga probinsiya ng Visayas.

Sinabi pa nito na noong nakaraang buwan ng lumindol sa Bohol at Cebu ay halagang P200,000 ang kanilang naibigay na tulong at malamang makalikom sila ngayon ng P500,000 upang ibigay sa local na pamunuan ng Samar at Leyte. Nakatakda silang magkaroon ng session sa Huwebes para sa aprobahan ang naturang panukala.

“Imumungkahi ko rin na mas lalong magiging makahulugan ang ating pagtulong kung ang gagastusin sa Christmas party ay itutulong na lamang sa mga biktima ng bagyong Yolanda, “dagdag pa ni Legacion.

Ang magiging donation center ng Operation Walang Iwanan! ay ang Barangay Hall ng Tabuco at ang repacking area a naman ay ang Tabuco Elementary School sa Lungsod ng Naga.(MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

Mga ahensiya ng pamahalaan sa Bicol tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas

LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 12 (PIA) – Ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan sa Bicol ay hindi nag-aksaya ng panahon sa kanilang dagliang tugon sa pagtulong sa mga karatig probinsiya nito sa Kabisayaan sa pamamagitan ng relief operations simula pa noong Sabado, Nobyembre 9.

“Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 bilang nangunguna sa relief operations sa Eastern at Western Samar ay nagpadala ng pangunang 8,000 relief goods na nagkakahalaga ng P2,058,400 para sa mga biktima ng  Super Typhoon Yolanda sa mga bayan ng Guiuan at Taft ng Eastern Samar,” sabi ni DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program Information Officer Glorei Allelu Lindio sa isang panayam sa “Aramon Ta Daw (Ating Alamin)” isang programa sa radyo ng Philippine Information Agency (PIA)-Bicol kahapon.

Ayon kay DSWD Regional Director Arnel B. Garcia ipagpapatuloy ng DSWD ang paghahanda at pag-repack ng 200,000 family food packs na naglalaman ng 3 kilo ng bigas, 7 de lata at 10 pakete ng kape.

Bawat family pack ay nagkakahalaga ng P257.30 at ang karagdagang 2,752 piraso ay ipinadala sa Samar kahapon. “Nagpapasalamat kami sa 1,000 volunteers na binubuo ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP), mga personahe ng mga lokal na pamahalaan, mga kawani ng DSWD na naghanda ng mga family packs sa loob mahabang oras,” sabi ni Lindio.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ay ipinadala noong Linggo ng umaga (November 10) ang kanilang clearing team na binubuo ng 15 heavy equipment operators, 5 mekaniko at 5 manggagawa kasama ang 7 dump trucks at 1 payloader na tutulong na linisin ang mga kalsada sa Samar. “Ang pangkat ay pinamumunuan ni enhinyero Elmer Redrico at District Engineer Romeo Doloiras ng Catanduanes District Engineering Office,” sabi ni DPWH Regional Information Officer Lucy CastaƱeda sa PIA.

Personal na pinangasiwaan ni DPWH Regional Director Danilo Dequito ang pagpapadala ng 1,020 food packs na bawat isa ay naglalaman ng 3 kilo ng bigas, noodles, kape, de lata at asukal sa Samar kasama si Albay Second District Engineer Rudy Angulo.

Umalis kahapon sa Daet ang karagdagang dump truck galing Camarines Norte na nakasakay ang mga manggagawa at relief goods galing Camarines Sur. Ang Sorsogon Second District Engineering Office ay nagbigay ng gasolina sa mga sasakyan. Ipapadala rin ang karagdagang chainsaw at generator kasama ang dalawa pang karagdagang manggagawa, sabi ni CastaƱeda sa PIA.

Ang Philippine Army (PA) sa rehiyon Bicol Region ay nagpadala ng pangkat noong S abado pa upang maging bahagi ng humanitarian mission sa Leyte.
Ayon kay PA 9th Infantry Division Public Affairs Officer Captain Mardjorie Paimela Panesa, ang pangkat ay binubuo ng 30 sundalo na mga kasapi ng Disaster Response Operations (DRO) Team at military doctors na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Mamerto Losa na magsasagawa ng malawakang search and rescue operations at tulong medikal sa mga biktima ng bagyo.
Samantala, ang Office of Civil Deference (OCD) Field Office 5 ay mangunguna sa rapid damage and need assessment sa Eastern at Western Samar na may pangkat na binubuo ng OCD, DSWD, Department of Health (DOH) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Lindio, 20 kawani ng DSWD ay kasama sa nasabing pangkat. Ayon kay Garcia, ang makakalap na impormasyon ay magsisilbing basehan sa pagtukoy ng mga bayan na lubhang nasalanta, ang populasyon na apektado at ang food packs na ipamamahagi.

Kahapon, Nobyembre 13, ang resulta ng rapid assessment ng DSWD sa Samar ay nagtala ng 21 munisipyo at 130 barangay na apektado ng bagyong Yolanda.

Ang mga bahay na nagkaroon ng sira ay umabot sa 12,076, ang nawasak ay 13,221, at 64,729 pamilya at 202, 817 tao ang naapektuhan ng bagyo. Ang kumpirmadong nasawi ay umabot sa 245, ang nasugatan ay 911 samantalang 75 ang nawawala, ayon sa tala ng DSWD sa social media.

Sa pagtugon sa dagliang pangangailangan ng mga biktima, ang DSWD ay magpapadala ng karagdagang pagkain gaya ng biscuits, assorted cupcakes, mineral water, kandila, lighter at flash lights, sabi ni Lindio sa PIA.

Ang DSWD ay bukas sa pagtanggap ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng mga donations desk nito na nakatalaga sa anim na probinsiya sa Bicol, dagdag ni Lindio. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591384394242#sthash.cPLuRrVF.dpuf

Monday, November 11, 2013

Sorsoganon, malaki ang pasalamat sa pagkakasalba mula sa bagyong “Yolanda”

LUNGSOD NG SORSOGON, Nob. 11 (PIA) – Malaki ang naging pasalamat ng mga Sorsoganon dahilan sa pagkakasalba ng buong lalawigan at ng buong rehiyon ng Bicol mula sa hagupit ng bagyong “Yolanda,  ang itinututring na pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo, subalit labis na ikinalungkot din dito ang naganap sa ibang bahagi ng bansa partikular sa rehiyon ng Visayas.

Naniniwala silang ang malakas na pananampalataya , panalangin at ang naging maagap at maagang paghahanda ng mga kinauukulan dito lalo na ng Provincial, City at Municipal Disaster Risk Reduction Council (DRRMC) ang dahilan ng pagkakasalba at pagkamit ng layuning zero casualty.

Matatandaang Nob. 1 pa lamang ay nagpalabas na si Sorsogon Gov. Raul R. Lee ng mga adsvisory at memorandum sa lahat ng mga kinauukulan para sa kaukulang paghahanda at upang maiwasan ang malakihang danyos sakaling tumama ang bagyo sa lalawigan.

Naging mahigpit din ang ginawang pagmamanman sa mga lugar kung saan malaki ang posibilidad ng pagtaas ng tubig tulad ng Cadac-an River sa Juban at Irosin at ng mga lugar na posibleng mgkaroon ng pagguho ng lupa tulad ng Mt. Vintacan na nasa boundary ng Bulan, Magallanes at Juban at maging ang kabundukan ng Matnog lalo pa’t sa kauna-unahang pagkakataon ay nahati ang Sorsogon sa dalawang storm warning signal, Signal No. 4 sa Southern Sorsogon at Signal No. 3 sa iba pang bahagi ng Sorsogon.

Sa ipinadalang tala ng Provincial DRRM Office noong Sabado, umabot sa 19,069 na pamilya na binubuo ng 26,224 na mga indibidwal mula sa 14 na mga bayan sa Sorsogon ang nanatili sa mga evacuation center hanggang sa tuluyang makaalis ang bagyong “Yolanda”. May mga ilang bayan na hindi naitala ang bilang ng mga indibidwal na inilikas at tanging bilang ng mga pamilya lang ang naitala.

Umabot din sa 1,599 ang mga naistranded na pasahero, 85 truck, 45 bus, at 25 na maliliit na sasakyan ang naitala ng Coast Guard Station Sorsogon sa Pilar at Matnog habang wala naming naitala sa Bulan.

Alas-dose ng Sabado, Nob. 9, ay tuluyan nang nakabyahe ang lahat ng mga sasakyang pandagat sa lahat ng mga pantalan sa Sorsogon. Nananatili naman ang paalala sa mga mangingisda ng mga dapat sundin sa paglalayag sa panahong may sama ng panahon.

Tuluyan namang naalis sa banta ng bagyong “Yolanda” ang Sorsogon Biyernes ng hapon, Nobyembre 8. (MAL/BAR-PIA5/Sorsogon)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=801384140035#sthash.mvO3awe0.dpuf

Saturday, November 9, 2013

Mahigit 35 bahay nasira ng storm surge na dulot ng bagyong Yolanda

VIRAC, Catanduanes, Nob. 09, (PIA)- Mahigit 35 kabahayan ang nasira ng malalaking alon o ‘storm surge’ sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda kahapon, Nobyembre 08, 2013.

Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinamumunuan ni Governor Araceli B. Wong, sa 35 nasirang kabahayan, 29 ang mula sa Gigmoto at 6 naman ang sa Baldoc, Pandan.

Ang malalakas na alon na tumama sa mga coastal barangays ng mga bayan ng Pandan,Baras, Gigmoto, Virac at  Bato ay umabot sa 6-10 meters ang taas.

Kaugnay nito, mahigit 5,000 katao ang inilikas mula sa 11 bayan ng lalawigan na karamihan ay naninirahan sa mga coastal at landslide prone areas.

Ayon sa PDRRMO, bago pa man manalasa ang bagyong Yolanda ay nauna na nilang maipamahagi ang mga relief goods sa mga Municipal Disaster Risk Reduction and Managament Offices (MDDRMOs)para sa mga biktima ng bagyo na agad ding ipinamahagi ng MDRRMO sa mga apektadong pamilya.

Mahigit anim na oras namang naantala ang biyahe patungong Caramoran at Pandan matapos ang pagguho ng lupa o landslide sa Milaviga, Caramoran. Balik normal naman ang biyahe ng mga sasakyan sa nasabing lugar matapos ang clearing operations na isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Samantala, wala pa ring biyahe ang mga RORO patungo at paalis ng lalawigan na nagdulot ng mahigit 400 stranded passengers sa Tabaco port na pansamantalang inilikas sa Tabaco National High School bago ang inaasahang pagtama ni Yolanda.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Virac at San Andres, bukas pa maaaring magbiyahe ang mga barko patungo sa lalawigan dahil sa kasalukuyan ay mayroon pa ring Gale warning sa probinsya dahil pa rin sa malalakas na alon.

Kasalukuyan namang isinusuri ang kabuuang halaga ng epekto ng pananalasa ni Yolanda sa lalawigan. (MAL/EAB-PIA5/PIA Catanduanes)

Friday, November 8, 2013

Mga bagong daycare centers sa Masbate, pinasinayaan

LUNGSOD NG MASBATE. Nob. 7 (PIA) – Pinasinayaan kahapon ang dalawang gusali na magsisilbing daycare centers sa dalawang liblib na nayon sa bayan ng Cataingan, lalawigan ng Masbate.
                                         
Kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon ay ang municipal at barangay official ng Cataingan, mga kawani ng Department of Social Welfare and Development at mga kasapi ng bayanihan sa naturang mga barangay.

Ang bagong gusali sa barangay Badiang at Tagboan ay itinayo alinsunod sa programa ng pamahalaan na Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services at Kapangyarihan at Kaunlaran sa Mamamayan. Dahil dito, mismong mga taganayon ang namahala at nagsagawa sa konstruksyon ng dalawang gusali.

Kasabay ng turn-over ng mga susi sa mga barangay officials, nagpahayag ang mga volunteers ng pagnanais na muli nilang i-aalay ang bahagi ng kanilang oras at lakas sa pagsasagawa ng iba pang proyektong pangkaunlaran sa ilalim ng KALAHI-CIDSS-KKB.

Nagbigay-pugay naman ang bise-alkalde sa naisagawa ng mga taganayon ng Badiang at Tagboan. Nangako rin ang alkalde ng patuloy na suporta ng pamahalaang bayan sa KALAHI-CIDSS.

Ang dalawang gusali ay tinustusan ng pinagsamang pondo mula sa Australian Aid, pamahalaang bayan ng Cataingan, barangay council, at donasyon ng mga taganayon.

Bago magtapos ang buwan, magagamit na ang dalawang gusali ng mahigit 80 daycare pupils at ng kanilang daycare workers na sa nakalipas na ilang buwan ay nagtiyagang nagsagawa ng kanilang aralin sa loob ng barangay chapel.

Bukod sa Cataingan, ang KALAHI-CIDSS-KKB projects ay ipinapatupad sa mga bayan ng Mobo, Cawayan, Palanas at Monreal. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=821383727671#sthash.GgskjEel.dpuf

Thursday, November 7, 2013

Signal No. 1 nakataas sa Catanduanes, klase kanselado na

VIRAC, Catanduanes, Nob. 7 (PIA) -- Nakataas na sa lalawigan ng Catanduanes ang Typhoon Signal No. 1 kasunod ng pagpasok ng bagyong ‘Yolanda’ sa Philippine Area of Responsibility kaninang umaga, Nobyembre 7, 2013.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si ‘Yolanda’ ay isang Super Typhoon na maaaring umabot sa 285mkph ang lakas.

Kaugnay nito, nagpalabas kahapon ng Executive Order si Governor Araceli B. Wong na sumususpinde sa lahat ng klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.

Wala na ring pasok ang mga government agencies sa probinsya maliban sa mga frontline services at disaster response-concerned agencies sa isla katulad ng Philippine National Police, Philippine Army at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinagbabawal na rin ang paglalayag sa karagatan ng anumang sasakyang pandagat dahil sa malalaking alon na dulot ng bagyo.

Bagama’t hindi pa inaasahang direktang tatama sa lalawigan si ‘Yolanda’ pinaigting na ang evacuation efforts sa mga naninirahan sa tabing dagat at mga landslide at flashflood prone areas.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), may ilang evacuees na rin ngayon ang nasa Provincial Capitol na itinalaga bilang isa sa mga evacuation centers sa lalawigan.

Ayon naman kay Gov. Wong, bagama’t hindi pa ramdam ang lakas ng bagyo sa Catanduanes ay hindi dapat maging kampante dahil malaki ang sakop ng nasabing ‘Super Typhoon’.

Dagdag pa niya, nakahanda na ang iba’t-ibang ahensya lalo ng pamahalaang panlalawigan lalo na ang disaster response-rescue units sa probinsya sakaling humagupit si ‘Yolanda’. (MAL/EAB/PIA5/Catanduanes)

Wednesday, November 6, 2013

PDRRMC nagpulong para maaghanda ng posibleng pananalasa ni ‘Yolanda’

VIRAC, Catanduanes, Nov. 6, (PIA)- Nagpulong kahapon, Nobyembre 5, 2013 ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Governor Araceli B. Wong kaugnay ng posibleng pananalasa ng bagyong Haiyan.

Ang bagyong Haiyan na tatawaging bagyong ‘Yolanda’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay pinangangambahang maging isang ‘super typhoon’ habang tinutumbok ang Bicol at Visayas.

Ang pulong na ipinatawag ni Wong ay dinaluhan ng mga sumusunod na kasapi ng PDRRMC: PAGASA, NFA, DILG, PNP, Philippine Army, Philippine Red Cross, PIA, PHO, DOH, PHO, DepEd at mga local na media.

Sinabi ni Wong na ipinatawag niya ang naturang pulong upang paghandaan ang maaaring epekto ng posibleng pagtama ng bagyo sa lalawigan at upang maglatag ng contingency plan.

Ayon sa PAGASA sa lalawigan na pinamumunuan ni Engr. Eufronio Garcia, bagama’t nasa labas pa ng PAR si Yolanda ay taglay na nito ang lakas na aabot sa 185 kilometers per hour (KPH) at patuloy na humihigop ng lakas sa karagatan.

Dagdag pa ng opisyal, mayroon umanong 60% hanggang 80% posibilidad na maaapektuhan ni Yolanda ang Bicol Region.

Kaugnay nito, ipinatupad na ng PDRRMO ng ‘No Sailing Policy’ sa mga sasakyang pandagat na may bigat na 3T pababa upang maiwasan ang anumang aksidenteng dulot ng malalakas na alon.

Nagpalabas na rin ng kautusan ang DILG sa mga municipal mayors na makipagpulong sa mga Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils sa 11 bayan ng lalawigan.

Ayon naman sa Provincial Health Office, simula ngayong araw ay naka-‘white’ alert o nakahanda 24 oras ng lahat ng medical personnel sa iba’t ibang district hospitals sa probinsya sakaling kailanganin ng publiko.

Samantala, tiniyak naman ng NFA na sapat ang suplay ng bigas at sa katunayan ay mayroon na umanong nakaimbak na mga bigas sa iba’t ibang warehouses ng NFA sa lalawigan bilang reserba sakaling manalasa ang bagyo.

Nakahanda rin umano ang mga rescue teams ng PNP at 83rd IB Philippine Army sa lalawigan sakaling kailanganin ng mga mamamayan.

Siniguro rin ng PRC na may sapat silang suplay ng pagkain at tents na maaaring ipamahagi sa mga Catandunganon.

Nangako naman ang media na tutulong sa patuloy na information dissemination sa publiko upang mabigyan ng sapat na impromasyon at kaalaman ang publiko kaugnay ng lagay ng panahon.

Nilinaw naman ng DepEd na hindi nila ipinagbabawal na magsilbing evacuation centers ang kanilang mga paaralan taliwas sa mga lumalabas na balita. Ayon sa kinatawan ng DepEd, tanging ang mga paaralang luma na at hindi na ligtas na maging evacuation center ang hindi nila pinapagamit.

Ayon kay Wong, bagama’t hindi ninuman ninanais na tumama ang bagyo sa lalawigan at maging sa ibang lugar sa bansa, mas mabuti na umano ang handa upang maiwasan ang pagbuwis ng buhay at pagkasira ng ari-arian.

Nanawagan din ang opisyal sa lahat na manalangin na huwag sanang direktang tumama ang bagyo sa kahit anong lugar sa Pilipinas. (EAB-PIA5/Catanduanes)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=841383665012#sthash.CptHPQ1Y.dpuf

“Coastal municipalities” sa Camarines Norte pinaghahanda sa bagyong “Yolanda”

DAET, Camarines Norte, Nobyembre 6 (PIA) – Pinaghahanda na ang mga nakatira malapit sa dalampasigan sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay ng papalapit na bagyong “Yolanda”. ayon kay Carlos Galvez ang provincial disaster risk reduction and management officer  ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Galvez kanya ng inalerto ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMC) sa mga bayan lalong lalo na sa mga “coastal municipalities” na maging handa sa paparating na bagyo kung saan dapat mabantayan ang mga mangingisda na huwag ng pumalaot pag itinaas na ang “gale warning”.

Sinabi ni Galvez na laging nagiging problema ng lalawigan ang mga nawawalang mangingisda sa panahon ng bagyo sapagkat hindi sila naaabisuhan o nababantayan ng Philippine Coast Guard.

Aniya sakop lang ng pagbabantay ng coast guard ang mga sasakyang pandagat na 3 tons pataas kung saan hindi naaabisuhan ang mga maliliit na mga bangka dahil walang batas maging sa lalawigan at mga bayan kaugnay nito.

Sinabi niya na sa nakaraang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ay napagkasunduan na magpapasa ng isang ordinansang panlalawigan na magbibigay ng parusa sa mga may-ari ng bangka na magpapalaot kung nakataas na ang “gale warning”.

Aniya sakop lang ng “municipal boundary” ay 10 kilometro galing sa baybaying dagat samantalang ang mga mangingisda ay kadalasang lumalabas at nakakarating pa sa ibang lugar tulad ng Catanduanes at Quezon.

Aniya sa ngayon ay may walo (8) pang mangingisda ang nawawala sa panahon ng bagyong “Santi” kung kaya’t paiigtingin nila ang pagbabantay dito.
Sa siyam (9) na mga “coastal municipalities” ang bayan ng Mercedes ay mayroong “Bantay Dagat” na siyang nakakapagbantay sa panahon ng “gale warning” samantalang may mga lokal na istasyon ng radyo ang mga malalayong bayan tulad ng Jose Panganiban, Paracale, Sta. Elena at Capalonga na nakakapagbigay ng mga babala sa bagyo.

Kabilang rin sa mga bayan na may karagatan ay ang Daet, Vinzons, Talisay at Basud kung saan malapit naman sa mga pangunahing istasyon ng radyo at telebisyon.

Samantala sa ganap na ika-1:00 ng hapon ngayong araw ay magpupulong ang PDRRMC upang pag-usapan ang paghahanda kaugnay ng paparating na bagyong “Yolanda” na ipinatawag ni Gobernador Edgardo Tallado. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

Inagurasyon san mga bag-o na daycare centers sa Masbate guin hiwat

CIUDAD SAN MASBATE, Nob. 6 (PIA) – Guin hiwat kahapon an inagurasyon san duha na building na magasirbe na daycare centers sa duha na halayo na baryo sa munisipyo san Cataingan sa probinsya san Masbate.

Kaupod sa mga nagtambong sa okasyon an municipal kag barangay officials san Cataingan, mga sinakupan san Department of Social Welfare and Development kag mga miyembro san bayanihan sa nasambit na mga barangay.

Ang bag-o na building sa Barangay Badiang kag Tagboan guin tindog susog sa programa san gobierno na Kapit-Bisig Laban sa kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services at Kapangyarihan at Kaunlaran sa Mamamayan. Dahilan sani, mismo an tag-lugar an nagmanehar kag nangamot sa konstruksyon sa duha na proyekto.

Dungan sa turnover san mga llave sa mga opisyales san barangay, nagpahayag an mga volunteers san kagustuhan na sa guihapon maga hatag sinda san oras kag kusog sa paghimo san iba pa na mga ikauswag na proyekto sa idalom san KALAHI-CIDSS-KKB.

Naghatag pagtahud an bise-mayor sa guin himo san mga tagabaryo san Badiang kag Tagboan. Mientras nagpromisa man an meyor san padayon na suporta sa KALAHI-CIDSS hali sa gobierno lokal.

An duha na building ginastuhan hali sa biniriyo na pondo san Australian Aid, gobierno lokal san Cataingan, barangay council kag donasyon san mga benepisaryo.

Antes matapos an bulan, magagamit na ang duha na proyekto san lampas 80 na daycare pupils kag san mga daycare workers na sa nakalipas na mga bulan nagatiyaga maghiwat san klase sa inda kapilya.

Apwera sa Cataingan, ang KALAHI-CIDSS-KKB projects guin patuman man sa munisipyo san Mobo, Cawayan, Palanas kag Monreal. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

Pasok sa mga paaralan, opisina sa Albay suspendido simula bukas

LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt 6 (PIA) – Upang makapaghanda sa nakaambang panganib dulot ng bagyong Yolanda ipinagutos ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang pagsuspinde ng pasok sa lahat ng antas ng pampamahalaan at pampublikong paaralan at trabaho sa mga pampamahalaang tanggapan simula bukas, Nobyembre 7.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, PDRRMC chair, ang direktiba ay bahagi ng mga isinasagawa ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang negatibong epekto ng nakaambang kalamidad sa buhay ng mga mamamayan at makamit ang adhikaing “zero casualty.”

“Ang maagang pagsuspinde ng pasok ay para sa mga pamilya ng mga mag-aaral na ito at ng mga guro at tagapangasiwa ng paaralan upang mabigyan sila ng panahon na makapaghanda sa bagyo gayundin ang paghahanda ng mga paaralan upang magamit na evacuation centers,” ani Salceda.

Dagdag pa ni Salceda hindi sakop ng pagsuspendi ng pasok sa mga pampamahalaang ipisina ang mga tanggapan na kinakailangan sa emergency response kasama na ang  Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Bicol Regional Teaching and Training Hospital (BRTTH) at iba pang pampamahalaang pasilidad sa mga lungsod at bayan.

Hindi rin kasama sa nasabing pagsuspendi ang mga government financial institutions, lalo na mga bangko, upang makapagbigay-tugon sa pinansyal na pangangailangan ng mga mamamayan hanggang sa Biyernes bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa bagyo.

Hinihimok naman ang mga tindahan ng mga pangunahing bilihin, gamot at iba pa na manatiling bukas hanggang bukas ng hapon para sa mga mamimili upang masigurong sapat ang kanilang mga kinakailangan bilang paghahanda sa nasabing sama ng panahon.

Samantala, ayon kay Bicol regional director Bernardo R. Alejandro IV ng Office of the Civil Defense (OCD) at chairman ng Bicol Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC), kanya ring inererekomenda ang mga nasabing gawain sa mga DRR authorites ng ibang probinsiya sa rehiyon lalo na sa Masbate at Sorsogon na tinatayang maapektuhan ng bagyo. (MAL/SAA/PIA5/Albay)

Tuesday, November 5, 2013

Mga nanalo sa patimpalak ng Aral Kalikasan Program sa Camarines Norte tumanggap ng parangal

DAET, Camarines Norte, Nob. 5 (PIA) -- Tumanggap ng parangal ang mga mag-aaral na nanalo sa Environmental Science Quiz at Oratorical Contest ganundin sa Environmental Awareness Challenge for Teachers o E-ACT sa mga guro sa elementarya ng pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay kaugnay sa patimpalak ng Aral Kalikasan Program na pinangunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng pamahalaang panlalawigan na isinagawa noong ika-30 ng Oktubre ngayong taon sa Audio Visual Production Center ng kapitolyo probinsiya.

Sa Environmental Science Quiz, nakuha ni Viberly Rashad R. Reyes ng Daet Elementary School ang unang puwesto, ikalawang puwesto si Sofia Isabel I. Cabral ng Paracale E/S at si Camille C. Tuibeo ng Jose Panganiban E/S para sa ikatlong puwesto.

Nakuha naman ni John Harold J. NataƱo ng Labo Elementary School ang unang puwesto sa Oratorical Contest, ikalawa si Princess Merison L. Solver ng Basud E/S at pangatlong puwesto si Frances Nicole A. Labarro ng Daet E/S.

Samantala, sa Environmental Awareness Challenge for Teachers (E-ACT) o paligsahan ng mga guro, unang puwesto si Marife S. Madera ng Daet Elementary School, pangalawa si Myamor S. Estrella ng Mercedes E/S at ikatlong puwesto naman si Susan J. Maigue ng Sta. Elena E/S.

Ang mga nanalo ay tumanggap ng gantimpala ng halagang P3,000 sa unang puwesto, P2,000 sa ikalawa at 1,000 sa ikatlong puwesto kasama na rin ang medalya at sertipiko samantalang ang tropeyo naman ay para sa paaralan.

Binigyan din ng sertipiko ng pakikilahok ang mga hindi nagwagi ng naturang patimpalak.

Ang paligsahan ay bahagi ng adbokasiya sa Environmental Awareness Program ng pamahalaang panlalawigan na isinasagawa bawat taon tuwing buwan ng Oktubre.

Tema ngayong taon ang “Mag-isip ng wasto. Kumain ng sakto. Magtipid ayon sa plano. Dami ng pagkain sa mundo, ipasiguro”. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

2 sa 9 na bilanggo na tumakas sa Tinagis Penal Colony, sumuko na

LUNGSOD NG NAGA, Nob. 5 (PIA) --- Dalawa sa siyam na bilanggo na tumakas mula sa Tinangis Penal Colony sa bayan ng Pili,Camarines Sur ang naibalik na sa dating selda kahapon matapos sumuko ang mga ito pulisya ng San Jose, Del Monte, Bulacan ilang araw na ang nakalipas.

Nailipat na kahapon mula sa kostudiya ng mga tauhan PNP San Jose, Del Monte, Bulacan ang mga naturang bilanggo sa PNP Camarines Sur na siya namang nagdala pabalik sa bilangguan sina Muriel San Joaquin na may kasong carnapping mula sa bayan ng Magarao at si Erwin Capuz ng bayan ng Canaman sa kasong paglabag ng Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang dalawang bilanggo ay kusang sumuko sa naturang lugar dahil na rin sa pakipagtulungan ng mga magulang at kapatid nila Muriel San Joaquin at Erwin Capuz.

Noong huling araw ng Oktobre nakatanggap ng impormasyon si OIC provincial director Ramiro Bausa ng PNP Camarines Sur na sumuko ang dalawang bilanggo sa Lalawigan ng Bulacan at agad na naman itong gumawa ng koordinasyon para maibalik ang mga ito dito sa probinsiya.

Kaugnay nito patuloy pa rin hinahanap ng mga awtoridad ang pito pang bilanggo na tumakas sa penal colony ng Camarines Sur na sina: Rolly Cabaltera, Roland Negrido, Juan Polidario, Gilford Embile, Richard Tele, Eugene Brutas and Cea Kalim. Mabibigat na kaso ang hinaharap nito gaya ng rape, murder, carnapping at droga.

Nanawagan naman si Bausa sa mga magulang, kamag-anak at mismo sa pito pang nakatakas na bilanggo na sumuko na.

Gayun din nanawagan siya sa publiko na agad iparating sa mga awtoridad ang makita nilang kahinahinala at hindi kilalang umaaligid sa kanilang lugar.

Ang siyam na inmates ay tumakas noong Oktobre 29, 2013 bandang alas 12:30 ng hapon sa pamamagitan ng paglagari ng rehas na bakal sa may parteng comport room. (MAL/DCA-PIA5/Camarines Sur)

Red tide warning, nakataas pa rin sa isang bayan sa Masbate

BY: ERNESTO A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 5 (PIA)— Muling nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng mga lamang dagat mula sa bayan ng Milagros sa Masbate.

Sa huling shellfish bulletin na inilabas ng BFAR, nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison or red tide toxin ang baybaying dagat na sakop ng  Milagros.

Kabilang sa ipinagbabawal pa ring kainin at ibenta sa mga pamilihan ang mga lamang dagat kagaya ng alamang at talaba na makukuha sa baybaying dagat ng Milagros.

Ang isda, alimango, pusit at hipon ay ligtas namang kainin basta tanggalan ng bituka at hasang at linising mabuti bago lutuin at kainin.

Itinaas ang red tide alert sa Milagros sa pamamagitan ng shellfish bulletin No. 19 na inilabas ng BFAR noong Agosto 5.

Sa shellfish bulletin No. 25 na inilabas ng BFAR, ipinaalala ni BFAR Director Asis Perez na kabilang ang Milagros sa mga lugar na nananatiling mataas ang red tide toxin.

Nananatiling positibo sa dynoflagellate bloom o mas kilala sa red tide toxin ang baybayin ng Milagros.

Ang Milagros ay isang major source ng seafoods dahil sa yamang-dagat nito sa Asid Gulf.  Ang bulto ng marine products nito ay  iniluluwas sa kabisera ng Masbate, Metro Manila at Bicol mainland.

Kapuna-punang may pagsibol ng red tide sa Milagros magmula  noong dekada 90. Sa obserbasyon ng lokal na pamahalaan sa Milagros, ang red tide ay maaring magtagal ng ilang linggo o ilang buwan bago ito maglaho.

Hindi pa rin maipaliwanag ng mga syentipiko kung ani ang nagiging sanhi ng pamumukadkad ng dinoflagellates.

Bukod sa Milagros, Masbate, nananatili pa ring positibo sa red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=821383599117#sthash.ew54RkJX.dpuf

Monday, November 4, 2013

Fish Conservation Week nakatuon sa pagpapalaganap impormasyon at adbokasiya sa kahalagahan ng mga yamang-dagat

LUNGSOD NG SORSOGON, Nob. 4 (PIA) – Naging makabuluhan para sa mga Casiguranon ang naging pagdiriwang ng Fish Conservation o FishCon Week nitong nakaraang Oktubre na nakatuon sa pagpapalaganap impormasyon at adbokasiya sa kahalagahan ng mga yamang-dagat at paghikayat sa mga tao na tumulong sa pangangalaga ng mga yamang-dagat na ito para sa mga susunod pang salinlahi.

Ayon kay Casiguran Mayor Ester Hamor, naantala man ang pagdiriwang dahil sa paghahanda para sa Kasanggayahan Festival sa parehas na buwan , hindi pa rin ito naging hadlang upang gawing makabuluhan ang isinagawang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang na ito.

Isa sa mga naging aktibidad ang pagkakaroon ng coastal clean-up sa Barangay Central na nagbigay daan upang higit pang mapukaw ang kamalayan ng mga residente ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na dalampasigan. Nagtulong-tulong naman sa paglinis sa dalampasigan ang mga boy scouts kasama ang ilang mga sundalo, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at ang Barangay Fisheries and Aquatic Resources Management Council (BFARMC). Sila din ang nanguna sa pagtatanim ng mga bakawan sa isa sa mga kostal na barangay sa Casiguran, ang Barangay Tulay.

Noong ika-dalawampu’t-apat ng Oktubre ang siyang naging pinakasentro at siya ring huling araw ng selebrasyon kung saan buong araw ay punung-puno ng mga gawaing nakatuon para sa pangangalaga at sustenableng paggamit ng mga yamang dagat.

Matapos ang isang misa na sinundan ng parada ay nagsagawa ng demonstration at lecture ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kinapalooban ng pagtalakay kung paano gumawa ng fish pen at fish cage at kung paano ang tamang pag-alaga sa mga primerang klaseng lamang-dagat tulad ng lapu-lapu, bangus at sugpo.

Ipinakita naman ng LGU-Casiguran ang kanilang buong suporta sa pangunguna Hamor na itinuon ang kanyang mensahe sa pagbibigay ng abot-abot na pasasalamat sa lahat ng mga lumahok at nakiisa sa naturang selebrasyon at tiniyak nitong handa ang lokal na pamahalaan ng Casiguran na sumoporta sa mga programang tiyak na kapupulutan ng aral at magbibigay ng benepisyo hindi lamang sa kanyang mga nasasakupan kundi maging sa kung ano ang makabubuti sa kapaligiran.

Ang Fish Conservation Week celebration ay alinsunod sa Proclamation Number 176 na inilabas noong Oktubre 21, 1963 at ipinagdiriwang tuwing Oktubre 13 hanggang Oktubre 19. Ngayong taon, ang Pilipinas ay nagdiriwang ng 50th FishCon week na may temang, “Pangisdaang Pinagyaman Ngayon, Henerasyong Sagana sa Panghabang Panahon.” (MAL/BAR/IRDF/PIA5)

Paggunita ng “Undas” naging maayos at payapa sa Camarines Norte—PNP

DAET, Camarines Norte, Nob. 4 (PIA) – Naging maayos at payapa sa pangkalahatan ang paggunita ng “Undas” sa lalawigan ng Camarines Norte base sa pagtaya ng panglalawigang tanggapan ng kapulisan dito.

Ayon kay provincial director PSSupt. Moises Pagaduan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), may ilang mga naitalang “petty crimes” rin ang tanggapan ng mga kapulisan sa mga bayan at bukod dito ay wala namang malalaking insidente ng karahasan sa lalawigan.

Ayon sa kanya base sa kanyang pagbisita sa mga bayan sa panahon ng Undas nakatalaga naman ang mga kapulisan sa mga mahahalagang lugar lalong lalo na malapit sa mga sementeryo.

Aniya una rito nagbigay siya ng atas sa mga hepe ng mga kapulisan sa mga bayan na maging alerto sa panahon ng Undas upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagbabakasyon at nagbibiyahe para sa naturang paggunita.

Sa bayan naman ng Daet nagkaroon ng “re-routing” ng mga sasakyan upang maiwasan ang trapiko malapit sa mga sementeryo.

Base sa pagbabantay o “monitoring” sa Undas nakita ang mga kapulisan sa mga pangunahing kalye sa bayan  at maging ang mga itinalagang mga “assistance booth” na nagbibigay ng tulong sa publiko tulad ng Daet Emergency Alert Team (DAET) at maging ang Kabalikat Civicom at Kabalikat Charity.

Nagbantay rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga itinalagang lugar upang magbigay ng tulong pamatay sunog kung saan sa ngayon ay wala pang pangkalahatang panlalawigang ulat ang kanilang tanggapan sa nakaraang Undas. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=871383534191#sthash.FlIeyFKk.dpuf

Sama-samang pagkilos susi sa pag-asenso o “inclusive growth” -- DILG

DAET, Camarines Norte, Nob. 4 (PIA) – Upang makamit ang “inclusive growth” kailangan ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan at iba't-ibang sektor ng lipunan tungo sa pag-asenso, pagbibigay diin ni  ayon kay provincial director Edwin Garcia ng Department of Interior and Local Government” (DILG).

Ito ang inihayag ng nasabing opisyal sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency ng Camarines Norte kaugnay ng Local Government Code Month na may temang “Kilos Progreso Makilahok sa Pag-asenso” noong Miyerkules (Oktubre 30).

Sinabi niya na ang sama-samang pagkilos tungo sa progreso ay pangunahing isinusulong ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kung saan ito ang susi upang matamo ang pag-unlad na nakapaloob sa tinatawag na “inclusive growth”.

Aniya napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga lokal na pamahalaan sa pag-asenso sapagkat dahil sa Local Government Code nagkaroon sila ng kakayahan na maibigay ang mga serbisyo sa mga nangangailangan sa baba lalong lalo na sa mga barangay hindi tulad ng dati na ito ay galing pa sa nasyunal.

Aniya sa pamamagitan ng Local Government Code ang mga nasa lokal na pamahalaan ay may kalayaan o “autonomy” para magdesisyon kung paano at kung ano ang kanilang gagawin upang magbigay ng mga serbisyo sa kani-kanilang nasasakupan.

Aniya sa pamamagitan ng “Bottoms Up Strategy” may kakayahan ang lokal na pamahalaan ng magsagawa ng konsultasyon sa komunidad at maging sa ibat-ibang katuwang tulad ng mga espesyal na grupo ang “Local School Board”, “Local Health Board” at maging ang mga non-government organizations na binibigyan ng akreditasyon para makilahok sa pamamahala.

Aniya ng nakaraang buwan ay nagkaroon na rin ng pagbibigay ng akreditasyon sa mga Civic Society Organizations (CSO) gaya ng “non-government organizations”, “people’s organizations” at ibat-ibang sektor upang makatuwang ng mga lokal na pamahalaan sa pagtalakay ng mga usapin sa komunidad.

Matatandaan na ang Local Government Code ay sinimulang ipatupad noong 1991 sa ilalim ng Republic Act 7160 at ang ika-10 ng Oktubre ang araw ng anibersaryo nito.

Sinabi niya na ng nakaraang ikalawang kwarter ng taon nagkaroon ng 7.6 Growth Domestic Product (GDP) ang Pilipinas at ito ay mataas, dapat aniya ay malaman natin kung sino ba ang nakakatulong upang makamit ito ang mayayaman o ang mahihirap.

Aniya ang mga mahihirap ay hindi lang dapat nakikinabang bagkus maging bahagi ng “inclusive growth” at magkaroon ng produksiyon o “output” para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sinabi niya na  may mga proyekto na rin na ginagawa na katuwang ang mga komunidad kasama ang mga mahihirap  sa pamamagitan ng “Bottoms-Up Budgetting”  tulad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive Integrated Delivery of Social Service (KALAHI-CIDSS) at ibat-iba pang mga proyekto kung saan kasama ang komunidad sa pagtalakay at implementasyon ng mga proyekto sa mga barangay.

Aniya ang problema sa kahirapan ay binibigyan rin ng pansin sa “international” kung saan tinutulungan ang mga bansa na nasa “3rd World” kaya may mga programa na ipinapatupad ang Pilipinas sa ilalim ng “Millennium Development Goals” (MDG).

Pinaalalahanan din niya ang mga bagong halal na mga opisyales ng mga barangay na maging maayos ang kanilang pamamahala sa kani-kanilang nasasakupan at iwasan rin ang magkaroon ng “corruption”. Aniya ang mga matataas na opisyal ay nakakasuhan dahil dito at malaki ang parte ng media at ng mamamayan sa pagbabantay upang ito ay maiwasan, ayon kay Garcia.

Aniya magsasagawa ng oryentasyon ang kanilang tanggapan para sa mga bagong halal na opisyales ng barangay upang magabayan sila sa pamamahala sa kanilang mga nasasakupan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)